"Welcome back Ma'am Atasha," bati ng kasambahay na sumalubong sa kanya ng makababa ng kotse.
"Kumusta po Manang Dolor," bati naman niya at tinanggal ang suot na mamahaling shades saka tiningala ang malaking bahay ng kanyang Papa, sa loob ng malawak na Asyenda Atasha. Sadya iyong pinangalan sa kanya ng ama. Kasunod sa pangalan ng kanyang ina na Natasha.
"Maayos naman po Ma'am Atasha. Ang Daddy niyo po exicited na siyang makita kayo," may sigla sa tinig ni Manang Dolor. Ngumiti siya at tinulungan ang kasambahay sa pababa ng kanyang mga kagamitan sa trunk ng kotse.
"Andiyan ho ba ang mag ina?"
"Opo, andiyan po si Ma'am Pia sa loob. Si Ma'am Karina po nasa katabing asyenda."
"Anong naman ho ang ginagawa ni Karina sa asyenda ng mga Salvador?" Kunot noo pa niyang tanong.
"Eh, Ma'am Atasha hindi na po ang mga Salvador ang nagmamay ari sa katabing niyong asyenda."
"Sino na ho ang nagmamay-ari?"
"Sa mga Rodriguez na po iyan."
"Rodriguez?" Kunot noong tanong niya.
"Opo, Ma'am kung naaalala niyo po ang binatang si Nico noon. Siya na po ang nagmamay-ari sa buong asyenda ng mga Salvador. Pinalitan na rin po nila ng pangalan na Hacienda Rodriguez," paliwanag sa kanya ni Manang Dolor.
"Nico Rodriguez?!" Bulalas niya.
"Opo, Ma'am. Sa pag kakaalam ko po si Nico po mismo ang bumili ng asyenda na iyan sa mga Salvador."
Hindi siya nakakibo. Iniisip kung tama ba ang narinig niya mula sa kasambahay. Na kay Nico Rodriguez na ang asyenda sa tabi nila. Ano naman ang dahilan ni Nico at binili nito ang katabing asyenda nila?
Si Nico Rodriguez ay ang binata unang inibig niya sa edad na desi syete, ngunit pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Isa si Nico sa mga naging dahilan ng paglisan niya noon ng San Miguel.
Sinulyapan niya ang payapang paligid ng kanilang asyenda. Limang taon na rin mula ng mag desisyon siyang umalis ng San Miguel at magtungo sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Isang taon na mula ng maka graduate siya bilang fashion designer. Maganda na rin ang buhay meron siya sa New York nakapasok siya sa malaking kompanya roon gamit ang talento sa pag de design ng mga damit. Masaya na rin naman siya kahit mag isa at malayo sa ama.
Makalipas ang limang taon, ngayon lang niya napagbigyan ang kahilingan ng ama na umuwi siya sa San Miguel. Madalas naman hilingin ng ama sa kanya na magbakasyon siya kahit saglit lang, para daw makasama siya nito. Matagal din niyang pinag isipan ang pag uwi niya ng bansa. Lalo na't madadatnan niya ang asawa ng ama na si Pia at anak ng mga ito na si Karina. Pati na rin si Nico.
Mula sa hindi kalayuan nakarinig siya ng mga yabag ng kabayo na papalit. Napalingon siya at nakitang may puting kabayong paparating. Hindi siya nag alis ng tingin sa papalapit na kabayo, hanggang sa matanaw niyang lalake ang nagpapatakbo non at may sakay ito sa likuran.
Palapit nang palapit at lalo niyang naaaninag ang lalaking sakay ng kabayo. Kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib ang paglitaw ng kabuuang mukha ng lalaking sakay ng kabayo.
"Nico," bulong niya.
Nagkatinginan sila ng lalake. Huminto ang sinasakyan nitong kabayo hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Matagal na nagkatitigan ang kanilang mga mata. Halata ang gulat sa mga mata ng lalake. Siya man ay gulat din, hindi na lang niya pinahalata. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at nagtaas ng mukha. Hindi siya dapat magkita ng kaba sa lalake.
Nalipat ang tingin niya sa kamay na nakapulupot sa bewang ng lalake. Maya, maya pa nakita na niya kung sino ang babaing nasa likuran ni Nico.
"Atasha?!" Bulalas ni Karina ng makita siya. Lalo niyang tinaas ang kanyang mukha. Para ipakita na confident siyang harapin ang dalawang nanakit sa damdamin niya noon. Mga manloloko.
"Hi, Karina, Hi Nico," bati niya sa dalawa na may ngiti sa mga labi at bahagya ding kumaway sa mga ito. Walang bakas na kaba ang kanyang tinig.
Muling sinuot ang shades na hawak at taas mukhang lumakad papasok ng bahay.
Naririnig niya ang pagkabog ng kanyang dibdib. Bahagyang panginginig ng kanyang mga tuhod, actually buong katawan niya ang nanginginig. Pilit niyang nilabanan ang kakaibang nararamdaman. Pinaghandaan niya ito, kaya hindi siya pwedeng magpahalata na may epekto pa sa kanya ang mga nangyari noon. Handa na siyang harapin ang mga nanakit sa kanya limang taon na ang nakakalipas.
"Atasha?!"
Gulat din si Pia ang stepmother niya ng makita siya sa sala ng malaking bahay ng ama. Huminto siya sa paglalakad. Tinanggal at shades at binati ang madrasta.
"Hello, Tita Pia,"
"You are back huh!"
Tinig mula sa may likuran niya. Napalingon siya, nakita si Karina kapapasok pa lamang ng bahay. Mag isa lang ito, hindi nito kasama si Nico. Marahil pinaalis na nito si Nico, para hindi na siya makaharap pa.
"Yeah, kararating ko lang," sagot niya habang pinaglilipat, lipat ang tingin sa mag inang gulat na gulat sa pagdating niya.
Alam niyang hindi siya welcome sa bahay ng ama. Ang mag ina ang dahilan niya kung bakit ayaw na sana niyang magbalik pa ng San Miguel at manatili na lamang sa New York. Tahimik siyang mamumuhay roon mag isa. Sa pamimilit lang naman ng Daddy niya kaya siya pumayag magbakasyon. Tatlong linggo lang naman siyang mamalagi sa San Miguel at muli nang babalik sa New York. Sadyang pinagbigyan lang niya ang ama na magkasama sila nito kahit saglit lang.
Mula pagkabata pinapakita na ni Pia sa kanya na hindi siya nito gusto. Bata palang siya sinabi na rin ni Pia sa kanya na hindi ito ang kanyang ina. Anak siya ng Daddy niyang si Alex Madrigal sa pagka binata, kay Natasha Cruz. Namatay daw ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Hindi pa kasal ang mga magulang niya noong maisilang siya. Ganoon pa man apelido pa rin ng kanyang ama ang dala, dala niya. Makalipas daw ang isang taon mula ng mamatay ang Mommy niya, nagpakasal ang Daddy niya kay Pia. At agad na nagka anak ang mga ito, si Karina. Matanda lang siya ng dalawang taon kay Karina. Bente dos na siya ngayon at bente naman si Karina.
Lumaki sila ni Karina na magkasama ngunit puno ng poot at inggit sa kanya ang nakababatang kapatid. Unang, una dahil mas maganda siya kay Karina. Sa eskwelaan noong mga bata pa sila, siya lagi ang pinupuri ng mga guro at mga lalaking ka eskwela. Isama pang mas matalino siya kesa kay Karina.
Hanggang sa mag highschool sila ni Karina mas marami ang nanliligaw sa kanya kesa sa kapatid. Hanggang sa maging nobyo niya ang isa sa pinaka gwapong varsity player noon sa San Miguel University, si Nico Rodriguez ang unang nobyo niya sa edad na desi syete. Doon na nagsimulang mas tumindi ang galit sa kanya ni Karina, dahil may gusto din ito kay Nico.
Well, wala naman yatang hindi magkakagusto sa isang Nico Rodriguez. Hindi lang naman sikat sa San Miguel University dahil sa talento nito sa basketball. Kilala din ang mga Rodriguez sa bayan nila. Mayamang mga negosyante ang pamilya ni Nico. Ang mga Rodriguez ang nagmamay-ari ng malalaking groceries sa bayan nila, pati na sa karatig bayan. Ang mga Rodriguez din ang nagmamay-ari sa Rodriguez Hospital na siyang kalaban ng Donya Feliza Hospital sa bayan nila. Nag iisang anak lang si Nico, kaya walang dudang ito ang magiging tagapagmana ng mga Rodriguez. Isa rin sa nakita niyang naging dahilan ni Karina, kung bakit nito pilit inaagaw sa kanya noon si Nico. Dahil galing sa mayamang pamilya at masasabing good catch talaga ang isang Nico Rodriguez.
Para sa kanya tapos na iyon. Wala na siyang pakialam pa sa dalawa. Wala na siyang pakialam kung nagtagumpay man si Karina na makuha si Nico. Sa nakita niya kanina, baka nga nakuha na ni Karina si Nico, mukhang nagtagumpay na nga ang half sister niya.
"Bakit ka narito, Atasha?" Kunot noong tanong ng madrasta sa kanya. Hindi tinago ng madrasta sa mukha ito ang pagka disgusto sa pagbabalik niya sa Hacienda Atasha.
Ano pa nga ba ang aasahan niya sa madrasta, na ni minsan hindi siya pinakitaan ng mabuti.
"Pinauwi ko siya Pia," sagot ng ama na pababa ng mataas na hagdan ng kanilang bahay.
"Daddy!," tawag niya sa ama at napangiti. Agad na tumakbo palapit sa ama. Sinalubong ito sa may hagdan at niyakap ng mahigpit.
Miss na miss na niya ang kanyang ama. Ang tagal na niyang nais makauwi ng San Miguel para sa ama. Sadyang ayaw lang niyang makita ang madrasta at si Karina pati na rin si Nico. Ilang beses na rin niyang niyayang mag bakasyon sa New York ang ama para magkasama sila, tumatangi lang ito, dahil walang mag aasikaso sa asyenda.
"I missed you so much, Dad," bulong niya sa ama habang magkayakap sila nito.
"Bakit naman hindi mo sinabi sa amin na ngayon pala ang dating ni Atasha," sabi ng madrasta sa magiliw na tinig, iba sa tono nito kanina ng makita siya. Sanay naman na siya sa kaplastikan ng madrasta. Mabait ito sa tuwing andiyan ang Daddy niya.
"Magpapaluto ako ng masarap na tanghalian," kunwari'y masigla pang sabi ng madrasta.
"Sige Pia magpaluto ka na at nang makakain muli si Atasha ng pagkain sa asyenda," masiglang sagot naman ng Daddy niya.
"Kumusta ka naman na hija?" Tanong ng ama sa kanya ng kumalas ng yakap rito. Nakita niya ang tuwa sa mga mata ng ama.
"Aakyat po muna ako," si Karina na naroon pa rin pala sa sala at nakatingin sa kanila.
"Karina sabihan mo muna ang Mommy mo na magpakuha ng gatas ng kalabaw. Paborito ni Atasha iyon," utos ng ama kay Karina.
Nakita niya ang pag simangot ni Karina, pasimple din siyang tinapunan ng masamang tingin. Saka ito lumakad patungo sa kusina, para sumunod sa ama.
Naupo naman silang mag ama sa sala at nagkwentuhan tungkol sa buhay niya sa New York. Sinabi naman niya sa ama kung gaano siya kasaya at ka successful sa trabaho niya doon. Wala siyang pinagsisisihan sa pagpili niyang umalis ng San Miguel at sa New York ipagpatuloy ang pag aaral. Naging maganda ang takbo ng career niya doon. Iyon nga lang mukhang wala na talaga siyang babalikan pa sa San Miguel. Mukha nakuha na ni Karina si Nico, ang lalaking una niyang minahal at aaminin niyang ni minsan ay hindi nawala sa isip niya ang lalake, kahit masakit ay patuloy niyang naiisip si Nico, ang mga pinagsamahan nila.
Matapos silang makapag usap ng ama nagpaalam na muna siyang magpapahinga at tawagin na lang pag nakahanda na ang tanghalian.
Habang umaakyat sa mataas ng hagdan hindi niya mapigilang maging emosyonal. Pakiramdam nga niya hindi totoo na nasa Hacienda Atasha na siya. She missed her home, her castle. Siya ang prinsesa sa bahay na ito noon, ngunit kinailangan lang niyang umalis, upang hayaang mag grow ang sarili at makaiwas sa sakit sa puso noon dulot ng pag ibig niya kay Nico Rodriguez her first love.