I think I'm fallin'
Nagising ako ng may biglang tumabi sa'kin.
"Nagising ba kita?" Tanong ni Andrew
"Anong ginagawa mo dito?"
"Pinabantayan ka muna nila sa'kin. Umalis muna sila may gagawin daw." Pakiramdam ko ay hindi ako kumbensido sa sinabi niya.
Kilala ko si Andrew. At paano niya naman naging kasundo ang mga kaibigan ko? Sa pagkakaalam ko ay pagkakilala ko sa kaniya hindi siya iyong tipo ng tao na kakaibiganin ka dahil kailangan mo ng kaibigan. Hindi siya gan'on, Kakaibigan ka niya dahil iyon ang gusto niya at hindi dahil kailangan.
"Okay lang ako dito, pwede ka ng umalis." Sabi ko
"Mag-ingat ka." Aniya saka tumayo at lumabas na.
Siguro nga kailangan kong mag-ingat. Lalo na ngayon wala akong maintindihan sa nangyayari.
Maya maya pa ay naisipan kong lumabas. Tahimik at walang tao.
Nasaan ako?
Paglabas ko sa pinto ay nasa isang gubat ako. Anong lugar 'to?
"Hera!"
"Sendy!"
"Fliegh"
"Nasaan kayo?" Sigaw ko. umalingawngaw ang boses ko.
Maya maya pa ay biglang nagsilabasan ang mga Zombie. Kaya tumakbo ako, hindi ko alam ang daan palabas puro takbo lang ang ginawa ko.
Lingon
Takbo
Ang ginagawa ko sinusundan pa din ako ng mga Zombies. Nakakatakot sila ano mang oras ay kakainin ka nila. At magiging katulad ka nila, Praning ka Demi, Tumakbo ka nalang baka maabutan ka nila.
Kinokontra ako ng sarili kong isip. Nakakalito saan pwede dumaan puro matataas na kahoy ang nandito.
"Tulongggggg"
"Zainnnnnn" Wala sa sarili kong sigaw ng maabutan ako ng isang Zombies.
Naiyak ako sa takot. Ngunit biglang may yumakap sa'kin.
Pagmulat ko si Zain ang una kong nakita. Napayakap na din ako sa kaniya sa sobrang takot ko.
"Zain , Ilayo mo na si Demi. Kami na bahala sa mga 'to." Sabi ni Hera. Sabay hampas niya Zombie.
Hinila ako ni Zain, Palabas ng gubat. Hanggang sa makarating kami sa mismong likod ng School.
"Ayoko na dito gusto ko ng umuwi." Naiiyak kong sabi.
Dahan-dahang hinawaka ni Zain ang magkabila kong pisngi.
"Demi, tingnan mo ako." Naiiyak akong tumingin sa kaniya."Makinig ka, Oo hindi ka ligtas dito. Sa umpisa pa lang hindi na ligtas ang lugar na'to. Taon-taon ganito ang nangyayari. Ayoko malaman mo ang mga bagay na tinatanong mo dati dahil mas delikado iyon para sa'yo. May dahilan kung bakit nandito ka. Pangako hindi ko hahayaan na saktan at mapahamak ka." Medyo gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya.
"Helveria University is a place we're demons living. We are one step closer to Hell. at iyong lugar kung saan ka hinahabol ng mga Zombies iyon ang Hell forest. Lahat ng Zombies nandoon." Paliwanag niya na kinagulat ko
"Paano mo nalaman ang lugar iyon?"
"Minsan na akong naligaw doon dati. Hanggang ngayon hinahanap ko pa din ang lagusan palabas. Kung napapansin mo pagpasok mo palang dito malaking gate ang nakita mo natatandaan mo ba saan banda iyon?"
Lumingon ako sa paligid. Inaalala kung saan kami pumasok noong una akong dinala dito.
"D--Dito iyon. Zain dito iyon mismo" Sabay turo ko sa mismong lugar. Sa likid ng puno sa doon kami lumabas at sa katabi ng puno na iyon ay nandoon ang gate pero ngayon ay wala na.
"May gate iyan diyan pero bakit wala?"
"Dahil wala naman talagang gate na malaki. Ilusyon lang lahat ng iyon Demi. Walang makakapagsabi kung nasaan ang lagusan palabas dito. Maliban sa isang tao. Hindi ko alam sino. Ang sabi-sabi noon ay siya lang ang tangging makakapagturo sa daan. Hindi namin siya kilala."
"Bakit hindi niyo siya kilala?"
"Mula ng pumasok ako dito lahat ng lagusan na pwede kong puntahan ay pinasok ko kahit delikado. Hindi lang ako o ikaw ang gustong lumabas dito maski iyong mga Zombies na umatake sa'yo sila iyong lumabag sa patakaran at nag-iisang pinagbabawal."
"Ang ano?"
"Ang pumasok sa sagradong pinto. Kaya iyan ang maging kapalit. Sa kagustuhan nilang lumabas dito. Pinagbabawal pasukin ang pintong iyon dahil kahit kailan hindi kana makakalabas pa."
"Saan ang pintong iyon?"
"Sa madilim na bahagi ng Boys Dormitory."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Iyon ang madilim na lugar na sinubukan kong pasukin. Noong panahon na may narinig akong boses na humihingi ng tulong sa'kin.
Ngunit may isang tumulong sa'kin ng panahon na iyon. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa sobrang dilim.
"Minsan ko ng pinuntahan ang lugar na iyon nang may narinig akong boses ng babae na humihingin ng tulong."
"Paano ka nakalabas?" Gulat na tanong niya sa'kin.
"Hindi ako nakapasok talaga. Hinarang ako ng isang lalaki hindi ko nakita ang mukha niya sa sobrang dilim. Ang sabi niya lang sa'kin ay sa susunod na mapadpad ako doon ay hindi na niya ako palalabasin pa."
"Nililinlang ka nila. Iyong boses na narinig mo na humihingi ng tulong ay isa sa mga patibong nila. Kapag napasok mo ang lugar na iyon hindi ka na makakalabas pa. At magiging katulad ka ng mga Zombies na iyon."
Hindi ko kinaya ang mga sinabi niya. Kaya nagpasiya siyang dalhin ako sa silid namin. Hinayaan niya akong makatulog hindi niya ako iniwan hanggang sa paggising ko ay nasa tabi ko siya at binabantayan ako.
Hindi ko maintindihan bakit niya ginagawa ang mga ito sa'kin. Ang ilayo ako sa Zombies, ang hindi ako mapahamak o masaktan.Wala naman akong naalalang ginawang kabutihan sa kaniya para gawin niya sa'kin ang mga 'to.
"Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Nasaan sila Hera?" Tanong ko. Ayoko sagutin ang tanong niya dahil wala akong maisagot.
"Kaya na nila ang sarili nila. Nandun naman ang Knights hindi sila pababayaan ng mga iyon."
"Bakit ka nandito?"
"Para bantayan ka."
Isang tanong ,isang sagot lang din. Hindi uusad ang usapang 'to kapag ganiyan siya.
"Bakit mo ako tinulungan sa mga Zombies na iyon?"
"Dahil tinawag mo ang pangalan ko."
"Bakit mo nga ginawa iyon?"
"Dahil gusto ko."
"Bakit gusto mo."
"Dahil..." Napahinto siya saka nag-isip.
"Dahil ano?"
"Wala basta huwag ka ng magtanong pa."
"Ba't ka nagagalit nagtatanong lang naman ako. Bweset ka umalis ka nga dito."
"Ayoko!"
"Alis sabi!"
Ang lapit lang namin tapos nagsisigawan.
"Ayoko nga huwag kang makulit."
"Ikaw ang makulit umalis ka na sabi. Gusto ko masuntok."Pagbabanta ko.
"Alam mo ano ang kapalit kapag sinuntok mo ako."
"Ah ganun.." Akma ko na siyang susuntukin ng..
Iyong paligid ko biglang huminto. Ang lambot, ang tamis. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Iyong halik niya nakakadala. Letse! Ba't ngayon pa ako naglandi gayong bweset na bweset ako.
Agad siyang bumitaw habang ako naman natulala lang na nakatitig sa kaniya.
"I think I'm fallin'.." Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ulit ako.
Hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam bakit ko siya hinayaan na halikan ulit ako.
Hindi pa ako handang magmahal ulit pero bakit ganito? Iba ang sinasabi ng puso ko.
Oo aaminin ko naiinis ako kay Zain. Pero hindi ko maikakaila na kapag nandiyan siya pakiramdam ko ay safe ako.
Kung sa tamang lugar at pagkakataon lang kami nagkakilala baka maaari kong bigyan ng pagkakataon ang nararamdaman niya pero nasa maling setwasyon kami kaya ayoko muna.
Bigla ko siyang tinulak.
"Please iwan mo muna ako."
"Sa labas lang ako babantayan kita. Hindi kita pinipilit. Kung alam mo lang pinigilan ko din ang sariling kong gustuhin ka. Dahil alam ko ikakapahamak mo lang iyon. Hayaan mo lang akong protektahan ka. Sa ganung paraan ko lang maipaparamdam sa'yo ang nararamdaman ko. Ayoko lang maulit ang pagkakamali ko noon."
Lumabas na siya pagkasabi niya niyon. At binigyan na naman niya ako ng iisipin. Bakit ba kasi sa tuwing nagsasalita siya kailangan ko muna isipin ulit bago maintindihan ang sinabi niya.
Pero kahit papano gumaan ang loob ko dahil sa kaniya sa kabila ng mga nangyayari ngayon. Pinaramdam niya sa'kin na wala akong dapat ikatakot dahil nandyan siya