Atasha-9

2016 Words
Narating niya mataas na gate ng asyenda ni Nico. May malaking arko iyon na Haciend Rodriquez, hindi niya alam kung bakit binenta ng mga Salvador ang asyenda ng mga ito kay Nico. Naisip naman niyang binili ni Nico ang asyendang katabi nila ay dahil sa kahibangan nito kay Karina, nais marahil ni Nico na malapit lang ito kay Karina. Tininhala niya ang malaking arko na halatang bagong pintura pa, pati na ang buong gate. "Sino ho sila?" Tanong ng lalaking nakatayo sa tabi ng gate at nakatingin kay Zimba. "I'm Atasha, taga kabilang asyenda," tugon naman niya. "May kailangan ho kayo?" Tanong ng lalake sa kanya. Nais na niyang maubusan ng pasensya, dahil tila hindi siya kilala ng lalake. Kung sa bagay baka nagpalit ng mga tauhan si Nico nang ito na ang mag manage sa asyenda. "Nais ko sanang makausap si Nico," casual na tugon niya. "Ah, si Sir Nico ho," sabi nito at sinimulan ng buksan ang gate para sa kanya at sa sinasakyan niyang kabayo. Binuksan ng lalake ang kalahati ng malaking gate para bigyan sila ng daan ni Zimba, banayad naman niyang pinalakad si Zimba, at nagpasalamat sa lalake. Mabagal ang ginawang pagpapatakbo niya kay Zimba sa loob ng malawak na asyenda ni Nico. Noon pa man mas malawak na ang Hacienda Salvador, na ngayon ay Hacienda Rodrique na, kesa sa asyenda nila. Noong hindi pa siya umaalis ng San Miguel, alam niyang malakas kumita ang mga tanim rito, kaya nagkakapagtakang bigla na lang binenta ng mga Salvador ang asyenda ng mga ito. Pansin niyang puno ng tanim ang mga prutasan roon, halatang masagana sa hani at kita ang asyenda ni Nico. Naamoy na rin niya ang mga tanim na kape. Napangiti pa siya nang masamyo ang mabangong aroma ng kape. Walang dudang masarap ang sariling hani ng kape ni Nico, amoy palang ay tila nalalasaan na niya ang sarap. Sa kalagitnaan ng paglalakbay niya natanaw niya ang asul na Raptor na paparating. Pinahinto niya si Zimba at tumabi sa daanan, para mabigyan ng daan ang sasakyan na paparating. Napansin niyang bumagal ang pagtakbo ng paparating na sasakyan, marahil napansin na siya si Nico. Alam niyang si Nico ang sakay ng asul na Raptor. Nagtaas siya ng mukha nang huminto sa tabi niya ang sasakyan. Kumabog din ang kanyang dibdib. Napalunok pa siya, bahagyang humigpit ang pagkakahawak sa tali ni Zimba. Hinintay ang pagbaba ni Nico mula sa driver seat. "Atasha? What are you doing here?" Kunot noong tanong ni Nico sa kanya nang makababa ng kotse. Bahagya pa siyang na freeze nang mapatingin sa gwapong mukha ni Nico. "I want to talk to you," Tugon niya na sadyang binilisan ang pagsasalita para hindi nito mahimigan ang kaba niya. "Talk to me? About what?" Magkasunod na tanong nito. "About everything," she answered. "Kung tungkol sa asyenda at bakaan, dapat lang na ang Daddy mo ang kausapin mo tungkol diyan," sabi nito. "Nagkausap na kami ni Daddy, sinabi na niya sa akin ang lahat alam ko na-" "Mukhang mahaba ang pag-uusapan natin, hindi yata magandang dito tayo mag-usap," putol nito sa sinasabi niya. Hindi siya nakakibo nang humakbang ito palapit sa sinasakyan niyang kabayo. Tiningala pa siya ni Nico habang hinihimas-himas nito si Zimba. Hindi niya naiwasang isipin na sana siya na lang si Zimba, habang banayad na humahaplos ang kamay ni Nico kay Zimba. "Bumaba ka diyan at sumakay ka na lang sa sasakyan ko. Ipakukuha ko na lang si Zimba sa tauhan ko," sabi nito at hinila na ang tali ni Zimba patungo sa may malaking puno. Nanatili naman siyang nakasunod ng tingin kay Nico, hindi niya alam kung bakit tila umurong ang dila niya at hindi makapagprotesta. "Mahinam ma pinag-uusapan ang seryosong bagay sa pribadong lugar," sabi nito matapos maitali si Zimba sa puno. Muli siyang nilingon nito at tiningala. "Let's go," anyaya nito. Nais niyag pumalag, nais niyang tumanggi, nais niyang magmatigas at sabihin doon na sila mag-usap nito, pero wala pa ring lumabas sa bibig niya. Sunod na naramdaman niya ang mga kamay ni Nico sa bewang niya, bahagya pa siyang napapitlag, bago pa siya makapagprotesta walang hirap-hirap na siyang nabuhat ni Nico pababa kay Zimba. "Nico," tawag niya sa lalake. Hindi pa kasi siya nito binaba sa lupa, buhat pa rin siya nito ng walang kahirap-hirap at lumakad palapit sa sa sasakyan nito. "Nico, ibaba mo na ko, kaya kong maglakad," protesta niya. Tila wala namang naririnig si Nico, nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa passenger seat, at doon palang siya nito binaba. "What are you doing?" Inis na tanong niya na tila ba ngayon lang nagbalik sa sarili. Hindi kumibo si Nico, binuksan nito ang pintuan ng passenger seat para sa kanya. "Saan tayo pupunta?" She asked. "Sa bahay ko," tugon nito sa kanya. "What?" Kunot noong tanong niya. "Get inside," utos nito sa kanya. "But, hindi naman-" "Get inside, Atasha," mariing utos nito sa kanya. Hindi na naman siya nito pinatapos sa sasabihin niya. Nagkasukatan pa sila nito ng tingin, tila siya nagdalawang isip kung sasama o hindi. Sinulyapan din niya si Zimba na nakatali ng mabuti sa isang puno. "Kukunin si Zimba ng tauhan ko mamaya," sabi ni Nico nang mapansin nitong nakatingin siya kay Zimba. Bumuntong hininga siya at tumalim ang mga mata nang sulyapan ito. "Kung hindi lang importante ang pag-uusapan natin, hindi ako sasama sa iyo!" Matalim na sabi niya. "Hindi mo ko sasadyahin dito sa asyenda ko kung hindi importante ang sasabihin mo," tugon naman nito sa kanya. Inikot niya ang mga mata, para ipakita ang iritasyon kay Nico. Inis siyang sumakay sa passenger seat, sinubukan namang ipasuot ni Nico sa kanya ang seatbelt na naroon. "What are you doing?" Inis na sita niya, bahagya pa siyang umusog palayo sa lalake, hindi niya gusto ang kahiblang layo nila sa isat-isa. "Sinusuot ko lang ito," tugon nito na halos masamyo na niya ang mainit na hininga nito. "Ano ako bata?! Kaya ko to!" Inis niyang sabi sabay hila sa seatbelt ba hawak nito. "Fine," tugon nito saka lumayo na sa kanya, at ito na rin ang nagsara sa pintuan. "Damn," inis na bulong niya, mariing pinikit ang mga mata, at nagbuga ng hangin. Sa sandaling pagkakalapit palang nila ni Nico, punong-puno na ng kung anu-anong paru-paro ang tiyan niya, isama pa ang malakas na kabog ng kanyang dibdib na tila ba nasa takbuhan sa bilis. Pigil na naman ang hininga niya nang makasakay na si Nico sa driver seat. Pinilit na ituon ang mga mata sa daan, pinigilan na mapalingon kay Nico. Wala silang kibo habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya kabisado ang daan ng asyenda, ito ang unang beses niyang nakapasok sa katabi nilang asyenda. Wala naman kasi siyang kasing edaran na taga roon noon kaya walang dahilan para magtungo siya sa katabing asyenda. "Have you talk to your Dad?" Nico asked her, while still driving. "Yeah," tipid na sagot niya na hindi man ito nililingon. Masyado ng abnormal ang pagtibok ng puso niya sa pagkakatabi nila ng lalake, at silang dalawa lang sa loob ng sasakyan. Kung susulyapan pa niya si Nico baka sumabog na ang dibdib niya sa kaba. "And still, you want to talk to me?" Tanong pa rin nito. "May nais akong malaman, kaya kita sinadya sa asyenda mo," taas kilay na tugon niya, na sa labas ng bintana nakatingin. Naramdaman niya ang pagsulyap sa kanya ni Nico, hindi tuloy niya nagawang kumilos. "I see," tanging sabi nito. Naramdaman niyang bumilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Pasimple siyang napahawak, ayaw niyang ipahalata rito na natatakot siya sa bilis nitong magpatakbo sa sasakyan. Sa sobrang bilis ng takbo nila nakikita niya ang bawat nagkakalat na alikabok sa bawat daanan nila. Huminto sila sa tapat ng isang malaki at modernong bahay, hindi naman kalayuan mula sa pinanggalingan nila. Hindi niya naiwasang mapakunot ng noon nang makita ang magandang bahay, sa pagkakaalam kasi niya lumang bahay din ang nakatirik na bahay sa loob ng asyenda, katulad ng sa kanila malaki ang bahay nila pero wala na sa uso iyon, ayaw naman ng ipa re-model ng Daddy niya dahil nais daw nitong mapanatili ang ganoon desenyo na bihira na nga makikita sa panahon ngayon. Naisip niyang baka pinabago ni Nico ang bahay sa asyenda nang mabili nito iyon. Hindi na siya magtataka pa roon, pinanganak ng bilyonaryo si Nico, nag-iisang anak lang ito ng mga Rodriquez, tinatawag na Rodriquez heir sa bayan nila na nabibilang sa mamamayaman sa San Miguel. "Let's go," anyaya ni Nico at nauna na sa pagbaba ng sasakyan. Napakagat labi siya, napaisip kung tama bang sumama siya kay Nico sa bahay nito. Paano kung may gawin ito sa kanya? Tanong niya sa sarili. Sinulyapan niya si Nico na paikot ng sasakyan, marahil pagbuksan siya ng pintuan. Kilala naman niya si Nico hindi ito bastos, o mapagsamantala, sadyang cheater lang ito, manloloko at pumapatol sa kinse anyos. Nakaramdam na naman siya ng matinding inis sa lalake. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Nico, agad naman na siyang bumaba at hindi mapigilan na tingalain ang modernong bahay. Wala siyang mapipintas sa ganda ng bahay, hindi ito nalalayo sa mga mansyon na nakikita niya sa New York. "Sa loob tayo mag-usap," anunsyo pa ni Nico na nauna ng lumakad papasok sa malaking pintuang kahoy na halata ding mamahalin. Humugot siya ng malalim na paghinga, bahagya pinalo ang kamay sa dibdib para pakalmahin ang puso niya. Saka na siya sumunod kay Nico papasok sa loob. Kung gaano siya namangha sa labas ng bahay at mas lalo siyang namangha sa loob, maluwag at lahat ng gamit sa loob ay moderno din. Napalunok pa siya nang mapasulyap sa mataas na hagdan na tila ba pang palasyo sa taas at ganda. Pinigilan niya ang sariling mapa wow sa sobrang ganda ng nakikita niya. "Magandang umaga ho Sir Nico," bati ng isang kasambahay na lumapit kayNico. Sinulyapan pa siya nito at binati rin. Tumango lang siya sa kasamabahay. "Magandang umaga manang, pwede ho ba kaming magpahanda ng meryenda sa may gazebo," magalang na utos ni Nico sa kasamabahay na may edad na rin. "Opo, Sir," tugon ng kasamabahay, saka nagpasalamat pa si Nico sa kasamabahay. Mukha namang mabait at magalang si Nico sa mga kasambahay nito. "Sir, Nico nanggaling ho pala dito si Ma'am Pia sa kabilang asyenda, nag iwan po ng ensaymada," sabi pa ng kasambahay. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pag banggit sa pangalan ng madrasta. Sinulyapan pa siya ni Nico nagtaas lang siya ng mukha. Malinaw niyang narinig personal na inihatid ng madrasta niya ang ensaymada sa bahay ni Nico. Kung ganoon close na close ang mga ito baka pamilya na nga turingan. Panigurado din na tuwang-tuwa na ang madrasta niya, dahil hindi na kailangan pang magbanat ng buto ni Karina para makatira sa ganito kagandang bahay at mamuhay prisesa. "Tara sa may gazebo," anyaya sa kanya ni Nico. Hindi niya namalayan na wala na pala ang kasambahay at silang dalawa na lang ni Nico sa sala, masyado yatang malalim ang iniisip niya at hindi namalayan ang mga sandali. Tumango siya sa lalake, nauna na itong lumakad, sumunod naman siya sa lalake. Nauuna sa paglalakad si Nico sa kanya, kaya malaya niyang napagmasdan ang magandang hubog na pang upo nito. Napalunok pa siya na tila ba nakaramdam ng gutom, gutom sa ibang bagay. Inis niyang winaksi ang ano mang nasa isip. Sunud-sunod pa niyang iniling ang ulo. "Are you ok?" Nagulat pa siya nang marinig ang tanong ni Nico sa kanya. Nakita pala nito ang ginawa niya. "Ah.. Yeah," taas mukhang sagot niya. Sumilay ang tabinging ngiti sa labi ni Nico, ngiting makamandag. Lumabas sila sa isang glass door sa may likuran ng bahay, napakunot pa siya ng noon nang makita kung gaano kaganda ang hardin sa labas. Hindi niya naiwasang mapanganga sa ganda ng buong paligid, walang sinabi ang hardin nila sa may pool area. Nagtungo sila gazebo, naupo siya at hindi mapigilang lingunin ang napakagandang paligid. Buti na lang at may magandang hardin na distract siya kahit papano, sa gutom na nararamdaman niya sa magandang pang upo ni Nico, at sa pa ensaymada ng madrasta niya para kay Nico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD