"Dem, double time malalate na tayo sa class." Sigaw ni Sendy galing sa labas. Late na kasi akong nagising ,eh kasi naman 'tong si Zain ayaw akong tantanan. Kahit yata pagbabanyo ko ay nakabantay siya. Nawewerdohan na ako sa kaniya. Palabas na ako nang pagbukas ko nakaabang na naman siya sa pinto. "Hatid na kita." Aniya. "May paa ako Zain, alam ko din ang daan papunta sa room namin kaya huwag mo na akong ihatid." "Hindi pwede, Ihahatid kita sa ayaw mo at gusto. I want to protect what's mine." Ayan na naman siya sa sweet words niya hindi naman ako kinikilig nawewerdohan ako. "As far as I remember no one owns me." "I'll make you owned by me, then." "Hell no." "Hell yes." Sakit sa ulo ng isang 'to. Late na ako bahala siya sa buhay niya. Sa halip na patulan siya at hahaba na naman an