Nang masigurado na niyang nakalayo na siya ay saka pa lamang siya tumigil. ’Di naman siya hinihingal sa haba ng tinakbo niya, ngunit hinihingal siya sa ’di sinasadyang pagtatagpo nila ng kanyang asawa.
Kahit maraming taon na ang lumipas ay asawa pa rin niya ito. Hangga't di iyon nawawalan ng bisa ay sa kanya pa rin si Umica. ‘Your beauty is timeless, my love . . .’ Iniisip niya habang naghahanap ng maaaring kanyang matitigilan. Matapos ang ilang sandali ay tumigil na rin siya sa paglalakad at sumandal muna saglit sa isang lumang pader na nilulumot na. Dahil sa porma niyang naka-reading eyeglasses, sombrero at jacket ay ’di maipagakakailang mapagkakamalan talaga siyang masamang tao, o pulubi. Idagdag pa ang backpack niyang may punit at mumurahin. Bahagya na rin siyang umupo sa gilid upang pagpahingahin ang mga paa niya. Wala sa sariling napatingala siya sa isang lumang building. Nilulumot na rin iyon at inakyatan na ng mga vines.
“Heto, kuya. Kainin mo para mas maayos kang makapag-isip. Inumin mo rin itong tubig para ’di ka hinihingal.” Tulala siyang napatitig sa isang batang babae na mga nasa eleven to thirteen years old. Mahaba ang buhok nito at napakaitim ng kulay niyon.
“Sana nga ay totoong babalik ang tyrant queen. Gusto ko po talaga siyang makilala. Isa po ako sa mga batang nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa University dito dahil sa sponsorship niya.” Malapad ang mga ngiti nitong nakatingala sa may two story building. Kahit luma na iyon ay halatang matibay pa rin. Kaya ngayon ay nakumperma niyang, isa ang lumang building sa pag-aari ng kanyang ina.
“Salamat po dito, Ma'am.” Lagi niyang iniisip na mas mababa siya sa mga taga rito, lalot ang pakilala niya ay mamamasukan siya bilang isang driver ng mga Foltajer. Nakayuko pa rin siya at iniiwas ang kanyang mukha.
“Bago ka lang po ba rito?” Tumango siya upang sagot sa tanong nito.
“Isa ka po ba sa mag-a-apply na bodyguard ng mga Monato?” Nakikita niya na biglang nalungkot ito.
“Sa-sa Foltajer po.”
“Hay! Mabuti naman. Mukhang totoo talagang muli siyang babalik. Alagaan mo pa ang sarili mo, kuya! ’yang kalsada po sa unahan. Sumakay ka lang ng bus diyan at malayo-layo pa ang Foltajer mountain dito.”
“Samarah! Nariyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap!” sigaw ng isang babae na kalalabas lang sa harap ng isang beauty salon.
“Mama, nariyan na po!” Bago pumasok ang mag-ina ay nakita niya ang paghalik nito sa noo ng anak at habang madaldal itong nagpapaliwanag basi sa gesture ng kamay nito. Nang nasa pinto na ang mga ito ay lumingon ang Ginang at na-bow ito sa gawi niya.
“Mukhang maganda talaga ang naiwan na reputasyon ng mga magulang ko sa ilang narito . . .” Mangha pa rin niyang pinagmamasdan ang sandwich at maingat na pinasok sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ang tubig na bigay ng batang babae at nilagok ang laman niyon. Nang nawala na ang labis na t***k ng puso niya ay saka pa lang siya tumayo at nagsimulang lakarin ang kalsadang itinuro no’ng bata. Kahit alam na niya ang kanyang gagawin ay iba pa rin ang pakiramdam na marinig iyon sa isang may mabuting loob. Nang narating niya ang waiting shed ay tumayo siya sa gilid upang bahagyang lumayo sa mga babaeng above the knee ang suot na mga saya at may iba pang napaka kapal na make up. Ang pupula pa ng labi ng mga ito. Pakiwari niya ay mukhang kinain na ang lipstick at ’di ipinahid. Bahagya siyang lumayo sa mga ito matapos narinig ang mga bulong-bulungan nito. ’Di rin nakailag ang isang babae sa paningin niya, nang umusod ito at nangdidiri na pinagmasdan siya.
Mabuti na lang at matapos ang ilang minuto ay dumating na rin ang bus, na hinihintay din pala ng mga ito.
Marahan siyang naglakad at naunang pumasok sa loob. Pinili ni Wixon ang pinakadulong parte ng bus upang doon maupo. Isang oras pa ang bubunuin niya sa beyahi bago marating ang pasukan ng Foltajer mountain.
Nang nakasakay na ang lahat ay nagsimula ng baybayin ng bus ang daan kung saan halatang paakyat.
Kahit bahagya siyang napagod sa mahabang b’yahe, lakad at takbo ay alerto pa rin siyang nakaupo sa likod. Sa labas man siya nakatingin ay nakikita niya maging ang sa harapan niya. Dahil maraming pasahero ay sa bandang hulihan na lang ang bakante. Kaya ang iba sa kasabayan niya kanina sa waiting shed ay nakaupo pa rin malapit sa kanya.
“Sa tingin mo ba ay isa rin siyang aplikante? Mukha kasing mayaman ang tindig. Pero pang dukha naman ang ayos . . .” Rinig niyang bulungan ng dalawang babae.
“Baka bababa rin diyan sa unahan. Alam mo namang may tatlong stop ito bago diretso sa Foltajer mountain.”
Makalipas ang fifteen minutes ay tumigil na ang bus sa unang stop nito. May iilan na bumaba at maramirami ang sasakay sana kun ’di lang puno ito.
“Mukhang marami talaga ang naglalayon na makapagtrabaho sa mga Foltajer. Feeling ko ’yang mga bagong sumakay ay mga aplikante rin. . .”
“Oo nga. Sa loob ng halos pitong taon at mahigit ay ngayon na lang ulit nagkaroon ng galaw sa Foltajer mountain. Kaya natitiyak kong darating talaga ang tyrant queen . . .”
“Shhh . . . Basta gawin na lang natin ang ating best.” Tumahimik na ang mga ito kaya mas nakakapag-concentrate siya sa paligid.
Nang lumipas ang panibagong fifteen minutes ay muling tumigil ang bus. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala ng bumaba. Bagkus ay marami ang nasa waiting shed ngunit ’di na makakasakay dahil puno pa rin ang bus kung saan lulan siya. Maging ang ibang mga bus na dumadaan ay punuan din.
“Ehhh . . . Thirty minutes na lang at mararating na natin ang pasukan ng Foltajer mountain . . .” Napapailing na lang siya dahil talagang excited ang mga babaeng kasabayan niya. Sa pagkakaalam niya ay isinabay sa kanyang pagdating ang recruitment ng tatlong babaeng taga silbi. Dalawang driver, at limang trabahador sa malawak na flower garden nila. Isinabay din ang pagdating ng mga aplikante sa panahon na papasok siya roon. Para na rin sa siguridad niya kahit wala siyang mga kasamang army niya. Ngunit kahit anuman ay alam niyang mayroong umaaligid na mga tauhan niya sa paligid. Lalo’t kanina pa niya nararamdam na may nakatitig sa kanya, ngunit wala namang hatid na panganib.
Habang naghihintay na lumipas ang tatlumpung minuto ay itinuon niya na lang ang sarili sa pagbabasa ng newspaper na nakuha niya mula sa terminal ng mga Jeepney.
Basi sa balitang lokal ay ikakasal na nga ang nag-iisang tagapagmana ng angkang Monato. Sa ibaba ng article ay ang mukha ng lalaking napakalapad ang ngiti, katabi ang babaeng nakangiti rin. ‘Umica . . . Masaya ka ba? Does losing me brought you a better life? Would you still want me if ever I show up? Would you still accept me?’ Mga tanong sa isipan niya. At kahit anong pilit niyang iwaksi ang kamay ng lalaking Monato na nakahawak sa balingkinitang bewang ng kanyang asawa ay ’di niya magawa. Mistula itong gasolina na mas lalong pinapaapoy ang galit niya para sa mga Monato.
“Nasa labas na tayo ng Foltajer mountain!” anunsyo ng driver, kaya mabilis pa sa kidlat na nagpulasan ang mga pasahero palabas ng bus. Nagkakatulakan pa ang mga ito na muntik ng humantong sa suntukan at sabunutan. Ngunit alam niyang alam din ng lahat na hindi tino-tolerate ang karahasan sa labas ng Foltajer. The punishment would be fatal. Kaya wala ng nagawa ang mga ito kun ’di ipagpatuloy ang importante na pakay sa lugar. Naging maayos uli ang lahat ngunit nag-uunahan pa rin sa pila.
“Mr. Baka ’pag ’di ka nagmadali ay sa hulihan ka na sa pila. Mukhang mahaba-haba pa naman,” sabi ng driver sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti.
“Sa online po ako nag-apply, sir. Driver po ang papasukin kong trabaho.”
“Ay naku! Ang swerte mo, hijo. Hindi ka na rin pipila,”anito at kinawayan siya bago tuluyang nakababa sa bus.
Pinagmasdan muna niya saglit ang mahabang pila sa gilid ng isang massive gate. Sa gilid naman nito ay nakahilera na iba’t ibang mamahalin na mga stores. “Yeah, mukha na talagang little town ang Foltajer mountain. It looks like Folmona never sleeps . . .” bulong niya at naglakad tungo sa gilid ng malaking gate kung saan may nakabantay na guards sa pasukan ng tao. Kahit mag aala-singko pa lang ng umaga at may kadiliman pa sa paligid ay talagang dumagdag na ang mga tao. Hindi niya inaasahan na aabutin din siya ng umaga kahit na target niyang makarating sa mansyon nila mamaya pang hapon. Ang iniisip din niyang sampung oras ay naging lima na lang. Agad naman siyang napahanga sa galing ng taktika at plano ng kanang kamay niyang si Froso. Anak ito ng kanang kamay naman ng kanyang ina.
“Hoy! Saan ka pupunta? Narito lang ang pila. ’Wag kang sumingit!”
“Shhh! Hayaan mong mga guards ang makipag-deal sa kanya.”
“Baka isa siya sa mga applicant na nakuha bilang driver. It was held online.” Rinig niya ang sigaw ng isang lalaki, pati ang mga bulungan sa paligid. ’Di niya tuloy mapigilang mapakamot ng ulo. Mistula naka kuha pa siya ng maraming atensyon.
“Good morning. Driver?” Tumango siya at ibinigay ang hawak niyang identification card na may naka kabit na passed.
“Sige . . . Pumasok ka na sa loob,” sabi ng guard sa normal na boses. Ngunit ramdam niya ang panginginig ng kamay nito habang inaabot ang card niya. Agad naman niya itong sinamaan ng tingin upang ayusin nito agad ang kilos. Mukhang nasindak naman ito at muling umakto na bahagyang dominante.
“Gro, buksan mo na ang gate. Driver!” Alam niyang sinadya nitong ilakas ang salitang driver upang matigil na ang mga bulong-bulungan ng mga nasa pila.
Bago tuluyang pumasok sa nakabukas na maliit na pinto sa tabi ng massive gate ay nag-bow muna siya sa lahat ng naroon.
Nang nasa loob na siya ay agad niyang nakita ang malawak na lupain kung saan mukha itong little city. May mga establishments na alam niyang para sa mga trabahador ng Foltajer mountain. Kahit mayroong limang mansyon ang nasa loob nito ay alam niyang iisa lang ang may-ari; siya. Sa gilid ng hall ay may naka-park na mga sasakyan. Agad naman siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa gilid nito.
“Boss, sa main mansyon po ako tutungo. Maaari mo ba akong ihatid?” Agad niyang nakita ang pagkabigla sa mga mata nito. Ngunit ngumiti rin ito kalaunan.
“Iyon pong itim na sasakyan na ’yon ang maghahatid sa ’yo, boss. Isa ka sa bagong driver ng mga Foltajer ’di ba?” Ngumiti siya at tumango.
Wixon was walking with ease gayung nasa loob na siya ng kanilang vicinity. Dito ay alam niyang bantay sarado na talaga ang security niya.
Nang malapit na siya sa labas ng mamahaling sasakyan ay agad na lumabas ang isang lalaki. Yuyuko na sana ito ngunit mabilis niyang sinamaan nang tingin kaya naudlot iyon. Mabilis itong tumayo nang matuwid at inayos ang itim na suit. Ginalaw nito ang kamay at itinuro ang pinto ng sasakyan. Agad naman siyang pumasok roon. Nang nakaupo na siya ay automatikong bumalik ang nakakasindak niyang awra. Mistula may nakapaligid na itim na puwersa sa kanyang katawan at matatakot ang sino man kahit na tingnan lang siya.
“Welcome back, Master Wixon,” bati sa kanya ng lalaki kanina. Nakayuko ito ngayon habang nasa driver seat. Dahil tinted ang sasakyan at tiyak niyang bulletproof pa ay inalis na niya agad ang kanyang malaking eyeglasses. Bahagya niyang hinilot ang mga mata niya at malapad na ngumiti. Ngunit ang ngiting iyon ay puno ng panganib.
“It’s good to be back, Froso.”