Kalat na kalat sa buong distrito ng Folmona ang ginawang local press conference ng Foltajer group. Mas lalo pa itong naging mainit dahil nagpakilala na siyang bagong hahawak sa kapangyarihan ng mga Foltajer sa Folmona. Nakilala ng lahat ang kanyang pagbabalik, ngunit ’di ang kanyang mukha. Sa ngayon ay sobrang naging mainit ang mga pangyayari sa loob ng kanilang lugar. And to make his real identity safe, ang kanang kamay niya ang nagpakilala bilang Wixon Foltajer.
“Kumusta ang imbitasyon para sa pagsali ng Sares clan sa Triad launching, Osmond?” Nakatingin siya sa labas ng kanyang opisina, sa harap ng isang bulletproof glass wall. Tanaw niya ang mga dumaraan doon, maging ang mga taong labis na nagsusumikap sa buhay. Ganoon din siya dati. Sinusubukan lumaban sa buhay upang magtulungan ang uliran niyang asawa—ngayon ay nanganganib mawala sa kanya nang tuluyan ’pag nagtagal pa ang sitwasyon.
“Wala pa rin pong sagot, Master Wixon. Mukhang may gaganapin pa po na pagpupulong, ayun sa nakuha nating impormasyon. Nagpatawag ng isang indoors meeting ang head ng Sares clan.”
“Just make sure na makakasali sila. My wife deserves this. She's the only reason why I am letting that old hag’s company experience this privilege.”
“Bu-but, Master . . . Tiyak ka na ba talaga sa iyong pagbabalik? I mean . . . Masyadong delikado po, Sir.”
“I know. It'll be a little risky. But I know what I'm doing.”
“Narito lang po kami sa paligid, Master Wixon. You and your family's safety is our only goal.” Marahan niyang inayos ang lumang damit na nabili ni Froso sa lumang pamilihan sa kanilang lugar. Isa iyong t-shirt na intsik ang lengwahe na nakasulat. Para itong gamit ng mga athletes noon at isinama sa mga bentang ukay-ukay. Maging ang kanyang lumang rubber shoes na suot ay isang replica rin no’ng lumang ginagamit niya. Ang kanyang pantalon ay isang lumang rugged jeans. In short, ang itsura niya ngayon ay hawig ng Wixon noon. The only thing that changed ay ang mas lumaki niyang katawan, at ang intimidating niyang awra.
“Handa na ako, Osmond. Drop me to the location where I specifically told you.”
“Mag-ingat ka po, Master Wixon.” Naglakad na sila palabas ng Foltajer main building at tumungo sa parking lot ng basement.
“Sir . . . Palabas na po ang mga workers sa planta.”
“Sige, dalhin mo na ako sa lugar na aking sinasabi.” Agad silang sumakay sa isang sasakyan na walang plate number at walang pagkakakilanlan. Luma na rin ito ay mukhang biyaheng junkshop na.
Dahil alam nila ang lokasyon ng mga camera sa sentro ng Folmona ay iniwasan nila ang mga kalsadang ito, hanggang sa narating nila ang daan malapit sa lumang palengke.
“Dito na lang ako, Osmond.”
“Master Wixon. Magiging anino mo kami. Protektado ka namim at ang iyong buong pamilya hanggang sa muli kang bumalik.” Wixon nodded at pasempling bumaba sa likod ng sasakyan kung saan nakapwesto sa tagong parte at walang mga tao. Bahagya niyang binaba ang kanyang suot na cap upang takpan ang kanyang mukha, nang tuluyan ng nakaalis ang sasakyan. Saka pa lamang siya natural na naglakad at nakisalamuha sa ibang tao.
Tahimik lang siyang naglalakad ngunit naroon pa rin ang pagiging alerto niya sa paligid.
“Isda! Isda kayo riyan! Bagong huli ito ng aking asawa. Isda! Isda kayo riyan!”
“Preskong mga gulay! Suki! Dito! May mga presko kaming gulay at mga isda!”
“Mura lang itong mga prutas!”
Samo’t sari ang kanyang naririnig sa paligid habang binabaybay niya ang madalas niyang daanan noong may besiklita pa siya. Sa likod ng palengke ng pamilihan ay doon siya dumadaan noon. Sa susunod na kanto naman ay ang shortcut kung saan siya natagpuan ng kanyang ina.
Alam niyang mahaba-haba pa rin iyong lakarin kahit na shortcut na. Wala siyang masakyan na kahit ano. Wala rin siyang dalang pera kaya wala siyang choice kundi maglakad. At hindi rin dumadaan ang mga pampublikong sasakyan sa shortcut na iniisip niya.
Nang tuluyan na siyang nakaalis sa palengke ay diretso na siya sa palikong daan, isang lote ang layo sa likod pa rin ng pamilihan. Balak pa sana niyang dumaan sa tindahan ng pamilya ng kanyang asawa subalit may kalayuan iyon mula sa kinaroroonan niya. Bahagyang tirik ang araw at wala siyang dalang kahit na ano, maliban sa tracker na imbedded sa ilalim ng kanyang tattoo.
“Hijo . . . Saan ka ba pupunta at naglalakad ka sa ilalim nang sikat ng araw?" tanong sa kanya ng lalaking nagmamaneho ng isang tricycle. Binagalan pa nito ang takbo upang masabayan ang kanyang lakad.
“Doon lang po sa kabilang kalsada, Sir.”
“Naku, doon din ang punta ko. Dito ako dumadaan dahil bawal ang sasakyan ko sa highway. Halika at sumabay ka na. Medyo malayo pa ’yong nais mong puntahan dito.”
“Salamat po—”
“Mang Piyo na lang ang itawag mo sa ’kin, hijo. Bago ka lang ba rito sa Folmona?”
“Ah, oho.”
“Mukhang hindi swerte ang iyong pagparito, hijo. Mukhang magiging mainit muli ang labanan ng mga prominente na pamilya rito sa amin.” Agad naman niyang naintindihan ang nais nitong ipabatid.
“Bakit po, Manong Piyo, de-delikado ho ba rito?”
“Hindi naman. Pero mukhang magiging komplikado dahil bumalik na ang mga Foltajer.”
“Masama po ba ang pagbabalik nila?”
“Maganda iyon para sa mga ordinaryong tao tulad natin. Pero ’di maganda para sa mga angkan na naghahari-harian dito. Tiyak akong may mamumuo na naman mga p*****n dito.” Hindi na lang siya nagsalita pa at nakiramdam na lang sa paligid. Mukhang malalim din ang iniisip nito kaya ay minabuti na lang niyang panatilihin ang katahimikan, at tanging tunog lang ng sasakyan ang umalingawngaw sa paligid.
Isa sa mga kalsadang nadaanan niya, ang kalsada kung saan sila dinala ng kanyang ina sa buhay ng bawat isa at muling nagtagpo.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay dahan-dahang tumigil ang sasakyan.
“Salamat po nang marami, Manong Piyo.”
“Walang anuman, hijo. Sana ay palarin ka sa iyong pagparito.” Malapad itong ngumiti at kumaway sa kanya bago tuluyang umalis. Magkaiba sila ng lilikuan kaya ay bumaba na siya roon sa intersection.
“Mukhang mahaba-haba nga talaga iyong lakaran . . .” bulong niya sabay iling. Mabilis naman niyang tinungo ang isang manggahan. Sa likod nito ay ang kalsadang patungo sa subdivision ng kanyang asawa. Although subdivision ang tawag dito, Mas nagmumukha itong slum area dahil kung sino-sino na lang ang tumitira sa mga lumang bahay, basi sa report na umabot sa kanya. Mga luma at sira-sirang bahay na lang ang karamihan sa naroon. Tila mas lalo pa itong naging devastated kumpara sa huli niya itong nakita nang personal, maraming taon na ang lumpas.
Patuloy siyang naglakad hanggang sa ang mismong kalsada na ng subdivision ang binabaybay niya. May mga panaka-nakang vendors na rin sa gilid ng daan. Ang mga pader na nagsisilbi nitong wall sa kabilang lupa ay puno na rin ng vandalism.
“Ano’ng nangyari dito. I can't just let Umica still live here.” Napapailing siya with disgust. Maging ang mga basura ay kung saan-saan lang din nagkalat.
Mula sa main gate na sira na ay mga nasa two hundred meters away pa ang lalakarin niya ulit. Ngunit wala lang iyon sa kanya lalo’t ito na ang pinakahihintay niyang araw na muling makita ang kanyang pamilya, at ang pinakamamahal niyang asawa.
Wixon find the place even strange habang papalapit siya sa bahay ng asawa niya. Ngunit iisa lang ang palatandaan niya sa tahanan ng mga Sares. Ang mataas nitong bakod. At ito ngayon ang malinaw na niyang nakikita.
“Basi sa ulat ni Froso ay narito ang buo kong mag-anak. At mamaya ay dadalo si Umica sa pagpupulong ng mga Sares para sa kukuning representative ng kanilang clan . . .” bulong niya habang unti-unting lumalapit sa kalawangin ng malaking gate. Wala sa sariling napangiti siya nang kanyang nakita ang lumang sementong bench. Dito siya madalas na nag-aabang noon sa tuwing tapos na ang kanyang gawain at oras na ng uwi ni Umica ’pag ’di ito nagpapasundo.
Dahan-dahan niyang itinaas ang mahabang kamay upang abutin ang doorbell. As usual, ang doorbell ng tahanan ng asawa niya ay mababa lamang. ’Di gaanong matangkad si Umica ngunit proportion naman ang hourglass nitong katawan.
“Mama! Malapit na rito ang taxi ni Mang Jupet. Maghihintay na lang ako sa labas.”
“Ingat, anak. Tumawag ka agad ’pag nasa opisina ka na.”
“Opo, mama!” Agad siyang natigilan nang kanyang marinig ang boses ng asawa.
“Umica . . .” Bahagya siyang nakaramdam ng kaba kaya ay mabilis siyang tumalikod. Ngunit huli na ang lahat. Pumailanlang na sa paligid ang tunog ng kulang sa langis, galing sa bumukas na gate.
“Si-sino ka? A-anong ginagawa mo rito sa harap ng aming bahay?” Ramdam niya ang kabado nitong boses at dagdag pa ang pag garalgal niyon.
“Wi-Wixon? I-ikaw ba ’yan? Wixon . . .” Hindi na ito nagsasalita pa ngunit ramdam niya ang presensya nito sa kanyang likuran.
”Auhmmm . . .” He couldn't help but groaned nang kanyang naramdaman ang malambot nitong palad sa matipuno niyang braso. Marahan iyong humimas at bahagyang pumipisil na para bang sinusuri kung totoo siya. Dahan-dahan naman siyang humarap dito sabay hubad ng suot niyang cap. Kita niya ang pamimilog ng mga mata nito maging ang pag-awang ng magagandang mga labi.
“U-Umica . . . Mahal ko . . .” Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ng kanyang asawa. Tulala itong nakatitig sa kanyang mukha habang unti-unting tumataas ang palad nito tungo sa kanyang pisngi.
“Pa-Panginoon . . . Matagal ko itong hinintay. Pe-pero, pakiusap . . . ’Wag naman sana itong maging biro . . .” bulong nito at mariing pumikit. Hinimas nito ang kanyang mukha, ang ibabaw ng kanyang makapal na kilay at nagtagal ang mga daliri nito sa kanyang labi. At that moment, Wixon knew exactly what to do next. Ganito ang gesture na ginagawa ng asawa niya nuon sa tuwing nais nitong halikan niya ito, at iparamdam na nariyan siya upang samahan ito.
“Ang ganda mo pa rin, mahal ko . . .” bulong niya at marahang dinala ang palad nito sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang panginginig at ang matinding panlalamig niyon.
“Wixon . . .” anas nito bago niya tuluyang sakupin ang malambot nitong mga labi. Wixon savoured the blissful moment. Masuyo ang mga halik na ginawad niya rito hanggang sa naging mapaghanap iyon at kusa namang tinanggap ng kanyang asawa. Kumilos ang dalawa nitong kamay at pinagsalikop sa kanyang batok. Sa gitna ng halikan nila ay bahagya pa itong napapahikbi.
“Mahal ko . . .” Agad naman siyang tumigil nang nalasahan niya ang mga luha nito.
“Whe-where have you been, Wixon?” nasa dibdib niya ang noo nito ngayon habang bahagyang sumusuntok ang maliit nitong kamao. Sa bawat lapat ng kamao nito ay ramdam niya ang matinding kalungkutan at pagkalito.
“Where have you been?” sigaw nitong tanong. Sa pagkakataong ito ay nakaluhod na sa lumang semento ang makinis nitong tuhod at nanginginig habang umiiyak. Inaasahan na niya na magiging ganito ang reaksyon ni Umica kung sakaling siya pa rin ang nilalaman ng puso nito. Ngunit kahit gano’n ay labis pa rin siyang nasasaktan sa mga luha nito.
“Umica? Anak? Ano—”
“Mama . . .”
“Papa . . .” Agad naman niyang tawag sa mga biyenan na bumungad sa gate at dahan-dahang lumabas.
“Shiela? Pandro? Ano’ng nangyari kay Umi—”
“Mama Linda . . .” A smile and happiness plastered on her lips.
“Wi-Wixon? Wixon? Wixon? Anak ko? I-ikaw ba ’yan? Oh! Panginoon ko . . . Anak ko! Wixon ko . . .” ’Di na nito magawang humakbang upang yakapin siya. Para itong kandilang naupos na napaluhod malapit sa gate at nag-iiyak habang magkadikit ang dalawang palad at tumitingala sa kalangitan.
“Mama . . . Opo. Ako ito. Ang iyong Wixon. Ang iyong ilaw.” Nag-uunahang bumagsak ang kanyang mga luha nang yakapin na siya nito. Maging ang dalawa niyang biyenan ay niyakap din siya nang mahigpit. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang kanyang mga luha. He was utterly overwhelmed dahil sa init ng mga yakap na sumalubong sa kanya. Malinaw niyang naramdaman na talagang hinihintay ng mga ito ang kanyang pagbabalik. Na para bang hindi itinuturing ng mga ito na patay na siya.
Ilang minuto rin silang nag-iiyakan hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata nang napatingin siya sa kanyang asawa. Nakadapa na ito sa semento at ’di na gumagalaw.
“Umica!” natatakot niyang sigaw at agad namang humiwalay sa yakap ng mga magulang niya.
“Hija!”
“Anak!” Agad naman siyang naging alerto at mabilis ang kanyang kilos na parang hangin at nagmadaling kargahin ito. Iyon namang saktong pagtigil ng hinihintay na taxi ni Umica kaya ay nakasakay siya agad. Sumunod naman ang mga magulang nila, kaya ay nagsisiksikan silang lima sa loob ng maliit na taxi.
“Sa pinakamalapit tayo na Ospital,” aniya. ’Di naman umangal pa ang taxi driver at mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan paaalis.