Katatapos lang niyang maglibot sa kanilang mansyon. Nakakita siya ng ilang mga concerns ngunit ’di naman alarming. Nasira lang ang mood niya dahil sa mga namatay na kabayo ng kanyang ama. Wala ng laman ang kwadra matapos e-attemp ng ina niya noon na dalhin kasama nila ang mga kabayo, ngunit na-ambush ang sinakyan nito at namatay lahat.
Papasok na sana siya sa kanyang silid nang tumunog ang cell phone niya. Agad niya itong kinuha at salubong ang mga kilay na tinanggap ang tawag.
“Master Wixon. Nasa bus stop na po ang Madame.” His mood lightened nang narinig iyon. He wanted to see Umica. Pero ’di pa niya iyon maaaring gawin. Kailangan muna niyang ilabas ang tinatago niyang mga plano.
“And?” He was anticipating for more lalo’t wala siya sa kinaroroonan ng asawa upang siya mismo ang umalalay dito.
“Na-pull out na po ang old bus na bumabyahe sa route ng Monato subdivision. Tinanggap ng Owindo clan ang bayad natin, Master Wixon. Same drivers and personnel din pars ’di manibago ang madame. Na-set ko na rin maging ang bus na sasakyan niya pauwi sa bahay. As for your order, anim na bus po ang inilabas natin for public use.”
“Good, Froso. Now, make sure na ligtas siyang makararating sa kompanya nila.”
“On it, Master Wixon.” Matapos maibaba ang tawag ay agad na siyang naligo at nagbihis. Nang nakagayak na ay mabilis siyang lumabas sa kanyang silid.
“Osmond, it's time,” sabi niya at nagmamadaling nagtungo sa elevator. Makalipas ang ilang sandali ay umalingawngaw na sa paligid ang tunog ng isang chopper.
“Master Wixon,” tawag ng lalaking naka full-white suit matapos nag-bow.
“Let’s go, Osmond.” Agad siyang umupo sa tabi ng pilot seat.
Osmond and Froso are identical twins. Parehong magsalita ang mga ito maging ang kilos. Ang tanging pagkakaiba ng dalawa ay mahilig sa itim na bagay si Froso, habang puti naman ang kay Osmond. While Froso is his left hand in the field, si Osmond naman ang kasa-kasama niya and his number one personal guard. Specialty nito ang pampasabog, baril at close combat. Si Froso naman ay magaling sa taktika at sa intil nila all around the world. Not to mention his ability in hacking.
“Nasa building ba nila ang mag-amang Owindo?”
“Confirmed by Froso, Master Wixon.” Tumango siya at ’di na nagsalita pa. Dahil malapit na sa hangganan ng district one ang kanilang lupain ay agad nilang narating ang district two. Habang binabaybay nila ang palabas ng Folmona tungo sa district two main operation ay ’di niya mapigilang mapailing sa nakakalbong kagubatan roon. Agad niyang kinuha ang mamahaling binoculars at sinilip ang sitwasyon sa ibaba.
“It’s a quarry!”
“Opo, Master Wixon. Limestone quarry.”
“Owindo clan . . .” bulong niya at biglang nagdilim ang kanyang awra.
Ramdam naman iyon ng lahat ng nasa chopper kaya sobrang tahimik lang ng lahat. Kasama niya ngayon ang mga anak ng butihing tagasunod ng kanyang ama at ina noon. They were trained beyond limit kaya ay mas mukha silang robot kaysa tao. Their prowess and ability cannot be compared to a normal person too.
After half of an hour ay nakarating na rin sila sa rooftop ng Owindo clan ways, kung saan nakaabang doon ang mag-ama habang pinaliligiran nga mga tauhan nito. Fully armed pa ang mga ito kung ikukumpara sa kanya, at sa apat na tao niyang kasama.
“Master Osmond Foltajer, it's good to finally meet you!” bulalas ng matabang Owindo. Sa itsura nito ay halatang ito ang Senior Owindo habang mga anak naman nito ang nasa magkabilang gilid.
Si Wixon naman ay nakatayo sa gilid ni Osmond habang pinapayungan ng isa sa mga tauhan niya.
“At sino naman ’yang kasama mo, Master Osmond? Bakit mas mukha pang importante kaisa sa ’yo?” Pagbibiro ng mas batang Owindo habang pigil ang tawa.
Matalim ang mga titig na pinupukol ni Osmond sa batang Owindo, “Lionad!” Agad naman itong natakot at mabilis na tumayo nang tuwid matapos sigawan ng ama nito.
“I will go straight to the point, Mr. Owindo, bakit ’di ka sumunod sa pinag-usapan natin?” Kitang-kita nila na agad itong namutla.
“Ah, hehe . . . Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin, Mr. Foltajer.” Agad namang kinumpas ni Wixon ang kanyang kamay. Ilang sandali pa ay tumunog na ang telepono ng matandang Owindo.
“Take the call, Mr. Owindo. That might be a life or death situation,” walang emosyon na turan ni Wixon. Masama naman ang tingin ng mga anak nito sa kanya habang lumayo nang bahagya ang matandang Owindo upang sagutin ang tawag.
“What? Anong bumaba ang sales at nagkaroon nang maraming violation? No! Sa-sandali lang!”
“Mr. Foltajer, ikaw ba ang may kagagawan ng nangyayari sa kompanya ko? My system was hacked at nagkanda litchi-litchi ang lahat ng orders!”
“Tell me kung bakit ’di ka sumunod sa pinag-usapan natin. When I only asked you to give the Monato side route and boundaries. Tumanggap ka pa ng pera upang bayad,” kalmado na sabi ni Osmond.
“A-anong bayad?” Halata sa mukha nito ang matinding pagkalito. Kasabay niyon ay ang pagtutok ng mga tauhan nito ng baril sa gawi nila Wixon.
“Why don't you ask your kids?” tanong ni Wixon. Lukot ang mukha nitong humarap sa dalawang anak na kahit ’di pa tanungin ay halata ng guilty.
“No-no, dad! Listen to me. That was Kuya Lindon’s plan. I have nothing to do about it!” singhal ng batang Owindo.
“What did you say? Ikaw ang tumanggap ng pera upang iposta sa karera mo and you lose the bet! Don't you damn throw the bla—” Hindi na nito natapos ang sasabihin nang isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi nito mula ama. Bumagsak ito sa sahig maging ang batang Owindo na ngayon ay yakap ang tiyan matapos undayan ng sipa ng matandang Owindo.
“Pakiusap, Master Osmond, spare my company. Hi-hindi na po ito mauulit. Mga punyeta! Yumuko kayo at humingi ng tawad!” sigaw nito sa dalawang anak na namimilipit pa sa sakit.
Pilit namang kumilos ang dalawa at dumapa rin tulad ng ama nila.
“Patawad, Master Osmond. Patawarin mo po kami,” sabay na sabi ng magkapatid. Tulad ng mga boss nila ay binaba rin ng tauhan ng mga Owindo ang kanilang armas at yumuko.
“Pakiusap Master Osmond . . . Not my company. Please!”
Naglakad si Wixon tungo sa matandang Owindo. Unti-unti siyang yumuko at mabilis na inangat ang mukha nito gamit ang may gloves niyang kamay.
“Ma-master Wa-Walter Foltajer?” Gulantang ang mukha ng matandang Owindo. Namumutla ito at ’di na makapagsalita. Para bang nakakita ito ng multo. Isang mabagsik na multo ng nakaraan.
“Shhh . . .” Nilagay niya ang kanyang daliri sa labi nito. “How are you going to compensate me then?” Puno ng kadiliman ang mga mata niya habang nakangiting nakatitig dito.
“E— Epu-pull out ko po lahat ng transport bus ko sa buong district one, Ma-master Walter. Etu-turn over ko po ang operations ng Owindo clan ways sa District one! Spare us Master, please . . .”
“Good choice! Good choice! I like that,” sabi niya sabay tanggal ng suot na gloves at pinalitan ito ng bagong pares. Ngunit bago siya tumalikod upang bumalik sa chopper ay muli siyang yumuko.
“Wala na ang ama ko. Kaya mas matakot ka sa ’kin . . .” bulong niya rito, dahilan kung bakit mas namutla pa ito.
“Thank you for your charity, Mr. Owindo,” sabi niya at nagsimulang maglakad tungo sa chopper. “I hope you can do something about your limestone quarry just near to my land border, Mr. Owindo. It was nice to finally meet you.” Sumakay na silang lahat sa chopper habang naiwan pa rin na nakayuko ang Owindo clan sa rooftop ng sarili nitong building.
“What do you want to do next, Master Wixon?”
“I want you to prepare a local press conference for me when we get back to Foltajer mountain. Magpapakilala tayo bago ganapin ang triad Launching.” Matapos ang deal sa Owindo clan ay diretso na sila pabalik sa kanyang mansion.
Sa parte naman ni Umica ay tulala siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. Hindi naman siya pagod sa beyahe dahil talagang komportable na ang bus na nasakyan niya, ngunit pagod siya sa kakaisip ng maaaring gawin sa kanyang problema.
“Miss Umica, ang ganda po ng mga bagong bus na bumabyahe ngayon no?”
“Oo, Piya. Nagtataka lang ako kung bakit biglang na-face out ang mga lumang bus ng Owindo ways.”
“Eh? Haluh! Tingnan mo itong kasagsagan na interview ni Mister Owindo, Miss Umica.” Agad naman niyang binuksan ang sarili niyang laptop.
“Huh? Mangingibang bansa na sila ng buong pamilya niya kaya benenta na niya ang Owindo clan ways?” Nakikinig lang siya sa interview habang panay naman ang ngawa ng sekretarya niya.
“Sa tingin mo, Miss Umica, sino kaya ang nakabili ng kompanya nila?”
“Shhh . . . ’Di na natin problema ’yan. For now mas problema natin kung paano ipapasok ang Sares doll factory sa triad launching.” Hinihilot niya ang kanyang sentido dahil masakit iyon.
“Gusto mo po bang masahiin muna kita, Miss Umica. Parang mas pumayat ka po ngayon.”
“Ayos lang ako, Piya. I was jus—” Agad na naputol ang pag-uusap nila ng assistant niya nang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
“Come in!” Bumukas naman ang pinto at pumasok ang maarteng main assistant ng Tito Disandro niya. Mukha itong pokpok kung manamit at kulang na lang ay ut*ng lang nito ang takpan dahil sa sobrang labas na ang malalaki nitong bundok.
“Miss Sares. Nariyan na si Mr. Davin Monato. Pinapatawag ka ng President. Kaya tigilan mo na ang pakikipag tsismisan. ’Di ka binabayaran para riyan!”
“Aba’t!” Hinawan niya ang braso ni Piya dahil akma na nitong susugurin ang walang respeto sa kanya na babae.
Prominente siyang tumayo at unti-unting naglakad palapit sa babae.
“Ah! How dare you!” singhal nito habang hawak ang namumulang pisngi. May dugo rin ang gilid ng labi nito dahil sa lakas ng sampal niya rito.
“Nagising kana ba? O gusto mo pa ng isa pang sampal? Next time, put yourself in a proper place. My name is Umica Sares. Isa sa mga main Goddess ng Sares clan. Ilugar mo ang iyong sarili. Sa oras na malaman ni aunte ang relasyon niyo ni uncle Disandro . . . Malamang, sa ilalim ng lupa ka pupulutin,” sabi niya sabay himas sa namaga agad nitong mukha.
“Now, go! Tell my uncle na susunod ako.” Mabilis naman itong kumilos at halos patakbong tinungo ang pinto upang makalabas sa opisina niya.
“Yay! Idol talaga kita, Miss Umica!” bulalas ng assistant niyang si Piya. Ito lang ang nag-iisa niyang kakampi sa loob ng kanilang kompanya. Halos lahat ng narito ay mababa ang tingin at turing sa kanya.
“Oo na nga, ako na ang idol mo. Pero need ko ng magtungo sa opisina ng President.”
“Sandali! Hayan.” Inayos nito ang suot niyang below the knee pencil skirt at ang kanyang puting long sleeves. Nilagyan din nito ng ointment ang namumula niyang palad.
“Thank you, Piya. What would I do without you here?”
“Uhm . . . ’Wag na, Miss Umica . . . Naiiyak na ako,” wika nito sabay punas sa masaganang luha. Talagang mababaw lamang ang luha nito pagdating sa kanya.
“Hep! Tahan na. Nakakapangit ang pag-iyak.” Niyakap naman niya ito bago niya tinungo ang pinto. Huminga muna siya nang malalim sabay labas ng kanyang opisina. And as usual, which is nothing new, nagbubulungan na naman agad ang mga impliyado habang nakatingin sa kanya. ’Di na lang niya ito pinansin at patuloy na siyang nagtungo sa President’s office. Sumakay siya sa elevator at agad na lumabas nang narating ang tamang floor.
Nang malapit na siya sa opisina ay agad niyang nakita ang sampung bodyguard ni Davin sa labas. Yumuko naman ang mga ito upang paggalang sa kanya.
“Salamat,” wika niya matapos buksan ng guard na malapit sa pintuan ang pinto upang makapasok siya.
“Umica, baby!” anas ni Davin at mabilis siyang niyakap. Hahalikan na sana siya nito sa labi ngunit iniwas niya ang kanyang mukha, kaya sa kanyang pisngi dumapo ang labi nito. Ngunit kahit ganoon ay nandidiri pa rin siya.
“Umica! ’Wag kang bastos!” bulalas ng Tito Disandro niya.
“Ayos lang, Disandro. Pasasaan ba’t magagawa ko rin lahat ng gustuhin ko ’pag kinasal na kami.”
“Hey, Umica. ’Di ba may sasabihin ka kay Mr. Monato?” Agad naman siyang napatingin sa may lounge sa loob ng silid. ‘Tito Yando at Tita Sandra? Heh! Narito talaga sila upang gipitin ako!’
“What is it, baby? Oh, wait. Gusto kong mag dinner muna tayong dalawa. Doon natin pag-usapan ang lahat ng nais mo.” Kita niya ang demonyong ngiti nito dahilan upang magtaasan ang mga balahibo niya sa katawan.
“No. I'm busy,” mabilis niyang sagot, kaya agad na nalukot ang mukha ni Davin.
“I guess walang balak si Umica na pumasok ang kompanya ninyo sa upcoming triad launching. In that case, wala na akong magagawa.” Mabilis itong tumayo at naglakad paalis.
“Mr. Monato!”
“Mr. Davin Monato! Sandali lang!”
“Umica! Do something!” sigaw ng mga kapatid ng ama niya, subalit wala siyang pake. Tuluyan ng nakaalis si Davin kaya agad na sumalubong sa kanya ang masamang tingin ng mga ito.
“Makararating ito kay papa!” bulalas ng Tito Disandro niya, kaya agad naman siyang namutla.