Kabanata 3

1610 Words
HANABI GERONIMO's P. O. V. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko nang maalala ko kung gaano kahirap ang buhay ko sa mansyon. Marangya nga ang buhay na mayroon ako pero hindi ako masaya. Lahat ng kilos ko, dapat alam ni daddy. Kung saan ako pupunta, dapat alam niya. Bawal akong magkaroon ng boyfriend. Bawal akong makipag- usap sa mga lalaki. Bawal akong umalis ng walang bodyguard. Dapat lahat, alam niya. At dapat siya lang ang masusunod o magdedesisyon sa buhay ko. Matagal ko ng planong umalis sa mansyon. Hindi ko lang magawa noon dahil bantay sarado ako. Mabuti na lang talaga at nagkaroon ako ng pagkakataong makataas. Naawa sa akin ang isang bodyguard ni daddy na siyang napagsasabihan ko ng mga hinaing ko sa buhay. Ng mga problema ko. Na parang tatay ko na nga siya kung magpayo siya sa akin. Mas may pakialam pa nga siya sa akin. Mabuti na lang at nai- withdraw ko na ang lahat ng pera sa bank account ko dahil alam kong kukunin niya ang lahat ng pera ko. Ilang milyon din ang perang nai- withdraw ko at magagamit ko ito bilang pasasalamat sa pagtira ko sa bahay na ito. Ito na lang din ang itutulong ko sa kanila kapalit ng pagpapatira nila sa akin dito. "Hanabi? Bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Liam sa kuwarto. Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya o hindi ko man lang narinig ang yabag niya. Siguro dahil masyado akong nadala sa emosyon na nararamdaman ko ngayon. Parang wala nga ako sa sarili ko. "Pasensya ka na... naisip ko lang kasi iyong mga paghihigpit sa akin ni daddy. Kung paano niya ako itrato na akala mo hindi niya ako anak. Na parang pinalaki niya lang ako para pakinabangan niya," malungkot kong sabi sabay ngiti ng pilit. Inilapag niya ang dala niyang pagkain sa gilid ng kama at saka siya lumapit sa akin. Ang suwerte ko dahil isang mabuting tao ang tumulong sa akin. Noong magkatabi kami sa kama, wala siyang ginawang masama sa akin. Natulog lang siya ng mahimbing at nakatalikod. Hindi rin siya bastos. At maasikaso pa siya. Masipag siyang anak at hindi siya nahihiya sa ginagawa niya. Maalam siya sa lahat ng gawaing bahay. Nahiya nga akong bigla dahil wala akong alam. "Huwag ka ng umiyak pa. Alam ko na hindi mo maiiwasang isipin ang bagay na iyon pero sana pilitin mong huwag isipin kasi mai- stress ka lang. Kaya ka nandito para makapag- relax. Para maramdaman mong hindi ka na nakakulong sa lugar na iyon...." malambing at kay sarap pakinggan ang boses niya habang sinasabi niya iyon. "Salamat, Liam. Salamat dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako kahit na alam mong maaari kayong madamay sa akin. Pero huwag kang mag- alala, kapag nalaman ni daddy na nandito ako, sasama na lang kaagad ako para hindi na gumulo pa. Para hindi na siya gumawa pa ng kasamaan sa inyo..." Bumuntong hininga siya. "Mukhang masama talaga yata ang ugali ng daddy mo. Hindi pala lahat ng mayayaman magaganda ang buhay 'no? May mga ganiyang ganap pala. May marami ngang pera pero hindi naman masaya." "Tama ka. Kaya nga mas gusto ko pang maging mahirap. Malaya at masaya. Kahit simpleng ulam lang ang nakahanda sa lapag, ayos na ayos na at nakakabusog pa," nakangiting sabi ko. "Oo nga pala. Kumain ka na. Pritong talong iyan na may sawsawan. Toyo na may sibuyas at kamatis. At itlog na maalat. Pasensya ka na at ito lang ang ulam natin ngayong gabi. Babawi ako bukas. Mas sisipagan ko pang mangalakal," nakangiting sabi niya. Napakurap ako habang nakatitig sa kaniya. Ang guwapo ni Liam. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaguwapong lalaki na mahirap lang. Kalimitan kasi sa mga lalaking mahihirap na nakikita ko, hindi ganoon kaguwapo ang itsura nila. Pero itong si Liam, napakaguwapo niya. Hindi nga halatang mahirap lang siya. Mukha nga siyang modelo. "Sige na, kumain ka na dito ha? Doon muna ako sa labas magpapahangin. Tapos na akong kumain," sabi niya bago lumabas ng kuwarto. Napalunok ako nang kunin ko ang platong may pagkain. Isinawsaw ko ang pritong talong sa sawsawan at saka inilagay sa kanin bago ko ito kinain. Namilog ang mata ko dahil ang sarap pala nito. Kaya naman magana akong kumain. At nang matapos ako, hinugasan ko ang pinagkainan ko. Lumabas ng kuwarto ang mama ni Liam at naupo sa sala upang maunod ng balita. Nilapitan ko siya. "Tita Miriam..." sabi ko nang maupo sa tabi niya. "Oh, Hanabi bakit? May kailangan ka ba?" Umiling ako. "Wala naman po. Gusto ko lang magpasalamat sa inyo dahil hinayaan niyo po ako na dumito muna. Kahit na medyo nakasagabal po ako sa inyo dito. Nakisiksik pa po ako..." "Ay naku huwag kang ganiyan! Hindi ka naman sagabal. Sa totoo nga lang ay nahihiya kami sa iyo dahil alam kong ngayon mo lang makakakain ang mga pagkain namin dito. Pagpasensyahan mo na kung simpleng mga ulam lang ang nakahain sa mesa..." "Ay huwag po kayong mahiya. Ako nga po ang dapat na mahiya. At saka nasasarapan nga po ako sa mga pagkain niyo dito. Simple lang pero masarap." Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Mabuti naman pala at nagugustuhan mo. Minsan kasi hindi naman masasarap ang mga pagkaing mahal. Minsan nga ay mas masarap pa ang mga pagkain naming mahihirap." Tumango - tango naman ako. "Siya nga po pala, gusto ko pong makatulong sa inyo. Tutal dito naman na po ako nakatira..." Tumayo ako at saka mabilis na naglakad patungo sa kuwarto. Sa bag ko ay kinuha ko ang limang bundle ng pera. Sa tingin ko ay nasa kalahating milyon iyon dahil ang isang bundle ay isang daang libo. "Tita Miriam.... sa inyo na po ito. Kayo na po ang bahala dito. Gamitin niyo po para maayos ang mga kung anong sira dito sa bahay. Pambili na rin po ng pagkain at kung ano- ano pa..." "Jusmiyo...." gulat na gulat niyang sabi nang ilagay ko sa kamay niya ang pera na kinuha ko. "Sigurado ka ba dito, Hanabi? Napakalaking pera nito! Ngayon ko lang ito nahawakan!" hindi makapaniwala niyang sabi. "Opo.... bilang kapalit po ng pagtulong niyo sa akin. Hindi ko ibinigay kay Liam kasi baka mahiya po siya at hindi tanggapin. Kaya kayo na po ang bahala diyan. Kapag po kukulangin, magsabi lang po kayo sa akin...." "Ay naku sobra- sobra nga ito! Maraming salamat, Hanabi. Huwag kang mag- alala, bukas na bukas ay bibili ako ng kung ano- anong bagay na importante at mahalaga dito sa bahay. At maraming pagkain. Maraming salamat talaga sa iyo. Hindi na ako tatanggi dahil grasya ito..." nakangiting sabi niya habang nakatingin sa hawak niyang pera. "Walang ano man po, tita Miriam. Masaya po ako na nakatulong po ako sa inyo dito..." sabi ko naman. KINABUKASAN, bumili ng ref, mga gamit sa bahay, pagkain at mga materyales na gagamitin para maayos ang mga sira dito sa bahay nila kagaya ng pinto at bintana. Ang gaan pala sa pakiramdam na makatulong sa kapwa. Masarap pala sa pakiramdam. Hindi kasi ganito ang daddy ko. Madamot siyang tao. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagmana sa ugali niya. Tumulong ako sa pag- aasikaso sa bahay. Sa paglilinis at kung ano ang puwede kong gawin. Wala kasi si Liam dahil maaga itong umalis para daw marami siyang makuhang kalakal. "Teka... bakit... bakit ang daming pagkain? Bakit may ref na tayo, mama? Bakit naayos na ang pinto at bintana? Bakit parang ang daming bagong gamit sa bahay?" gulat na tanong ni Liam sa kaniyang ina. Nilapitan siya ni tita Miriam. "Dahil iyon kay Hanabi. Nagbigay siya sa akin para makabili ng mga kung ano- ano dito sa bahay. Iyon daw ang kapalit ng pagpapatira natin sa kaniya dito sa bahay. Napakabait niyang babae, Liam." Tumingin sa akin si Liam at saka siya naglakad patungo sa akin. "Hanabi... hindi mo na dapat ito ginawa. Nakakahiya naman..." Nginitian ko siya. "Huwag ka ng mahiya pa. Gusto ko lang na makatulong sa inyo. Give and take lang. At saka, ano namang gagawin ko sa pera ko kung itatago ko lang ito, 'di ba? Mas gugustuhin ko pang itulong na lang ito sa inyo. Kaya sana hayaan mo na ako.." Tila nahihiya siyang napakamot sa ulo. "Nakakahiya lang kasi talaga. Pasensya ka na talaga." Hinawakan ko siya sa braso. At napalunok ako dahil ang tigas ng kaniyang braso kaya bahagya ko iyong pinisil. "A- Ayos lang..... a- ano ka ba... " nauutal kong sabi sabay layo ng bahagya sa kaniya. Ang tigas ng braso niya.... parang ang sarap na hawakan pang muli pero nakakahiya naman kung gagawin ko iyon. "Salamat ulit, Hanabi.." nakangiting sabi niya. Lumayo na siya sa akin at saka hinubad ang suot niyang damit. At napanganga ako sa ganda ng kaniyang katawan. Mayroon siyang six pack abs at v- shape. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng kaniyang katawan. Kayumanggi ang kulay nita at mas nakakaakit siya lalo sa paningin ko dahil lalaking- lalaki ang dating niya. Ilang ulit akong napalunok ng aking laway habang nakatingin sa kaniyang pandesal. Sinuklay niya ang mahaba niyang buhok gamit ang kaniyang daliri bago tumingin sa akin kaya nagulat ako. "Hanabi? Ayos ka lang ba?" "Ha? Oo... a- ayos lang ako," sabi ko sabay talikod. Pakiramdam ko ay namumula ng sobra ang mukha dahil nag- init ito. Bumilis din ang t***k ng puso ko na para bang kakapusin ako ng hininga dahil nakita ko ang magandang katawan ni Liam. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nakakita ng lalaking may magandang katawan? Ewan ko ba pero parang gusto ko pa siyang tingnan. Na para bang gusto kong kagatin ang isa niyang pandesal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD