Atasha-6

1510 Words
"Nico!' Tili ni Karina na nakaupo sa lupa. Nakita niya ang ginawa ni Atasha kanina, sinadya nitong sagiin si Karina sa sinasakyan nitong kabayo, kaya natumba si Karina paupo sa lupa, isama pang sinadya din ni Atasha na pakainin ng alikabok si Karina. To be honest imbes na mainis sa kasutilan ni Atasha ay natatawa pa siya. "Nico, help me," maarteng hiyaw ni Karina. Sanay na siya sa ganitong kaartehan ni Karina mga teenager palang ito ganito na ang acting nito. Linapitan naman niya ito para tulungang makatayo. "Humanda sa akin ang Atasha na iyan! Isussumbong ko siya kay Mommy!" Banta pa nito kay Atasha habang nagtatanggal ng dumi sa damit nito. Bumuntong hininga na lang siya at humakbang na pabalik nang muling magsalita si Karina na nagpahinto sa kanya. "Nico, anong ginagawa niyo ni Atasha kanina nang datnan ko kayo?" Matalim na tanong nito sa kanya. Sinulyapan niya ito, hindi tinago sa mukha ang pagkairitas sa uri ng pagtatanong nito. Mula pa naman noong mga estudyante pa sila ay kung makaasta sa kanya si Karina ay daig pa ang gilfriend nito, eh wala naman silang relasyon, at wala siyang balak patulan ang tulad ni Karina na bunganga ang ginagamit sa lahat ng bagay. Napaka childish pa nito. "Ano ba ang nakita mo?" Tanong niya rito. "Balak mo siyang halikan!" Akusa iyon hindi tanong na sabi nito. Iniling na lang niya ang ulo at tumuloy na sa paglalakad palayo sa maingay na babae. "Huwag ka nang umasa pa na magkakabalikan kayo ni Atasha, naka bakasyon lang siya dito sa San Miguel, at aalis din siya pag nakuha na niya ang kailangan niya sa Daddy namin. Huwag mo ring kalilimutan kung anong klasing babae si Karina sa New York," mahabang litanya ni Karina sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya rito, syempre basta tungkol kay Atasha, wala siyang maririnig na maganda mula sa bibig ni Karina. "Umuwi ka na Karina, hindi ka na pwedeng basta na lang tumambay riyan. Huwag mong kalilimutang hindi na ito parte ng Hacienda Atasha," bilin niya sa babae, hindi na pinatulan pa ang mga sinasabi nito patungkol kay Atasha. "Nico, nagbago na si Atasha, hindi na siya ang daring Atasha na nakarelasyon mo noong kabataan niyo. Isa na siyang liberated sa New York, ibat-ibang lalake-" "Karina!" Asik niya rito, para hindi na nito ituloy pa ang paglalapastangan kay Atasha. Paulit-ulit na rin niyang naririnig ang mga ganoong salita kay Karina tungkol kay Atasha, at hindi na siya interesado pa. "Umuwi ka na Karina. Kung ano man ang problema niyong magkapatid, labas na ko roon," sabi niya. "Pero Nico." "Good bye Karina," paalam niya sabay talikod na. Wala siyang panahon sa tantrums ni Karina ngayon. Marami siyang gawain sa bakaan, ilang minuto na nga ang nasayang niya mula kanina dahil sa pagdating ni Atasha. "Nico! Nico!" Tawag sa kanya ni Karina. Binewala na lang niya ito. Naglakad siya palapit sa asul na Raptor na dala niya, mabilis siyang sumakay, nakita kasi niya si Karina na tila balak pa siyang habulin nito. "Anong klaseng mga anak ba meron si Alex Madrigal mga babaing spoil brat at pasaway," bulong niya habang binubuhay ang makina. Bago pa makalapit sa sasakyan niya si Karina napaandar na niya iyon at mabilis na pinaharurot. Hindi niya sinasadya ang maalikabukan si Karina, pero natawa siya nang makita sa side mirror ang babae na natabunan sa alikabok. Habang nagmamaneho patungo sa opisina sa may bakaan, pumasok sa isip niya si Atasha. Limang taon na nang huli niyang nasilayan ang maganda at batang mukha ni Atasha. Kanina nang makita ito sa malapitan tila nanumbalik sa kanya ang nakaraan. Limang taon man ang lumipas at walang nagbago sa mukha ni Atasha, maganda pa rin ito tulad ng dati, para ngang hindi man lang nadagdagan ang edad nito sa loob ng limang taon. "Damn!" Mura niya at napahampas pa sa manibela. Naiinis siya dahil naroon pa rin ang atraksyon niya para kay Atasha. Unang kita palang niya sa babae, ay iba na agad ang naramdaman niya, hindi siya kumportable, at naalala ang mga panahong magkasama pa sila ni Atasha. "Damn! Damn!" Paulit-ulit na mura niya para mailabas ang inis sa sarili. Ilang beses din niyang pinaghahampas ang manibela. Pagdating sa opisina namataan niya agad ang puting Land Cruiser na naka park sa labas. Si Joey ang nagmamay-ari ng sasakyan, isang negosyante na naging kaibigan na niya dahil wala silang ibang pinag-uusapan kundi ang negosyo, at kung paano pa mas mapapalago ang negosyo. Isa si Joey sa sinusuplayan ng karneng baka, karamihan sa mga negosyo kasi ni Joey at restaurant. Pagpasok sa loob ng opisina naroon na ang kaibigan nagkakape habang hinihintay siya. "Pare, pasensya na natagalan ako sa pagbalik," hingi niya ng pasensya rito. "Wala iyon pare, naiintindihan ko na sa sobrang busy mo sa trabaho, panay quicky ka na lang," biro nito sa kanya. Palabiro ang kaibigan at sobra sa pagkababaero kaya hanggang ngayon single pa. "Ikaw talaga," tanging tugon niya at naupo sa katapat ang kaibigan. Sumenyas din siya sa secretary na dalhan siya ng kape. "Ano naka score ka ba dun sa binalita sa akin ng tauhan mo na dumating sa may waterfalls, kaya agad mo daw silang pinaalis?" Tsismiss nito sa kanya. Iniling na lang niya ang ulo. "Sabi ng tauhan mo maganda daw, maputi at bata pa. Malaki nga daw ang," sabay turo pa nito sa dibdib nito. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Pakiramdam niya pambabastos iyon kay Atasha. "Ilang baka ba ang sinadya mo ngayon?" Pang-iiba niya sa usapan. Tumigil naman na sa pagbibiro si Joey at sumeryoso na ang mukha. Hindi niya gustong pinakakatuwaan si Atasha. "Sampu siguro, ubos na iyong last kuha ko," tugon naman sa kanya ni Joey. "Ipapahanda ko na ang mga pagpipilian mo," tugon niya at mabilis na dinampot ang telepono para makatawag sa tauhan niya at maihanda ang mga bakang pagpipilian ni Joey. Tinanong siya ni Atasha kanina kung pati ba daw ang bakaan ay pagmamay-ari na niya. Sinadya niyangn hindi sagutin ang tanong nito. Ayaw niyang manggaling sa kanya ang bagay-bagay, kung paano napunta sa kanya ang kalahati ng Hacienda Atasha. Isang taong pagkaalis ni Atasha ng pilipinas para mag-aral sa New York, nagsimula nang bumagsak ang Hacienda Atasha, hindi kasi maayos ang pag a-handle sa kinikita ng asyenda ni Pia Madrigal, asawa ni Alex Madrigal na ama ni Atasha. , kaya kahit anong pagpapalago ni Alex Madrigal sa mga tanim at alagang hayop sa asyenda ay nauuwi lang sa wala, laging nauubos ang puhunan. Maluho kasi ang asawa ni Alex Madrigal at mga anak nito, hindi lang siya sigurado kung maluho din si Atasha, pero sina Pia at Karina at umaapaw ang luho sa katawan, na siyang nakikita niyang dahilan kung bakit bumagsak ang Haciensa Atasha. Nang mga panahong iyon nabili na niya ang katabi ng Hacienda Atasha, kaya naman nang marinig niya ang tungkol sa suluranin ng Hacienda Atasha ay nag alok agas siya ng tulong. Alam kasi niyang masasaktan si Atasha pag nawala sa pamilya nito ang asyenda. Binili niya ang kalahati kay Alex Madrigal at tinulungang bumangon ang kalahati pang natitira sa asyenda. Nagawa naman niya dahil sa pagkaka-alam niya stable na ang pasok ng income sa mga Madrigal, isama pang balik luho na naman ang mag ina ni Alex na naiwan rito. Alam niyang malulungkot si Atasha pag nalaman nito ang totoo, kaya ayaw niyang sa kanya magaling ang katotohanan. Kung kinakailangan umiwas siya ay gagawin niya. Unang araw palang ng babalik Atasha sa San Miguel, pero nagawa na nitong bulabugin ang isipan niya. "Pare ano, hindi ka ba sasama?" Tanong ni joey sa kanya na nakatayo na sa harapan niya. Hindi niya namalayan sa sobrang busy sa pag-iisip. "Ah?" Tanging nasabi niya dahil hindi niya narinig ang ang sinabi ni Joey. "Babae iyan no? Iyan ba iyung kinatagpo mo sa may waterfalls?" Panghuhuli sa kanya ni Joey. "Sira!" Iling ulong tugon niya at hinila ang telepono para tumawag. "Sinong tatawagan mo?" Tanong ni Joey sa kanya. "Ipapahanda ko na ang mga bakang pagpipilian mo," tugon niya sa kaibigan. Nagulat pa siya nang humagalpak ng tawa si Joey sa harapan niya. "Tignan mo ang nagagaw sa iyo ng pambababae, lutang ka na, hindi mo na alam ang mga sinasabi mo," tumatawa pa ring sabi nito sa kanya. Sinabi ng kaibigan na naipahanda na daw niya kanina pa ang mga baka. "Maganda ba talaga iyong chicks ah? Nawawala ka kasi sa sarili mo," sabi pa nito sa kanya. "Tumigil ka nga!" Tugon niya at tumayo at lumakad na patungo sa labas. Sumunod naman si Joey sa kanya. "Pakilala mo naman ako dun sa chicks, mukhang magaling ah, nakakalimot ka kasi," pangungulit sa kanya ni Joey. Kung hindi lang niya ito kaibigan at number one na kliyente, baka kanina pa niya nasungalngalan ang bibig nito sa mga lumalabas sa bibig nito. Sa ibang babae pwede nitong sabihin kahit ano, pero kay Atasha, parang ibang usapan na yata iyon. "Tambak lang ako trabaho kaya lumulutang ang isip ko," inis na tugon niya. Lutang siya dahil nakita niya ang ex-girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD