Mabilis ang pagpapatakbo niya kay Zimba patungo sa may waterfalls kung saan niya nakita si Nico kanina tiyak na naroon pa rin ang binata, lalo na't nabanggit nito na doon dumadaan ang mga tauhan nito. Kailangan niyang malaman ang totoo, at kung paano nangyaring napunta kay Nico ang kalahating asyenda nila. Huwag ding nilang sabihin na pati ang bakaan ay kay Nico na rin, dahil sa parteng bakaan ang tinutukoy ng nitong pagmamay-ari na nito.
"Imposible! Hindi pwede!" Galit na sabi niya at lalo pang binilisan ang pagpapatakbo niya kay Zimba, kailangan niyang maabutan roon si Nico, kailangan silang magkaharap ng lalaking iyon.
"Yah!!! Yah!!!" Sigaw niya.
Nang malapit na siya sa waterfalls namataan niya ang mataas na sasakyan ni Nico ang asul na raptor na naroon pa rin iyon kung saan naka park iyon kaninang umalis siya.
"That man!" Galit na usal niya at inilapit sa may ilalim ng puno si Zimba.
Napansin ni Nico ang pagdating niya dahil sa mga yabag ni Zimba. Napalingon sa kinaroroonan niya ang lalake, habang may kausap itong dalawang lalake.
Masamang tingin ang pinukol niya kay Nico nang magtama ang kanilang mga mata. Bumaba siya kay Zimba na na kay Nico pa rin ang mga mata. Nagtaas ng kilay ang lalake, at binaling ang atensyon sa dalawang lalaking kausap nito, hindi niya narinig ang sinabi ni Nico, pero tumango ang dalawang lalake at lumakad na ang mga ito paalis.
Humakbang siya palapit kay Nico, bumalik sa kanya ang tingon nito. Nakataas ang mukha niyang sinalubong ang mga mata nito.
"Mr. Rodriguez!" Malakas na tawag niya kay Nico. Humarap naman na ng tuluyan sa kanya si Nico at hinintay siyang makalapit rito.
"Can we talk!" Mataray na sabi niya, hindi iyon isang tanong.
"Ano ang kailangan ng magandang binibini sa akin?" Tanong nito, hindi niya alam kung nanunuya ito o ano. Pinagsalikop pa nito ang mga kamay sa malapad nitong dibdib. Pinilit niyang huwag sulyapan ang matipuno nitong dibdib na bumabakat sa puting damit nito. Sa uri ng negosyo ni Nico, hindi na siya magtataka kung bakit may magandang katawan ito.
"Stop it, Nico!" Asik niya at huminto ilang hakbang mula sa kinatatayuan nito. Ayaw niyang mas lumapit pa sa lalake, nais niyang may malaking distansya pa rin sa pagitan nilang dalawa. Hindi sa wala siyang tiwala sa sarili, na baka maakit siya sa kaharap, ayaw lang niya talagang mas lumapit pa sa lalake.
Mula sa kinatatayuan nga niya naamoy na niya ang masculine cologne nito, pamilyar sa kanya ang amoy na iyon, magpahanggang ngayon ba iyon pa rin ang gamit na cologne ni Nico? Pasimple niyang iniling ang ulo, para maalis sa isipan ang pamilyar na amoy ng kaharap.
"What do you want, Atasha?" Pormal na tanong sa kanya ni Nico, habang nakatingin sa mga mata nito, wala siyang ano mang nakikitang emosyon sa mga mata ni Nico.
Pinabalasik naman niya ang mga mata, at nagtaas ng mukha, nais niyang ipakita sa lalake na matapang siya, na kaya niya itong harapin at hindi siya nasisindak rito.
"About this part of hacienda."
"Nakausap mo na ba ang Daddy mo? Sinagot na ba niya ang mga tanong mo?" Nico asked her.
"Yes, at nahihiwagaan ako sa sinagot niya, hindi ako makapaniwala na ikaw na ang nagmamay-ari sa kalahati ng asyenda namin," matalim na tugon niya sa lalake.
"Anong ginawa mo habang wala ako? Anong klaseng pambobola ang ginawa mo sa Daddy ko para pagkatiwalaan ka niya?" Galit na tanong niya.
"Ano ba ang sinagot ng Daddy mo sa iyo?"
"Ikaw na raw ang nagmamay-ari sa kalahati ng asyenda namin."
"Hindi ba niya sinabi sa iyo kung paano napunta sa akin ang asyenda?" Tanong nito na tila nabo-bored na sa kanya. Nagkibit balikat pa ito. Tila hindi interesado sa sinasabi niya.
"Hindi ako naniniwala na palugi na ang asyenda!" Malakas na sabi niya.
"Anong alam mo?" Ilang taon ka nang wala dito sa San Miguel, anong malay mo sa kalagayan ng Hacienda Atasha, at kung ano ang kinahaharap na suliranin ng Daddy mo?" Malakas ang boses ni Nico habang nagsasalita, at nahihimigan niya ang galit sa panananlita nito, as if naman na may karapatan itong magalit sa kanya.
"Walang sinasabi sa akin ang Daddy ko tungkol sa problema ng asyenda, madalas ko siyang kumustahin, nag-uusap kami lagi," depensya niya. Iyon naman ang totoo, ni minsa walang binaggit sa kanya ang ama tungkol sa problema sa asyenda.
"Well, in that case, labas ako diyan, much better kung ang Daddy mo mismo ang kausapin mo," sabi nito saka humugot ng malalim na paghinga.
"Bumalik ka na sa bahay niyo, mag usap kayo ng Daddy mo," suhestiyon pa nito sa kanya saka ito tumalikod na at lumakad palayo sa kanya.
"Nico, sandali!" Pigil niya sa lalake, pero nagtuloy lang ito sa paglalakad, wari'y hindi narinig ang tawag niya rito.
"Nico ano ba?!" Sigaw niya at humakbang para habulin ang lalake, hindi pa sila tapos mag usap nito, marami pa siyang gustong itanong rito.
"Go home, Atasha wala akong maisasagot sa mga tanong mo," sabi nito na hindi man siya nililingon.
"Sh*t," niya sa inis. Huminto siya sa paglalakad ay nilingon ang paligid, lupa iyon na may kaunting damo ay may mga nagkalat na pira-pirasong kahoy sa paligid at ilang mga batong malalaki.
Kung kinakailangan niyang ilabas ang natutunan niya sa Madrasta at kay Karina na kadramahan para pansinin siya ni Nico ay gagawin niya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at tinignan si Nico na patuloy pa rin sa paglalakad.
"Show time," bulong niya, saka tumili ng malakas at binagsak ang katawan paupo, kunwari'y napatid ang paa niya sa malaking sangga ng kahoy na nakakalat.
"Ouch! Aray!" Tili niya habang nakaupo sa lupa, saka hiniwakan ang kunwari'y nasaktan na paa. Sa gilid ng kanyang mata, namataan niya si Nico na tumatakbo pabalik, patungo sa kinauupuan niya.
"Atasha, are you ok?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Nico nang makalapit ito sa kanya. Sinuri pa nito ang paa niya na kunw
"I am ok, Nico," tugon niya at inalis ang kamay sa pagkakahawak niya sa paa. Buong tapang na hinila niya ang damit ni Nico palapit sa kanya. Nagulat pa ito sa ginawa niya.
"What are you doing?" Kunot noong tanong nito.
"Ikaw na rin ba ang nagmamay-ari sa bakaan?" Taas kilay na tanong niya sa lalake na kahibla lang ang layo mula sa kanya. Hindi niya pinansin ang tanong nito, wala siyang pakialam sa iisipin nito sa ginawa niyang eksena. Ang mahalaga sa kanya makakuha siya ng kasagutan mula rito.
"Atasha," banggit nito sa pangalan niya sa kakaibang paraan, habang nakatingin sa mga mata nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagbaba ng tingin nito sa may labi niya. Napalunok siya at tila napaso siya at mabilis na tinulak ito palayo sa kanya.
"You tricked on me huh," Nico said. Akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo, dahil hindi niya nagustuhan ang kinalabasan ng drama niya, kumabog kasi ang dibdib niya sa sobrang lapit nila ni Nico sa isat-isa. Pakiramdam niya hindi siya makahinga.
"Where do you thing you're going?" Tanong sa kanya ni Nico, sabay pigil sa braso niya. Nagulat siya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa braso niyang hawak ni Nico.
Hindi niya gusto ang ganito sila kalapit ni Nico sa isat-isa, hindi niya gusto ang nararamdaman, ayaw niya sa pamilyar na pakiramdam.
"Let me go," mariing sabi niya, ayaw ipahalata na halos sasabog na sa kaba ang dibdib niya.
"Ano sa tingin mo ikaw lang ang marunong mag trick?" Panunuya nito sa kanya, at linapit ang mukha nito sa kanya.
"Nico! Bitiwan mo ko!" Sigaw niya, nais na niyang mag panic masyado nang malapit ang lalake sa kanya.
Sinubukan niyang manlaban para makawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Nico, pero ano nga ba ang laban niya sa lakas nito.
"Nico, let me-" Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil hinila siya ni Nico at sa pagkagulat niya at walang kahirap-hirap itong naihiga siya sa lupa, at umibabaw ito sa kanya. Ramdam niya ang pagpipigil nito ng bigat. Hindi naman niya gusto ang gaspang ng lupa na dumidikit sa balat niya. Walang dudang maya-maya lang mamumula na ang balat niya, at kasalanan iyon ni Nico.
"Nico!" Asik niya, sasampalin sana niya ang lalake sa isang kamay na hindi nito hawak, nang tila nahulaan nito ang nasa isip niya. Hinuli din nito ang isa pa niyang kamay ay tinaas sa may ulo niya.
"Nico ano ba!" Hiyaw niya. Mabuti na lamang at hindi katirikan ng araw sa mga oras na iyon, makulimlim kaya hindi masakit sa balat ang lupang kumikiskis sa katawan niya.
She stuggle trying to free herself. Hindi niya gusto ang posisyon nila ni Nico. Nakaibabaw sa kanya ang lalake, taas, baba ang may kalakihan niyang dibdib na umuuntog sa malapad nitong dibdib. Ang mga mukha nila ay kahibla lang ang layo sa isat-isa. Dumamdampi sa kanya ang mainit nitong paghinga, nasasamyo niya ang mabangong hininga nito at ang pamilyar nitong cologne.
"Get off of me, Nico," mariin niyang sabi, patuloy sa panlalaban para makawala. Tila wala namang naririnig si Nico, nakatingin lang ito sa mga mata niya, wala siyang idea kung ano ang nasa isip nito.
"Atasha," tawag nito sa pangalan niya. Isa pa sa kinaiinis niya, kung bakit may iba siyang pakiramdam sa tuwing babanggitin ng lalake ang pangalan niya.
"Nico! Atasha!"
Malakas na tinig ang bumasag sa kung ano mang nagpatigil sa pag ikot ng oras sa kanila ni Nico. Hindi lang nga pala sila ang tao sa paligid.
Nag angat ng ulo si Nico, para tignan kung sino ang may-ari ng tinig. Bumuntong hininga ito, at nasa mukha ang pagkadismaya. Nagkibit balikat si Nico at umalis ito mula sa pagkakaibabaw sa kanya.
"Get up," sabi nito sa pormal na tinig. Saka iniaabot nito ang kamay sa kanya. Tatangian sana niya ang kamay nito nang marinig muli ang tinig ng umistorbo sa kanila ni Nico.
"Atasha, tumayo ka nga riyan!" Sabi ng babae na pamilyar ang tinig. Hindi siya pwedeng magkamali si Karina ang dumating. Walang duda na sinundan siya ng half-sister.
Nagtaas siya ng kilay at sa pagnanais na asarin si Karina, tinanggap niya ang kamay ni Nico para tulungan siyang makatayo mula sa pagkakahiga.
Tinulungan naman siyang makatayo ni Nico, at nakita ang galit na galit na mukha ni Karina. Nagmumukha tuloy matanda sa kanya ang half-sister niya dahil laging nakakunot ang noo nito tuwing nakikita siya.
Pinagpag ang duming dumikit sa suot niya at saka nagpasalamat kay Nico na nanatili sa tabi niya.
"Atasha! Kung saan-saan ka nagpupunta, hinahanap ka ni Daddy!" Sita sa kanya ni Karina habang pinaglilipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Nico.
"Mauna na ko, Nico sa susunod na lang tayo mag usap," paalam niya kay Nico.
"Hmm," tanging tugon ni Nico at tumango sa kanya. Humakbang naman palapit si Karina kay Nico.
Umiwas na siya sa dalawa, ayaw na niyang marinig ang lampungan ng mga ito. Lumakad na siya palapit sa puno kung nasaan si Zimba. Namataan niya ang mamahaling sasakyang dala ni Karina, napailing na lang siya ng ulo. Nalugi ang asyenda nila pero may naipambili si Karina ng mamahaling kotse.
Sinimulan na niyang alisin sa pagkakatali si Zimba, ayaw niyang lingunin sina Nico at Karina. Ayaw niyang makita kung ano ang ginagawa ng mga ito.
Pasakay na siya kay Zimba nang lapitan siya ni Karina.
"Hoy, Atasha!" Sita sa kanya ni Karina sabay tulak pa nito sa balikat niya. Hindi na lang niya ito pinansin, nagtuloy siya sa pagsakay kay Zimba.
"Mag-uusap lang kami ni Nico, at ikaw umuwi ka na, pag uwi ko tayong dalawa naman ang mag-uusap," taas kilay na sabi nito sa kanya.
Ngumisi siya at inikot ang mga mata. Napaka walang respeto ni Karina sa kanya, kung kausapin siya nito at parang hindi siya matanda rito, napakawalang modo, parang spoil brat na kailangan turuan ng leksyon.
"Narinig mo ba ko Atasha?" Tanong pa nito. Iniling lang niya ang ulo at inihanda si Zimba sa pagtakbo.
May alam siya pagdating sa pagpapatakbo ng kabayo kaya naman sinadya niyang patamaan si Karina kay Zimba, at natumba ang half-sister niyang hubod ng arte. Bumagsak sa lupa si Karina at pinakain niya ito ng alikabok. Nagtitili pa ito. Malalim ang ngiti niya sa labi nang lingunin ang half-sister na nagsisigaw. Namataan niyang nakasunod sa kanya ng tingin si Nico. Sa kanya ito nakatingin at hindi kay Karina na nakaupo sa lupa. Hindi naman siya nag-alis ng tingin kay Nico.
Hindi pa tapos ang pag-uusap nila, wala pa siyang nakukuha kasagutan mula lalake. Marami pa siyang mga katanungan kay Nico, at hindi niya titigilan ang lalake hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na kailangan niya.