Kabanata 1

1506 Words
LIAM SALVADOR's P. O. V. "Alam mo kung ako lang ang may ganiyang mukha, mamamakla na lang ako. O 'di kaya hahanap mg sugar mommy para instant pera agad!" sabi sa akin ng kaibigan kong si Jim. Tinawanan ko siya. "Tumigil ka. Hindi ko pinangarap na gawing puhunan ang alaga ko para lang diyan. Kadiri kayang bumira ng bakla. Ano, ipapasok ko alaga ko sa puwet niya eh labasan ng tae 'yon? Sa sugar mommy naman ang tanda- tanda na papatol ako don para sa pera? Yuck!" Kahit na kinakapos kami sa pera, hindi pumasok sa isip ko na magtrabaho sa bar. Pero may mga kilala ako na doon nagtatrabaho at ginagamit ang katawan nila at itsura para kumita ng pera. Palagi kasing sinasabi sa akin ni mama na hangga't may paraan pa para kumita ng pera o may ibang trabaho pa na puwedeng pagkakitaan, huwag na huwag daw akong susubok sa ganoong gawain. Huwag ko raw ibababa ang dignidad ko para sa pera. Kaya naman hindi ko talaga naisipang pumasok sa ganoong trabaho. Kahit na may nagyayaya sa akin na pumasok doon at in- offer- an ako ng malaking halaga. Malakas siyang natawa. "Eh paano ka yayaman niya kung pangangalakal lang ang pinagkukunan mo ng pera?" "Hindi naman ako nagmamadaling yumaman. Pero may mga araw na napapaisip ako kung kailan ako yayaman. Hindi ko ito kinakahiya dahil ito ang hanapbuhay namin ng mama ko. Binuhay niya kami ng mga kapatid ko sa pamamagitan ng pangangalakal. At saka nang dahil sa pangangalakal kong ito, nagkaroon kami ng mga gamit sa bahay," sagot ko naman sa kaniya. "Eh paano ka naman hindi magkakaroon ng mga gamit, kahit hindi pa sira o pang kalakal, binibigay kaagad sa iyo dahil napopogian sa iyo! Sana all na lang talaga pogi. Kapag napapatabi ako sa iyo, nagmumukha akong gusgusin," aniya sabay tawa. Siniko ko siya. "Grabe ka naman sa sarili mo. Guwapo ka rin naman. Kulang ka lang sa ligo. Maligo ka kasi araw- araw. Para kang pusa eh. Takot ka sa tubig." Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. "Ewan ko ba! Tamad na tamad akong maligo!" "Bahala ka diyan. Ikaw din ang magkakaamoy diyan. Baka mamaya may putok ka na," sabi ko sabay tawa ng malakas. "Gagi ka! Siya nga pala, kumusta naman kayo ni Alexa?" Kumunot ang noo ko. "Ha? Ayos naman kami. Magkaibigan pa rin. Bakit?" Natatawa siyang umiling. "Grabe ka naman! Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo kay Alexa? Siya na ang pinakamagandang babae dito sa area natin pero hindi mo ba siya magawang magustuhan?" Natatawa akong napailing. Hindi ko naman talaga magagawang magustuhan si Alexa dahil kapatid lang ang turing ko sa kaniya. Sabay kaming lumaki sa area na ito. At ito ang tinatawag na Area M. Ang lugar kung saan puro pasaway na mga tao ang nakatira. Tinatawag din itong squatter area. Maraming maloko sa lugar naming ito pero marami rin namang mababait. "Jim, parang kapatid ko na rin si Alexa. Kaya malabo ko siyang magustuhan. At saka alam mo namang sabik ko sa kapatid na babae dahil puro lalaki ang mga kapatid ko. Mga makukulit." "Ay ganoon? Eh hindi mo pala alam na may gusto sa iyo si Alexa?" Napakamot ako sa aking sintido. "Crush lang naman iyon. Paghanga lang. Mawawala rin iyon kapag nagtagal. Sige na. Uuwi na ako dahil magtatanghalian na. Kailangan ko ng magluto ng ulam namin," paalam ko naman kay Jim. Mabilis kong ipinadyak ang sidecar na wala ng kalakal dahil naibenta ko na ito sa junkshop. Masaya ako kahapon dahil may nagbigay sa akin ng maliit na ref kung saan ayos na ayos pa ito kaya naman nagagamit namin ito sa bahay. Pagkarating ko sa bahay, agad akong ipinarada ang sidecar sa tabi. Ito lang ang nakuha namin sa yumao kong ama na ibang lahi. Hindi alam ng marami na isa pa lang kabit ang mama ko. Mayroon pa lang pamilya sa ibang bansa ang ama kong ibang lahi. At nang malaman iyon ng legal na asawa ang tungkol sa amin, ni singkong duling ay wala kaming nakuha kay papa. Mabuti na mga lang talaga at nakapagpatayo muna si papa ng bahay bago ito nawala. "Kumusta, anak? Nagsaing na ako. Magluluto ka ba ng ulam o bibili na lang?" tanong sa akin ni mama na naabutan kong nagtutupi ng damit. "Magluluto na lang po, mama para madami. Sakto lang naman sa pagdating ng dalawa kong kapatid. Luto na iyon," sabi ko naman. Si Marvin ay grade 7 student at si Nixx naman ay grade 8. Ang sarap sa pakiramdam na ang perang pinaghihirapan ko ay nagagamit ng tama dahil nakikita ko kung gaano kasipag ang kapatid ko sa pag - aaral kaya naman ganado ako sa pangangalakal. Noong ako pa lang ang anak nila mama at papa, may pera pa naman daw sila. Kaya naman nakapagtapos pa ako no'n ng elementary. Pagsapit ko ng first year high school ay naging pasaway ako at tinamad mag- aral. Puro bulakbol lang ang alam ko no'n pero nagbago ako nang dumating ang dalawa kong kapatid. Magkasunod na taon silang ipinanganak kaya huminto muna ako sa pag- aaral para alagaan si mama dahil parang nanghina kaagad ang katawan ni papa. May pera pa naman kami ng panahong iyon ngunit biglang nagkasakit si papa ng tuluyan at ang pera ay naubos lang sa pagpapagamot. Naging magulo ang buhay namin noon at halos wala na nga kaming makain. Hanggang sa nawala na nga si papa at tuluyan na kaming naghirap. Kaya hindi na ako nagbalak pang mag- aral. Naghanap ako ng puwedeng mapasukan para may panggastos sa araw- araw lalo pa noong kailangan ng pera para sa gatas at diaper ng kapatid ko. Naging mahirap sa parte ko iyon pero kinaya ko naman. At proud ako sa sarili ko. Dalawa kaming nangangalakal noon ni mama ko at hindi ko iyon kinahihiya. Ang pangangalakal ang bumuhay sa aming apat. At proud na proud ako kay mama noon dahil habang nangangalakal siya, kargador naman ako sa palengke. Nakaraang taon ko lang pinatigil sa pangangalakal si mama dahil nahihilo na siya sa sobrang init. Kaya naman naglilinis na lang siya kuko bilang pandagdag kita. "Anak... salamat pala sa iyo. Ang perang ibinigay mo sa akin kahapon ay nagamit ko pambili ng bagong bag ng dalawa mong kapatid. Luma na kasi ang bag nila kaya nasira na. Masayang- masaya sila," nakangiting sabi ni mama. "Walang ano man po, mama. Masaya ako na nakakatulong ako sa pamilya natin," nakangiting sabi ko. Matapos kong makapagluto ay nauna na akong kumain para makapagpahinga na. Mangangalakal na naman kasi ako mamayang hapon kaya matutulog muna ako. Sa pagod ko nga ay hapon na ako nang magising. Dali- dali akong naligo't nagbihis bago muling nangalakal. Habang abala ako sa pagkalkal ng basurahan sa isang malaking bahay, isang magandang babae ang nakayapak na tumatakbo ang nakita ko. Nangunot ang noo ko nang makita ko siya. Parang nanghihina na siya habang tumatakbo. At nagulat ako nang bigla na lang siyang matumba sa tabi ng kalsada. "Miss!" sigaw ko sabay lapit sa kaniya. "Miss, miss! Ayos ka lang ba?" tanong ko habang tinatapik ko siya sa mukha. Hindi siya nagsasalita. Parang hinang- hina na siya. At mayroon pa siyang sugat sa gilid ng kaniyang labi. Nagpalinga- linga ako. Wala pa namang masyadong sasakyan ang dumadaan dito kaya naman mapagpasyahan ko siyang isakay na lang sa aking side car. Ilang sandali pa ay nagising siya at saka bigla siyang humawak sa braso ko. "Parang awa mo na... bilisan mong pumadyak. Itago mo ako... sa inyo muna ako..." umiiyak niyang sabi. Nanlaki ang mata ko. "Ha? Bakit? Nasaan ba ang mga magulang mo?" "Huwag ka ng magtanong pa! Please doon muna ako sa inyo!" patuloy pa rin ang pagragasa ng luha niya habang luminga- linga matapos niyang sabihin iyon. Hindi na ako nagtanong pa at binilisan ko na lang ang pagpadyak ko ng aking sidecar. Bigla akong nakaramdam na baka nasa panganib ang buhay ng babaeng ito kaya ganito na lamang siya. May parte tuloy sa akin na ayaw siyang tulungan dahil baka mapahamak ako. Mukha pa naman siyang mayaman. Base sa suot niya at kutis. Pero bahala na kung ano man ang mangyari. Kailangan niya ng tulong ko kaya tutulungan ko na lang siya. "Kung sino ka man, salamat dahil iniligtas mo ako. Tatanawin ko itong malaking utang na loob," wika niya nang huminto kami sa bahay. Magsasalita pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang bigla niya akong yakapin. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko na tila ba hinahabol ako ng maraming kabayo. At pakiramdam ko nga ay tila may nabuhay sa akin nang maramdaman ko ang malambot niyang dibdib. Mahigpit kasi ang ginawa niyang pagyakap sa akin kaya damang- dama ko ang malusog niyang dibdib. Tangina. Ang lambot ng dibdib niya. Parang nabuhay bigla ang init sa katawan ko. Tutal pagkakataon ko na rin ito, niyakap ko na rin siya nang mahigpit at mas idiniin ko ang sarili ko sa kaniya. Bahala na kung maramdaman niya ang matigas kong alaga sa kaniyang puson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD