Matapos makapag agahan naisipan niyang maglibot muna sa asyenda. Limang taon na noong huli niyang malibot ang Hacienda Atasha. Kahit papano namiss din niya ang lugar na kinalakihan.
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Wala namang nagbago sa asyenda, para sa kanya lalo lang gumanda ito. Mabuti naman at hindi napabayaan ng Daddy niya, kahit mag isa lang ito sa pag aasikaso. Ang Hacienda Atasha na lang ang tanging negosyo ng ama. Mga tanim na gulay at prutas ang siyang ipinagbibili sa bayan at mga karatig bayan. May mga baka din sila na isa sa pinakamalakas bumenta noon, marahil magpahanggang ngayon naman. Marami din silang alagang kabayo at isa sa pinaka paborito niya ay si Zimba ang puting kabayo na siyang madalas niyang sakyan noon para pumasyal sa asyenda. Regalo ng ama si Zimba sa kanya noong 13th birthday niya, noon na rin siya natutong sumakay ng kabayo.
Dinala siya ng mga paa sa kwadra kung saan naroon ang mga alagang kabayo ng ama. Napangiti siya ng makita si Zimba agad siyang lumapit sa puting kabayo, na nag ingay ng makita siya.
"Wow, Zimba, hindi ka pa rin nagbabago, ang ganda pa rin ng balahibo mo," nakangiting sabi niya habang hinihimas ang puting kabayo na tila naman nakilala siya. Limang taon na rin mula nang umalis siya ng asyenda pero walang pinagbago si Zimba, maganda pa rin ang balahibo nito, at pangangatawan.
"Oh, Zimba, I am back," sabi pa niya sa kabayo na nagpakita ng excitement sa kanya ng makita siya.
"Atasha!"
Narinig niyang tawag sa kanya ni Karina na marahil sinundan siya kaninang paglabas niya ng bahay. Hindi niya ito nilingon nanatili ang atensyon niya kay Zimba. Wala naman din siyang maririnig na maganda sa kapatid.
"Bakit ka pa bumalik rito Atasha?!" Mataray na tanong sa kanya ni Karina.
Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago ito nilingon. Nakataas ang mukha ni Karina at mabalasik ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Hindi na siya magtataka kung bakit ganito ang salubong sa kanya ng half-sister. Karina hates her so much, kung pwede nga lang alisin siya ni Karina sa landas nito at gagawin nito. Ganya siya kinamumuihan ng half-sister mula pa noon, and she guess magpahanggang ngayon.
"Ano pa ba ang babalikan mo dito sa San Miguel? Hindi ba't pinagmamalaki mong isa ka nang successful sa New York, dapat doon ka na lang!" Galit na litanya nito sa kanya.
"Hindi ka na rin naman bagay pa rito. Wala dito ang career mo! Wala kang babalikan pa rito!" Patuloy nito na galit na galit, kahit na wala pa siyang sinasabi rito.
Kahit noon pa mang mga bata sila ganito na si Karina. Hindi nito itinatago sa kanya ang inis o galit na nararamdaman nito para sa kanya. Pinapakita talaga nito sa kanya kung gaano siya nito kinamumuohan. Isa lang naman ang puno't dulo ng lahat kung bakit nagkakaganito sa kanya si Karina. Inggit. Inggit na inggit ang kapatid sa kanya, sa kung anong meron siya.
"Bakit ba parang takot na takot ka sa pagbabalik ko?" Taas kilay na tanong niya rito.
Sinuri niya ang kapatid. Sa loob ng limang taon masasabi niyang gumanda at lalong nagkahubog ang katawan ni Karina. Iyon nga lang kung ikukumpara sa kanya ang kapatid ay higit na mas nakaka angat siya. Iba kasi ang angking ganda at appeal niya na namana niya sa ina. Ganoon din naman si Karina kamukha ito ni Tita Pia, wala nga itong nakuha sa Daddy nila, sadyang malakas ang dugo ni Tita Pia. At least siya kahit papano nahahawig siya sa ama, pero si Karina as in walang nakuha sa Daddy nila, pati ugali nito ay namana nito sa ina.
"Kung ang sinasadya mo sa pagbabalik mo dito Atasha ay si Nico, para sabihin ko sa iyo huwag ka nang umasa pa. Dahil wala ka nang babalikan pa!" Matalim na litanya nito sa kanya.
"Kung noon ka binalewala ka na ni Nico, aasa kapa ba ngayon?" Panunuya pa nito sa kanya.
Ngumiti siya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Nakikita kasi niya sa mukha ni Karina na asar na asar ito. Apektado talaga ito sa pagbabalik niya. Ramdam niya ang takot nito sa muli niyang pagtungtong sa Hacienda Atasha. Dahil pa sa kanya na naman mapupunta ang atensyon ng lahat? Dahil ba mababalewala na naman ito sa lahat ng bagay? Dahil lamang na lamang siya rito.
"Bakit ka nakangiti, Atasha?!" Hiyaw nito sa kanya.
"Pati ba naman sa ngiti ko apektado ka masyado Karina," ngisi niya.
"Will you shut up! Finish your business here and leave! Wala ka nang babalikan pa rito sa asyenda. Nico is mine ilagay mo sa kokote mo iyan, Atasha!" Asik pa nito sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
"Wala ka pa ring pinagbago Karina, you are still the same insecure Karina," iling ulong sagot niya sa kapatid at tumalikod na para hilahin palabas ng kwardya si Zimba. Wala din naman patutunguan ang pakikipag usap niya sa kapatid. Gagawa at gagawa lang ito ng gulo nila, gulong hindi na niya papatulan pa. They are not on same the level now. For her Karina is nothing but, an insecure half-sister, wala itong laban sa kanya.
"What? Atasha!" Sigaw nito sa pangalan niya. Saka niya naramdaman ang bigla nitong paghila sa braso niya.
"I'm serious here, umalis ka na rito. You do not belong here. We are happy here without you, even Dad is happy here without you! Hindi ka nga niya binabanggit!" Nanlalaki mga matang litanya pa nito sa kanya.
"Don't touch me, Karina!" Asik niya sabay tulak rito.
Napalakas yata ang pagtulak niya sa kapatid bumagsak kasi ito paupo sa lupa. Nagsisigaw ito na parang bata. O sadyang clumsy pa rin ito.
"Maldita ka talaga Atasha! B*tch!" Sigaw nito sa kanya, kaya hindi na niya ito tinulungan pang makatayo. Clumsy pa rin ito at napaka arte tulad ng dati.
"Isusumbong kita kay Mommy!" Sigaw sa kanya ni Karina nang makatayo ito mula sa lupa.
Hindi na lang siya kumibo pa. Iniling na lang niya ang ulo at sinundan ng tingin si Karina na nagtatakbo palabas ng kwadra.
"Ang drama grabe," bulong niya habang hinihila palabas si Zimba.
Mabuti nang mamasyal na lang siya sa asyenda kasama si Zimba, kesa sa makinig sa drama ni Karina at ng Mommy nito. As usual magsusumbong na naman ang mga ito na nanakit siya sa Daddy niya. At tulad din noon maniniwala ang Daddy niya sa mag ina. Well, kung noon apektado pa siya, ngayon hindi na. Wala na siyang pakialam pa sa kung anong paniniwalaan ng Daddy niya, hindi na sila mga bata pa para mag sumbong at magtampuhan. Tapos na siya sa ganoong mga eksena.
"Yaaaaah!" Sigaw niya para patakbuhin si Zimba. Agad namang tumakbo si Zimba ng mabilis.
Napangiti siya sa malinis na hanging sumalubong sa kanya, habang natatanaw ang mga punong mangga.
"Wow, I missed this kind of air and smell," bulong niya habang patuloy sa pagtakbo ng mabilis si Zimba. Pakiramdam niya nawawalan siya ng problema sa ganitong sariwang hangin ang sumasalubong sa kanya.
"Yaaaah, Zimba, Yaaaah!" Hiyaw niya at lalo pang pinabilis ang pagpapatakbo kay Zimba.
Nang makalayo na namataan niya ang paboritong waterfalls patungo sa mga alagang baka sa asyenda na ine export pa sa ibat-ibang bansa sa pagkakaalam niya ang mga alagang baka ng ama ang siyang nagpapasok ng malaking income sa asyenda nila.
Napangiti siya at binilisan ang pagpapatakbo kay Zimba patungo sa waterfalls. Makulilim ang langit tama lang ang lamig ng hangin. Masarap magbabad sa tubig.
"Wow," bulalas niya nang makahinto sa tapat ng waterfalls. Nilibot ang mga mata sa napapakagandang paligid.
"How I missed this place," bulong niya. Madalas siyang maligo sa noon sa waterfalls, madalas din pag nais niyang mapag isa nagtutungo siya rirto na may bitbit na picnic basket. Doon niya gugugulin ang maghapon niya.
"Zimba dito ka muna, magbabad lang ako saglit sa tubig," sabi niya sa kabayo habang tinatali sa malaking puno. Saka na siya lumakad palapit sa tubig.
Nagtanggal siya ng sapatos habang papalapit sa waterfalls na napakapayapa ng lagaslas ng tubig. Ang ganitong lugar ang wala sa New York. A quite and peaceful place. Ganitong tunog ng kapaligiran ang namimiss niya sa San Miguel. Kung pwede nga lang manatili na lang siya dito ay gagawin niya.
"Minsan masakit talagang isipin na kahit gaano mo kagustong mag stay sa isang lugar ay hindi pwede, dahil napapalibutan na ito ng toxic sa paligid," bulong niya habang papalapit sa waterfalls.
Gusto lang niyang magbabad ng paa at maupo sa bato, titigan ang asul na langit at pakinggan ang lagaslas ng tubig. It will bring peace para sa kanya.
Naupo siya sa malaking bato at binabad na ang mga paa sa tubig napangiti pa siya ng maramdaman ang katamtaman na init ng tubig na agad naglakbay sa paa niya paakyat sa binti.
"This is so good," bulong niya. Saka tiningala ang asul na langit. Hindi niya kayang titigan ng matagal kaya naman pinikit niya ang mga mata. Wala siyang nais isipin, nais lang niyang i enjoy ang masarap na pakiramdam.
"Nico," bulong niya sa pangalan ng lalaking una niyang minahal.
"Damn," mura niya at nagmulat siya ng mga mata bigla.
"Bakit ko siya iniisip? Hindi ko dapat iniisip ang lalaking iyon. Limang taon na ang lumipas wala na kong nararamdaman sa kanya. Wala na," pangungumbinsi niya sa sarili.
"Atasha?"
Natigilan siya nang may marinig na tumawag sa pangalan niya mula sa may likuran niya. Napatuwid pa siya ng upo. Hindi niya kailanman malilimutan ang baritonong tinig na iyon. Pati na ang paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. Limang taon man ang lumipas, walang bumabangit sa pangalan niya ng katulad ng pag banggit ni Nico.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi siya lumilingon, pinakikiramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, at malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Damn it! Mura pa niya sa isip. Limang taon na pero may epekto pa rin sa kanya ang simpleng pagtawag lang ni Nico sa pangalan niya. Naiinis siya sa sarili, hindi dapat ganito maramdaman niya sa lalake. Tapos na ang kabanata nila ni Nico tapos na.
"Atasha, what are you doing here?"
Mariin niyang pinikit ang mga mata nang muling magsalita si Nico at binanggit na naman nito ang pangalan niya. And damn it, it's sounds so sexy as hell.