Atasha-4

1031 Words
"How come Dad na si Nico Rodriguez na ang nagmamay-ari sa kalahati ng hacienda natin?" Nanghihinang tanong niya sa ama, matapos ang malinaw na sagot nitong si Nico na ang nagmamay-ari ng kalahati ng Hacienda Atasha. "Atasha, anak, hindi ko lang nasabi sa iyo noon ang naging kalagayan ng asyenda natin, busy ka sa New York, masaya ka sa buhay mo roon. Isa pa mag isa ka lang roon anak, ayokong bigyan kapa ng problema doon, kaya hindi ko na nabanggit pa sa iyo ang suliranin namin dito sa asyenda," paliwanag ng ama sa malungkot na tinig. Hindi siya nakakibo mariin siyang napapikit ng mga mata, pakiramdam niya napagod siyang muli sa biyahe, kahit na nakapagpahinga na siya kanina. "Atasha." Nagmulat siya ng mga mata at nakita ang madrasta na palapit sa kanilang mag ama. Marahil kanina pa sa di kalayuan ang madrasta at nakikinig sa usapa nila mag ama. "Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan niyo ng Papa mo," malumanay na saad ng madrasta. Hindi niya napigilang iikot ang mga mata sa kaplastikang pinakikita nito sa harapan ng kanyang papa. Pag wala ang papa niya kulang na lang ay pagtabuyan siya nito sa asyenda, at nariyan naman ang ama para itong santa. Tumabi ang madrasta sa papa niya, hinaplos pa ang ama sa balikat at kunwari'y malungkot ang mukha. Nais na niyang masuka sa nakikitang itsura ng madrasta. "Maraming nangyari sa mga panahong wala ka dito sa asyenda, kami ng papa mo ang humarap sa halos palugi ng asyenda, kaya wala na ring choice ang papa kundi tanggapin ang alok ng batang Rodriguez na si Nico," malumanay na sabi ng kanyang madrasta na as if naman interesado siya sa sinasabi nito. Humugot siya ng malalim na paghinga, wala siyang panahon na makinig sa kadramahan ng madrasta. Mas maiigi pang alamin na lang niya ang totoo kay Nico, kung bakit nito binili ang kalahati ng Hacienda Atasha. "I should go," paalam niya at mabilis na lumakad. "Atasha," tawag sa kanya ng ama. "Mamaya na lang ho tayo mag usap, Papa," tugon niya habang patuloy sa paglalakad. Kung kinakailangan magtungo siya sa kabilang asyenda na pagmamay-ari na ni Nico gagawin niya para lang makausap ang binata. "Atasha!" Malakas na tawag sa kanya ng madrasta nang malapit na siya sa pintuan. Sa lalim ng iniisip niya hindi niya namalayan na sumunod pala sa kanya ang madrasta. Huminto siya at nilingon ito. Nakataas ang kilay nito habang malalaki ang hakbang nito palapit sa kinatatayuan niya. Nais pa niyang matawa, dahil kanina lang ay para itong santa kung tignan siya at kausapin, ngayon naman daig pa nito ang sasabak sa giyera sa galit na mukha nito. "Bastos kang bata ka!" Mariing sabi nito sa kanya na galit na galit. Hindi siya kumibo ayaw niyang patulan ito at magsayang ng energy, mas kailangan niya ang maraming energy mamaya sa paghaharap nila ni Nico. "Napaka wala mong modo! Kinakausap ka ng matino, kung makaasta ka akala mo kung sino ka! Huwag mong ipagmalaki sa akin na sikat ka sa New York, para bastusin ako!" Gigil na gigil na sabi nito. "Tapos na ho na kayo?" Tanong niya rito. Lumalim naman ang kunot sa noo nito at lalong naningkit ang mga mata sa galit. "Anong sinabi mo?!" Asik nito. "Kung wala na ho kayong sasabihin, aalis na ho ako, personal kong kakausapin si Nico Rodriguez para alamin sa kanya kung bakit nito binili ang asyenda," sabi niya sa madrasta. Tumawa naman ito ng matapos ang sinabi niya, tawang nang-iinsulto, saka siya nito tinignan mula ulo hanggang paa. "Tutungo sa asyenda ni Nico para kausapin ito tungkol kalagayan ng Hacienda Atasha?" Tanong nito. Hindi siya kumibo nanatili siyang walang ekspresyon sa mukha. Nagpatuloy pa ang madrasta sa pagtawa na wala namang kabuluhan. Sadyang pinipikon lang siya nito, kaya dapat lang na huwag na niya itong pansinin pa. "Sinong niloloko mo Atasha? Halata naman na kaya ka nagbalik ng San Miguel ay para makita muli si Nico," panunuya nito. "Excuse me," taas kilay na sabi niya saka tumalikod ha-hakbang na sana siya nang magsalita muli ang madrasta na nagpahinto sa kanya. "Wala ka nang babalikan pa Atasha! Huwag ka nang umasa pa na magkakabalikan pa kayo ni Nico! Saradong pahina na ang tungkol sa inyo ni Nico!" Mariing sabi nito sa kanya. Bumuntong hininga lang siya at nagpatuloy sa paglalakad, hindi niya kailangan tugunan ang ano mang sinasabi nito. "Atasha! Si Nico ay para lang kay Karina, tandahan mo iyan!" Habol pa nito sa kanya. Iniling na lang niya ang ulo, saka na siya nagtuloy sa paglabas ng bahay. Hindi siya apektado sa sinabi ng madrasta, wala na siyang pakialam kung magpahanggang ngayon ay may relasyon pa rin sina Nico at Karina. Tama naman ang madrasta niya na sarado na ang pahina nila ni Nico. Paglabas niya ng bahay tumawag siya ng kasambahay para ilabas muli so Zimba sa kwadra, pupuntahan niya si Nico sa asyenda nito. "At saan ka naman pupunta Atasha?" Napalingon siya at nakita si Karina na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanya. Bahagya pa siyang napangiti, ngiti sa inis. Pagkatapos ng nanay ang anak naman ang mang-aasar sa kanya. "Kailangan ko pa bang ipaalam sa iyo kung saan ako pupunta?" Mataray na tanong niya sa maarteng babae. "Kung pupunta ka kay Nico para akitin siya huwag-" "Shut up!" Asik na putol niya sa sasabihin pa nito, napapitlag pa ito marahil nabigla sa pagtaas niya ng tinig. Sakto naman ang pagdating ng binatilyong kasambahay hila-hila si Zimba. "Pupunta ako sa kabilang asyenda," sabi niya kay Karina habang pasakay kay Zimba. "Ano? Talagang pupuntahan mo si Nico?" Nanlalaking mga matang tanong nito. Nasa mukha na nito ang takot sa pagkikita nila ni Nico. "Oo, pero huwag lang mag-aalala hindi ko aakitin si Nico, may kailangan lang akong malaman," sabi niya nang makasakay na kay Zimba. "Atasha! Anong kailangan mo kay Nico?!" Hiyaw nito at lumapit pa sa sinasakyan niyang kabayo. Ngumisi siya para asarin ito, mukha kasing kabado ito sa pagkikita nila ni Nico. "Wala ka ng pakialam kung ano ang kailangan ko kay Nico," mataray na tugon niya. "Yah!" Hiyaw niya at mabilis nang pinatakbo si Zimba. "Atasha! Atasha!" Sigaw na tawag sa kanya ni Karina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD