Save the best for last
Election day na para sa Student Council. Hindi ko talaga trip ang ganito kahit noon sa dati kong School. Ayun sa patakaran nila sa Student Council. Ang Studyante mismo ang pipili sino ang ihahalal nilang bagong President. Hindi na kailangan mag-nominate. May ballot boxes sa bawat rooms. Isusulat lang ng mga studyante kung sino ang gusto nilang iboto.
Dalawang araw bago malaman ang resulta kaya naman tuloy pa din ang klase kahit may election na nagaganap. Ilang buwan nalang magtatapos na ang unang kalahating taon. Wala namang kakaiba maliban lang sa gabi-gabi akong nakakarinig ng mga taong tila humihingi ng tulong hindi ko alam kung bakit.
Kinaumagahan dahil sabado wala kaming pasok naisip kong gumising ng maaga at magpahangin sa labas. Naisipan kong magpuntan nalang sa open field at doon maglaro ng Archery.
Habang naglalaro ako..
Bibitawan ko na sana ang arrow ng biglang may isang tumira ng target. Dahan-dahan akong lumingon at siya agad ang nakita ko.
"Magaling ka pa din umasinta. Kaya ba pati puso ni Zain pinana mo?" Ano na naman drama ng isang 'to aga-aga pa kung ano na pinagsasabi.
Sa halip na sagutin pinagpatuloy ko nalang ang paglalaro ko.
"Hindi ako bumalik dito para kahit kanino. Gusto ko lang bumalik sa lugar kung saan natagpuan ko ang sarili ko. At hindi ko inaasahan na ikaw ang makikita ko dito." Bigla ulit siyang nagsalita.
Napahinto naman ako. Hindi ko talaga balak na kausapin siya pero siya itong kusang lumapit sa'kin kaya itatanong ko nalang sa kaniya ang mga gusto kong itanong.
"Sino si Jin?"
Napalingon siya sa'kin nang magtanong ako bigla.
"Siya ang kapatid ko. Nang umalis ako dito siya ang pumalit sa'kin."
Alam ko naman na magkapatid sila hindi maipagkakaila iyon sa itsura nila. Iba ang inaasahan kong isasagot niya dahil iyon siya. Kung noon, sa tuwing tinatanong ko siya sa isang bagay kahit hindi naman talaga iyon ang dapat na itanong ay sinasagot niya ako sa dapat na itatanong ko sa kaniya.
"Tss. Iibahin ko nalang ang tanong. Bakit siya nandito?"
Ngumisi na tila pinag-iisipan pa niya kung dapat pa ba niyang sagotin ang gan'ong kababaw na tanong ko sa kaniya.
"You already know the answer to that question so why asking me?"Mautak pa din siya
"We're not lovers just like before and we're not even friends. So why are you here?" Out of the topic kong tanong.
"Wala namang nakalagay na pangalan mo o kahit ano na bawal pala pumunta dito dahil nandito ka!" Pang-iinis.
Sa halip na sagutin siya ay naglakad nalang ako pabalik ng dorm. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Mag-ingat ka sa mga taong kaharap mo, may ibang hindi mo kilala ng totoong sila."
Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
••••***********••••
"Demi ito sa'yo oh!" Sabay abot ni Fliegh sa'kin ng pagkain.
Kakatapos lang ng event namin. Sa loob ng isang buwan mula ng bumalik si Andrew dito lagi na rin akong ginugulo ni Zain.
"Dem, nandito na ang sundo mo." Nakangising sabi ni Hera na nang-aasar.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy nalang sa pagkain ko. Nang biglang may humablot nito mula sa'kin.
Speaking of mang-aagaw ng pagkain.
"Ano ba! Akin na iyan, wala kang manners." Bulyaw ko sa kaniya.
At gaya ng lagi niyang ginawa hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Alam.."
"Alam mong gutom ako at kapag gutom ako nangangagat ako." Pinutol niya ang sasabihin at saka niya sinabi ang mismong linyang lagi kong sinasabi.
"Uyyyy yung linya ni Demi memorize na niya." Panunukso ni Sendy.
"Nilalamggam ako grabe, Hera gunting nga. Puputulan ko ng buhok 'tong si Demi ang haba eh!" Pang-aasar naman ni Fligh.
Inirapan ko silang pareho dahil sa pang-aasar nila sa'kin. Tahimik akong lumabas sa Dinning Hall. Naalibadbaran ako pagmumukha ni Zain. Iyong inis ko sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko mapigilan ewan ko kung bakit wala naman siyang ginawang masama sa'kin. Maliban lang talaga sa pabigla-bigla niyang pagsulpot sa harap ko.
"Hey, Where are going. Hindi ka pa tapos kumain." Habol niya sa'kin saka ako huminto sa paglalakad.
Inis akong humarap sa kaniya."Will you stop, Bakit ba lagi ka nalang sumusulpot sa harapan ko. Dati hindi ka naman ganiyan. Naalibadbaran ako sa'yo kaya pwede ba lumayo-layo ka sa'kin ng konti." Sabi ko saka ko siya tinalikoran ulit.
Hindi paman ako nakakalayo ay may biglang sumigaw ..
Napalingon ako bigla. Wala na si Zain sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Bigla naman nagsilabasan ang mga studyante. Agad kong hinanap si Hera. Pero hindi ko sila makita sa dami ng mga studyante, iyong iba kanya-kanyang tulakan. Hindi alam kung saan sila pupunta.
What the hell is going on?
Saka ko lang natagpuan ang sarili kong makatayo sa harap ng ilang studyanteng nangingisay. Nanginginig ang buo kong kalamnan.
Kita ng dalawa kong mata ang mga nangyayari. At hindi ko alam ano ang nangyayari sa kanila. Para silang sinasaniban ng masamang spirito. At tiningnan lang sila ng iba na tila parang baliwala lang.
"Demi, come here." Sabay hila sa'kin ni Sendy.
"A--Anong na-nangyayari? Sendy tell me anong nangyayari." Taranta at nauutal kong tanong.
"I'll explain to you later. Let's go Dem." Hinila niya ako at dinala sa isang kwarta hindi ko alam ano iyon.
"Demi are you okay?" Agad na tanong ni Fliegh pagpasok namin sa kwarto.
"Are you insane? You ask me if I'm okay? Paano ako magiging okay kung hindi ko alam ano ang nangyayari sa mga tao na nasa labas!" Sigaw kong sabi.
Hindi pa rin mawala ang kaba at takot ko.
"They're Zombies." Sagot ni Hera na naka-upo sa isang silya malapit sa bintana.
"Zomb.. What?" Gulat kong tanong.
"They already dead. Kung ano ang nakita mo iyon talaga sila." Aniya
"Bakit sila nagkagan'on?"
"It's because of they failed." Sagot niya ulit. Napakatipid niyang sumagot hindi ko alam paano iintindihin ang mga iyon.
Magtatanong pa sana ako ng biglang pumasok sina Zain, Tyron at iba pa nilang kasama.
"Nandito pa pala ang isang 'to akala ko ay kinain na ng mga Zombies iyan sa labas." Nang-iinsultong bungad ni Tyron
"Hindi ko hahayaang mangyari iyon." Sagot naman ni Zain.
"Oo nga naman isa kang dakilang taga-pagtanggol ng babaeng 'to. Hindi ko alam ano meron sa kaniya. Nahihibang ka naman. Mauulit na naman ang kasalanan mo." Sa tono ng mananalita ni Tyron ay parang alam na alam niya ang lahat.
Hindi ko na naman maintindihan mga pinag-uusapan nila. Umupo nalang ako sa isang tabi. Habang sila naman ay abala na nag-uusap.
"Ano na ang gagawin natin. Hindi natin sila pwedeng saktan. Kaya pa natin silang isalba." Seryosong sabi ni Hera habang nakatingin sa kapatid niya na nakaupo din sa kabilang gilid.
"Hayaan nalang natin mawala ang epekto ng gamot na tinurok sa kanila. Wala tayong ibang magagawa sa ngayon kundi ang hayaan sila." Sagot ni Zain
"Madadamay ang iba Zain. Mas lalala ang setwasyon kapag hinayaan natin sila."
"They already dead. Paano natin sila isasalba sige nga Hera. Hindi na natin maibabalik pa ang buhay nila. Kapag nawalan na ng bisa ang gamot na tinurok sa kanila. Magiging bangkay na din iyan sila."
"At wala kang ginawa para gawan ng paraan iyon. Ilang beses na ba akong nakiusap sa'yo. Tao din sila Zain, Itigil mo na." Naiiyak na pakiusap ni Hera
"How dramaric scene it is. Pwede ba tumahimik kayong dalawa. Malapit ng buksan ang Hell. At kapag nangyari iyon lahat tayo dito mamatay din."
Natigilan ako sa sinabi ni Tyron.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Hindi mo ba alam? Akala ko ay may alam ka dahil kung umasta ka parang alam mo lahat ng nangyayari sa paligid mo ."Pang-iinsulto niya. Piste! nakakadalawa ka na huwag mong gawing tatlo baka hindi kita matansya.
"Tyron!" Paninindak na tugon ni Zain.
"Stop protecting her Zain. She's nothing. We both ended die here. Kaya kahit protektahan mo man siya pare-pereho lang tayong sa empyerno pupunta."
"ANO BA! TAMA NA WALA NA AKONG NAIINTINDIHAN. AYOKO NA DITO!" Sigaw ko sa kanila sabay sabunot sa buhok ko at umiiyak.
"Shhh Demi , tahan na magiging maayos din ang lahat magtiwala ka lang." Tumabi si Fliegh sa'kin at saka ako niyakap para tumahan.
"Save the best for last. Devil will come soon better prepared than to regret." Sabi ni Zain saka lumabas. Agad naman siyang sinundan ni Tyron.
Lumipas ang ilang oras. Nasa loob pa din kami ng kwarto. Ni isa sa'min walang nagtangkang lumabas at hindi pa din nakakabalik sina Zain at Tyron.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Andrew sa'kin nung isang araw.
"Mag-ingat ka sa mga taong kaharap mo, may ibang hindi mo kilala ng totoong sila."
Hindi ko maintindihan pero malalim ang ibig-sabihin ng sinabi niyan iyon.