Makalipas ang dalawang oras matapos ang komusyon na nangyari sa loob ng silid ng kanyang asawa ay nagmulat ito ng mga mata. Ngunit panandalian lamang iyon dahil pumikit ding muli.
“As I've said, Tito Pandro. Umica is perfectly fine. She needs this rest too. Ang importante ay ’di muna siya dapat ma-stress,” ani Doc. Haillie na masama pa rin ang tingin sa kanya. Pinatawag itong muli ng mga magulang niya nang gumising si Umica.
“Salamat talaga, hija. Kung wala ka ay ’di ko alam kung ano ang gagawin,” wika ng Papa Pandro niya at niyakap ang asawa.
“Uhm! Hija . . . Kumusta iyong bills namin? Naka-ultimatum pa rin ba?” tanong ng Mama Linda niya. Alam niyang nag-aalala ito dahil isa ang hospitalization nito noon sa nagpalaki ng utang ng kanyang asawa.
“Oh . . . Mga Tita at Tito, kung sino man ang gumawa ng paraan para sa inyo ay maraming salamat sa kanya.” Kita niya ang naguguluhan na mukha ng kanyang mga magulang at tutok na tutok sa Doctora.
“A-ano ang ibig mong sabihin, hija?”
“The billing department said that someone sponsored your debt. Fully paid na ito ngayon. Maging ang ongoing bills ni Umica ay sakop na rin.”
“What?”
“Ano?” bulalas ng mga ito at nagkatinginan.
“Sino raw ang nagbayad?” tanong niya rito. Maldita naman siya nitong inirapan, “Was hoping that it was you. Pero alam kong suntok iyon sa buwan. Hindi rin nagpakilala ang nag sponsor sa inyo, tito.”
“Na-naku! Dalawa lang naman ang iniisip ko. It could be papa. Pero alam kong ’di niya iyon gagawin. I don't know . . . Baka naawa siya sa ’min ngayon?”
“Hon . . . It could be Davin too. ’Yon ang mas kinatatakutan ko.”
“Papa, mama. Subukan niyo pong tawagan si Uncle Disandro. Baka po may maibibigay siyang impormasyon. ’Wag mo lang po e-elaborate.” Tumango naman ito at agad na kinuha ang cellphone. Nakatatlong dial muna ito bago sinagot ng nasa kabilang linya.
“Letche! Busy ako masyado! Ba ’t ka ba tumawag?” singhal na sagot nito sa kabilang linya.
“Kuya . . . Tungkol sa malaking bill namin sa Ospital. Bakit ang la—”
“Walang utang na loob! Mabuti nga at babayaran na ang limang milyon no’n. And as I've said. Kung ’di makakagawa ng paraan si Umica bukas ay kayo na ang bahala sa bayarin nin—” Hindi na tinapos ng papa niya ang tawag dahil nakuha na nila ang sagot.
“Ku-kung gayon ay si Davin . . .” bulong ng Mama Linda niya at agad na nanlumo habang malungkot na tumingin sa kanya.
“Hindi rin tayo sigurado riyan. Unless he claims it,” aniya sabay ayos sa kumot ng asawa.
“So hintayin natin na nagkumento ito. Is that what you mean?” Tumango naman siya sa tanong ng Doctora. Kita naman niya na mukhang na-convince naman ito.
“Hija, baka may gagawin kapa. Maraming salamat talaga at nariyan ka palagi.”
“No biggie, tito. Anytime basta pamilya ninyo” Tuluyan na itong nagpaalam at ’di man lang siya tinapunan ng tingin.
“Pasensya ka na kay Haillie, anak ha. Masama lang ang loob no’n sa mga nangyari.”
“Ayos lang po, Mama Sheila. Malaki po ang natulong niya sa inyo habang wala ako.” Hinawakan nito ang kanyang balikat, “I’m really glad that you're finally home, son.” Napangiti na lang siya dahil pakiwari niya ay tumatak na siya sa puso ng mga ito.
Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam ang mga magulang niya na umuwi muna. Mag gagabi na rin kaya ay nagmamadali rin sila upang makabalik agad sa Ospital. Basi sa mga ito ay aayusin muna nila ang mga nasirang tinapay at cakes na naiwang nakabuyangyang sa kusina. Kasagsagan na naghahanda ng mga arina na for baking na ang mga ito nang hinimatay si Umica. Basi rin sa mga ito ay may maliit na kainan na rin silang pinapatakbo. At kasali ang mga ’yon sa nasayang. Alam niyang isang malaking pagkalugi ang nangyari kumpara sa maliit na negosyo ng mga ito.
“Mahal ko . . . Gumising ka na ulit. I miss you. I miss having you. I want to make it up to you. Please give me a chance . . .” bulong niya sabay halik sa labi nito. Habang nakaupo ay biglang nag-ring ang cellphone ni Umica. At nang tingnan niya ito ay nakikita niyang numero ni Osmond ang nasa screen.
“Osmond.”
“Master Wixon, Sir. Naayos na po ang schedule para sa Triad launching. Ang venue ay preparado na rin. Froso said, naka depende po ang lahat sa paggising ni Madame. It could be done anytime.”
“Good.” Matapos maibaba ang tawag ay muli siyang umupo sa silyang katabi ng kama ng kanyang asawa. Muli niyang pinagmasdan ang mukha nito. Sa paglapat ng kanyang pisngi sa kamay nito ay agad siyang nakaramdam ng kaginhawaan. He clearly understood that Umica is his only medicine. His life and everything. Dahil sa labis na pagod at pressure ay hinayaan niya na lang muna ang kanyang mga mata na pumikit. Ala-syete na rin ng gabi at nakararamdam din siya ng eye strain. Kahit nagugutom ay hindi rin siya sumabay sa pagkain kanina dahil wala siyang gana. Dala na rin ng bahagyang gutom at pagod ay ’di niya namamalayan na ang pagpikit-pikit ay tuluyan ng nauwi sa pag-idlip.
“Uhm . . .” ungol niya nang maramdaman ang marahan na haplos sa kanyang pisngi. Wixon subconsciously touch his face at doon ay natigilan siya nang mahawakan ang isang malambot na kamay. Dali-dali siyang nag-angat ng tingin at doon ay tumambad sa kanya ang mala-Diyosa na mukha ng kanyang asawa. Mamula-mula na ang pisngi at labi nito, malayo sa maputla nitong itsura noong unang gabi nila sa Ospital.
“Mahal ko . . .” bulong nito kasabay ng isang malapad na ngiti. Puno ng kasiyahan ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Habang siya naman ay natulala at napatitig sa mukha nito.
“I was afraid to wake up thinking that you are still not around. I want to stay in my dream kasi ikaw iyong nasa panaginip ko. We're together . . . Just like before. And we had a baby. Masaya tayo. Masayang-masaya. Ayaw ko na sanang gumising. But I heard your voice . . . I remember the warmth of your lips when we kissed after those long years. It was burning me. That kiss was burning more than it was six years ago. And it forced me to wake up.” Hinagod nito ang kanyang labi at nanatili ang hinlalaki nito sa ibaba niyang labi.
“Umica, mahal ko,” anas niya bago sakupin muli ang labi nito. Ngunit imbes na passionate kiss ang gusto niya ay naging smack lamang iyon.
Kaya ay nagtataka siyang napatitig sa asawa. She turned him down matapos siya nitong matagumpay na naakit.
“Hi-hindi pa ako nagto-toothbrush.” Namumula ito at agad na tumingin sa kabilang side. Iniiwasan ang kanyang mga mata. He couldn't help but giggle. Ganoon pa rin ito. Cute maging ang mga reaksyon. His Umica.
“I will still kiss you. Kahit hindi ka pa mag-toothbrush at maligo.” Lumapit siya sa tenga nito at bumulong. Ilang sandali pa ay halos pumutok na ang mga pisngi nito sa labis na pamumula.
“I miss doing you . . .” bulong niya at hinalikan ang leeg nito.
“Ma-mahal . . . Wixon. Na-nasa Ospital tayo. Saka dapat mas unahin mo muna ang magpaliwanag sa ’kin kung ano talaga ang nangyari sa ’yo. Why did it take you six years to come back to me?” Umayos ito nang higa at umaktong kinakandado ang bulaklak nito habang nakataas ang kilay. Napangiti naman siya dahil pilya pa rin ito pagdating sa kanya.
“Promise me na pwede na akong umiskor pagkatapos kong magpaliwang?” His brow furrowed sabay marahang pisil sa kamay nito. Ngunit sinamaan lamang siya ng tingin nito. Nagtaas naman siya ng kamay at umaktong nagpapahid ng luha. Matapos maayos na umupo ay muli na siyang naging seryoso.
“Hindi ko alam kung natagpuan niyo ba ang aking besiklita . . . Pero no’ng araw na pauwi na ako galing sa pamilihan ay aksidente akong nabaril. Dahil do’n ay nabagok ang aking ulo at nawalan ako ng alaala.” Kita naman niya ang labis na galit sa mga mata nito.
“Si lolo ba ang may kagagawan no’n?”
“No, Love. Don't be that silly. May tinulungan akong isang Ginang. Imbes na siya ang mabaril ay ako ang tinamaan. Kritikal daw ang aking lagay kaya ay napilitan siyang isama ako sa ibang bansa. I was in comatose state sa loob ng halos anim na taon. Nang magising ako ay wala akong maalala. I was still in therapy. Mood swings. Until recently ay naalala kita. Kaya ay agad akong bumalik sa Pilipinas. At ngayon na narito ka na . . . I know that I am fully healed.” Pinagmasdan niya ang tulalang mukha nito habang naglalandas ang mga luha sa pisngi.
“Ba-bakit sabi ni Tito Disandro ay na-kidnap ka? Mistaken identity daw.” Mas lalo itong umiyak kaya ay tumabi na siya sa kama ng asawa at niyakap ito nang mahigpit.
“Shhh . . . It's okay. Ang importante ay narito na ako at ’di na tayo maghihiwalay pa ulit.” Hinalikan niya ang noo nito at ramdam naman niya ang mahigpit nitong yakap sa kanya.
“Didikit ako sa ’yo na parang linta, Wixon. Bahala ka kung ma-annoy ka sa ’kin.”
“Alam mo bang kung wala lang tayo sa Ospital, mahal ay baka ina—” Naputol ang kanilang pag-uusap nang tumunog muli ang phone ni Umica. Agad naman siyang tumayo upang abutin iyon sabay bigay sa asawa.
“Si-si Tito Disandro.” Namutla itong muli sabay tingin sa kanya.
“Nga-ngayon na ang Traid Launching. At ’di ako nakasali sa meeting. Ni ’di ko nasiguro kung nakapasok nga talaga ang kumpanya natin. Dalawang araw akong nakatulog . . .” Naging sobrang lungkot nito at ’di niya mawari kung ano ang iniisip.
“He-hello, tito.”
“Oh, my dear niece. Gising ka na pala. Well . . . Mas mabuti na ring marinig mo mismo ang sasabihin ko. I called para sabihin sa ’yo na kunin mo na ang iyong mga gamit sa office mo. Tanggal ka na sa trabaho. At nakapasok kami sa Triad Launting. Davin helped us. At kung gusto mong manatili sa pamilya natin ay magpakasal ka na kay Davin. Hangga't ’di ka naikakasal sa kanya ay tinatakwil ka muna ni papa. Sa madaling salita ay ’di ka na isa sa Goddesses ng Sares clan. Good luck, Umica.” Nalaglag ang cellphone nito at tulalang napatitig sa kawalan.
“Mahal ko. Kaya mo na bang dumalo sa Triad launching?”
“Wixon . . . Mahal ko. Mukhang wala na akong trabaho. Saka ’di rin tayo makakapasok sa loob ng venue. Wixon . . . Kaya mo bang manatili sa isang babae na baon sa utang? Na ganda lang ang meron at talino?” Napangiti naman siya sa sinabi nito.
“Nah. Who told you na baon ka sa utang?” Masagana pa rin ang mga luha nito na tumingala sa kanya.
“Kaya mo bang dumalo ngayon sa Triad launching?” Muli niyang tanong dito. Tumango naman ito kahit tulala pa rin.
“Ayos na ba ang iyong pakiramdam, mahal ko?”
“So much better. Okay pa ako sa okay ngayon, mahal. Pero paano naman tayo papasok doon? Ni wala tayong invitation.”
“Leave that to me. Isa sa miyembro ng Triad ang Ginang na tinulungan ko. Papapasukin tayo nang walang invitation.” Kita niya ang pagkinang ng mga mata nito.
“Baka sakaling ma-impress ko si lolo at pabalikin niya ako sa kumpanya. Salamat, mahal ko!” bulalas nito at niyakap siya. Hindi niya masisi ang asawa. Halos buong buhay nito ay umikot sa kumpanya ng pamilya nito. And he knows that Umica is a filial daughter. Kaya nakaukit na sa puso nito ang pagiging masunurin lalo na sa lolo nitong parang walang puso.
“Yes, love.” Niyakap niya ito at ’di na kinontra ang nais nito. Alam niyang may nais patunayan ang asawa niya. And he was determined to help her.
“Hindi pa na proseso ang paglabas ko. Baka pagalitan tayo ni Haillie.”
“Hindi ’yon. Siya mismo ang nagsabi na healthy ka at kailangan lang ng pahinga.”
“Kailan tayo aalis? Wala pa akong isusuot, mahal. Umuwi na lang tayo sa bahay. May luma pa akong gown doon.” His heart aches nang muli niyang mamalas ang pagiging simple nito. Dahil wala siyang maibigay na karangyaan sa asawa noon ay hindi rin ito naging mapaghangad.
“Leave it to me. Naka-plano na ang ating pagdalo. Halika na. Tulungan kitang maligo at magbihis bago tayo magtungo sa boutique.” Gumalaw-galaw ang kanyang kilay.
“Ayaw kong mabitin ka, mahal. Gawin na lang natin pagkatapos ng Launching.” Sa pagkakataong ’yon ay natigilan siya. Mukhang nag-mature na rin ang kanyang asawa at ’di na gaanong nahihiya sa kanya, ’yan ang iniisip ni Wixon.