CHAPTER 4

2475 Words
May the best win Ikalawang araw ngayon ng pag-eensayo ko. Masyado akong bumilib sa sarili ko ng walang palya bawat tira ko. Naalala ko pa noon tuwing tinuturuan ako ni Mommy bawat tira ko wala man lang tumama kahit isa. Kaya nagsumikap akong matuto ng archery. Gusto ko maging kasing husay ni Mommy sa paggamit ng pana. May kanya-kanya kaming kwarto para mag-ensayo. Dahil sa mismong event na kami pwedeng magkita ng makakalaban ko. Sinadya nila ang gan'on para patas ang laban. Hindi namin malalaman pa'no tumira ang kalaban. May dalawang araw pa ako para mag-ensayo ng husto. Sa totoo lang ay matagal ko ng itinigil ang larong ito simula nang mamatay si Mommy. Siya kasi ang nagturo sa'kin nito. Magaling si Mommy, kwento pa niya sa'kin no'n lagi siyang nanalo sa laban. Ang una niyang taga hanga ay si Daddy. Biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang oras ng ensayo ko. Lumabas na ako sa Social para puntahan sila Sendy. Paglabas ko ay kita ko ang buong campus. Moderno ang pagkagawa ng gusali, purong berde ang mga halaman na nasa paligid at may ilang puno na nakapaligid dito. Napaka-presko ng hangin dahil sa mga puno.Ang Social Hall ay nasa mismong kilid ng building kung titingnan mo galing sa labas ay para lang siyang ordinaryong gusali pero kapag pinasok mo ay mamamangha ka sa sobrang laki nito. Napahinto ako bigla nang may nakita akong isang lalaking nakaitim na papunta sa likorang bahagi ng school. Hindi ko pa kailanman nakita kung ano ang meron do'n. Hahakbang na sana ako para sundan ang lalaking iyon nang bigla akong tinawag ni Senyora. "Sumunod ka sa'kin Miss Versacio." Sabi niya saka humakbang patalikod. Habang ako naman ay tiningnan lang siya papalayo. Ilang saglit lang ay sumunod na din ako sa kaniya. Bawat madadaanan ni Senyora ay nagbibigay sa kaniya ng respeto. Yumuyuko ang mga studyante sa kaniya maliban lang yata sa akin. Nang makapasok na ako sa kaniyang opisina. Agad niya akong pinaupo. "Nabalitaan kong kasali ka sa Archery." Sabi niya habang nakatayong tumalikod sa'kin at saka humarap sa bintana. "Yes, Senyora." "Alam mo bang matagal na panahon na ang lumipas bago ulit nagkaroon ng babaeng manlalaro ng Archery sa skwelahang ito." dagdag niya pa. "Talaga ho?" "Ikaw ang bagong manlalarong iyon na tinutukoy ko." Ano ba pinagsasabi niya? ba't niya kinikwento sa'kin ito? "Bakit niyo ho sinasabi sa'kin ang mga iyan?" Tanong ko "Ang Archery ang isa sa mga kilalang laro dito ngunit ngayon lang ulit nagkaroon ng babaeng manlalaro hindi ko inaasahan na mangyayari iyon. Kinausap kita ngayon, nais kong bigyan ka ng isang munting regalo." kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Saka siya humarap sa'kin na nakangiti. lumapit siya sa kanyang mesa saka may kinuhang isang maliit na kahon. Inabot niya iyon sa akin. "Ano ho ito?" "Buksan mo." Dahan-dahan kong binuksan ang maliit na kahon. Isang kwentas iyon na hugis pana pinagdikit ang bow at arrow nasa loob ito ng crescent moon. Silver ang kulay, kumikinang ito sa ganda. Halos ayaw ko ng bitawan napangiti ako habang tinataas ko iyon sa eri upang suriing mabuti. Napahinto ako bigla. Pamilyar sa'kin ang kwentas. Sa tingin ko ay nakita ko na ito noon hindi ko matandaan kung kailan at saan. "Archelem ang tawag diyan." Biglang sabi ni Senyora "Archelem" "Archelem" "Archelem" Pamilyar talaga sa'kin ang kwentas. Hanggang sa makalabas ako sa opisina ni Senyora ay hindi mawala sa isip ko ang kwentas at ang pangalan nito. - 'Mommy ang ganda naman po niyan.' 'Archelem ang tawag dito Demi anak. Simbolo raw ito ng katapangan. Binigay sa'kin ito sa'kin nang mapunta ako sa isang gubat. Isang matandang lalaki ang nagbigay nito. Ang sabi niya ay ingatan ko daw ito. "Mommy, Mommy.." "Demi gising, nananaginip ka." Agad kong inimulat ang aking mga mata saka ako bumangon. Nakaupo silang tatlo sa tabi ko. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako pagbalik ko sa dorm. "Uminom ka muna ng tubig." Sabay abot ng baso ni Fliegh sa'kin. "Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Hera. Tumango lang ako. "Anong oras na?" Agad kong tanong. "Mag-aalas tres na nang madaling-araw." Sagot ni Sendy. "Pasensiya na naistorbo ko ang pagtulog niyo." "Ayos lang gising na din kami nang managinip ka." Sagot naman ni Hera. "Ba't ang aga niyong nagising?" "Hindi ka ba nainform? ngayon ang desperas ng U-Day, Maaga tayo ngayon may maliit na seremonyas na gagawin mamaya." -Hera "Hindi ko alam, hindi nabanggit ni Senyora kahapon nang mag-usap kami." "Maghanda ka na hihintayin ka namin."- Hera Bumangon na ako para maligo. 'Archelem' 'Archelem' 'Archelem' Paulit-ulit at hindi mawala sa isip ko ang pangalang iyon. Hanggang sa panaginip ay naririnig ko. Agad kong tinapos ang pagligo ko. Bandang alas kwarto ang simula ng agahan. Ang sabi ni Hera sa'kin taun-taon nila itong ginagawa tuwing ipinagdiriwang ang U-Day. Alas sais naman gaganapin ang seremonyas. Hindi ko alam at wala akong ideya kung anong klaseng seremonyas iyon. Nang mag-alas singko na nang umaga tinipon kami sa labas ng building. Para magdasal at awitin ang awit ng University. Bumalik kami sa dorm para magbihis. Tuwing U-Day ay may binibigay na uniform ang school iyon lamang ang pwede namin isuot. Isang itim na damit na parang toga. Hanggang tuhod ang haba. Sa Social Hall gaganapin ang seremonyas. Darating raw ang mga myembro ng University Council. Nakapaa lang kami habang nakaluhod sa loob ng Social Hall. May stante ng isang matanda pinalibutan nila ito ng mga magagandang bulaklak. Nagsiyukuan ang mga studyante kaya sumunod na din ako kahit hindi ko alam ano ang ginagawa nila. "Bakit may ganito?" Mahinang bulong ko kay Sendy. "Mamaya ko na ikwekwento, sumabay ka nalang kung ano ginagawa namin." Sagot niya. Hindi na ulit ako nag-usisa pa. Ang bawat studyante ay binigyan ng isang maliit na pulang sobre at bulaklak. Ilalagay raw ito sa harap sa mismong pinaglagyan ng stante.Bilang paggalang. Tss, ang weird ng ginagawa nila. Isa-isang nagsilapitan ang mga studyante sa stante at saka nilagay ang mga itim na sobre at bulaklak. Nang ako na ang lumapit parang bumigat bigla ang pakiramdam ko. Para akong mahihilo pinagpawisan ako kahit malamig naman sa loob. Nang akma ko nang ilagay ang itim na sobre bigla nalang nagdilim ang paligid ko. After 3 hours "How is she?" "Hindi pa siya gumigising Senyora." Mga boses lang nila ang naririnig ko. Hindi ko kayang imulat ang mga mata ko. Gising ang diwa ko pero tulog ang katawan ko. Parang namamanhid ang buo kong katawan. Maya maya pa ay may kamay na humawak sa noo ko. "Take care of her Jera. I have something to do. Give me an update later." "Yes Senyora." Biglang sumara ang pinto. Sa tingin ko ay lumabas na si Senyora. Ngunit biglang bumukas ulit ang pinto. "How is she?" "She's okay I guess, hindi pa siya nagigising." Isang boses lalaki ang marinig ko. Pamilyar ang boses niya. Naramdaman kong may umupo sa kama. Maya maya pa ay hinawakan niya ang kamay ko. "What's your plan to her?" Tanong ni Jera "None of your business." "Tss! And you're not supposed to be here." "I have my own rules and you know that, So why the hell do you care if I'm here." "You already know what I mean." "Tch!" Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa akin. Hindi ko namalayan nakatulog ulit ako. Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata, ako lang mag-isa ang naiwan dito sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon. Nahihilo pa ako ng konti. Halos matumba ako nang humakbang ako. Pero laking gulat ko ng may biglang sumalo sa'kin. Nabigla ako nang makita siya. Zain Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito at paano siyang basta-basta nalang nakakapasok sa dorm namin. Mahigpit na pinagbabawal iyon dito. "Kaya ko na, medyo nahilo lang ako paggising ko." Sabi ko at agad na inayos ang sarili ko. Hindi siya nagsalita tiningnan lang niya ako habang nakatayo sa harap ko at pinagkrus ang dalawa niyang braso. "Paano ka nakapasok dito, malalagot ka kay Senyora kapag nalaman niyang pumasok ka dito". "Tch!" Singhal niya. "Umalis kana. Lalabas rin naman ako kailangan kong mag-ensayo para bukas." "Nahihilo ka na tapos gusto mo pa magpractice. Balak mo ba talagang maglaro bukas o papagurin mo lang ang sarili mo ngayon." "Eh? ano bang pakialam mo?" Inis kong tanong. "Wala naman akong pakialam at hindi ako nakikialam ipapaalala ko lang sa'yo mukhang nakalimutan mo kasi. Dalawa lang ang mata ko pero nakikita ko bawat galaw mo. Pero mas madami sila kaya marami rin ang mga matang nakabantay sa'yo." "Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako kasing hina tulad ng iniisip mo." Sagot ko. "Tch!" Singhal niya, at tinalikuran ako. Bakit gan'on ang inasta niya, hindi ko alam. Wala naman dahilan para puntahan niya ako, tapos kung ano pa sinasabi hindi ko naman maintindihan. Tsk! Gumagawa siya ng sariling batas at pati ako ay gusto niyang gawan. hah! hindi mo ako mauuto Zain, hindi ako. Mag-aalas kwatro na nang hapon. May isang oras pa ako para mag-ensayo. Hanggang alas singko lang kasi pwedeng gamitin ang Social Hall para sa mga mag-eensayo. Deretso akong pumasok. Agad naman akong nakita nila Hera. "Dem, Okay ka na ba? bakit nagpunta ka dito sana nagpahinga ka nalang." Nag-aalalang sabi ni Fliegh. "Okay na ako, kailangan kong mag-ensayo para bukas." "Bumalik ka na sa kwarto Demi. Magpahinga ka nalang." Sabi naman ni Hera. Isa din 'to magkapatid nga sila. "Okay na ako, Huwag nga kayong oa." "Pero.." May sasabihin pa sana si Fliegh pero pinigilan siya ni Hera. "Hayaan niyo na siya." Sabi ni Hera. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinag-usapan nila. Mauubos lang ang oras ko kapag nakinig pa ako sa kanila. Pagpasok ko ay kinuha ko agad ang bow at arrow nang titira na sana ako nang... 'Huwag kang titira nang hindi sinisipat ng maigi kung tatamaan mo ba ang target. Tamang balanse sa paghawak ng bow at arrow. Huwag kang titira kung hindi ka siguradong tatamaan mo ang target. Isang maling tira maaari mong ikatalo.' Bigla kong naalala ang sinabi ni Mommy sa'kin no'n. Ngayon ko lang naalala. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko masyadong natatamaan ang target. Pumapasok naman pero hindi iyong mismong target ang natatamaan ko. Kung dart lang ito maniguradong bulls eye na. Sinipat kong maigi bago ko binitawan ang arrow. "Bulls eye." Napalingon ako sa kung saan ng may biglang magsalita. "Huwag mo na akong hanapin. Hindi mo ako makikita kahit saan ka pa lumingon." Sabi ng boses, lalaki ang nagmamay-ari ng boses. Masiyadong malalim ang pinanggalingan ng boses kaya hindi ko magawang kilalanin kung kanino iyon. "Sino ka?" Umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ko. "Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako. Masyado akong importante kapag kinilala mo pa ako." Kumunot bigla ang noo ko. "Anong kailangan mo sa'kin kung gan'on. Hindi ko ugaling magsayang ng oras kapag nag-eensayo ako. At lalong wala akong panahon magsayang ng oras sa taong hindi karapat-dapat bigyan ng oras." Hugot kong sabi. Tsk! napapadalas na yata ako sa pagsasalita ng malalim. "Wala naman gusto ko lang panoorin pa'no ka tumira. At talagang nakakahanga ang estilo mo, ang galaw mo ay kakaiba. Para sa isang babaeng manlalaro ng Archery. Napaka-asintado mong tumira." Paghanga niyang sabi. "Hindi ko alam na may taga hanga na pala ako gayong hindi pa ako nakakalaro. Dapat ko bang ikasaya o ikainis ang matatamis mong salita. Masyado akong matalino para maniwala sa'yo. At mga bobo lang ang kayang manloko sa'kin tulad ng ginagawa mo ngayon. Tss." "Matalas kang manalita, gusto ko iyang ganyang ugali. Matapang ngunit may kahinaan din." Hindi ko na siya pinansin at saka nagpatuloy sa pag-eensayo. Anak ng kagang nasasayang oras ko. Bawat tira ko na saktong tumatama sa target ay puro 'bulls eye' ang sinasabi niya. Grabe kung sumuporta ang lintik na'to. Saglit akong huminto.. "Kung isa ka sa mga kalaban ko bukas. Siguraduin mong memoryado mo bawat galaw ko. Dahil kapag nakilala kita. Sisiguraduin kong hindi ka makakatira kahit isa." Mayabang kong sabi. "May the best win." Sagot niya. At hindi na muling nagsalita pa. Kung sino ka man hindi ko hahayaang manalo ka. Hindi ako magaling pero hindi ako kasing hina ng iniisip mo para magpatalo nalang basta. Bandang alas singko ng hapon natapos ang ensayo ko. Lumabas na ako para bumalik sa dorm. Nakita kong seryosong nag-uusap si Hera at Zain. Nakatalikod si Zain. Base sa itsura ni Hera mukhang nag-aaway sila galit ang nakikita ko sa mukha niya, kumukunot ang noo niya habang kinakausap niya ang kapatid. Samantalang si Zain ay pinagkrus ang mga braso niya na nakaharap kay Hera. Umiiling pa si Hera, agad akong nagtago sa gilid ng pader nang biglang humarap si Zain sa gawi ko. Hindi niya ako nakita dahil medyo dumidilim na din at sumiksik pa ako sa pinakasulok para hindi niya ako makita. Nang masiguro kong nakaalis na siya saka ako lumabas. Ngunit bigo ako sa pag-aakalang umalis na siya. Hinila niya ako at sinandal sa pader hinarang niya ang isa niyang braso."Malakas ang pakiramdam ko. Kahit nasa malayo ka pa lang nararamdaman na kita. Hindi mo kailangan magtago."  ( See photo for imaginary purposes ) Kinakabahan akong nakatitig sa kaniya. "A-Ano ba ang ginagawa mo." Ngumisi siya ng bahagya. "I should be the one to ask you that question,Ano ang ginagawa mo." Mariin niyang sabi nang hindi inaalis ang tingin niya sa'kin. "Hindi ko narinig at wala akong narinig.." Nanginginig kong sabi. Letse! Bakit ba ako kinabahan. "Talaga?" Maniniguro niya sabay lapit nang mukha niya sa mukha ko. Habang ako naman todo iwas. halos mabali na leeg ko kakaiwas sa tuwing nilalapit niya ang mukha niya. "Don't let your curiousity put you in danger, No one will save you ,better save yourself while you can. Time is running, don't take any chances when your time is over. Take a chance when you still have time." Makahulugan niyang sabi pero wala akong naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin at saka niya ako tinalikoran at iniwan na nakatulala sa kawalan. What the hell? Muntikan na akong mapagsarahan ng pinto ng Dinning Hall sa sobrang bagal ng kilos at paglalakad ko papunta dito. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Zain. Hindi ko pa rin maintindihan ano ang ibig niyang sabihin. Aish! bakit niya ba kasi sinabi iyon. Ginugulo niya masyado ang isip ko. Hanggang sa pagkain ko bawat subo , bawat nguya ko sa kinakain ko ay paulit-ulit kong naiisip ang mga sinabi niya. Sumapit ang oras nang pagtulog. Hindi ako mapakali. Gusto kong itanong kung ano ang ibig sabihin sa sinabi niya. Pero malabong sabihin niya sa'kin. Magulo siyang kausap.Prangka at minsan nambibigla sa makahulugan niyang salita. Napapaisip ka sa bawat salitang binibitawan niya. Kunwari pareho kayo ng iniisip pero sa huli ikaw ang bibigyan niya ng iisipin. Zain Hero, Why are you doing this to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD