"Demiree, gising!"
Napaungol ako saka ko dahan-dahang binuksan ang mga mata ko. Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko nang makita ko sila tita sa harap ko. May kasama siyang mga taong hindi ko kilala. Ngayon ko lang nakita ang mga ito.
"Si-Sino sila tita?" nauutal kong tanong.
"Demiree, sila ang susundo sa'yo." Deretsong sagot niya.
"Susundo?" taka kong tanong
"Oo, sila ang magsusundo sa'yo ihahatid ka nila sa Papasukan mong eskwelahan." Sagot niya na pinagtataka ko kung bakit. Bakit may pasundo-sundo pa? marunong naman akong pumunta ng eskwelahan.
"Ah tita hindi kita maintindihan. Ang sabi niyo ay hindi niyo ako pag-aaralin. Bakit ngayon pinapasundo niyo pa ako para ihatid sa eskwelahang sinasabi ninyo."
"Demiree makinig ka dahil ngayon ko lang sasabihin ito sa'yo. Kailangan mo mag-aral d'on maaaring hindi mo pa maintindihan sa ngayon ang mga pangyayari may takdang panahon para malaman at alamin ang mga iyon sa ngayon kailangan mong sumama sa kanila. Sila na ang bahala sa'yo."
Matapos ang usapang iyon. Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Oo gusto kong mag-aral ulit dahil iyon ang pinangako ko sa mga magulang ko bago sila pumanaw. Hinabilin nila ako sa kapatid ni Papa si Tita Faola. Mabait si tita pero hindi kasing bait gaya ng iba. Ayaw niya na mag-aral ako sa hindi ko malamang dahilan kaya gan'on nalang ang pagtataka ko kung bakit ngayon ay gusto na niya na mag-aral ako.
Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto.
"Handa ka na? halika na hinihintay ka na nila."Sinong nila?
Tahimik lang akong sumunod sa babaeng hindi ko kilala kung sino. Sa tansya ko ay kasing edad lang sila ni tita.
Nagulat akong nang biglang tumambad sa'min ang isang malaki at mahabang gate. Ang akala ko ay iyon ang ang pintong pinasukan namin kanina.Ang dami namang pasikot dito.
"Ito ang main gate. No one allow to open it unless you have a permission from the head." Tss malamang hindi ko mabubuksan 'to nang basta-basta sa laki ba naman nito engot!
Habang naglalakad kami papasok sa University. Pinaliwanag niya ano ang mga meron dito.
"Ito ang tinatawag namin na Social hall, Lahat ng mga athlet at may mga talento ay dito nag-eensayo." Sabay turo niya sa isang pinto ngunit hindi niya ito binuksan.
Naglakad pa kami hanggang sa unahan.
"Ito naman ang Dinning Hall, lahat ng estudyante ay dito kumakain. Bawal kumain kahit saan. May karampatang parusa kapag nakita kang kumain sa labas ng Dinning Hall. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi niya at tumango lang ako.
Pumunta kami sa second floor ng school. Sa pinakadulo kami pumunta bandang kaliwa. Subrang laki nga talaga ng eskwelahang ito. Hindi kasi ako nag-atubiling tingnan ito kanina sa labas.
"This way is the students dormetory, the left side is for girls and the other side is for boys." sabi niya sabay turo sa kabilang dulo kung saan ang boys dormetory.
Ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang pinto. Naglakad hangang sa pinakadulo at may isang pinto na naman. May pinindot siya sa gilid ng pinto saka nagsalita.
"Senyora." sabi niya saka bumukas ang pinto.
Nanatili akong tahimik hanggang sa makapasok kami. Isang babaeng nakatalikod na nakatayo sa harap ng bintana.
"Senyora." Pagtawag ulit niya sa babae.
Dahan-dahang humarap ang babae. Maganda siya walang kasing ganda parang ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gandang mukha. Maliban kay Mama ay siya lang ang babaeng mala-dyosa ang ganda.
"I didn't expect you to be here this early." Aniya
"I don't understand what your saying po." Wala sa sariling kong sagot
"Oh! I thought Faola already told you. But anyway welcome to Underground University. I'm Salvera Deja you can call me Senyora. There are some rules of this school that you should know first huwag kang magtanong kung hindi kailangan itanong , second don't trust anyone, Third be carefull of your words when you talk someone you didn't know. fourth once you enter here you have to finish you studies without making any violence and you can free to leave this school peacefully. Student punishment here is to stay at detention Hall until he/she learn his/her mistake. You can't help them if you do so you'll be the one to be a replacement. That's all ,Jera will discuss you about the student's protocol."
"Who's Jera?" Tanong ko.
Humalakhak siya."Jera come here introduce yourself to her." Sabi niya sa babaeng kasama ko kanina.
Malay ko siya pala si Jera, hindi naman kasi nagpakilala.
"Jeravie Herman." Seryosong sabi niya. hindi yata uso ang shakehands dito.
"She's our students incharged. If you need help or something you can talk to her." Tumango lang ako.
"Jera, Ihatid mo na siya sa room niya." Sabi niya sa kasama ko. "Tommorrow will be your first day of class, Don't be late." Baling niya sa'kin. Kailangan talaga may diin pagkasabi. Tss
Bumalik kami sa dormetory para ihatid ako sa kwarto ko.
"Apat kayo sa iisang kwarto. Sige na pumasok ka na marami pa akong gagawin." Aniya at tinalikoran na ako.
Agad kong binuksan ang pinto. Pero wala akong makita subrang dilim, kinapa ko ang dingding. Saan ba ang switch dito letse!.
Mayamaya pa ay biglang lumiwanag. Napahinto ako, dahan-dahang lumingon.
Halos mapatalon ako sa subrang pagkagulat bahagya namang kumunot ang noo ko habang sinusuri ko ang buong silid. Anong klaseng kwarto ito?
Walang laman kahit isa, Wala ring bintana. Kinakabahan ako biga hindi ko maintindihan bakit ganito dito.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko pero ilang saglit ay biglang gumalaw ang sinasandalan kong pader. Bumukas ito at gan'on nalang ang gulat ko nang makita ko ang isang napakagandang silid. May limang kama para sa limang tao. Kakaiba ang desenyo na talaga namang mamamangha ka. Pinaghalong makaluma at makabagong kultura ang desenyo. Dahan-dahan akong pumasok at bahagya namang sumara ang dingding na nagsilbing pinto sa kwartong 'to. Amazing!
Alin ba sa limang ito ang kama ko.
Hindi ko alam saan ang kama ko, kaya naisip kong hintayin na lamang ang mga kasama ko. Nagtungo ako sa bintana.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko bahagya akong napaatras.
"Ikaw ba ang bagong estudyante?" Halos napatalon naman akong lumingon dahil sa gulat nang may biglang nagsalita.
Saan naman nanggaling isang ito, ba't hindi ko man lang naramdaman na pumasok siya.
"Ah, Oo." sagot ko
"I'm Hera." Sabi niya
"I'm Demiree." sabi ko sabay abot sa kanya ng kamay ko pero hindi niya tinanggap.
"Ito ang kama mo. Iyang cabinet sa harap iyan ang sa'yo. Apat tayo dito mayamaya ay darating na din ang mga kasama natin." Aniya. Ang weird.
"Salamat." Sabi ko.
Nag-umpisa akong ayusin ang mga gamit ko para makapagpahinga pa ako.