Student council officers Nagulat ang lahat sa anunsyo ni Brenda. Pipili ng mga bagong student councils hindi dadaan sa butohan. Ang masaklap pa lahat ng studyante ay dadaan sa isang pagsubok. Wala akong tiwala sa binabalak nila, ngayon pa lang kinakabahan na ako sa mangyayari. "Guys listen. Alam ko hindi kayo handa sa anunsyo namin pero kailangan namin ng bagong student council nabalitaan naman siguro ninyo ang nangyari. Patay na ang mga dating student council officers. Kailangan namin ng pamalit sa kanila para sa darating na End of School year event." Anunsyo ni Brenda. Kumunot ang noo kong nakatingin sa kaniya. Oo kaibigan namin si Brenda pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang ibigay ang tiwala ko kahit sa ibang kaibigan ko hindi ko magawang pagkatiwalaan. Hindi ko halos mabi