"Anong ginagawa mo kay Nico kanina sa may damuhan?!" Galit na tanong sa kanya ni Karina nang basta na lang pumasok ito sa loob ng silid niya, ni hindi man ito kumatok.
Nilingon niya ito at inikot ang mga mata, ano pa nga ba ang aasahan niya sa inggiterang walang modong tulad ni Karina. Lumipas man ang panahon hindi magbabago ang isang taong mataas ang tingin sa sarili, pero wala namang progress nanatili pa rin ang pangit na ugali, at pagka inggitera sa katawan. Para sa kanya ang mga ganitong klasing tao ay hindi na dapat pa pinapatulan o pinapansin, dahil sarado ang isip ng mga ganito sa katotohanan, naka sentro ang pag-iisip na walang ibang tama kundi ito.
"Hoy! Atasha! Kinakausap kita!" Sita nito sa kanya, matapos niyang hindi ito sagutin. Nanatili siyang nakaupo sa kama, naka krus ang nga kamay sa dibdib, nakatingin sa half-sister na gigil na gigil na naman sa galit. Unang araw pa lang niya sa Hacienda Atasha, pero mukhang mai-stroke na si Karina sa galit sa kanya, paano na lang kung umabot pa siya ng isang buwan? Baka hindi na abutin ang half-sister sa susunod na buwan kung laging ganitong galit ang inilalabas nito tuwing makikita siya.
She practice herself how to be calm sa harap ni Karina at Mommy nito na alam niyang hindi siya bibigyan ng magandang welcome sa Hacienda Atasha.
"Ano ba ang nakita mo kanina?" Taas kilay na tanong niya, nais asarin ito, nais mas lalong manggigil sa kanya. Aaminin niyang natutuwa siyang nakikita si Karina na galit na galit, pakiramdam niya nakakaganti na siya kahit papano sa mga ginawa nito noon sa kanya.
"You are trying to seduce him!" Asik nito.
"Alam mo naman pala, bakit tinatanong mo pa sa akin?" Pang-aasar na tugon niya.
"Malandi ka!" Sigaw ni Karina at humakbang palapit sa kinauupuan niya akma siyang sasampalin nang mahuli niya ang kamay nito at mabilis na tinulak ito palayo sa kanya. Dahil na rin siguro sa sobrang payat nito at agad itong natumba paupo sa sahig. Nanlalaki pa ang mga mata nito sa pagkagulat sa ginawa niya.
"Atasha!' Sigaw nito nagtitili ito sa galit sa kanya.
Soundproof ang loob ng silid niya, kahit anong sigaw nito walang makakarinig rito. Tulad noong bata sampung taon gulang siya, nasugatan niya si Karina sa paglalaro nila at nagsumbong ito sa kay Pia, sinaktan siya ni Pia sa harapan ni Karina pinagsasampal siya at halos kalbuhin siya ni Pia noo sa sabunot, kahit anong sigaw niya at tawag sa Daddy niya hindi siya narinig ng ama, walang tumulong sa kanya. Ni hindi rin niya nagawang isumbong sa ama ang pananakit ng madrasta sa kanya.
Tumayo siya at hinarap si Karina na nanatiling nakaupo sa sahig, sumisigaw ito, tinatawag ang Mommy nito.
"Don't you remember? Soudproof ang silid na ito, maubos man iyang boses mo sa kakasigaw walang makakarinig sa iyo," sabi niya rito.
"Walanghiya ka! Malandi ka Atasha!' Sigaw nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.
"Layuan mo si Nico! Huwag mong ibilang si Nico sa mga lalaking nilalaro mo sa New York!" Hiyaw nito sa kanya, pero hindi na ito nagtangkang sampalin siya. Marahil natakot na ito sa kanya, dahil hindi siya magdadalawang isip na sampalin din ito ng maraming beses. Nasa loob ito ng silid niya.
"What if ayoko?!" Taas kilay na hamon niya.
"Atasha!" Sigaw nito at iniling pa ang ulo, tila ito nababaliw na sumisigaw. Tuwang-tuwa siya sa nakikitang reaksyon ni Karina.
"Umalis ka na dito sa San Miguel! Wala ka nang karapatan dito! Wala ka nang babalikan pa! Sa akin lang si Nico!" Parang baliw na sigaw nito.
Ngayon palang kitang-kita na niya kung saan patungo ang pananatili niya saglit sa asyenda, mukhang ikatutuwa niya.
"Gawin mo na ang dapat mong gawin, saka ka na umalis dito, at huwag na huwag ka nang babalik pa! Isusumbong ko kay Mommy ang ginawa mong pang-aakit kay Nico!" Litanya nito. Ngumisi siya, ngising nang-aasar, masarap kasing asarin si Karina na masyadong nagpapakita ng takot.
"Go, magsumbong ka sa Mommy mo, para naman makatikman din niya kung ano ang ginawa ko sa iyo."
"Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka na, porke may career ka sa New York!" Sabi nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Hindi pa tayo nakakarating sa part ng career ko at achivements ko, nasa part palang tayo ni Nico Rodriguez," tuya niya na lalong kinabalasik ng mukha ni Karina.
"B*tch!" Sigaw nito sa mukha niya at mabilis na tumalikod at lumakad patungo sa pintuan, lumabas ito at malakas na sinara ang pintuan.
Napangiti siya, naaamoy na niya ang panalo niya kay Karina ngayon palang.
"This time, I will win this game," taas kilay niyang sabi, sabay ngisi.
Sa isang buwang pananatili niya sa Hacienda Atasha, sisiguraduhin niyang mabubulabog ang mag ina, lalo na si Karina.
Madilim na ang paligid nang tawagin siya ng kasambahay para kumain. Hindi na siya muling lumabas ng silid matapos ang pag-uusap nila ni Karina. Hindi na rin muna niya kinausap pa ang Papa niya tungkol sa kalahati ng asyenda. Si Nico na nga marahil ang may ari ng kalahati ng asyenda nila, marahil pati na ang bakaan ay si Nico na ang nagmamay-ari. Kailangan lang niyang isipin at aksyunan ngayon ay kung paano maibabalik sa pamilya niya ang kalahati ng asyenda, hindi siya makakapayag na magkaroon ng kahati sa Hacienda Atasha. Bata palang siya sinasabi na ng Papa niya na sa kanya ang Hacienda Atasha, tanging siya lang ang magmamana ng buong asyenda, hindi siya makakapayag na maging kahati si Nico Rodriguez. Kahit sa anong paraan babawiin niya ang nakuha ni Nico.
"Nakapag pahinga ka bang mabuti?" Malambing na tanong sa kanya ng madrasta nang datnan ang tatlo sa komedor. Nakaupo na ang mga ito, tila siya na lang ang hinihintay. Naroon si Karina na masama ang tingin sa kanya, naroon na rin ang ama na nakangiti sa kanya.
"Na miss mo marahil ang sariwang hangin dito sa asyenda," dagdag pa ng madrasta nang hindi pa siya kumikibo. Napakalambing nito kung magsalita, malayong-malayo pag silang dalawa lang.
"Hmm," tanging tugon niya at nagsimula ng kumain.
"Nagluto ang Tita Pia mo ng paborito mong chopsuey," sabi ng ama. Tumango naman siya at tinuon ang atensyon sa kinakain.
Tahimik silang kumakain, ang Daddy lang niya ang nagsasalita at ang madrasta, si Karina tahimik pero nararamdaman niya ang mga masasamang tingin nito sa kanya. Binabalewala na lang niya, sa pagkain ang buong atensyon niya.
Naunang matapos si Karina na agad nagpaalam na aakyat na mag re-review pa daw ito, muntik pa siyang matawa sa sinabi nito. Sa pagkakaalam niya wala pang natatapos na ano mang kurso si Karina magpahanggang ngayon, dahil pa iba-iba daw ito ng kurso. Mahina ang ulo nito hindi na siya magtataka kung hindi ito pumapasa. Bente anyos na ito pero hanggang ngayon nasa first year college pa rin ito, no wonder kung ilang daang libo na ang nagastos ng Daddy nila sa pagpapa-aral sa half-sister.
"Nasabi ni Karina na nagtungo ka daw sa waterfalls kanina," sabi ng madrasta nang wala na si Karina sa komedor. Nakapagsumbong na pala ang maldita niyang half-sister.
"Sa waterfalls?" Tanong ng ama. Sinulyapan niya ito. Wala pa silang malinaw na napag usapan tungkol sa asyenda. Hindi iyon natuloy kanina, dahil sa pagsulpot ng madrasta at pangingimasok sa pinag-uusapan nilang mag ama.
"Ah.. Opo, dad, galing po ako sa may waterfalls kanina, nakipagkita po ako kay Nico," sabi niya sa ama. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng kilay ng madrasta nang banggitin ang pangalan ni Nico.
"Kinausap mo ba si Nico tungkol sa asyenda?" Tanong ng daddy niya.
"Bakit naman si Nico pa ang kailangan mong kausapin, pwede mo naman itanong sa amin ng daddy mo kung paano nabili ni Nico ang kalahati ng asyenda," sabat ng madrasta. Sinulyapan niya lang ito nakataas ang kilay nito.
"May tinanong lang ho ako kay Nico," walang emosyong tugon niya sa madrasta.
"Kung gusto mo talagang malaman ang tungkol sa bagay na iyan, Atasha, bukas natin pag usapan para maipaliwanag ko sa iyo ng maayos, gabi na kasi at galing ka pang biyahe, paniguradong pagod ka," litanya ng ama sa kanya.
"Opo, dad," tanging tugon niya at uminom na ng tubig para tapusin na ang pagkain, pati na ang pinag-uusapan. Nais niyanh pag-usapan nila ang tungkol sa asyenda na silang dalawa lang ng ama.
"Mauna na ho ako," paalam niya at nag goodnight na sa ama at madrasta.
"Baka naman nais lang niyang makita si Nico," narinig niyang sabi ng madrasta bago pa siya tuluyang makalabas ng komedor.
"Wala naman masama kung magkita sila ni Nico," narinig pa niyang tugon ng ama. Nagtuloy na siya kaya hindi na niya narinig pa ang usapan ng dalawa.
Pag akyat sa silid nag lock na siya ng pintuan baka kasi bigla na namang pumasok si Karina at magsisigaw-sigaw na naman ito. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa biyahe at sa nadatnan niya sa asyenda.
Nagtawag siya ng kasambahay para pagpahik siya ng wine sa silid niya. Nais niyang uminom para mag relax at agad makatulog.
"Ma'am Atasha, andito na ho ang pinakuha niyo." Napalingon siya at agad na nakilala ang kasambahay.
"Manang Dolor," sabi niya at lumapit sa kasambahay.
"Kumusta ka na hija," tanong nito.
"Maayos naman ho manang, kayo ho?" Kumusta din niya rito, hindi niya nagawang kumustahin si Manang Dolor kaninang pagdating niya, dahil na rin sa na distract siya sa nalamang pagmamay-ari na ni Nic ang kabilang asyenda.
"Eto dito pa rin ako sa asyenda naninilbihan, sama-sama pa rin kami ng buong pamilya ko sa paninilbihan sa pamilya niyo," tugon nito.
Matagal na nilang kasambahay si Manang Dolor, kilalang-kilala na rin nito ang ugali ng madrastas at ni Karina. Natutuwa siyang malaman na nasa bahay pa nila ito, at least may mapagkakatiwalaan siya sa ama tuwing wala siya sa asyenda.
"Salamat ho Manang Dolor at narito pa rin ho kayo."
"Eh, hindi naman namin iiwan ang Hacienda Atasha," tugon nito.
"Salamat ho," pasalamat niya at niyakap ito. Nagulat pa ito nang yakapin niya.
Pag alis ni Manang Dolor agad na siyang naghanda para maligo. Hinubad ang damit at binalot sa putinh roba ang hubod't hubad na katawan. Pumasok siya sa bathroom bitbit ang isang mamahaling bote ng wine na collection pa ng Daddy niya, at isang wine glass.
She loves wine, tuwing may problema siya at malungkot ang wine ang nakakasama niya, minsan nalalasing siya at sumasakit ang ulo, but, still the smell and taste of the wine relax her mind and body.
"Hmmm," sabi niya nang matikman ang wine habang nakababad ang hubad na katawan sa maligamgam na tubig na may petal bath soap.
"Nakakarelax, nakakawala ng toxic sa katawan," bulong niya at muling sumimsim sa wine glass.
Pinikit niya ang mga mata at pumasok sa isip niya ang eksena kanina sa may waterfalls, iyung halos mahalikan na siya ni Nico.
"Nico," mahinang banggit niya sa pangalan ng lalake at dinala ang labi ng wine glass sa labi niya. Inikot-ikot niya ang labi ng baso sa labi niya. Pakiramdam niya nakikita nararamdaman niya ang labi ni Nico na humahalik sa labi niya.
"Ahhha," she moaned.
Nagulat siya sariling ungol, namulagat siya at umayos ng pagkakaupo sa bathtub. Binitiwan muna ang hawak na baso.
"Damn," mura niya sa sarili at humugot ng malalim na paghinga.
"Hindi ko dapat iniisip ang manloloko na iyon!' Maktol niya sabay hampas pa ng kamay sa bula.
Naiinis siya sa tuwing pumapasok sa isip niya si Nico, limang taon na ang lumipas, pero hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang lalake. Nagpakalayo-layo na nga siya para makalimutan ito, pero wala pa rin. Tila lahat ng sakripisyo niya ng limang taon, ay nabalewala lang nang masilayan muli ang gwapong mukha ni Nico. Oo gwapo pa rin si Nico, mas lalo itong naging gwapo sa paglipas ng taon, at ganoon pa rin ang pag uugali nito, manloloko pa rin ito at mapagsamantala.
"Huwag kang magpadala sa ala-ala mo sa kanya, Nico, is still the same Nico na niloko ka at pinatulan ang fifteen years old mong half-sister, habang may relasyon kayo, Atasha!" Pangaral niya sa sarili.
"Oh, damn you, Nico!" Asik niya at inis na hinila ang wine glass at tinungga ang laman non.
"I Hate you, Nico Rodriquez!"