Hindi ang muling mahalikan ni Nico ang binalikan niya sa San Miguel. Andito siya para magbakasyon at makasama ang Daddy niya, hindi ang muling magpatukso kay Nico. Sakop ni Nico ang buong labi niya, nagsusumiksik ang dila nito na makapasok sa bibig niya. Pilit pa rin siyang nanlalaban, ayaw niyang magpasakop sa sariling nararamdaman na bigyang laya ang labi ni Nico na mahalikan siya. Magpaubaya siya at gumanti ng halik sa lalake. Limang taon na nang huling mahalikan ang labi niya ni Nico, pero bakit ganoon pa rin ang nararamdaman niya? Bakit tila walang limang taon na lumipas? Bakit tila kahapon lang ang huling halik sa kanya ni Nico. Si Nico ang unang halik niya sa edad na seventeen, at natatanging si Nico palang ang lalaking nakahalik sa kanya, at sa tingin niya mananatiling si Nico