“Bring this mess with you.”

2208 Words
Sa isang malaking ospital na pag-aari ng pamilyang Casas, ay naroon si Wixon at ang buo niyang pamilya. Nasa loob sila ng isang private suite kung saan ay nakahiga naman si Umica, ang kanyang asawa sa isang hospital bed. Nasa tabi siya nito at hindi nagsasawang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Kahit nakapikit ito ay alam niyang ito’y umiiyak. Paminsan-minsan niyang pinupunasan ang luha nitong panaka-nakang naglalandas sa gilid ng mga mata nito. Ngayon ay nakahinga na rin siya nang maluwag dahil panatag at banayad na ang paghinga nito. Ramdam din niya ang titig ng kanyang ina at mga biyanan sa kanyang likuran, subalit ayaw muna niyang magbigay ng detalye hangga't ’di nagigising si Umica. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga tingin ay nginingitian lamang siya ng mga ito. Na para bang eni-enjoy lamang ang kanyang presensya. Sa gitna ng kanilang katahimikan ay bigla iyong nabulabog nang tumunog ang handbag ng kanyang asawa. Dahil dito ay napunta ang atensyon nila sa hawak na bag ng ama niyang si Pandro. “Tu-tumatawag si Di-Disandro,” Kita niya ang takot sa mata ng kanyang ama. ’Di rin ito makapag salita nang diretso. “Sa-sasagutin ba natin, hon? Pandro . . . Natatakot ako sa maaaring gawin na naman nila . . .” Parang nilamukos ang kanyang puso sa sinabi ng biyanan niya. Mistula dumanas ang mga ito ng paulit-ulit na karanasan mula sa sariling pamilya. “Kaya mas dapat nating sagutin, hon. Ilalagay ko lang sa loud speaker upang marinig nating lahat.” Wixon could clearly feel the anxious atmosphere immediately. Mistula nasa ilalim ng tubig ang mga ito at nahihirapan na huminga. “Nasa ospital pa rin ba si Umica?” tanong ng nasa kabilang linya. Natatandaan pa niya ang boses na ito lalo’t ito ang madalas mam-bully sa pamilya nila. Naroon pa rin ang awtoridad sa boses nito at alam niyang umaakto pa ring head ng mga Sares. Wixon knows that it's Disandro Sares. Ang tito ni Umica na walang ibang nais gawin kundi ang papermahin ang Papa Pandro niya sa isang papeles na nagsasabing ibibigay ng papa niya kay Disandro ang shares nito sa Sares company, at sa iba pang ari-arian ng mga Sares. But Umica opposed it. Kaya noon pa man ay mainit na ang dugo ni Disandro sa nakababatang kapatid na si Pandro, maging sa asawa niyang si Umica. “O-oo, kuya. Hindi pa rin siya nagigising kahit siyam na oras na ang lumipas. Stable naman daw siya sabi ni Doc Hailie. Pero under observation pa rin dahil bumababa ang dugo niya.” “Pero ’di naman siya kritikal ’di ba? Malinaw pa namang humihinga?” Agad na namutla ang Mama Shiela niya nang marinig iyon. Kaya ay nagmadali siyang lumapit dito at niyakap ang dalawang ina upang panatagin ang loob. “Kuya, pamangkin mo si Umica! Bakit ka ba ganyan kung magsalita? Why can't you show her even just a little of your concern?” Namumula na ang mukha ng Papa Pandro niya kaya ay bahagya niyang pinisil ang kamay nito. Alam niyang high blood ito kaya ay ’di maganda ang labis na pressure, lalo’t recovering pa ito from first stroke. “Heh! Alam niya kung gaano ka-importante ang meeting sana kanina. And it was cancelled because of her incompetency! So if ever ’di pa rin siya magising bukas ay ’di matutuloy ang meeting with Mr. Foltajer. Siya lang ang tanging gusto nito na umattend sa secret meeting. I don't know what did your daughter do. Maybe she's using her head and some charms now . . . But anyway, galit na galit si papa dahil sa kapabayaan niya. Umica missed up our chance of joining the Triad launching. Kaya bilang parusa sa kanya, as per order coming from papa, ililipat siya sa common ward. Doon muna siya hanggang magising. At tungkol naman sa hospital bill ninyo ay magiging utang iyon at pagta-trabahuan niya. ’Yon ay kung kakayanin niya. Haha! Your useless family has been benefiting our family business when it comes to hospitalization expenses a lot, Pandro. Sa laki ng utang ninyo ay ’di iyon kayang pagta-trabahuan ni Umica, and you know that. You can sign the papers that I've been wanting you to sign and live a peaceful life away from Folmona. But if you still don't want it . . . it's in the hands of your daughter now. So, I suggest, na kung magising na siya, you better convince her to marry Davin immediately.” Nagtagis ang kanyang bagang sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala na abot hanggang impyerno ang pagiging walang hiya ng lolo at mga kamag-anak ng kanyang asawa. All this time ay ’di nagbago ang mga ito. Sa palagay niya ay tila mas lumala pa ang trato ng mga ito sa pamilya niya sa loob ng anim na taon. “Plea-please, Kuya. Let me talk to papa. Please . . . ’wag naman ninyo itong gawin sa anak ko. Umica devoted her life to our company. She's been one of the assets in Sares Clan. Wala siyang iba—” “My wife won't marry anyone. So you better scram . . .” bulong niya bago binaba ang tawag. “Papa hihiramin ko muna saglit ang telepono ni Umica. Saglit lang.” Tumango naman ito kaya ay mabilis na siyang nagtungo sa veranda ng silid nila. Nasa third floor sila kaya ay ang veranda ang perfect spot para tumawag siya. Walang camera sa paligid at wala ring ibang naroon sa veranda ng mga kasunod na silid. Agad niyang dinayal ang isang numero. Ilang sandali pa ay sinagot agad ito ng kabilang linya. “Osmond, my wife is in the Casas Sanitarium. You know what to do.” Nang marinig ang sagot nito ay saka pa lamang niya ibinaba ang tawag. Hindi muna siya agad pumasok sa loob ng silid at nanatili muna sa veranda ng ilang minuto. Nakapikit niyang nilalanghap ang sariwang hangin dahil sa malalagong mga puno na nakapalibot sa six storey building na Ospital. Sa tabi naman nito ay isa namang recreational facility at naroon din ang Ospital para sa mga baliw. Bilang pinakamalaking distrito sa Folmona, sa district one lamang matatagpuan ang pampublikong Ospital at dalawa pang private na malalaking ospital sa Folmona. Malaki rin ang buong population nila at bahagyang nakabukod sa mga siyudad. Marami ng nagnanais na mga businesses na makapasok sa kanilang lugar. But Folmona remained a monopolized place dahil ilang pangalan lang naman ang may-ari ng mga lupain dito. And Foltajer was the biggest landowner. “No! Sa-sandali lang! Pakiusap . . . Magbabayad naman kami.” Wixon acted quickly nang marinig ang boses ng papa niya. Agad siyang bumalik sa loob at doon ay naabutan niya ang apat na mga lalaking nurses, at dalawang babaeng nurse na inaayos na sana ang asawa niya upang ilipat. Pansin din niya ang isang lalaking Doctor na may nakalagay sa nameplate na Doc. Charlie Monato. “I’m sorry, Mr. Sares. But it's an order coming from our superior. Saka ’di pa rin kayo nakakabayad last time. We only got a promissory note from the Sares clan. Kaya ngayon ay wala kaming magagawa. This will benefit your family too. Mas maliit ang cost ng common ward. Pero, kung tatawagan niyo lang ang cousin kong si Davin, I'm one hundred percent sure that he can do something about this. Mr. Sares, ’wag na ninyong pahirapin pa ang sitwasyon. Davin love's your daughter. Just a call and he can settle things down.” Pasemple siyang naglakad habang nakatitig sa lalaking nagsasalita. “’Wag ninyong hahawakan ang asawa ko,” aniya sabay lagay ng cellphone ni Umica sa kama. “And you are?” “Umica’s husband. Wixon,” aniya at namulsa. Pansin naman niya kung paano siya nito titigan mula ulo hanggang paa. Nakikita niya kung paano ito tumingin sa mga magulang niya at muli siyang pinagmasdan. “Haha! You'll gotta be kidding me, right? Mr. Sares?” “May asawa na ang anak ko, Doc Charlie. So Davin should stop pursuing her.” “Patay na ang asawa ni Umica. He's been dead for f*cking six years. Stop messing with me, Mr. Sares!” “Well, sad to tell you. But I'm here. Clearly alive and kicking.” Malakas na bumukas ang pinto ng silid kaya ay napalingon silang lahat doon. “Doctora Haillie!” bulalas ng kanyang Papa Pandro. “What are you doing here? What's the meaning of these? What are you doing with my patient, Doc. Charlie?” sunod-sunod na tanong nito sabay paalis sa mga nurse na nakatayo sa tabi ng kama ni Umica. The woman was fierce at kilala niya ito. Ito ay kapatid ng bestfriend ng asawa niya. At close rin ang dalawa. Tulad sa nakikita niya ngayon, Haillie was defending Umica like a big sister. Isa ito sa mga taong alam niyang ’di sapat na sabihin ang salitang salamat. “Haillie, stay out of this. We had an order!” “Order from where? Coming from whom?” sabat niya sa dalawa. “Wi-Wixon? Is that you? Are you real?” tulalang tanong nito sa kanya. “Aw . . .” bulong niya nang paluin siya nito ng chart board. Kita niya ang naguguluhan nitong mukha ngunit naroon pa rin ang labis na galit para sa kanya. “Letche ka! Now, can you do something about your wife's situation? Hah! I bet you still can't!” bulalas nito at muling hinarap si Doc. Charlie. “Sabihin mo na lang sa billing department na ako ang magse-settle ng bills ni Umica.” “No, Love. Binigyan na sila ng ultimatum ng Ospital to settle their previous hospital bills. But if you insist. It'll be fifteen million pesos.” “What?” Sa pagkakataong ito ay Papa Sandro naman niya ang napabulalas. “Yes, Mr. Sares. Fifteen million pa ang utang ng pamilya mo rito sa Ospital namin. Your family is fortunate at hinayaan kayong bayaran iyon nang pautay-utay.” “Pe-pero sabi ni Kuya Disandro ay limang milyon na lang ang balanse ng . . .” “Pandro! Hon!” bulalas ng Mama Linda at Mama Shiela niya. Napaupo ang Papa Pandro niya pabalik sa upuan sabay sapo sa dibdib nito. “I’ll handle this, papa. I promise. Believe me. ’Wag mong e-stress ang sarili mo. ’Di matutuwa si Umica kung pag gising niya ay nakaratay ka na naman.” Tumango naman ito at hinawakan ang kamay niya. “I believe in you, Wixon. Kahit noon pa man. I believe you.” “Hah! What the hell do you think that you can do this time? Beg? Mangutang? Haha! You're making me laugh. Thanks for that, Mooch!” ‘Bang!’ Halos natutulala ang lahat sa kanyang ginawa. Nakabulagta na ngayon si Charlie sa sahig at ’di na gumagalaw. Para itong nag-collapse na building nang matamaan ng kanyang pulidong suntok. Agad namang nagsilapitan sa kanya ang apat na lalaking nurse. “Want to do something about it?” tanong niya at tiningnan ang mga ito. But instead of attacking him, hindi magkandaugaga ang mga ito na hilahin si Charlie. Takot na takot ang mga ito na para bang inaano niya. “You just made the situation worse!” bulalas ni Doc. Haillie at lumapit sa ama niya. “Tito Pandro, how are you feeling?” “A-ayos lang ako, Haillie, hija.” “Damputin ninyo ang lalaking ’yan!” sigaw ng isang lalaking kapapasok lang ng pinto habang may kasama itong apat na security guard ng Ospital. “Director Lumby!” bulalas ni Haillie. Kitang-kita niya kung gaano ito nababahala at nag-aalalang tumingin sa mga magulang niya. Napakatalim naman ng tingin nito nang dumapo sa kanya. “You better stay out of this mess, Haillie. ’Wag mong banggain ang ’di mo dapat binabangga. You've done enough.” Sabay-sabay namang napatingin sa kama ni Umica ang mga naroon nang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa kama. Mabilis niya iyong dinampot at tinanggap ang tawag. “Someone wants to talk to you, Mr. Lumby,” aniya at naglakad sa gawi ng Director ng Ospital. Agad namang itinutok ng mga guwardiya ang hawak ng mga itong baril sa kanya. But he didn't care about it. Wixon was standing there with ease. Malinaw niyang nakikita ang pagdadalawang isip ng Director na tanggapin ang cellphone, ngunit tinanggap din nito kalaunan. “Pre-president Casas! I-i’m sorry. Patawad po. Patawad, President! O-opo. Ma-masusunod po. Aayusin ko ito, Mr. President. Opo . . . Opo!” Para itong kinuryente at ’di mapakali habang panay ang bow sa hangin. “Patawarin po ninyo ako, Mr and Mrs Sares! Patawad po! Patawad! Patawad!” paulit-ulit nitong bulalas habang panay ang yuko sa sahig, dahilan kung bakit bumangga ang noo nito sa sahig at dumugo iyon. “Lumabas na kayo rito. And bring this mess with you all,” usal niya sabay turo sa nakahiga pa ring katawan ni Doc. Charlie sa sahig. Agad namang kumilos ang mga ito at nagmamadaling lumabas na parang may nakahahawang sakit sa loob ng silid. Habang naiwan naman ang parents niya at si Haillie na tulalang napatitig sa kanya. But Wixon only shrugged and sweetly smiled at them. Marahan siyang sumampa sa kama at hinalikan sa noo ang asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD