Keifer ( Kailani Father)
*
*
" Pumayag ang anak mo pakasal sa anak mo. Pero pagkalipas pa ng tatlong taon sa oras na magkaroon siya ng kasintahan hindi matutuloy ang kasal. Babayaran mo ang tatlong daang million piso na pinahiram ko sayo. Tatlong taon sigurado naman makakaipon kana pangbayad saakin, Kilala mo ako Mr Zuberi sa Oras na hindi ka magbayad sa Ilalim ka ng lupa pupulotin. " Mahinahon na Paliwanag ko
" Problema ko ang anak ko, Layas hindi ko alam kung papayag siya. Matigas ang ulo ng anak ko, Hindi ko alam kung saan siya nagmana kasing lamig ng yelo kung makitungo sa iba at kasing tigas ng bato ang kanyang puso." Napapailing na Paliwanag ni Mr Zuberi
" Gwapo ba ang anak mo? May Abs at makalaglag panty? " Excited na tanong ng Asawa ko
" Ah eh! Ahm 6 pack abs pati ata tagiliran ng anak ko may muscle moreno 6'3 ft, Gwapo naman kahit paano ang anak ko. Kaso masungit eh." Alanganin na Paliwanag ni Mr Zuberi
Pinakita nito saamin ang larawan ng anak napangiti ako
" Tamang-tama ang lalaki to para sa anak ko. Gusto niya sa lalaki ang Moreno matangkad, Bato bato ang katawan. masungit. Matapang ang lalaking to kayang kaya ipagtanggol ang anak ko. Sa tingin ko pag ito ang napangasawa ng anak ko gwapo at magaganda ang magiging Apo ko. " Piping sambit ko
" Okay na! Pwede na siya sa anak ko. Na transfer ko na ang pera sa account mo. Handa akong tumulong kung kailangan mo pa ng tulong, Huwag kang mahihiya basta siguradohin mo lang na papayag ang anak mo pakasal sa anak ko. Hindi na ako mag papaimbistiga sa anak mo. pagkalipas ng tatlong taon mag-usap ulit tayo." Nakangiti na pahayag ko
" Magiging tapat ako sayo Mr Willard. Ayaw ko dumating ang araw na maging kaaway ka. Matagal na tayo magkaibigan highschool palang tayo magpakilala na tayo, Kilala mo ako ayaw ko ng away. " Mahabang pahayag ni Mr Zuberi.
" Dami mong sinabi, Hanggang ngayon duwag ka parin, Deritsohin mo na ako." Tugon ko
" Hired assassin ang anak ko. Wala akong magagawa yon ang pinili niya na trabaho. " Seryoso na wika ni Alvin
" Hahaha! Good, Bagay nga siya sa anak ko." Masaya na wika ko napatingin saakin si Zuberi
" Hindi kaba natatakot baka mapatay ng anak ko ang anak mo? " Nababahala na Tanong ni Mr Zuberi
" Haha! Don't worry hindi basta-basta ang anak ko." Nakangiti na wika ni Ella
" Ahemmm! Alvin. Isang tanong anong sukat ang alam mo na ng anak mo? Habang buhay ang pagsasama ng anak mo at anak ko kailangan ko makasiguro naliligaya ang anak ko sa anak mo. " Seryoso na tugon ko
" Hahaha! Baby boy naunahan mo ako sa tanong na yan ah. " Natatawa na wika ng Asawa ko
" Alam mo naman ang anak mo. Lagi niyang iniisip ang bagay na yon, Wild ang anak mo kahit na wala pa nagiging kasintahan pinag-aralan na niya kung paano ang buhay may Asawa. Mahalaga ang bagay na yon para sa anak natin. " Paliwanag ko
Napatingin ako kay Mr Zuberi nakanganga halatang hindi makapaniwala sa narinig
" Hindi ko alam eh." Napapakamot sa ulo na tugon nito
" Tawagan mo tanungin mo?" Utos ko
Nagmamadali na tinawagan ang anak ni loudspeaker ang phone
" Anak mahalaga ang tanong ko. Nangungutang kasi ako para makapag umpisa ulit tayo. Kaso pinagkasundo kita kasal isa sa gusto nila malaman yong sukat ng Ano mo." Kinakabahan na tanong ni Alvin sa anak
" Dad naman! Hindi ako magpapakasal, Anong sukat ng Ano ko ang tinatanong mo?" Galit na tugon sa kabilang linya
" Sukat ng talong mo Anak. Sige na Sukat lang naman para ibigay nila ang pera at isa pa Dating Mafia boss ang inutangan ko. Gusto mo bang mamatay ako dito?" Pagpapaawa ni Alvin sa anak
" Umuwi ka maaga. Magluluto ako bago ako umuwi sa bahay ko. Sa tinatanong mo 7' 3 inches " Masungit na tugon ng kabilang linya
" 7'3 daw, Para akong aatakihin sa puso. Kung alam nyo lang kung gaano katapang ang anak ko. Nakakatakot magalit madalas basag lahat ng gamit sa bahay nagwawala. " Naiiling na Paliwanag ni Alvin
" Hehehe! Sa tingin ko perfect ang anak mo sa anak ko." Nakangiti na tugon ng Asawa ko
" Matapang at masungit sigurado titino ang anak ko. " Piping sambit ko
" Sisiguradohin ko na magugustuhan ng anak ko ang anak mo." Nakangiti na wika ni Mr Willard
*
*
Kailani
*
*
" West kaya mo ba maglakad? Bakit wala ang kasambahay mo?" Pasigaw na tanong ko habang inaayos ang Arroz Caldo.
Personal bodyguard ko si West 38 na siya para ko na siyang pangalawang Ama. Hindi ko siya itinurin na bodyguard siya Kasama ko siya kahit saan ako magpunta, Dating tauhan ni Daddy si West isa sa matapat na tauhan.
" Okay na ako Kai, Ikaw talaga sempling lagnat lang naman dumapo saakin. " Wika ni West lumabas siya ng kanyang kwarto naka half naked nagpupunas ng ulo bagong ligo lang siya
" Alis na ba tayo ngayon?" Tanong ko
" Yup nandito si Kai kasama ko ngayon, Don't worry ma'am Ella." Narinig ko na wika ni West sa phone tumingin saakin at tumingin sa table naglakad palapit saakin
" Nagluto ka naman, Nakakahiya ako ang dapat mag-alaga sayo. " Naiiling na wika ni West
" West mag-asawa kana kasi para may mag-alaga sayo." Tugon ko
Ginulo niya ang buhok ko naupo at nag-umpisa kumain
" Last girlfriend ko, Pera lang ang habol saakin, Ginagawa nila ako ATM machine. Ang ex-wife ko naman nakipag kita saakin para sa sabihin na ikakasal na siya at sa ibang bansa na maninirahan. Ka malas ko naman dapat may anak na ako ngayon eh, Don't worry may Fiance naman ako." Naiinis na Paliwanag nito
" Naisip ko tuloy na kasalanan ko kung bakit single ka hanggang ngayon. Kakabantay mo saakin napag-iwanan kana. Gusto ko din na makita kang may masayang pamilya West. " Mahinahon na wika ko
" Hayaan mo na! Hindi mo kasalanan, Iba't ibang sports car at mamahalin sasakyan kasi ang gamit ko kaya inakala niya billionaryo ako. Hahaha." Natatawa na wika ni West
Pagkalipas lang ng ilang sandali naglalakad na kami papunta sa sakayan ng bus
" West bakit magbus tayo? Dami ko naman sasakyan?" Nagtataka na tanong ko
" Mahirap kana ngayon bawal kang gumamit ng sasakyan. " Wika ni West
Napasimangot nalang ako hindi naman pinansin ni West ang pagmamaktol ko nasanay na siya saakin.
" Magkahiwalay tayo ng upuan, Dito ka sa dalawahan na upuan. " Wika ni West naupo ako sa tabi ng bintana pangatlong upuan mula sa unahan malapit sa pinto at driver ang inupuan ko si West naman nasa pinakadulo ng upuan.
" Yeah don't worry magkatabi sila. " Narinig ko pa na wika ni West may kausap siya sa phone
Nakasimangot ako nakatitig sa labas ng bintana Aircon naman ang bus kaya hindi ako nainitin. Pero nakasuot lang ako ng T-shirt at sweatpants nakalimutan ko magdala ng jacket
Naramdaman ko ang na may naupo sa tabi ko. Naamoy ko din ang pabango nito hindi ko pinansin nakasimangot parin ako hanggang sa umalis ang bus
" Miss baka pwede mo Italian yang buhok mo." Masungit na utos ng katabi ko
Nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa nagsalita. Natigilan ako para bang huminto ang pag-ikot ng oras Moreno matangkad, Gwapo malapad ang katawan. Napanganga ako bumilis ang t***k ng puso ko.
" Itali mo yang buhok mo nakakainis na napupunta sa mukha ko." Masungit Sabi niya
" Nahanap ko na ang future husband ko. he's perfect oh Gosh. " Kinikilig na sambit ko
" Josh ang pangalan mo diba? Kai ang pangalan ko." Nakangiti na sabi ko
" Tsk! Apolo ang pangalan ko hindi Josh. " Inis na tugon niya
" Apolo! Apolo , Oh gosh that God of light." Kinikilig na sambit ko
Tinali ko ang buhok ko po Sumandal si Apolo pumikit
Dahan-dahan ko inilapit ang mukha ko sa mukha niya kasabay ng pagkuha ng larawan.
Nagkunwari ako natutulog Sumandal ako sa balikat ng lalaki.
" Hinding-hindi ako papayag na hindi malaman kung saan nakatira ang lalaking to. He's mine. He's gonna be my husband." piping sambit ko
" Arayyyy." Daing ko biglang ako tinulak ako ng lalaki nauntog ako sa salamin na nagsisilbing bintana ng bus
" I'll blow your head off." Banta ng lalaki sa malamig na boses
Namula ang pisngi ko sa kilig kinausap niya ako.
" Really? Is that big? Just insert me slowly because I'm still a virgin." Kinikilig na tugon ko napakunot noo ang kausap ko
" Ayeeeh! Simula ngayon girlfriend mo na ako. Huwag kana mahiya, Sinasagot na kita. " Kinikilig na wika ko
" Oh God! Saan mental hospital ba galing ang babaeng to? Maganda sana may sira naman sa utak. Naku mapapatay ko talaga si Daddy." Yamot na wika ni Apolo