"Sendy ano ba? hindi nga pwede."
"Shut up Fliegh kailangan ko iyon baka pagalitan ako ni Miss bukas."
"Eh ano ang gagamitin ko kung gagamitin mo iyong akin."
"Hihiramin ko lang naman hapon mo pa naman gagamitin eh sige na Sendy. Next week magrerequest ako ng bagong requirements."
Dinig kong nagsisigawan sa labas. Hanggang sa makapasok sila sa silid.
"Oh Hera kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala." Sabi ng isang babaeng kulot ang buhok maganda rin siya.
Nanatili lang nakatayo si Hera habang ako naman pinagpatuloy ko lang pag-aayos sa gamit ko.
"And who are you?" Baling sa'kin nang kasama no'ng babaeng unang nagtanong kay Hera.
"She's Demiree new roommate natin. Hindi ba kayo nainform ni Miss Jera?" Sagot ni Hera.
"Ah, I forgot by the way welcome and goodluck."
"Demiree this is Fliegh Yoda."
"And Sendy Quehor." Sabay turo sa isang babaeng may kulay ang buhok.
"Hi! I'm Demiree Versacio nice to meet you guys." Medyo pabulong kong sabi.
"Okay, Hera Can I borrow your books. May exam ako bukas kay Miss Lensy." Sabi ni Sendy at nagderetso sa isang silid na hindi ko alam kung ano ang meron d'on.
"Demiree huwag kang magtaka dahil lahat kami dito may kanya-kanyang gawain. Masasanay ka rin dito. Sumama ka lang sa amin palagi huwag kang lalayo sa'min. Hindi mo kilala ang mga tao dito." Seryosong sabi ni Hera.
Sumapit ang gabi. Hindi ko pa rin maiwasan ang mapaisip ang wewerdo ng mga tao dito. Gaya ng sabi ni Hera hindi ko kilala ang mga tao dito. Ano ba ang mga taong nandito sa tono ng pananalita niya ay parang ayaw niyang makisalamuha ako sa iba
"Demiree, Demiree gising."
"Uhmm."Mahinang ungol ko bago ko inimulat ang mga mata ko.
"Demiree kumilos kana baka malate tayo. Hihintayin ka namin may thirty minutes pa naman tayo." Sabi ni Hera
Nagmadali akong dumiretso sa banyo tansya ko ay limang minuto lang ang inilagi ko sa banyo dahil sa pagmamadali ko. Tss. hindi ako sanay sa madaliang pagligo letse kailangan ko na talaga sanayin sarili ko.
Nang matapos ko ang pagbihis at pag-aayos sa sarili ko ay nagpasiya na akong lumabas. Tinuruan ako ni Hera kung paano buksan ang pinto o dingding. Hindi ko malaman ano ang itatawag dito dahil parehong dingding at pinto ang lalabasan namin.
"Handa na ako." Sabi ko.
"Okay let's go." Sambit ni Fliegh
May pagka-maarte si Fliegh, si Sendy naman ay masungit pero ang sabi ni Hera ay mababait naman ang mga ito. Sa umpisa lang daw sila ganyan.
"Ah, Hera sabi mo ay apat tayo sa kwarto bakit lima ang kama d'on?" Tanong ko.
"Kay Brenda iyon taga kabilang building every 6 months ay may mga college students na inaassign para magturo sa mga High School. Si Brenda ang magtuturo sa'tin yun nga lang nadetention. Pinarusahan ni Senyora actually mag-iisang buwan na siya d'on. Makikilala mo rin siya sa mga susunod na araw." Pagkasabi niya ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Kailangan ba talaga may gan'ong parusa. Tss.
Pero ilang saglit pa lang ay bigla ulit siyang nagsalita.
"Our breakfast here starts at 6:30 in the morning kapag nalate ka ng isang minuto hindi ka na papapasukin sa Dinning Hall." Aniya
At saka ako naghanap ng orasan. Sa bandang kanan nand'on nakalagay ng malaking orasan. Alas singko singkwenta pa lang subrang aga pa. Tss kaya pala inaantok pa ako hindi naman kasi sinabi na maaga pala ang agahan dito.
Madaling araw pa agahan na para sa kanila. Mayamaya pa ay unti-unti nang dumadami ang mga estudyante dito.
"Ikaw!, alis diyan kailan mo mamememorya na pwesto ko ang mesang ito." Sigaw n'ong isang lalaki kung umasta ay dinaig pa ng siga sa kanto.
"Pa-Pasensya ka na Master." Takot na sambit nang lalaki.
Umupo ang tinawag niyang Master. May itsura naman siya, Matangos ng ilong maputi at mapupula ang labi na paniguradong kaaakitan ng mga kababaehan.
Teka? bakit ko ba siya dinidescribe. Erase, delete, letse!
"Huwag mo siyang tingnan matalas ang mata niyan kapag nahuli ka niyang nakatingin sa kanya ikaw ang kawawa." Biglang sabi ni Sendy
"Hah? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong
"No one can resist his charm, He get what he wants. Even your soul. He can get your soul without you even knowing." Makahulugan at nakakapangilabot niyang sagot.
"I don't really understand what you guys saying. You know what you're all weird, really weird." At sabay silang nagtawanan.
Letse, seryoso ako dito hello? Tapos tatawanan lang ako. Hampasin ko kaya ng cactus ang mga 'to.
"Yeah you right we admit that we are weird.This is how we survived here, we have to be weird." Seryosong sabi ni Hera. Ano ba'ng sinasabi ng mga 'to.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang tatlo.
"Saka na namin ipapaliwanag sa'yo ang iba. Sa ngayon ay kailangan muna natin pumasok. Alas syete ang First Class natin bawal malate dito dahil sa detention ang bagsak natin at depende sa bilang ng minuto ng late mo ang araw na ilalagi mo sa detention." dagdag niya pa.
Nasa third floor ang Classroom namin. at subrang taas ng aakyatin mo bago ka makarating d'on. Tatlong hagdan ang aakyatin mo bago mo marating ang mismong classroom. Hindi ito tulad ng ordinaryong University. At masasabi kong kakaiba dito may mali sa school na'to hindi ko matanto kung ano pakiramdam ko may mali talaga.
Sa mga estudyante dito ay hindi ordinaryo kakaiba sila kumilos. Hindi ko mabasa kung ano ang mga kilos nila. Kung ano ang tatanungin nahihiwagaan ako sa lugar na'to.
Hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto. May pinindot si Hera sa pinto at agad itong bumukas. Aba! hightech.
"In Joven."
"In Quehor."
"In Yoda."
At biglang napatingin sa'kin ang lahat na tila naghihintay na magpakilala ako sa kanila.
"And you are?" Tanong nang ginang na nasa harapan.
"I'm..."
"She's Miss Versacio Miss." Biglang sabat ni Sendy na kinabigla naming tatlo nila Hera.
"Okay, You must be the new student right?" Tanong nang ginang
"Yes Ma'am."
"No, No, No that's wrong call me Miss not Ma'am." Sabi ni Miss daw sabay iling.
Mas magalang pa ang Ma'am kumpara sa Miss. Letse 'to daming arte. Hmp
"Miss ang tawag namin sa lahat ng prof dito maliban kay Senyora. Siya naman si Miss Kenyell" Bulong ni Hera at tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
Magkatabi kaming apat sa bandang likoran kami umupo.
"Reserved talaga ang upuan na iyan para sa ating apat." Sabi ni Fliegh
"Paano? Diba? ngayon lang ninyo ako nakilala?" Pag-uusisa ko.
"Nakalagay sa Student protocol iyan kung saang section, upuan, at dormitory ka ilalagay."
"Ah, gan'on ba." maikli kong sagot.
"In which country did the first practical telescope invented?" tanong ni Miss Kenyell."
Wala man lang nagtaas ng kamay.
"Hindi ba't sinabi ko na magreview kayo?" galit na sigaw ni Miss.
"Yoda stand up!" Tawag ni Miss kay Fliegh
"I don't know the answer Miss."
"Quehor."
"I don't know din Miss."
"Toris."
"Hindi ko din alam Miss."
"I don't know Miss. Puro ganyan nalang ba ang kaya niyong isagot sa klase ko o baka gusto niyo edetention ko kayong lahat ngayon. Anong silbi ng mga libro niyo kung hindi niyo rin lang binabasa." Sigaw ni Miss sa buong klase.
Napabuntong hininga ako. "Netherlands Miss. Sagot ko at napalingon silang lahat, napayuko ako bigla.
"The first known practical telescopes were invented in the Netherlands at the beginning of the 1600's by using lenses. They found use in both terrestrial application and astronomy." Deretsong sagot ko. Habang nakatutok ako sa papel ko at kunwaring nagsusulat.
"Very good Miss Versacio. Mabuti pa itong bago niyong classmate alam niya. Ilang ulit na natin itong nalelesson hindi niyo pa rin alam." bulyaw ni Miss sa buong klase.
Grabe naman dito, hindi lang makasagot madedetention na. tsk, tsk, tsk, mapapasabak ako nito.
"Quiz next week 50 items. Score below 20. Detention. Okay class dismiss." Sabi ni Miss.
"Ano ba iyan. Ang hirap hirap naman kasi ng tinuturo niya. High school pa lang tayo tapos iyong lesson niya pang college." reklamo ng isa sa mga kaklase ko.
"Tara Demi, lunch time na. 30 minutes lang ang lunch natin dito may afternoon class pa tayo." Anyaya ni Hera.
Ang morning class nila dito iisang subject lang, pati sa aftenoon class sa madaling salita dalawang subject bawat araw ang lesson. araw-araw iba't-ibang subject.
Naglalakad kami papuntang Dinning Hall. Nang makasalubong namin ang grupo na kung titingnan mo ay mukhang gangster. Puro mga naka-itim. Marahan akong hinila ni Hera nang biglang dumaan sa harap namin ang mga lalaki.
"Sino ang mga iyon Hera?" tanong ko.
"Kapag dumaan ang mga iyon huwag kang humarang sa daan nila. huwag mo din silang titingnan."
"Bakit?"
"Makinig ka nalang Demi." Ang seryoso nito nagtatanong lang eh!
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Senyora na huwag magtatanong kung hindi kailangan.
Si Fliegh na ang nag-order para sa aming lahat. Okay silang kasama may oras lang talaga na nawewerdohan ako sa kanila. Bigla-bigla nalang nagseseryoso sa tuwing may tinatanong ako. Tapos sasabihin ni Sendy na huwag akong masyadong matanong dahil kapag may nalaman akong higit pa sa alam nila ay hindi nila ako matutulongan kapag may nangyari. Isa din sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Ang lalalim ng mga sinasabi nila hindi ko makuha. Kailangan ko alamin ang mga iyon, hindi ako matatahimik sa dami ng tanong sa isip ko.
Nang matapos ang maghapong klase. bumalik muna kami sa dormetory para magbihis. Alas sais ng gabi ang hapunan nila dito kaya may oras pa kami para mag aral o kaya tumambay sa silid aklatan. Pwede din raw tumambay sa lounge area na nasa katabi ng Dinning Hall. Pinili namin na sa kwarto nalang tumambay at magbasa ng libro May sariling study room ang dormetory namin. Sa loob mismo ng kwarto namin iyon. Iyong kwartong pinasukan ni Sendy noong una ko silang nakilala. Malaki ang study room kasya ang sampu ka tao. May sariling computer at iba't-ibang books. Pero kadalasan ang iba ay sa silid aklatan pumupunta. Nakakarelax raw kapag doon nag-araw bukod sa maaliwalas. Mabibighani ka sa ganda ng mga wall paintings na nakalagay doon ayun sa kwento ni Hera sa'kin.
Sumapit ang alas sais, oras na nang hapunan. Subrang tahimik ng hallway papuntang Dinning hall hindi katulad n'ong kahapon may iilang estudyante akong nakikita sa hallway. Ang mga kasama ko ay tahimik lang.
Hindi nalang din ako nagsalita para kung ano na naman masabi nila tanong ako ng tanong hahayaan ko nalang siguro ang sarili ko na malaman kung ano ang meron dito. Hindi maalis sa'kin ang magtaka at magtanong hindi ito gaya ng ibang school. Masyadong tahimik dito. Walang pwedeng lumabas sa campus. At kahit may okasyon ay hindi pinapayagan ang mga estudyante na lumabas dito.
Narinig ko na ang school na'to dati ngunit wala akong ideya kung anong klaseng eskwelahan ito. Ang tangging alam ko lang hindi ito pangkaraniwan.
Oras na nang pagtulog namin, ang mga kasama ko ay tila hindi sanay sa punayatan pagkatapos namin maghapunan ay kanya-kanya na silang nagsitulog. Habang ako nakahiga lang hindi pa dinadalaw ng antok. Mayamaya pa ay may naririnig akong tila nagsisigawan hindi ko alam kung saan iyon nagmumula.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Habang pilit na pinapakinggan ang mga ingay. Parang may nag-aaway, sigaw dito, sigaw doon. May mga nagmamakaawa na tila mamamatay na. Inimulat ko ang mga mata ko. Pinagpawisan ako bigla kahit may aircon naman sa loob ng kwarto.
Ano iyon? Ano ang mga iyon?