Liam's P. O. V.
"Anak... mukhang anak mayaman ang babaeng dinala mo dito. Saan mo ba iyan nakuha?" tanong sa akin ni mama habang pinagmamasdan si Hanabi.
"Tingin ko rin po. Pero hindi ko naman siya basta dinala dito 'no. Sumama po siya sa akin. Takot na takot nga siya eh. Parang may tinatakasan."
Nanlaki ang mata ni mama. "Loko! Baka mamaya, tinatakasan niya ang asawa niya. O 'di kaya baka binubugbog siya ng asawa niya kaya siya tumakas?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam, mama. Tatanungin ko na lang siya kapag nagising na siya. Mukhang pagod na pagod katatakbo. May sugat nga ang mga paa niya. Ang puti pa naman at mapula- pula ang paa niya."
"Anak mayaman nga. Kawawa naman kung binubugbog siya ng asawa niya. Kaso anak, baka naman madamay tayo nito kapag natagpuan siya ng asawa niya?" bakas sa pananalita ni mama ang pag- aalala.
Bumuntong hininga ako. "Hindi naman po siguro, mama. Ipapaliwanag na lang natin sa asawa niya. At kung totoo ngang binubugbog siya nito, puwede niya itong kasuhan. Hindi tama na manakit ng babae."
"Tama 'yon, anak. Kaya kapag nag- asawa ka, huwag na huwag mong sasaktan. Kahit na galit na galit ka na. Umalis na lang muna para magpalamig. Tapos bumalik ka kapag kalmado ka na," payo sa akin ni mama.
"Opo, mama. Hinding- hindi ko po magagawang saktan ang babaeng mamahalin ko," mabilis ko namang sagot.
Pumasok ako sa loob ng aking kuwarto at pinagmasdan si Hanabi. Napakaganda niyang babae. Siya na yata ang pinakamagandang babae na nakita ko. Maputi at makinis ang balat. Mahaba ang pilik mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis ngunit mapula ang labi, mayroon din siyang malalim na dimple at mala- hour glass body. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa niyang pagyakap sa akin kanina. Talagang hindi ko napigilang tigasan dahil ang lambot ng dibdib niya.
"Tangina ano ba 'tong naiisip ko? Bakit parang nagiging manyakis yata ako?" bulong ko sa aking sarili bago ako lumabas ng kuwarto ko.
GABI NA nang magising si Hanabi. Tulog na sina mama at mga kapatid ko sa kabilang kuwarto. Habang ako naman ay nagkakalikot ang aking cellphone na nakahiga sa sofa.
"L- Liam..." tawag niya sa akin nang lumabas siya sa kuwarto.
"Hanabi... kumain ka na. Tinirahan kita ng ulam. Pagpasensyahan mo na ang ulam namin dito. Ito lang kasi ang nakayanan ng pera ko," sabi ko nang tumayo ako.
Nginitian niya ako. Para akong naestatwa nang dahil sa ngiti niyang iyon. Mas maganda pala siya kapag nakangiti. Para siyang isang dyosa sa ganda. Sumisingkit pa ang mata nita kapag ngumingiti.
"Ayos lang 'yan. Gusto ko ngang matikman ang mga simpleng ulam. Pero may malapit bang bangko dito? Magwi- withdraw ako bukas. Para naman may maiambag ako sa pagtira dito."
"Loko nakakahiya naman! Hindi mo na kailangang gawin 'yan! Mapagkakasya ko naman siguro ang perang kikitain ko sa pangangalakal!" nahihiya kong sabi.
"Ano ka ba huwag kang ganiyan. Huwag kang mahiya. Dapat lang na may maiambag ako dito. Tulong ko na rin dahil hinayaan mo na dumito muna ako," malambing ang kaniyang boses na sabi.
Ipinagsandok ko na siya ng kanin. Tuyo, itlog at dalawang pirasong hotdog ang ulam namin ngayong gabi. Ngayon lang kami nag- ulam ng ganito kadami. Madalas na iisang ulam lang kami kada kain.
"Wow! Ang sarap pala nitong tuyo? Medyo mabaho lang siya pero masarap lalo na kapag sinasawsaw sa suka. Ang sarap!" masayang sabi niya habang kumakain ng nakakamay.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Mabuti naman at nasarapan ka. Siya nga pala, gusto kong malaman kung sino ba ang tinatakasan mo? Anak mayaman ka, tama?"
Tumingin siya sa akin. "Tinatakasan ko si daddy. Ang daddy ko na masama ang ugali. Nag- iisang anak lang kasi ako na babae. Ang iba niyang anak ay lalaki. Anak niya sa ibang babae. Wala na kasi ang mommy ko. Tapos, gusto niya akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto. Eh ang lalaking 'yon, masama ang ugali at manyakis pa. Matagal ng may pagnanasa sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng malaking utang sa kaniya si daddy ko eh mayaman naman kami. At para mabayaran ang utang na iyon, dapat kaming ikasal ng lalaking 'yon."
Napatango naman ako. "Iyon pala ang dahilan. Akala ko may asawa ka na. Akala ko tinakasan mo ang asawa mo na nambubugbog."
Mahina siyang tumawa. "Grabe ka naman. Dalaga pa ako. Mukha na ba akong matured tingnan? Sabagay, twenty nine years old na ako. Mag- thirty years old na ako next year."
"Mas matanda lang pala ako sa iyo ng limang taon. Puwede mo akong tawaging kuya," sabi ko sabay tawa.
Napailing naman siya. "Huwag na. Hindi ka naman mukhang matanda tingnan. Ang guwapo mo nga eh. Parang magkasing edad lang tayo."
Bigla namang nag- init ang mukha ko nang sabihan niya akong guwapo. Ngayon lang ako natuwa na sabihan ng guwapo. Madami naman kasing nagsasabi sa akin na guwapo ako at sanay na ako. Pero ngayong si Hanabi ang nagsabi sa akin, parang ang sarap pakinggan.
"Matanong ko lang, bakit pangangalakal ang naging trabaho mo? May itsura ka naman, marami kang puwedeng pasukang trabaho kung saan kikita ka ng malaki."
Tumikhim ako. "Guwapo lang ako pero wala naman akong natapos. Sinubukan kong mag- apply pero hindi nila ako matanggap kasi nga, kahit highschool ay hindi ko natapos. At saka kung tutuusin, medyo malaki naman ang kinikita ko sa pangangalakal. Nakakapahinga pa ako at nakakatulog sa bahay. Natutulungan ko pa ang mama ko."
Tumango - tango siya. "Sabagay, okay na rin dahil hawak mo ang oras mo. Alam mo ba na matagal ko ng gustong mamuhay ng simple? Mayaman nga kami... lahat nga ng gusto ko ay nabibili ko pero hindi naman ako masaya. Sa lahat ng galaw ko, dapat alam iyon ni daddy. Parang kontrolado niya ang buhay ko. Sawang- sawa na talaga ako sa ganoon kaya talagang naglakas na ako ng loob na tumakas. Gusto ko iyong simple lang pero malaya ako. At saka, gusto ko na ako mismo ang makakatagpo ng lalaking mamahalin ko. Hindi iyong pati doon, siya pa ang masusunod."
"Sabagay, ibang usapan na kasi kapag pinakialaman ang buhay pag- ibig mo. Dapat talaga ang taong mahal mo ang pakasalan mo," sabi ko naman.
"Oo. At iyon ang gusto ko kaya wala na akong balak na bumalik pa doon sa bahay," sabi niya bago muling sumubo ng pagkain.
Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain. Wala siyang arte sa pagkain ng tuyo. Mas ito pa nga ang inulam niya kaysa sa hotdog at itlog. At siya na rin ang nagpresinta na maghugas ng plato dahil gusto niyang matutong maghugas. Hindi raw kasi siya pinapayagan ng mga kasambahay nila na maghugas siya.
"Liam... dito ka ba sa sala matutulog?" tanong niya sa akin matapos niyang makapaghugas.
"Oo... doon ka na sa kuwarto ko. Ayos lang ako dito."
Napakagat labi siya. "Nakakahiya naman. Kuwarto mo iyon eh."
Nginitian ko siya. "Ayos lang. Huwag kang mahiya. At saka sanay naman akong matulog dito. Minsan kasi dito ako natutulog kapag lasing na lasing ako."
"Sige. Ikaw ang bahala. Papasok na ako sa loob," sabi niya bago tuluyang pumasok sa kuwarto.
Bumuntong hininga na lang ako at nahiga na sa sofa. Siguro lumipas na ang isang oras pero hindi pa rin ako makatulog. Puro scroll up and down lang ang ginawa ko. At nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Bakit gising ka pa? Matulog ka na dahil gabi na," sabi ko kay Hanabi.
Lumapit siya sa akin. "Hindi ako makatulog eh. Naiisip kita dito. Nahihiya talaga ako. Halika na sa kuwarto mo. Tabi na lang tayo doon."
Nanlaki naman ang mata ko sabay lunok ng aking laway. "Loko huwag!"
Tumaas ang kilay niya. "Ha? At bakit naman?"
Napalunok akong muli ng aking laway. "Kasi ano eh.... ano kasi hindi magandang tingnan. Syempre... wala nama tayong relasyon para magtabi sa kama."
Mahina siyang natawa. "Pasaway ka. Ano naman kung makatabi kita sa iisang kama? May gagawin ka bang masama sa akin? Ganoong klaseng lalaki ka ba?"
Agad naman akong umiling. "Syempre wala. At hindi ako ganoon. May respeto ako sa mga babae."
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Napatitig na naman ako sa maganda niyang mukha. Hindi siya nakakasawang titigan. Napakaganda talaga niya.
"Iyon naman pala. Kaya halika na. Huwag ka ng mahiya. Ako ang dapat mahiya sa iyo dahil kuwarto mo iyon. Huwag kang mag- alala dahil hindi naman ako malikot matulog. Magtalikuran na lang tayong dalawa. Tumayo ka na diyan," sabi niya sabay hila sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo at nagpatianod na lang sa kaniya. Nahiga siya sa kabilang dulo ng kama habang ako naman ay sa kabilang dulo rin. May puwang sa pagitan naming dalawa.
"Good night, Liam. Sweet dreams," nakangiting sabi niya.
"Good night din, Hanabi. Sweet dreams din," sabi ko naman.
Tinalikuran na niya ako. Habang ako naman ay napatingin sa matambok niyang puwet. Pasimple kong kinurot ang sarili ko. Tangina naman! Bakit ba kasi ang tambok ng puwet niya? Parang ang sarap tuloy hampas- hampasin! Sana lang talaga makatulog ako ng ayos ngayong gabi!