CHAPTER 5

2548 Words
Silent Sanctuary Pasado alas dos ng hapon patungo na kami sa open field ng University. Matatagpuan iyon sa likorang bahagi ng Social Hall. Papasok ka muna sa loob bago ka makarating sa open field. Handa na ang lahat at excited na sila para sa event. Ito kasi ang inaabangan ng mga studyante. Bukod sa may partisipasyon ang lahat ay makakadagdag sa puntos nila pagdating ng graduation. Unang maglalaro ang kalaban namin. Anim lang ang players ng Archery tig tatlo bawat grupo. At sa grupo namin ay ako lang ang babae sa kalaban naman ay tatlo din. Tahimik kong pinagmasdan ang tatlo naming kalaban. Sino kaya sa tatlong ito ang makakalaban ko. Higit sa lahat kung sino ang nasa likod ng boses na gustong tumalo sa'kin. Masyadong inosente kong tingnan ang mga 'to. Naningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanila para hindi ako mahalatang tinitingnan sila. "Dem, Goodluck alam ko kaya mo sila. Kahit di pa kita nakikita paano maglaro alam kong magaling ka." Ngiting sabi ni Fliegh. Ginantihan ko din siya ng ngiti. "Thank you." Sagot ko. "NEXT PLAYERS." Anunsyo ng referee. "Two consecutive wins, zero loss. From class A1 Jin Travis Sebastian." Pagpapakilala neto sa makakalaban ko. Kunot-noo kong tiningnan ng kalaban ko, Nanalo ito? eh mukhang hindi naman magaling tingnan. "Zero loss, Zero Win from Class B7. Demiree Versacio." Pagpapakilala niya sa'kin. Matapos kami ipakilala, sinabi ng referee ang mga dapat gamit gawin at mga bawal gawin. Dahil defending champion ang kalaban ko kaya siya ang mauuna. Tatlong set sa kada round. "Set one, Sebastian's turn." Sigaw ng announcer. Sinipat niyang maigi. Seryoso ang kanyang mukha. Habang tinitingnan ko siya may naalala ako noon ganyan din siya maglaro. Parehong-pareho sila kung tumira. Siya ang katunggali ko dati. Hindi niya ako matalo-talo, naliban lang sa iisang dahilan. Ayoko ng balikan pa ang panahon na iyon. Pilit kong inalis sa isip ko iyon at nagpatuloy sa panonood. "9" Tsk! muntikan na "Versacio's turn." Marahan akong pumwesto. Huminga muna ako ng malalim. Dahan-dahan kong tinutok ang arrow. Mommy para sayo ang tira kong ito. Sana gabayan mo ako. "Great, 10." Yes! bulls eye. Sunod-sunod na panalo ko hanggang sa dalawa nalang kami. Hindi ko inaasahan na mananalo siya at ako ang kalaban niya sa huling round. Bahagya siyang ngumisi at nanlaki bigla ang mga mata ko. Ang ngising iyon. Tulala akong nakatingin sa kanya. Parehong-pareho sila ni Andrew ng galaw. Ang ngiti niya at mga mata niya katulad na katulad ng kay Andrew. Mainit ang naging labanan namin tahimik lamang siya. Habang ako naman hindi ko alam kung bakit ang dali lang sa kanya ng laro. Samantalang kanina ay hindi niya halos matamaan ang target. "Go Dem, kaya mo iyan! Demi for the win!" Sigaw ni Cendy. Napatingin ako sa gawi niya. At nahagip ng aking mata na nakatingin si Tyron sa'kin. salubong ang mga kilay niya. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng kaniyang mga mukha. Parang naiinis na ewan. Ilang oras din ang tinagal ng laro. At ako ang nanalo, Napatingin ulit ako sa gawi ni Tyron kanina pero wala na siya. Agad din naman akong nilapitan nila Hera. "Congrats Dem, my god ang galing mo pala maglaro ng Archery." si Fliegh "Gaga! malamang kaya nga siya sumali sa Archery diba?" Sabi naman ni Cendy "Tse! palibhasa kasi mas magaling ako sa'yo." Pagmamalaki naman ni Fliegh Itong dalawang 'to minsan lang magkainisan sa isa't-isa pero nakakatawa silang tingnan. Masasabi mo talagang magkaibigan sila at ganoon nila kamahal ang isa't-isa. "Duh! magaling ka lang mas maganda pa rin ako." Mukhang naiinis na talaga si Cendy halata sa tono ng pananalita niya. "Kayong dalawa, ipapadetention ko talaga kayo 'pag hindi kayo tumigil." Sita ni Hera "Nga pala hindi ba kayo busy?" Tanong ko. "Hindi naman bukas pa ang palabas sa theater. Ako naman tapos ko na mga gawain ko tinapos ko kahapon para mapanood ka namin." Sabi ni Hera. Kahit sa ikli ng panahon na nakasama at nakilala nila ako hindi nila kailanman pinaramdam na iba ako sa kanila. Lagi silang nandiyan para gabayan ako. "Salamat sa pagpunta at supporta niyo." Nakangiti kong tugon. "Nako Dem, huwag ka sa amin magpasalamat." Nanunuksong nakatingin si Cendy sa'kin. "Ha? anong ibig mong sabihin?" "Iyang si Hera ang tanungin mo." Nakangusong tinuro ni Fliegh si Hera. "It's my brother's plan. Mamayang gabi sana ang theater play. At may interview sana ako sa mga kalahok sa event. Pero nagpumilit si Zain na bukas nalang isagawa ang naturang event. At Archery lang talaga ang priority ngayon sa lahat ng sport itong Archery lang ang inaprobahan ng council na laruin ngayon sa madaling salita. Maaga tayong makakapagpahinga dahil tapos na ang laro niyo at bukas na iyong iba. Kaya nandito kaming lahat para supportaan ka." Paliwanag ni Hera. Kumunot naman ng noo ko. Bakit niya ginawa iyon? Ayoko magtanong sa kanila dahil gusto ko ako ang magtatanong sa kaniya kung bakit niya prinaiority ang Archery. Marami pa sana oras para makapag-laro sa ibang sports ang mga players. Tss! Zain Hero nananadiya ka na talaga. Siguraduin mo lang katangap-tangap ang paliwanag mo kakalbohin kita kapag hindi. Nagpaalam muna ako saglit sa kanila. Pinauna ko na sila sa dinning hall maaga pa naman may oras pa ako. Nilibot ko ang mga rooms sa taas para hanapin si Zain. Kailangan ko siyang makausap. Nasa pang-apat na room na ako nang may bigla akong narinig. "Tulong... maawa kayo." "Tulongan niyo ako..." Boses babae ang narinig ko. Dahan-dahan akong naglakad. Hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo ng hallway. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na'to. Pinakadulo ito mula sa dormetory ng mga boys. I feel strange. Hindi ko maintindihan tumataas ang balahibo ko sa tuwing naririnig ko ang boses ng babae na nagmamakaawa ng tulong. Unti-unti akong naglakad palapit sa mismong pinagmulan ng boses nga biglang may humila sa'kin. Agad niyang tinakpan ang bibig ko bago paman ako sumigaw. "You're too brave young lady. Have you ever heard that this place is the nearest way to hell." Malamig na boses niyang bulong sa'kin. Kinalibutan ako ng matindi dahil do'n. "S-sino k-ka?" Nauutal kong tanong. "No need for you to know. Hahayaan kitang umalis sa lugar na'to. Kapag naligaw ka ulit dito hindi ka na ulit makakalabas pa." Pabulong niya ulit na sabi. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko hindi ko siya makita sa sobrang dilim. Paatras akong naglakad papunta sa liwanag. "Once you enter here, You're once step closer to Hell. Be safe young lady." huling sabi niya at hindi ko na ulit narinig ang babaeng humingi ng tulong. What the hell? Lakad takbo ang ginawa ko pabalik ng dorm namin. "Oh Dem, nandiyan ka na pala saan ka ba galing?" Tanong ni Fliegh. "Anong nangyari sa'yo? okay ka lang ba, namumutla ka Demi." Nag-aalalang tanong ni Hera. "H-Ha? O-o O-kay lang ako." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Pakiramdam umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Pinagpawisan ako at kakaiba ang takot na naramdaman ko. Hinayaan ko lang na magbabad muna sa shower. Nang biglang may kumatok. "Dem, are you okay there?" Si Cendy. Hindi ako sumagot at pinatay ko na ang shower saka ako lumabas. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. "Bakit?" Tanong ko. "Are you okay?" Ulit na tanong ni Cendy. "Of course why?" "Tagal mo kasi lumabas sa shower room almost two hours. Hindi ka naman gan'on katagal maligo ah!" Natameme ako sa sinabi niya. Seryoso? two hours akong naligo? Hindi ko alam gan'on pala katagal akong nasa loob. Hindi ko namalayan ang oras. "Ah sorry naiinitan kasi ako alam mo na nasa field ako kanina kaya nagbabad ako masyado sa shower." Pagdadahilan ko para hindi na siya magtanong pa. "Akala ko ano ng nangyari sa'yo. Tara na punta na tayong Dinning Hall para masarhan tayo gutom na mga dragon ko." Ang takaw talaga ng isang 'to hindi naman tumataba. Tss Pagdating namin sa Dinning Hall agad kong hinanap si Zain. Pero ni anino niya 'di ko makita. Si Cendy na ang kumuha ng pagkain namin. Dahil nauna na si Hera sa'min. Busy ang dalawang nag-uusap kaya parang multo lang ako dito. Deritso akong nakatingin sa harap ko at isang masamang tingin ang tumama sa'kin. Ang tingin niya .. Tsk! There's something to him. He stare me like he could kill me. Yung parang nahihipnotismo ka din. Ito ba ang sinasabi nila Hera dati. He gets what he wants. Even your soul. Tiningnan ko din siya nakikipagtagisan ako ng titig sa kaniya saka siya ngumisi ng nakakaloloko. Hmp, Jerk! "Guys maaga tayo bukas hah! Sa open field pa din daw." Sabi ni Brenda. Nasa gitna siya habang sinasabi niya iyon. "One more thing after U-Day. We will be having an election for U student council we will post the details after the event. That's all, enjoy your dinner." Sabi niya. "Hera? Is't true?" Tanong ni Fliegh Nagkibit- balikat lang si Hera. "Oh! I forgot. I'll zip my mouth na." Sabi ni Fliegh. Minsan talaga ayoko makinig sa kanila may pinag-uusapan silang hindi ko maintindihan. Maya maya pa ay sumali na rin si Brenda sa mesa namin. Habang kumakain kami biglang lumapit ang isa sa mga kasama ni Zain. Hindi ko siya kilala maliban sa mukha niya. "Bryl." Sabi ni Hera. Suminyas siya na sundan siya niya Hera. "Excuse me guys." - Hera Lumabas sila ng Dinning Hall. Mukhang seryoso ang dahilan ng pag-uusapan nila. Pabalik na kami sa dorm. Naunang pumasok sila Cendy nasa likod kasi nila ako kaya 'di nila namalayan na hindi agad ako sumunod. Lumingon-lingon ako sa paligid baka may sumunod sa'kin. "Are you looking for someone?" "Ay baklang Vice ganda, Ano ba? ba't nandiyan ka?" Gulat kong tanong. "I'm just passing by." Sabi niya saka ako tinalikuran. Aba! Bastos talaga 'to. "Teka! Sandali!" Sigaw ko. "If you have something to tell me make sure it will worth my time." Bweset talaga 'to. Akala mo naman sinong gwapo. Mind says: Gwapo naman talaga siya ah! me : Hindi siya gwapo, pangit siya kasing pangit ng ugali niya. bweset! Mind says: Pero gwapo naman talaga siya. "Are you going to stand there the whole night? Time is running if you going to waste it. Huwag mo akong idadamay." Ito na nga oh! letse ang atat. bweset bakit ko ba kasi iniisip na gwapo ba siya o hindi. "Bakit mo ginawa iyon?" Deretso kong tanong. "You don't have to know." "Why you always hidding answers everytime I asked." "It's for own safety not mine." "I don't need your protection or whatsoever. Just answer my question." "Not now, Time will come all your questions will be answered. Don't let that curiousity lead you to hell" Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ulit siya papunta sa dorm nila. Kailangan ko malaman dahil may kakaiba akong naramdaman sa lugar na'to. Lalo akong pinag-iisip dahil sa mga sinabi at hindi sinasabi ni Zain sa'kin. Argghhh! Lord bakit ba ako napunta sa lugar na'to. Ang weird ng mga taong makakasalamuha ko. KINABUKASAN ang huling araw ng U-Day. Maaga kaming nagising dahil magiging abala ang lahat sa huling araw ng event. Sabi nila may darating na mga bigating bisita. Nagtipon-tipon kaming lahat sa open field. Para sa closing remarks. Gaya ng inaasahan si Brenda ang emcee. "Good Day! U-Students, I know you're all excited for this day. Like duh? Sino bang hindi diba? Last day na ng event at pagkatapos ay makakapagrelax na tayo. Right Students?" "Wahhhh Yes we're excited." "Yeah! Excited na kami." Sigaw ng ibang students. "We have a very special guise today. Let's us all welcome. He is the one who made the name Underground. He is also the top student way back then. And now he decided to come back..." "Wahhh for real????" "Oh my god he's back naaaaaa." "I'm excited to see him again." "Gaganahan na akong mag-aral nito nandito na siya.." Sigaw ng mga nagwawalang studyante. Ano bang meron? ang weird talaga nila. Tss! "Are you excited to see him again?" Tanong ni Brenda. Excited na sila ako hindi. Tsk! malay ko kung sino yang very special guise nila. Lakas maka-VIP. "Please welcome.. Mr. Andrew Sebastian." 'Andrew Sebastian' 'Andrew Sebastian' 'Andrew Sebastian' Paulit-ulit sa tenga ko ang pangalan niya na halos mabingi na ako. Mas lalo akong nabingi sa lakas ng t***k ng puso ko. Pilit kong pinipigilan ang luha ko dahil alam ko kusa itong tutulo sa oras na tingnan ko siya. Todo sigaw ang mga tao sa paligid ko. Akala mo artista ang dumayo sa skwelahang 'to. Hindi ko kayang manatili sa kinatatayuan ko. Kaya pinili kong umalis habang abala sila dahil sa dumating na bisita. Papunta na sana akong Dorm ng makasalubong ko si Zain. Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko lang siya. Hindi paman din ako nakakalayo ay bigla niyang hinila ang braso ko. Hinila niya ako sa kung saan. Hindi ko alam saan niya ako dadalhin. "Where are you taking me?" "To a place where you can fine peace. Don't worry I know you need someone to lean on." Nagpatangay nalang ako sa paghila niya sa'kin. Dinala niya ako sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. "Anong lugar 'to?" Tanong ko. "Silent Sanctuary.." Sagot niya. Tahimik lang kaming umupo sa ilalim ng puno. "Bakit mo ako dinala dito." Pagbasag ko ng katahimikan. "Dahil gusto ko." "Letse ka! Kahit kailan walang kwenta mga sagot mo. Bwesit ka!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sa balikat niya. "Ano ba? Tumahimik ka nga. Silent sanctuary 'to kaya tumahimik ka. Dahil kapag hindi kusang babangon ang mga patay sa libingan nila." "A-Anong Sa-sabi mo?" Nauutal kong sabi habang ginagala ang mga mata ko sa paligid. "Ang ingay mo tapos matatakotin ka pala." Pang-aasar niya "Konti nalang talaga pasensya ko sa'yo papatulan na talaga kita!" Akma ko na sana iyang hampasin ulit nang sinalo niya bigla ang kamay ko. "Hahayaan kong dumapo ulit ang mga kamay mo para hampasin ako. Kapalit ng puso mo." Natulala akong nakatitig sa kaniya. Biglang kumabog ang puso ko nakakabingi sa sobrang kaba. Nanlumo ako nang bitawan niya ang mga kamay ko. "Silence means yes. O gusto mong isipin kong pumapayag ka sa sinabi ko." "I hate you Zain." Sabi ko sabay suntok sa mukha niya. Ouch! Ang sakit ng kamay ko. Letse, ang tigas naman ng mukha ng bweset na'to. Hoh! Sakit!. Hindi paman ako nakakarecover agad sa pagkakasuntok ko sa kaniya. Nang bigla niya akong hilahin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Hinalikan niya ako bigla. Ramdam ko ang lambot ng labi niya. Bigla nalang ako napapikit. Nakakahipnotismo ang kaniyang halik para akong natutunaw, Masarap, malumanay. Kakaiba sa pakiramdam. "If you do that again. I'll make sure you'll be mine." Tahimik lang ako matapos ng ginawa niya. Hinalikan niya ako, hindi ako nagalit. Hindi ko rin iyon nagustohan. Hindi ko alam tila tumatalon ang puso ko. Hindi ko alam anong klaseng pakiramdam 'to. "Don't think too much. You're imagining things that will never happen." bigla niyang sabi. "I dont know who you are, Pero masyado mong ginugulo lagi ang isip ko." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa kung saan. "As I said don't think too much." Letse! Don't think too much daw. eh lagi nga niya akong binibigyan ng iisipin dahil sa mga pamysterious niyang mga salita at ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD