Mataman siyang nakatitig sa babaeng nasa screen monitor. Panay din ang hagod niya sa pisngi nito gamit ang kanyang hinlalaki.
“Umica . . .” bulong niya sabay hilot sa kanyang sintido. Maraming taon na ang lumipas nang magising siya sa mula sa pagkaka-comatose. Dahil sa pinsalang natamo mahigit limang taon na ang nakalilipas ay naapektuhan ang kanyang emosyon. Mabilis mag-init ang kanyang ulo at nawawalan siya ng pasensya. Nang magising anim na buwan na ang lumipas ay pumasailalim agad siya sa isang anger management program, umiinom din ng antidepressant na gamot at dumaan sa rehabilitation ang buo niyang katawan.
“Umica . . . Sh*t!” anas niya nang muling nabali ang hawak niyang pen. Pang-apat na ito ngayong araw. Kaya ay nagpasya na muna siyang magpahangin at ikalma muna ang kanyang isipan. Malayo ang kanyang tingin habang hinihithit ang mint flavor tobacco, nang bigla na lang nag-ring ang kanyang telepono.
“Mom,” sabi niya at ibinaba sa ashtray ang tabacco’ng hawak.
“Have you read the latest news in Folmona?” tumaas ang kanyang kilay nang marinig niya ang sinabi nito.
“What news, Mom?”
“It’s about Umica,” turan nito na halos nagpatigil nang t***k ng kanyang puso. Kababasa lang niya nito at isa ito sa dahilan kung bakit hindi siya makapag-focus sa trabaho.
“What about her?” Tinanong pa rin niya ito kahit nararamdaman na niya kung ano ang sasabihin nito.
“She’s getting married.”
“I know, Mom. I just got the news from my secret investigators earlier.”
“And?”
“I have decided. I’m going back to Folmona. She can’t marry yet. We’re still married,” matigas niyang turan.
“You’ve been missing for six years. They assume that you are dead. Did you know that your marriage nullification has been filed?”
“I know. I have settled everything too. It’s safe to go home. And I’m getting her back. She can’t be with anyone else. Just me! And I also need to see Mama. I miss her so much, Mom . . .”
“I know, Son. I wanted to meet her too, and I want to thank her personally. Or better yet, bring them to Foltajer’s mansion. But for now, we are greatly expanding. I can’t go back to Folmona yet. Go for what you think is right this time.”
“I need to go back, Mom. I think it’s time. They’re thinking that I’m dead. And I want to know how Umica saved Ma. She must have done something so important for her to get the money for Mama’s hospitalization.”
“You can get whatever you want now. Things have vastly changed. Regain the Foltajer’s might in Folmona. And make your wife proud. I’m sure that she misses you too.”
“Folmona is mine from the beginning. And I still have it until now. I was hoping that Umica still loves me, just like before. ”
“You are talking like your father now. I am proud of you, my Wixon. I know that he’s very proud of you. And son, remember this. If a woman deeply fell in love, it’s gonna be for eternity . . .”
“ Thank you, Mom. I’ll hang up now. I love you. See you in Folmona when you get back.” Ibinaba na niya ang tawag at nilagok ang natitirang alak sa baso bago tuluyang pinatay ang tabacco na nasa ashtray. Isa sa ayaw niyang pag-usapan ay kanyang Ama. Mula nang malaman niyang namatay ito upang isalba siya ay naging masakit na ito para sa kanya. Isinalba siya nito upang mawala lang din. Dahilan kung bakit nagdusa nang husto ang kanyang Ina. At nagdusa naman sa kanyang piling si Umica. Pakiramdam niya lahat ng malapit sa kanya ay nagdurusa.
‘Sisiguraduhin kong hindi na ngayon.’ Sumpa niya sa kanyang sarili.
Matapos ang ilang minuto ay nakabook na ang kanyang flight pauwi. Dahil sila ang may pinakamalaking share sa Foltano airlines ay mabilis lang siyang nakakuha ng eroplano. Ginamit niya rin ang kanyang connection upang manatiling nakatago ang kanyang katauhan.
Nang maayos na niya ang lahat ay agad na siyang nagtungo sa airport. Nang makasakay ay ipinilig niya ang kanyang ulo at muling tinitigan ang imahe ni Umica na nakalagay bilang screen saver ng kanyang phone.
“I’m coming for you . . .” bulong niya at hinalikan pa ang nakangiti nitong imahe. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na iwan ito. Ngunit ang tadhana na mismo ang nagpasya at pinaglayo sila ng anim na taon.
Gabi na nang makarating sa Pilipinas ang eroplanong sinakyan niya. Mula sa Manila ay biyahe na siya patungong Folmona. Aabutin pa siya ng sampung oras na biyahe dahil itinago niya ang kanyang pagbabalik. Uuwi siya bilang isang simpleng tao na nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa Folmona.
Nang makarating siya sa terminal patungong Folmona ay agad na siyang sumakay sa sa jeep na na-contact ng kanyang kanang kamay. Matagal nang hinihintay ng mga ito ang kanyang pagbabalik. Habang nasa ibang bansa ay mabilis namang kumikilos ang kanyang mga galamay upang unti-unting gapangin ang business partners ng Monato. Ito ang dahilan kung bakit nakuha na niyang muli ang halos lahat ng kontrol sa Folmona, maging legal man o ilegal.
“Saan po ang baba n’yo?” tanong ng Barker sa kanya.
“Sa Main district po ng Folmona. Namamasukan po ako bilang driver ng mga Foltajer,” sabi niya sabay ayos sa suot niyang malaking salamin. Naka-disguise siya upang itago ang mukha niyang mukhang pinagbiyak na bunga ng kanyang Ama.
“Mapalad ka at isa ka sa makakapasok sa kanilang mansyon. May mga sabi-sabi na muli raw babalik ang tyrant queen. Nag-aabang nga kami kung totoo ba o hindi. Ikaw, may alam ka ba?”
“Nako po! Hindi ko rin alam. Basta nasabihan lang ako na napiling nakapasa sa mga aplikante. Mapalad lang siguro talaga ako,” turan niya. Ginagawa niya ang lahat upang umakto nang normal at simple, katulad ng ginagawa niya noon.
Matapos mapuno ang jeep ay agad na itong umandar. Dalawang oras pa ang bubunuin nila sa beyahi bago makarating ng First district. Kung ikukumpara sa ibang distrito ng Folmona, ito ang pinaka masagana sa lahat. Maari na itong gawing city ngunit pinanatili lamang nilang town.
Bago makapasok sa first district ay dadaan muna sa tatlong proseso bago tuluyang makapasok sa loob.
Habang nasa b’yahe naman ay hindi maalis sa isip niya na nakalimutan na siya ng kanyang Asawa. At ang masaklap ay pumayag itong ipakasal sa iba. Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na kalilimutan na siya nito. Napakasakit niyon sa kanya. Ngunit hindi niya rin ito masisisi dahil pinabayaan niya ito sa loob ng maraming taon. At sa mga panahong ’yon ay natitiyak niyang mabigat ang mga pinagdaanan nito. Ni siya ay hindi magawang isipin ang lahat na paghihirap na naranasan nito habang siya ay natutulog.
“Folmona district one! Narito na tayo sa likod na pasukan!” Nang marinig niya ’yun ay agad na siyang bumaba dala ang maykalakihan niyang pack bag na itim. Sa ’di kalayuan ay natanaw niya ang isang tanggapan na ngayon ay tumatanggap na ng mga tao.
“Ikaw! Ano’ng kailangan mo rito sa Folmona?” Natatawa siya sa loob niya dahil talagang hinigpitan ng mga Monato ang pagbabantay sa dalawang border. Inaabangan talaga ng mga ito ang kanyang Ina.
“Foltajer? Sa Foltajer ka ba?” tanong no’ng isang bantay sa kanya.
“Opo,” tipid niyang sagot dito.
“Doon! Pumapasok ka sa gilid na ’yun at doon na gaganapin ang iyong processing upang makakuha ka ng identification.
“Salamat po.” Alam niyang isa ang bantay na ’yun sa kasabwat ng mga inutusan niya. Nalalaman niya kung sino ang mga ito dahil sa sa black pin nitong suot na may disenyong black rose sa may gitnang parte ng pin na nakakabit sa botones ng suot nito.
Nang makapasok ay agad siyang nagtungo sa isang store upang mapuntahan ang paboritong snack house nila ni Umica. Masaya siyang namimili ng mga delicacies bago tuluyang naupo sa may gilid na silya.
“Seriously? Nagpapasok kayo ng pulubi rito? Pa’no kung maydala siyang microbyo?” sigaw ng isang mataray na babaeng mukhang clown.
“Ayos lang na maging pulubi, Ma’am. Basta ang alam ko ay wala akong nakahahawang sakit tulad ng herpes.” Dahil sa sinabi niya ay napahagikhik ang mga tao roon. Kilala sa Folmona bilang high-end call girl ang babaeng kanyang kaharap.
“Umica! Frienemy! Let’s go! Ang rumi ng lugar na ito!” Sa kanyang narinig na pangalan ay pakiramdam niya tumigil ang kanyang mundo.
“Pasensya ka na , Shi. Bumili lang ako ng maraming nuts. Hahanapan na naman ako nito nina Mama at Momy ’pag uwi ko.” Mistula isang mahika sa kanyang buhay ang masilayan itong muli sa personal. Nang mapadako ang tingin nito sa kanya ay bahagyang kumunot ang noo nito, ngunit ngumiti rin ito kalaunan.
“Ang ganda mo talaga, mahal ko . . .” bulong niya habang naglalaway sa maganda nitong mukha. Wala sa sariling sinariwa niya ang buhay kasama ito. Ang mga halik at yakap nitong araw-araw nilang pinagsasaluhan. Labis niyang pinipigilan ang sarili na yakapin ito. Kaya bago pa siya mawala sa sarili ay tumalikod na siya at naunang naglakad palabas ng store. Iniisip niyang hindi pa ito ang tamang panahon para magpakilala siya.
“Si-Sir! Ang mga pinamili mo po!” Kilala niya ang boses nang tumatawag sa kaniya. Ang masaklap pa ay naiwan niya ang tatlong pagkain na paborito nilang dalawa. Sa pangyayaring iyon ay mas binilisan pa niya ang kanyang kilos hanggang sa makalayo na siya mula roon.