Atasha-8

2000 Words
Kinabukasan tanghali na ng lumabas siya ng silid, napasarap ang tulog niya marahil sa pagod, sa biyahe at mga dramang sumalubong sa kanya. Nang magtungo siya sa komedor wala ng nag-aalmusal roon, nakita siya ni Manang Dolor at agad na tinanong kung ipaghahanda na siya nito ng breakfast. Sa New York nasanay siyang kape lang almusal niya. Kaya naman nagpahanda na lang siya ng black coffee kay Manang Dolor sinabihan pa niya ito na nais niya ng matapang na matapang na kape. "Bakit wala ho yata ang mga tao sa bahay?" Hindi niya naiwasang itanong nang mailapag na ni Manang Dolor sa kanya ang mainit na kape. Napapikit pa siya ng masamyo ang mabangong kape. "May pasok ho sa eskwela si Ma'am Karina, si Ma'am Pia naman ho umalis, ang Daddy niyo po nasa taniman na pag ganitong oras," paliwanag ni Manang Dolor sa kanya. Tumango-tango naman siya, buti naman at kahit paulit-ulit na first year college ang half-sister niya ay nag-aaral pa rin ito. "Ang bango naman po ng kapeng ito, saan niyo po nabili?" Curious na tanong niya sabay higop sa kape, nais niyang habang mainit ay mapunta na sa tiyan niya ang kape. "Ah iyan ho ba, tanim po ng mga Rodriquez ang kape na iyan, balita nga po na malakas ang kinikita Hacienda Rodriquez sa kape nila," tugon naman nito. "Kape ang mga tanim sa kabilang asyenda?" She asked. "Opo, at mga prutas din, pero sa kape saw po sila talaga tumatabo ng kita," sabi pa nito. "Kung ganoon nag su-supply pala ng kape dito ang mga Rodriquez?" Tanong niya. "Opo, sa pagkakaalam ko libre lang binibigay ni Sir Nico ang kape sa Daddy mo para dito sa bahay, pati na sa mga tauhan sa asyenda," tugon ni Manang Dolor. "Talaga?" Tanging nasabi niya. Sa pagkakaalam niya hindi nagkakape si Karina, fresh milk ang iniinom nito, lalo na galing sa alaga nilang baka. Ang madrasta naman ay mas hilig ang wine kahit anong oras. Buti at nagbibigay pa ng palibreng kape sa kanila si Nico. "Eh Manang Dolor, ano ho bang nangyari at nabili ni Nico ang kalahati ng asyenda?" Tanong niya sa kasambahay. Napansin niya ang pagkailang nito sa tanong niya. "Ah.. Eh.. Ma'am Atasha wala ho ako sa lugar para sagutin iyan. Mabuti pa ho na si ang Daddy niyo na ho ang tanungin niyo," tugon nito bahagya siyang nadismaya. "May baka pa ho ba tayo" Sunod na tanong niya. "Meron pa naman ho Ma'am Atasha, pero mga ginagatasan na lang ho hindi na po ine-export," tugon nito. "Kung ganoon kay Nico na rin ang bakaan?" Taas kilay na tanong niya. Hindi niya maiwasan ang pagtalim ng tinig. "Pasensya na ho Ma'am Atasha," paumanhin nito sa kanya. "Nasa taniman ho ang Daddy niyo, pwede niyo po siyang puntahan roon, para na rin po makita niyo ang taniman," suhestiyon nito sa kanya. Tama naman para na rin makausap niya ang ama, tungkol sa ano nga ba ang kalagayan ng asyenda nila. Para na rin makapasyal siya at makita ang mga tauhan nila. Matapos makapagkape nagpaalam na siya kay Manang Dolor. Muli siyang umakyat para maligo at maghanda sa pagtungo sa taniman. Puting long sleeve polo, tight jeans and boots na halos umabot na sa tuhod niya ang napiling isuot, pinatuyo muna ang mahabang buhok saka inayusan. Nasanay na siyang mag ayos kahit malapit lang ang pupuntahan, isama pang handa siya lagi bitbit niya lagi ang pang ayos ng buhok at make up, dahil na rin sa uri ng kanyang trabaho. Pag biglaang nagmamadali ang mga model siya na rin ang nag-aayos sa mga ito. Napangiti siya matapos makita ang sarili, wala siyang make up sa mukha, nasa bahay lang naman siya kaya kahit walang make up ok lang. Pagbaba niya pinalabas niya sa binatilyong nagbabantay sa kwadra si Zimba. Nais niyang sulitin ang pagsakay sa kabayo ngayong nakabakasyon siya, panigurado pagbalik niya ng New York mamimiss niya ang buhay asyenda. "Yahh!" Sigaw niya at banayad na pinatakbo si Zimba, pinagsasawa ang mga mata sa paligid. k Kabisado pa niya ang daan patungo sa taniman sa pagkakaalam niya may maliit na opisina roon ang ama. "Good boy, Zimba," puri pa niya kay Zimba sa napaka smooth na pagtakbo nito. Kitang-kita kasi niya ang ganda ng kapaligiran. Kung siya ang tatanungin mas gusto niyang manatili ng pilipinas sa asyenda at makasama na lang ang Daddy niya, iyun nga lang marami rin ang dahilan kung bakit hindi siya dapat manatili sa Hacienda Atasha. Malayo palang siya sa taniman tanaw na niya ang asul na raptor. Kumunot ang noo niya at nagkibit balikat. Nakakasigurado siyang kay Nico ang sasakyan na iyon. Ano naman ang ginagawa ng lalaking iyon sa taniman nila? Ano balak na rin ba nitong bilhin pati ang natitirang pagmamay-ari nila? "Gahaman," bulong niya. Sa limang taon maraming pwedeng magbago, lalo na sa pag-uugali ng isang tao. Mukhang si Nico ay naging tusong businessman. Pagbaba niya kay Zimba agad siyang nakilala ng mga tauhan na naroon binati siya ng mga ito, ngiti at tango ang naging tugon niya. Marami rin siyang narinig na gumanda daw siya lalo. Lihim niyang kinatuwa ang bagay na iyon. "Si Papa?" Tanong niya sa isang tauhan. "Nasa loob ho, kausap si Mr. Rodriquez," tugon nito. Tumango naman siya at lumakad na patungo sa katamtamang laking opisina ng ama. Doon na rin minsan namamahinga ang ama, at kumakain pag sobrang dami ng trabaho nito. Sumilip siya sa pintuana at nakitang naroon nga si Nico, kausap ito ng kanyang ama. Parehong seryoso ang mukha ng mga ito. Ano na naman kaya ang pinag-uusapan ng mga ito?" Tanong niya sa sarili at kumatok sa pintuan para makuha ang atensyon ng dalawa. Sabay pang napalingon sa kanya ang dalawa, hindi nakaligtas ang pagkagulat sa mukha ng ama. Nakakunot naman ang noo ni Nico habang nakatingin sa kanya. "Naistorbo ko ba kayo?" Tanong niya at humakbang na palapit. Maganda na rin ang ganito, nagkaharap-harap silang tatlo, mapapag-usapan nila ang tungkol sa asyenda. Siguro naman ngayon, makakakuha siya ng malinaw na sagot mula sa dalawa. "No, hindi naman hija," tugon ng Daddy niya at napasulyap kay Nico na sa kanya pa rin nakatingin. "Napadaan ka hija?" Tanong ng Daddy niya. "Mauna na ho muna ako Mr. Madrigal," paalam ni Nico sa Daddy niya. Mabilis niyang pinigilan ang lalake. Nais niyang kasama si Nico sa pag-uusapan nila. "Sandali lang Nico, kasama ka sa pag-uusapan namin ng Daddy ko," taas mukhang sabi niya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibsib. Sinulyapan naman siya ni Nico, nagtama ang kanilang mga mata, hindi siya nag-alis ng tingin rito. "Atasha, anak kung ano man ang pag-uusapan natin, tayo na lang," sabi ng Daddy niya. Nagbawi siya ng tingin kay Nico at nalipat ang mga mata sa ama. "May kinalaman ho si Nico sa pag-uusapan natin, Dad," tugon niya sa ama. "Tungkol sa kalahati ng asyenda ang pag-uusapan natin hindi ba?" "Opo, Dad." "Labas na si Nico roon. Sige na Nico mauna ka na, maraming salamat sa pagdala mo ng kape para sa mga tauhan," pasalamat pa ng Daddy niya kay Nico. "Wow, ganyan ka na ba ka seryoso kay Karina, kaya pati sa mga tauhan sa asyenda nagpapabango ka," tuya niya kay Nico. "Atasha!' Saway ng ama sa kanya. "Mauna na ho ako Mr. Madrigal, Atasha," paalam ni Nico na hindi man pinansin ang sinabi niya. "Nico hin-" Hindi niya natapos ang pagpigil kay Nico, mabilis na itong lumakad palabas ng pintuan. Hahabulin sana niya nang pigilan naman siya ng ama. "Atasha! Nakakahiya kay Nico!" Saway ng ama sa kanya. "Kung ano man ang pag-uusapan natin tungkol sa asyenda dapat lang na tayo na lang, at huwag mo ng isali pa si Nico, nakakahiya sa kanya anak," litanya ng ama. "Anong nakakahiya? Dapat lang niyang marinig ang mga sasabihin ko." "Atasha, hindi kita pinalaking ganyan ang pag uugali!" May himig galit na sabi ng ama. Tumigil siya at humingi ng paumanhin sa ama. "Huwag mo kong bigyan ng rason para paniwalaan ang mga naririnig ko tungkol sa iyo sa New York," matalim pang dagdag ng ama. Hindi na siya kumibo. Ano man ang hindi magandang naririnig nito tungkol sa kanya, walang dudang sa madrasta o di kaya kay Karina naririnig ng ama. "Ano bang sadya mo rito?" Tanong ng ama matapos bumuntong hininga. "Gusto ko lang ho malaman kung paano nalugi ang asyenda?" Tanong niya. Naupo muna ang ama bago ito magsimulang magsalita. "Nagkasakit ang mga alaga nating baka, maraming tanim ang nasira sa panahon ng bagyo. Doon nagsimulang bumagsak ang asyenda. Nagawa ko ng paraan noong una, pero wala din hindi pa rin nakabangon," malungkot na kwento ng ama. Hindi siya kumibo, nanatiling nakikinig sa ama. Nais na niyang marinig kung paano ang alok ng tulong si Nico at kalaunan at ito na ang nagmamay-ari sa kalahati ng asyenda. "Umabot sa Hacienda Rodriquez ang dinanas na pagkatalo ng Hacienda Atasha, kaya naman nang mag alok ng tungkol pinansyal si Nico ay hindi na ko tumanggi pa, lalo na wala naman akong ibang mapagkukuhanan, isama pang ayokong isangla sa banko ang asyenda, dahil baka sa huli hindi ko na mabawi sa laki ng interest," patuloy ng ama. Naisip niyang ginawa ni Nico na mag alok ng pinansyal dahil kay Karina, dahil nga may relasyon naman ang dalawa. Mariin niyang pinikit ang mga mata, nainis siya sa naisip. "Ganoon pa man gamit ang pera ni Nico ay hindi rin nakabangon ang asyenda, kaya nag desisyon na ko ibenta kay Nico ang kalahati pati na ang bakaan." "Bakit niyo ho kay Nico naispan ibenta?" Tanong niya sa ama. "Mabuting tao si Nico, nakita ko ang kabutihan niya. May tiwala ako sa kanya na hindi niya pababayaan ang asyenda. Alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang asyenda, kaya binenta ko sa taong malapit sa iyo anak,'' tugon ng ama. "Hindi malapit sa akin si Nico!" Pagtatama niya sa ama. "Anak mabuting tao si Nico, may malasakit siya sa asyenda natin, malaki ang tiwala ko sa kanya," sabi ng ama. Baka ginawa iyon ni Nico dahil kay Karina. Nais niyang isantinig ang nasa isip, minabuti na lang niyang manahimik. Nakuha na rin naman niya ang sagot sa mga tanong niya. Hindi sa luho ng madrasta at ni Karina ang dahilan ng pagkalugi ng asyenda, dumaan ito sa matinding krisis. "Noong nasa New York ho ako wala kayong nababanggit na problema dito," sabi niya. Madalas naman niyang tinatawagan ang ama noon para kumustahin ito. "Ayokong bigyan kapa ng problema roon, lalo na't mag isa ka lang," tugon ng ama sa kanya. "May paraan pa po ba para mabawi ang kalahati ng asyenda kay Nico?" Tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Bilhin muli kay Nico ang parteng binili niya." "Atasha, sa ngayon wala pa kong sapat na pera, tanging ang gulayan lang ang malakas sa asyenda, sakto lang ang kinikita sa dami nating tauhan, mabuti na nga rin at kumikita tayo kahit papano," tugon ng ama sa kanya. Naisip niyang siya ang bibili sa asyenda, may pera siya ngayon pero alam niyang hindi pa iyon sapat. Gagawan niya ng paraan para maibalik sa kanila ang kalahati ng asyenda. Hindi siya papayag na manatiling si Nico ang nagmamay-ari non, ayaw niyang makahati si Karina sa asyenda pagdating ng panahon. Matapos ang pag-uusap nila ng ama nagpaalam na siya rito, nais niyang makausap si Nico. Tutungo siya sa Hacienda Rodriquez para makaharap si Nico. Sasabihin niya ritong bibilhin niya muli ang nabili nito sa pamilya niya. Nagtanong siya sa tauhan na naroon kung saan ang pinakamalapit na daan patungo sa Hacienda Rodriquez. Tinuro naman sa kanya ang mabilis na dadaanan nila ni Zimba. Mabilis ang pagpapatakbo niya kay Zimba, halos lumilipad na nga sila. Nais na niyang makaharap si Nico. Babawiin niya ang asyenda ano man ang mangyari, kung kinakailangang patayin niya ang katawan sa pagtatrabaho sa New York gagawin niya, hindi siya makakapayag na ang lalaking bumigo sa kanya ay makakahati niya sa Hacienda Atasha. "Hindi ako papayag, Nico," bulong pa niya at lalong binilisan ang pagpapatakbo kay Zimba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD