Pag upo nila ni Nico sa may gazebo na magkaharap ay siyang dating ng isang kasambahay bitbit ang isang tray na may lamang juice, sliced fruits and tinapay. Bahagya siyang napakunot habang inilalapag ng kasambahay ang mga pagkain, nakatuon kasi ang mga mata niya sa ensaymada na nakalagay sa mamahaling puting platito. Walang duda na ang ensaymada na nasa harapan niya ngayon ay ang dalang ensaymada ng madrasta niya para kay Nico.
"Sir Nico, iyan ho ang ensaymada na dala ni Ma'am Pia, special daw po iyan, kaya iyan ho ang naisip kong ihain para sa maganda niyong bisita," nakangiti pang sabi ng kasambahay at sinulyapan siya. Napangiti naman siya kahit papano, saka nalipat kay Nico ang mga mata, seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Salamat ho, Manang," pasalamat ni Nico sa kasambahay, matapos maiahin ang lahat ng nasa tray, saka na ito umalis, naiwan na sila ni Nico sa gazebo.
"Wow, ah mukhang close na close na kayo ni Tita Pia, may pa ensaymada pa siya," tuya niya at hinila ang tinidor, tumusok sa prutas na naroon. Wala siyang balak kainin ang ensaymada na bigay ng madrasta niya para kay Nico. Anong malay niya kung may gayuma pala iyon para kay Nico, baka sa kanya pa tumalab at mawala ang inis niya sa madrasta at kay Karina na hubod ng arte.
"Hindi ka naman nagtungo rito para pag usapan natin ang step-mother mo," tugon naman ni Nico sa kanya at hinila ang baso para uminom.
Nakasunod siya ng tingin sa lalake habang umiinom ito ng juice, nakita niya ang pag galaw ng adams apple nito. Bakit ba pati adams apple nito ay attractive? Napalunok siya, at mabilis na nag iwas ng tingin kay Nico nang mapasulyap ito sa kanya. Yumuko siya at tinuon ang atensyon sa fresh fruits sa harapan.
"Well, napansin ko kasi na mukhang nakuha mo na ang loob ng Daddy ko, pati na ang loob ng Tita Pia ko, ang swerte ni Karina kung ganoon," panunuya pa niya sa lalake, sabay subo sa mansanas na nasa tinidor in a sexy way, sadyang hinayaang nakabuka ng matagal ang bibig, nakatingin kasi sa labi niya si Nico. Nais niya itong inisin.
"Dapat lang naman yata na magkakasundo ang magkakapitbahay," walang emosyong tugon nito sa kanya.
"I see," tanging tugon niya at binaba na ang tinidor na hawak. Umayos siya ng upo, pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Hindi na siya dapat pa magpaliguy-ligoy pa kung bakit siya nagtungo sa Hacienda Rodriquez, kailangan sabihin na niya ang sadya niya sa lalake, para makaalis na rin siya at makahinga ng maluwag. Pansin kasi niyang tila napakasikip ng paligid para sa kanilang dalawa ni Nico, para siyang na so-suffocate.
"Nico," tawag niya sa lalaking sumusubo na sa ensaymada. Nainis siya bigla. Kung may gayuma nga ang ensaymada na iyon, magagayuma si Nico.
"Yes," tugon nito matapos malunok ang kinakain.
"Tell me, how much?" Taas mukhang tanong niya. Kumunot ang noo ng lalake habang nakatingin sa kanya.
"What do you mean, how much?" Nico asked her back.
"Magkano ang kailangan mo para maibalik sa amin ang kalahati ng asyenda at bakaan?" Lakas loob niyang tanong at lalong nagtaas ng mukha to show her confidence sa sinasabi niya.
"Gusto mong bilhin ang kalahati ng asyenda at bakaan na nabili ko ng legal sa Daddy mo?" Tanong nito sa kanya.
"Yes!" Mabilis niyang tugon.
Sa ngayon wala siyang sapat na pera para maibalik agad sa kanila ang kalahati ng asyenda. Kahit mabenta niya ang mga mamahalin niyang gamit ay hindi rin aabot. Ang nasa isip niya para mabawi ang asyenda ay ang patayin ang katawan sa pagtatrabaho pagbalik niya ng New York, o di naman kaya ay patulan na ang isa sa mayayaman niyang manliligaw, para easy money na lang. Sa New York ilang kilalang personalidad na ang nagsubok na manligaw sa kanya, at lahat ay may pera, sadyang ayaw lang niya ng sakit ng ulo. Nais niyang mag focus sa trabaho muna ay patatagin ang pangalan niya sa fashion, lalo na't bata pa naman siya, bente dos palang siya at fresh na fresh. Tanging si Nico lang ang nakarelasyon niya at masyado pa silang bata noon ni Nico, pero ganoon pa man nasaktan at nadurog pa rin ang puso niya. Sa edad niyang bente dos maipagmamalaki niyang isa siyang virgin, kahit nga pinipilaan siya ng mga kilalang personalidad sa New York, dahil wala pa ni isang lalaking nakakuha sa kanya roon. Maling impormasyon ang nakakarating tungkol sa kanya sa bayan ng San Miguel, well, hindi na siya magtataka pa roon, dahil si Karina at ang madrasta lang naman ang naglalason sa isip ng mga tao sa bayan nila, lalo na sa mga malalapit sa kanya. Wala din siyang balak itama ang mga kinakalat ni Karina, dahil para sa kanya hindi sila magka level ng half-sister para patulan pa ang mga paninira nito. Hindi siya katulad ni Karina na kung kani-kanino na rin sumamang lalake mga bata palang sila. Kaya nga nagawa ni Karina na maakit si Nico, dahil magaling ito kahit bata pa.
"Paano mo naman bibilhin sa akin ang kalahati ng asyenda, gayong ang natitirang kalahati ay sapat lang ang kinikita, sabi ng Daddy mo," litanya ni Nico sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot, close nga pala ang ama at si Nico, hindi na siya magtataka kung sinasabi ng Daddy niya kay Nico ang totoong kalagayan ng asyenda.
"Bago mo isiping bilhin ang parte ko, bakit hindi mo muna gamitin ang pera mo para ibangon muli ang Hacienda Atasha," patuloy ni Nico sa kanya.
"Hindi nalulugi ang asyenda namin, sadyang sakto lang ang kinikita niya ngayon," tanging naisagot niya, iyon lang din ang alam niya tungkol sa asyenda nila.
"Atasha, kung ang concern mo ay sa asyenda niyo, tumulong ka munang palaguin iyon, bago mo ko hamunin na bilhin ang parte ko. Malinaw naman siguro sa iyo na nabili ko ang asyenda sa Daddy mo sa legal na paraan," sabi nito sa kanya.
Nagtaas siya ni kilay, legal nga ang pagbili nito sa kalahati ng asyenda nila, pati na ang pagtulong nito sa Daddy niya sa panahon ng krisis.
"Alam ko naman ang tungkol sa ginawa mong pagtulong sa Daddy ko noon para maisalba pa ang kalahati ng asyenda. Alam ko rin kung bakit mo ginawa iyon, Nico," taas mukhang sabi niya sa lalake.
Nakatingin sa kanya si Nico, sinalubong niya ang mata nito. Ngayon lang niya napansin, mas lalong dumilim ang mga mata nito, mas lalong naging makamandag at nakakatakot ang mga iyon.
"Tinulungan mo ang Daddy ko, pinahiram mo siya ng pera para maisalba ang asyenda, nang hindi maisalba binili mo ang kalahati at bakaan ng asyenda namin para may magamit ang Daddy ko. Ang lahat ng ginawa mong iyon ay para kay Karina," litanya niya rito, sadyang pinakadiinan pa ang pangalan ni Karina.
Nakita niyang humugot ng malalim na paghinga si Nico, iniling pa nito ang ulo, pero wala itong naging tugon sa sinabi niya. Sumandal ito sa kinauupuan nito, habang naghihintay ng sagot mula rito.
"Tama ako sa sinabi mo hindi ba? Alam mong hindi na maibibigay ng Daddy namin ang mga luho ni Karina once na nalugi na ang asyenda ng pamilya namin, dahil concern ka kay Karina tumulong ka," sabi pa niya na tila ba sigurado sa sinasabi niya.
Wala pa rin siyang narinig na tugon mula kay Nico, nakatingin lang ito sa kanya, wala siyang mabasang ekspresyon sa mga mata nito.
"Bakit hindi ka makasagot?" Tanong niya sabay hila sa baso para uminom.
"Why, Atasha? Kung sasagot ako na walang kinalaman si Karina sa ano mang naitulong ko sa Daddy mo, maniniwala ka ba?" Nico asked.
"Hindi!" Mabilis na sagot niya kay Nico na hindi nag-aalis ng tingin sa lalake.
"I know that," sabi nito saka ngumiti ng tabingi.
"Wala ka naman ng balak na maniwala sa akin, kahit na ano pa ang sabihin ko tama?" Sabi pa nito.
"Wala," sagot niya sabay tayo na.
"Nico, bibilhin ko pa rin ang nabili mong parte ng asyenda namin," determinadong sabi niya, saka niya ito matalim na tinignan.
"Kukunin ko ang nakuha mo, Nico. Bata palang ako, alam ko na ako ang magmamana ng asyenda, pinangako iyan sa akin ng Daddy ko. At dahil nabili mo ang kalahati, tiyak na ginawa mo iyon para kay Karina, dahil nakikita mo kung gaano siya ka palpak sa buhay, as of now first year college pa rin siya, walang progress sa buhay. At ayokong pagdating ng panahon maging kahati ko ang babaing iyon sa asyenda!" Matalim niyang litanya kay Nico. Hindi niya tinago ang galit sa kaharap. Wala din siyang pakialam kung ano ang iisipin sa kanya ni Nico, ang mahalaga masabi niya kung ano talaga ang gusto niya.
Humakbang na siya matapos makapagsalita, akmang aalis na nang pigilan siya ng lalake sa braso. Natigilan siya at napasulyap sa kamay ni Nico na nakahawak sa braso niya. May kakaiba siyang naramdaman na sadya niyang pinigilan.
"Bakit nasali sa usapan ang kapatid mo?" Tanong nito sa kanya.
"Half-sister," pagtatama niya kay Nico. Para sa kanya hindi niya kapatid si Karina, walang kapatid na hahayaan kang masaktan katulad ng ginawa sa kanya ni Karina noon.
"Bakit nasali sa usapan si Karina?" Muli nitong tanong sa kanya.
"Bakit hindi ba? Siya naman talaga ang dahilan kung bakit mo tinutulungan ang Daddy ko? Ayaw mong mawala kay Karina ang buhay na meron siya ngayon. Kung ako sa iyo pakasalan mo na lang si Karina para hindi na siya maghirap pa!" Matalim na sabi niya sa kaharap.
"Atasha!" Mariing tawag nito sa pangalan niya, kasabay nang malakas na paghila nito sa braso niya, bumunggo siya sa malapad at matigas nitong dibdib. Napatili pa siya ng bahagya.
"Aaaahh..."
"Bitiwan mo ko, Nico," piglas niya at sinubukang bawiin ang brasong hawak nito.
Hindi niya gusto na ganito sila kalapit ng lalake, hindi niya gusto ang amoy ni Nico, na nakakaakit sa kanya. Kinakabahan siya. Natatakot siya para sa sarili.
Tiningala niya si Nico, nagtama ang kanilang mga mata. Nagpatuloy siya sa pagpupumiglas para makawala.
"Nico bi-"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang yumuko si Nico at sinakop ng labi nito ang labi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat nang maramdaman ang malambot na labi ni Nico sa labi niya.
Tila nanunumbalik sa kanya ang nakaraan, ang masayang pinagsaluhan nila ni Nico. Ang nakaraang masaya sila at nagmamahalan ni Nico.