CHAPTER 3

3168 Words
Curiousity kills Maagang natapos ang klase namin dahil sa anunsyo ni Miss Jera. "Demi, may Org. ka na bang naisip salihan?" Tanong ni Fleigh habang inaayos ang mga gamit niya. "Hmm." Tanging sagot ko at nagtungo na kami sa labas para mag-lunch. Sa sport Org. ako sumali kapag sumali ka sa isang Org. dito ay dapat handa ka sa ano man, iyon ang sabi ni Miss Jera kanina. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Si Fleigh at Sendy ay sumali sa Theater Org. Magaling raw kasi umarte ang dalawang 'to.Si Hera naman sa News Org. Tungkol sa school paper,events at iba pa. Isa si Hera sa Student council dito ilang taon na din na sa News Org. daw siya sumasali since doon siya sanay at siya naman din lagi ang kinukuha para gumawa ng report about sa school events. Sabado at linggo ay free time namin kaya iyon ang time na pupunta akong Social Hall hindi ko alam aling sports ang pipiliin ko.Ang mga kasama ko naman ay hindi ko alam baka gano'n din siguro ang gagawin nila. Isang buwan na akong nanatili dito medyo nasasanay na din ako kung ano ang nakasanayan nila dito. Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa klase namin minsan ay hindi kami pareho ng schedule nila Hera. Bago ako pumasok dito first year High School lang natapos ko. Dito ang mga lesson nila ay pinaghalo-halo yung lesson sa first year hanggang fourth year. Kapag college naman raw ay mas mahirap kaya iyong iba tinatamad mag-aral at madalas suki na sa Detention Hall. Iyon ang kwento ni Hera sa'kin. Hate ko talaga ang Math ayoko sa mga numero tamad akong magbilang at naduduling ako sa mga numbers sa kasamaang palad dahil estudyante lang ako at nasa High School pa lang kaya kasama sa pagiging estudyante ko ang malaman ang lahat kahit ayaw ko sa subject na'to. Totoo ang sinabi ng kaklase ko noon na ang High School lesson ay pang-college na dito pero may mga madaling lesson din naman sila dito. Nabububo lang ang estudyante sa sobrang dami ng aaralin. Hindi ako nagtanong nangalap lang din ako, Lahat ng estudyante dito ay hindi gagraduate ng walang dalang parangal dahil lahat dapat may parangal. Maliban sa mga hindi gagraduate at uulit hanggang sa maka-graduate siya dito. Hindi ko alam kung tama ba ang nalaman ko na mahirap makalabas dito iisang batas lang din ang pinapairal nila dito. At iyon ang hindi ko alam. Saka ko na aalamin iyon. Sa ngayon kailangan ko muna hasain ang utak ko sa subject na'to. "Our topic for the day is basic accounting.." "Fernin stand up." Tawag ni Miss sa katabi ko. Whoah! buti hindi ako ang tinawag bobo ako sa accounting chuchu na iyan. "If Credit is a loan, what about debit?" "Card Miss." Sagot niya. Gusto ko tuloy matawa. Debit Card lul. "Wrong." "Sanchez Stand up." "Salary Miss.." Isa din 'to "Wrong." "Anyone can answer?" Tanong ni Miss pero mukhang wala rin alam ang iba. "Versacio." Biglang tawag sa'kin ni Miss Lensy. "Miss." "If Credit is a loan, what about debit?" Tanong sa'kin. Anak ng ba't nasa accounting ang topic ng gurong 'to. "Savings Miss." Sagot ko. "Correct." Aba't akalain mo iyon tumama pa. Alright! May ilan na nagbubulongan. Malamang ako na naman bakit ba ako? ewan ko! kada sagot ko ng tama sa tanong ni Miss ganyan sila nag bubulongan kahit alam ko ako pinag-uusapan nila. Malay ko ba kung alam ko ang sagot. Mahilig akong mag-advance reading kaya may ilang tanong akong nasasagot. Sa gitna ng pagtuturo ni Miss. Bigla nalang pumasok ng Tatlong lalaki na nakasalubong namin noon. Deretso silang pumasok hindi man lang bumati. Tsk tsk Nagkaroon kami ng Quiz, iyong iba sa likod halos maihi na sa sobrang kilig nang makatabi nila iyong mga tatlong lalaki. 'Ang bango niya talaga girl.' 'He's really a goddess.' 'Shhh huwag ka masiyadong loud teh marinig ka niyan.' Mga narinig ko mula sa likod. Pasimple akong lumingon, iyong simpleng lingon ko ang nagbigay sa'kin ng kakaibang kaba. Biglang nag-angat ng tingin iyong nasa gitna. Sobrang seryoso niya na animo'y may kasalanan ka sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tinoon ko ang tingin ko sa papel ko. Nauna nang lumabas ang iba dahil natapos agad nila ang Quiz. Nanatili pa ako dahil gusto ko ayusin ang sagot ko. Napansin kong nandito pa sa loob ang tatlong lalaki na hindi ko alam anong mga pangalan nila. Pagkalipas ng limang minuto natapos ko na ang Quiz. Inayos ko agad ang gamit ko baka hinihintay na ako nila Fliegh. Agad kong tinungo ang Dinning Hall. Si Sendy lang naabutan ko kaya agad ko siyang nilapitan. "Sendy!" "Demi, bakit ngayon ka lang?" "Ngayon ko lang kasi natapos ang Quiz. Nga pala saan na sila Hera?" "Parating na ang mga iyon may kinuha lang sa Library." Sabi niya Tumayo muna ako para kumuha ng pagkain. Habang pumipila ako may sumingit na isang lalaki. Ito iyong Master na sinasabi nila. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkuha ng pagkain ko. "Hindi mo ba alam na kapag nandito ako magbigay ka ng daan. Ayoko sa lahat inuunahan ako." Sabi niya iyong iba naman nasisindak kaya umatras. eh! kung tadyakan ko kaya lokong 'to ako naunang pumili dito tapos ako pa sasabihan inunahan ko siya. Anak ng kagang. Tss! "Kung ang batas nga ay nalalabag, Ano pa kaya iyang sa'yo? Wala akong natatandaan na may ganyang batas dito maliban nalang kung pinasimunuan mo ng walang pahintulot mula sa nakakataas." Malalim na hugot kong sabi. Biglang nagdilim ang mukha niya na tumitig sa'kin. Tsk! hindi ko ugaling magpabastos sa iba. "Matapang ka! Bago ka lang dito pero kung umasta ka parang may alam ka." Sabi niya saka ngumisi. Wateber yu sey pangit! "Hindi ko ugaling alamin ang mga bagay na hindi mahalaga." Akma na niya akong sasampalin, napapikit ako bigla sabay yuko. Pero walang kamay na dumapo sa mukha ko. Nang buksan ko ulit ang mga mata ko may isang kamay na humarang sa kamay na sasampal sana sa'kin. "Kaduwagan naman yata iyang gagawin mo Tyron, Pumapatol ka sa babae? hah! ngayon ko lang nalaman na pati babae ay pinapatulan mo na." Sabi nitong lalaki na nasa tabi ko siya ang kasama ng dalawa kanina sa room. "Ngayon ko lang din nalaman na may pakialam ka na sa paligid mo Zain tch!" Nagpatigasan sila ng tingin nitong katabi ko. Biglang lumapit sila Hera sa'kin. "Demi? anong nangyari ayus ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Hera "O-Oo ayus lang ako." Sagot ko habang nakatuon pa din ang paningin ko sa dalawa. "Lumalagpas ka sa limitasyon mo Zain. Hindi magandang pangitain iyan." Nakakalokong sabi ni Tyron "Tch!" Saka siya umalis na parang walang nangyari. "At ikaw? huwag kang haharang sa dadaanan ko baka sa sunod wala ng sumalo sa'yo." Sabi ni Tyron. Nakaramdam ako ng kaba pero hindi takot. Bumalik na kami sa upuan namin mahaba ang break time namin dahil may Exam kami sa panghapon na klase. Panay naman ang mga bulong-bulongan sa paligid daig pa ang bubuyog ng mga 'to. "Demi, ano ba talaga ang nangyari?" Pag-uusisa ni Sendy. kunot noo naman akong tiningnan ni Fliegh at Hera na naghihintay sa sagot ko. "Kumukuha lang ako ng pagkain ng biglang sumingit iyong Tyron. Tapos nagkasagutan kami." "Ano??" Sabay nilang tanong "Demi, hindi ba sabi ko huwag mo silang papansin o kakausapin hindi mo alam ugali ng mga iyon."- Hera "Huwag kang hihiwalay samin simula ngayon, Huwag kang lalabas at pakalat-kalat dito sa campus ng ikaw mag-isa." Sabi naman ni Sendy "Ano ba ang meron sa mga iyon bakit takot ang iba sa kanila. Maliban lang yata sa inyong tatlo." Tanong ko. Gusto kong malaman ang dahilan. Bumuntong hininga muna si Hera bago nagsalita. "Si Tyron ang tinatawag nilang Master. Tyron Vann Regall, leader ng Fox." "Si Zain naman ang Leader ng Knights. Zain Hero Joven." Pagkasabi ni Sendy nun agad akong napatingin kay Hera. Mukhang hindi ko na kailangan magtanong kung ano ni Hera si Zain. "Hindi ko pa din maintindihan, bakit gumagawa sila ng sariling batas dito?" Tanong ko. "Mahirap ipaliwanag sa'yo iyon ngayon Demi. Hindi ko alam saan sisimulan, sa ngayon wala kang dapat ipag-alala sumama ka lang samin lagi. At kapag nakasalubong mo si Tyron umiwas ka. Kakausapin ko pa si Zain kapag may pagkakataon."- Hera Tumango nalang ako saka pinagpatuloy ang pagkain ko. Ano man ang meron sa pagitan ng dalawang grupo na iyon nasisiguro kong malalim ang ugnayan nila lalo na ang dalawang leader. Masyadong misteryoso ang mga tingin nila sa isa't-isa kanina. Matalim na tila kapwa sila lang ang nagkakaintindihan. Batid ko din alam nila ang kilos ng isa't-isa. Hindi ako pinanganak kahapon ayokong isipin nila na inaalam ko ang mga buhay nila. Pero hindi ako kasing bobo tulad ng iba. Masyadong madami ang laman ng utak ko sa ngayon para masagot ko ang sarili kong tanong. Siguro ang ganitong ugali ay nakuha ko sa mga magulang ko. I remember what my dad said. "Curiousity Kills the innocent mind." Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit at hindi ko makalimutan iyang linyang iyan mula sa aking Ama. Sabi naman ng aking ina noon. "Don't tell anyone a secret, Especially if that secret will keep you safe. Sometimes we tell secrets to others for them to keep it. But the truth is your giving them an idea to hurt you or worst put you in danger." Siguro iyon din ang hindi masabi nila Hera. Ayaw nila makialam ako sa ano man ang meron ang grupo na iyon. Dahil baka ikapahamak ko lang. Malalim at makahulugan ang mga sinasabi nila Hera sa'kin. Iyong akala mo ay naglalaro kay ng mind game. Pinapaikot ka nila sa tanong na ikakalito mo. Pero ang totoo nasa tanong mismo ang sagot na hinahanap mo. Sa ikli ng panahon na nakasama ko sila. Bawat araw pinag-aaralan ko ang mga kilos nila, bawat sinasabi nila iniisip ko kung bakit gan'on ang sinabi nila sa'kin. Hindi ako marunong magbasa ng isip gaya ng aking Ama, pero hindi din naman ako ignorante gaya ng iba. Naaalala ko noon hindi ko pa man din ginagawa ay alam na niya na iyon mismo ang gagawin ko kaya pinapayohan agad niya ako na huwag kong gawin kasi hindi iyon ang tinuro niya sa'kin. Matapos naming mananghalian bumalik na kami sa room. Sabay kaming apat dahil may Exam kami sa Litereture. Nakakabobo talaga ang mga lesson nila dito iyong Quiz nila madalas 100 items. Itong Exam naman 500 items. Masyado bang matalino ang mga Prof dito para gumawa ng ganyan karaming tanong. Sa School ko nga dati 50 items lang hirap na hirap na mga classmate kong maperfect ito pa kayang 500 item. Siguro nagpoprotesta na sila kapag gan'on nga ang mangyayari. Pero dahil wala sila dito at sanay na ang mga estudyante sa sistema ng School na'to kaya ito chill lang iyong iba. Akala mo naman sobrang talino ni hindi nga makasagot sa recitation. Sabagay nobody is perfect, Except my perfect mind. Tsk Mayabang is real. Hindi pa man din kami nangangalahating oras iyong iba pawis na pawis na kakasagot sa tanong sa test paper. Samantalang ang lamig dito sa loob left and right ang aircon. 's**t! napag-aralan ko na'to ano ba kasi iyong sagot.' Narinig kong pagmamaktol ni Fliegh magkatabi kasi kami. Pasimple kong sinilip ang papel niya nasa number 70 pa lang siya. "Fiction" Mahina kong bulong sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa'kin na nagtataka. Ngumiti lang ako sa kanya saka pinagpatuloy ang pagsagot. Halos dalawang oras din ang tinagal bago ko natapos sagotan lahat. Nauna na akong lumabas sinabi ko nalang kay Hera na sa labas ko sila hihintayin bawal kasi tumambay sa loob may nag-eexam pa. May upuan sa labas ng mga rooms dito. Doon muna ako umupo. Habang hinihintay ko sila. Inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Paniguradong matatagalan pa ang mga iyon sa pagsagot. Habang nagbabasa ako may mga boses akong narinig. "Huwag mo siyang idadamay dito Tyron." Boses ni Zain iyon. "Bakit? Sino ba siya para bigyan mo ng importansya." "Tch! Walang dahilan para sabihin ko sa'yo." "Hah! nagpapatawa ka ba? Hindi ko ugaling magbigay. Kaya hindi kita pagbibigyan diyan sa gusto mo." Mariing sagot ni Tyron Ano ba pinag-uusapan nila. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Nasa malapit lang siguro sila kaya rinig na rinig ko ang usapan nila. "Tigilan mo siya kung ayaw mong ikaw mismo ang luluhod sa harap ko kapag hindi mo sinunod ang sinasabi ko. Hindi ito isang babala kung hindi payo." Sabi ni Zain. At narinig ko ang mga yabag ng paa. Agad kong tinuon ulit ang atensyon ko sa libro. Baka isipin niyang nakikinig ako. Eh nakikinig naman talaga ako, ayoko lang mahalata niya. Kahit nakayuko ako ay napansin kong nilagpasan niya lang ako. Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Pero bigla siyang huminto.. "Stay where you belong don't go near me or Tyron. You have to listen your friends it's for your own safety." Sabi niya ng hindi lumingon sa'kin. Saka siya naglakad ulit palayo. Ano daw iyon? Nang matapos ang mahabang exam. Sabay kaming bumalik nila Hera sa dorm. "Teka? Nasaan pala si Brenda. Paggising ko kanina hindi ko siya nakita." Tanong ko sa kanila. "Maaga siyang inutusan ni Senyora. Saka may meeting raw sila mamaya ng mga ka batch niya." Sagot ni Fliegh Mag-iisang buwan ko na din nakasama si Brenda simula ng makalabas siya mula sa Detention Hall. Mabait naman siya, seryoso lang minsan. Minsan naman hindi namamansin pero sabi nila Sendy natural lang raw kay Brenda ang gan'on. Tumango lang ako sa sagot ni Sendy. "Ano balak niyo sa weekend?" Tanong ni Hera "Eh ano pa edi pupunta sa Social Hall. Doon raw kasi kami sabi ni Miss Farra." Sagot ni Sendy "Ikaw Demi?" "Doon din sa Social. Hindi ko pa alam ano sports nila dito sa weekend ko pa aalamin." Sagot ko. "Basketball sa boys dito, sa girls naman ay marami ikaw na pipili ano ang sports na gusto mo." -Hera Matapos ang usaping iyon ay naghanda na ako para mag-aral mamayang alas sais pa ang hapunan kaya ginawa ko muna ang mga assignments ko. Wala na akong panahon para gawin 'to sa weekend kaya ngayon nalang. Next month gaganapin ang U-DAY. Kaya abala ang lahat lalo na kami puro exam nalang kami next week. Kailangan namin tapusin lahat para sa weekend at sa susunod na linggo ay paghahanda nalang kami. - Dumating ang weekend maagang nagising ang mga kasama ko. Nagising akong wala na sila. Matapos kong maghanda lumabas na ako papuntang Social Hall. Nang paalis na ako, halos mapasigaw at mapatalon ako sa sobrang gulat. Dali-dali niyang tinakpan ng mga kamay niya ang bibig ko. Nagpumiglas ako,ngunit suminyas siyang huwag akong maingay. Nang kumalma ako agad naman niyang inalis ang pagkakatakip niya sa bibig ko. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka kong tanong "Makinig ka dahil hindi ko ugaling umulit sa mga sinasabi ko." Sabi niya Kunot-noo akong nakatingin sa kanya. Nakipagtitigan din siya sa'kin. Hinimas-himas niya ang baba niya saka nagsalita."Madaming mata ang nakatingin sa'yo dito. Hindi mo kailangan lumingon-lingon para alamin sino sila. Huwag mo ipapakita na may alam ka kahit wala naman talaga. Masyadong delikado para sa'yo kapag may nalaman ka. Huwag mong alamin ang mga bagay na napapansin mong kakaiba sa paligid mo. Mas mabuti kung hahayaan mo na lang." Seryoso ngunit may bahid ng proteksyon ang sinasabi niya. nararamdaman ko. "Bakit mo sinasabi ang mga iyan sa'kin ngayon? Bakit ka lumalapit sa'kin. Ikaw nagsabi na huwag akong lumapit sa'yo. o kahit kay Tyron." Kunot-noo at sunod-sunod kong tanong. "Hindi ito ang oras para malaman mo ang dahilan ko. Malalaman mo din sa susunod hindi ngayon. Pumunta ka na sa pupuntahan mo. Huwag mong kalimutan ang sinabi ko hindi iyon utos kung hindi payo." Seryoso niyang sabi at agad na tumalikod. Naiwan akong nakatulala, Nagtatanong kung bakit? Napakabagal ng paglalakad ko papuntang Social Hall. Lutang ang isip ko tungkol sa sinabi ni Zain kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya iyon sa'kin. Wala akong nakikitang dahilan para payohan niya ako ng gan'on. Hindi ko siya kilala, maliban sa pangalan niya bukod do'n ay siya ang kapatid ni Hera. Wala na akong iba pang nalalaman tungkol sa pagkatao niya. Gaya ng sabi ni Hera huwag akong makialam. Nang makarating ako sa Social Hall. Namangha ako ito ang unang beses na makakapasok ako sa lugar na'to. Sobrang laki siguro kung susukatin ko ito gamit lamang ang mga mata ko. Isang buong concert hall ang laki nito. Akala ko ay isang maliit na kwarto lamang ito. Hindi kasi ito pinakita sa'kin ni Miss Jera noong nilibot niya ako sa school na'to. Ang kwento din sa'kin ni Hera may mga iba't-ibang parte ng School na'to na bawal talaga puntahan. Kapag pumunta ka doon ay hindi ka na kailanman makakalabas. Nangilabot ako ng kinwento niya sa'kin iyon. Madami silang hindi sinasabi sa'kin at iyon talaga ang gustong-gusto kong malaman. Agad naman akong nakita ni Fliegh pagpasok ko kasama niya si Sendy at Hera. Sa kabilang banda naman ay ang grupo ng Fox. Halos lumuwa ang mata ko. Nakatuon sa'kin ang paningin ni Tyron. Kung nakakamatay lang ang pagtitig niya sa'kin malamang sa malamang kanina pa ako binawian ng buhay. Pasimple akong lumingon-lingon sa paligid sa pag-asa nandito rin si Zain. Pero bigo ako, Tsk bakit ko ba siya hinahanap eh kakausap lang namin kanina. Tsk! Tsk! Demi may sakit ka yata. Mabuti na rin iyong wala ang Knights dito baka may maganap na namang hindi naaayun sa panahon at sitwasyon gaya no'ng huling nangyari sa Dinning Hall. "Demi, Are you with us?" Natauhan ako sa biglang pagtawag ni Sendy sa'kin. Masyado na yata akong nilalamon ng sarili kong pag-iisip pati ang pandinig ko ay naapektuhan na. Malala ka na Demi, kailangan mo na yata muna erelax ang sarili mo at itigil muna ang kakaisip ng kung anu-ano. Napabuntong hininga nalang ako. Para na akong baliw kinakausap ang sarili ko gamit ang isip. "I-I'm Sorry, Ano ulit iyon?" Wala sa sarili kong tanong. "Ang sabi ko punta tayo sa taas nando'n ang sports team. para makapili ka na din ng sasalihan mo." Sabi niya at tumango lang ako. Nagpaalam muna kami ni Sendy kina Hera. Sinamahan niya ako sa taas. Tiningnan namin ang mga listahan ng sports na sasalihan. 1. Basketball 2. Archery 3. Billiards 4. Volleyball 5. Kendo Lima lang ang sports na nasa listahan nila. Napangiti ako ng makita ko ang isa sa mga namiss kong gawin. Kasama sa sports nila iyon. "Tara Sendy, magpapalista na ako." "May napili ka na ba?" "Hmm." Sagot ko saka tumango. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko matapos kong magpalista. Matagal na din mula noong huli nilaro ko ang sport na iyon. Noong nabubuhay pa si Mommy ay siya ang nagturon sa'kin sinanay niya ako sa larong iyon ang sabi niya ay magagamit ko daw iyon pagdating ng panahon. Siguro ito na ang panahong iyon na sinabi ni Mommy sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD