Atasha-3

1545 Words
"Nico, Nico Rodriguez, I should ask the same question. What are you doing here?" Balik tanong niya sa gwapong lalaking kaharap. Nico is wearing a plain white shirt, padded jeans and black boots. Nico still the same handsome and appealing man. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay iba na ang appeal meron ito. Nico as a strong s*x appeal na kahit malayo ay mararamdaman mo sa lakas ng dating. And damn, because she feels it and she hates it. "Sa kabila ang Hacienda Rodriguez baka nakakalimutan mo. You are now in Hacienda Atasha," patuloy niya na nakataas ang kilay. Pilit na isinasantabi ang kaba sa kaharap. Nanatili namang nakatingin sa kanya si Nico. Hindi siya nag alis ng tingin sa lalake. Sinalubong niya ang mga mata nitong katulad pa rin ng dati na malalim tumingin, na tila ba laging may misteryo sa mga tingin nito. Masasabi niyang asset nito ang mga mata, ang kakaibang uri nito kung tumingin. Bumagay din kay Nico ang makakapal nitong itim na itim na kilay. Iyung pag nagsalubong ang mga kilay nito at tila magdidilim ang langit. Matangos ang ilong nito at may magandang hugis ng labi nito na natural ang pagkapula. Pinigilan niya ang sarili na mapakagat labi matapos mabilis na paglandasin ang mga mata sa labi ni Nico. Napamura pa siya sa isip ng ilang beses dahil tila nangangarap siyang mahalikan ng lalaking kaharap. Yes nahalikan na niya ang labi ni Nico noon, at aaminin niyang kahit seventeen lang siya noon at twenty one naman si Nico ay masasabi niyang Nico Rodriguez is a good kisser. Ilang beses na ba siyang halos mawala sa sarili sa bawat halik sa kanya noon ni Nico. Napamura na naman siya sa isip, kung bakit naman kasi iniisip pa niya ang ganitong bagay. Tapos na sila ni Nico. Nico was her big mistake. Mistake is a mistake and she is stupid kung uulitin pa niya ang pagkakamaling iyon. "Dala mo ba si Zimba?" Nico asked. Hindi sinagot ang tanong niya. Sabay pa nilang sinulyapan ni Nico si Zimba na nakatali sa may puno habang kumakain ng damo. Sa tabi ni Zimba namataan niya ang malaking Raptor na kulay asul. Masyado bang okupado ang isip niya kanina at ni hindin man narinig ang pagdating ng sasakyan ni Nico? "Nico you are not answering my question. Anong ginagawa mo rito sa asyenda namin?" Iritang tanong niya sa lalake na muling sumulyap sa kanya. "O baka naman dahil may relasyon kayo ni Karina kaya feeling mo entitled ka na rin sa asyenda namin," taas kilay na patuloy niya. Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay ni Nico, lalong dumilim ang mga mata nito. And damn he is more attractive now. He looks dangerous, a hot dangerous. Napalunok siya, at lalo pang tinaas ang mukha, para maipakitang hindi siya natatakot rito. "What are you saying?" Nico asked. His hard voice sounds so hot. Iyung abot hanggang sa kahibuturan niya ang hotness ng boses nito. "Nico, you are not supposed to be here. Imposibleng naliligaw ka, dahil ang layo pa ng asyenda niyo mula rito," mataray na sabi niya. "Hindi mo pa ba nakakausap ang Daddy mo?" Nico asked. "What?" Kunot noong tanong niya. Kung bakit nasali ang ama sa usapan nila, eh tinatanong lang naman niya ito kung bakit andito ito sa may asyenda nila. "You should ask your Dad. This time pagbibigyan na muna kita," sabi nito sa kanya bagay na hindi niya naiintindihan. "Much better na umuwi ka na. May mga dumadaan na trabahador dito. Baka hindi ka nila makilala," patuloy nito. "Nagpapatawa ka ba? Limang taon lang akong nawala sa asyenda na ito, of course kilala pa rin ako ng mga tauhan namin." "Hindi ang mga tauhan sa Hacienda Atasha ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ang mga tauhan sa Rodriguez Hacienda," tugon nito. "Ano ba ang ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong niya at humakbang palapit sa lalake na kanina pa niya hindi naiintindihan kung ano ba talaga ang gusto nitong sabihin. May hindi ba siya nalalaman? Kasal na ba ito at si Karina ng hindi niya nalalaman kaya may karapatan na ito sa asyenda nila? "Anong ginagawa ng mga tauhan mo sa loob ng asyenda namin? At ikaw mismo anong ginagawa mo rito? I know you know what this place mean to me," mariing sabi niya rito at huminto sa tapat nito. Nasamyo niya ang mabangong pabango nito, lalaking, lalaki ang amoy. "Don't tell me pati ang asyenda ay nakuha mo na habang wala ako!" Paratang niya rito. Hindi ito kumibo. Nakatingin lang sa kanya ni Nico. Nanlaki ang mga mata niya. Mukhang tama yata ang kutob niya. "Nico!" Hiyaw niya sabay tulak pa sa malapad nitong dibdib. Pakiramdam naman niya ang napaso ang kamay niya sa pagdampi non sa dibdib nito. Hindi nama ito natinag sa ginawa niya. "How did you do that huh? Paanong nangyari sa iyo na rin ang asyenda?" Hiyaw niya. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit at sobrang daming gumugulo sa isip niya. "Nico!" Sigaw niya dahil wala pa rin itong sagot sa kanya. Nanatili lang itong nakatingin sa mga mata niya. "Damn you!" Malakas na mura niya at pinagsusuntok ito sa dibdib. "Anong ginawa mo? Pati ang ulo ng Daddy ko nabilog mo na! Manloloko ka! Manggagamit ka!" Mga sigaw niya sa lalake habang patuloy siya sa pagsuntok sa dibdib nito. "Hindi mo nabilog ang ulo ko. Kaya ang kapatid ko ang ginamit mo. At habang wala ako binibilog mo rin ang ulo ng Daddy ko! And now sa iyo na ang asyenda! Ang kapal ng mukha mo!" Halos magwala na siya sa galit na nararamdaman sa binata. Sumakit na rin ang kamao niya sa pagsuntok sa matigas na dibdib nito. Pero ni isa sa mga sinasabi niya ay wala pang sinagot ito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya, ni hindi rin siya nito pinipigilan sa pagsuntok niya rito. Silence means yes. At sa nakikita niyang behavior ni Nico ay tila tama lahat ng paratang niya. "Manloloko ka Nico! Manloloko!" Sigaw niya. "Enough, Atasha!" Hiyaw nito at hinuli ang mga kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa dalawang braso niya. Ni hindi na siya makakilos pa para suntukin ito. "Go home and ask your Dad, Atasha," kalmadong sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung saan ito humuhugot ng lakas para manatiling kalmado sa harapan niya, habang siya ay nagwawala na. "You will never win with me, Nico. Kung sila napaikot mo ang mga ulo, not me, Nico. Not me!" Mariing sabi niya at pilit binabawi ang mga brasong hawak nito. "Bitiwan mo ko!" "Talk to your Dad, para mas maintindihan mo ang mga nangyayari. And calm yourself," sabi pa nito sa kanya bago siya binitiwan nito. "You will never win. Hindi mo makukuha ang asyendang ito. This is mine! And I will fight for it no matter what!" Mariing sabi niya na halos magbasagan na ang mga ngipin niya sa galit. Buong lakas pa niya itong tinulak sa dibdib na hindi man kinapitlag nito, saka na siya padabog na naglakad patungo kay Zimba. Para mailabas ang galit pinagsisipa pa niya ang pintuan ng sasakyan ni Nico na nakaparada sa tabi ni Zimba. Saka sinulyapan si Nico na nakapamewang na nakatingin sa kanya. "I hate you, Nico!" Sigaw niya bago inalis sa pagkakatali si Zimba at mabilis na sumakay sa kabayo at pinatakbo na iyon ng matulin. "YAHHH! YAHHH!" Sigaw niya para mas mapabilis ang pagtakbo ni Zimba. Hindi na siya makapaghintay na makauwi at makausap ang Daddy niya. "Damn yoy Nico! Damn you!" Paulit-ulit na mura niya sa lalake. Dumeretso siya sa bahay at nagtawag na lang ng tauhan na magpapasok kay Zimba sa kwadra. Malalaki ang mga hakbang niya papasok sa bahay nila. "Daddy! Daddy!" Malakas na tawag niya sa ama na umalingawngaw sa buong kabahayan. "Atasha! Bakit ka sumisigaw?" Sita ng madrasta sa kanya. "Where is my Dad?" "Iyan ba ang natutunan mo sa limang taon mo sa New York ang pagkawala mo ng modo?" Galit na tanong ni Pia sa kanya na tila ba gulat na gulat sa mga sigaw niya. Eh alam naman niyang mas walang modo at walang galang anak nitong si Karina kesa sa kanya. "Asaan ang Daddy ko?" Muli niyang tanong hindi pinansin ang pagpuna nito sa kanya. Ayaw na niyang makipag plastikan pa rito. "Nasa library ang Daddy. Ano ba ang kailangan mo at sumisigaw ka pa diyan?" Maarteng sabat ni Karina sa kanya. Inikot lang niya ang mga mata at mabilis na naglakad patungo sa library. Kararating lang niya halos wala pa siyang isang araw sa asyenda. Pero mukhang malaking problema na agad ang kahaharapin niya. Ito ang dahilan ng pagpapauwi sa kanya ng ama? "Daddy," tawag niya sa ama nang basta na lang pumasok sa loob ng library, ni hindi na siya kumatok pa. Napaangat naman ng ulo ang ama mula sa binabasa nito. "Atasha, anak may problema ba?" Nagtatakang tanong niya sa ama. "Dad, nakaharap ko ho si Nico Rodriguez. He didn't say anything yet. But, pwede ko po bang malaman kung bakit tila may karapatan si Nico sa Hacienda Atasha?" Tanong niya sa ama. Nakita niyang humugot ng malalim na paghinga ang at nilamukos ang mukha, na tila ba may malaking problemang kinahaharap. "Nico owns half of Hacienda Atasha, now." "What, Dad?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD