Liam's P. O. V.
Patungo ako ngayon sa tindahan ni aling Buricath para bumili ng sachet ng toyo. Nakalimutan kasi iyon noong nag- grocery sina Hanabi. Hindi ko na nga alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kaniya. Sobrang bait ni Hanabi. Wala akong masabi sa kaniya. Hindi ko sinasabing kaya siya mabait ay dahil may nilalabas siyang pera para makatulong sa amin. Hindi iyon ang dahilan. Kung ano nga ang ulam namin, wala siyang are. Sarap na sarap pa nga siya. Tumutulong din siya sa gawaing bahay kahit na ayaw ko na siyang pakilusin. Nahihiya na akong pakilusin pa siya dahil siya na nga ang nagbibigay sa amin tapos kikilos pa pa siya. Kaya talagang hiyang- hiya ako. Kaya nga lang ay ayaw niyang magpapigil. Ang palagi niyang ginagawa ay ang maghugas ng plato. Gustong - gusto niya iyon. Pangalaw ang magwalis sa loob ng bahay. Hindi ko na siya pinalalaba pa dahil si mama na ang bahala doon. At sa pagluluto naman, talagang umuuwi ako ng bahay para lang makapagluto ng pagkain namin. At sinisiguro ko na talagang masarap ito.
Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakikita kong masaya si Hanabi. Ang saya ko kapag napapangiti ko siya kung saan para akong nahihipotismo sa maganda niyang ngiti at malaanghel na mukha. Na minsan nahihiling ko na sana ay magkaroon ng pagkakataon na magkagustuhan kaming dalawa. Na minsan naiisip kong magkarelasyon kaming dalawa.
"Wow! Nandito na si Liam pogi na may asawang mayaman at magandang babae!" bungad sa akin ni aling Buricath nang matapat ako sa tindahan niya.
"Ay oo nga nandito na! Kumusta naman ang buhay may asawang mayaman? Kaya pala blooming si Miriam kasi may pambili na ng pampaganda!" panunukoy ni aling Kurikang kay mama.
"Aba ganoon talaga! Kapag may pera na ang isang tao, nakakaganda! Syempre mawawala ang stress mo, gagaan ang pakiramdam mo. Wala kang ibang iisipin dahil may pera ka!" dagdag pang sabi ni aling Buricath na humaba pa ang nguso niyang makapal.
"Kaya kumakapal ang nguso niyo aling Buricath kasi napakachismosa ninyo. Tapos mali- mali pa ang sinasabi ninyo. Una sa lahat, hindi ko asawa si Hanabi. Pangalawa, ang kinikita ko sa pangangalakal ay medyo malaki naman at iyon ang binibigay ko kay mama. Syempre, gusto ko na laging fresh ang look ni mama at ayoko namang matulad sa inyo na mukhang hindi na naliligo para lang makipagchismisan buong araw," sabi ko sabay ngisi.
Nagsalubong ang kilay ni aling Buricath at mas lalo pang humaba ang nguso niyang makapal. "Hoy, Liam 'yang bunganga mo walang preno! Wagas ka kung makapanglait akala mo naman napakaganda ng mama mo!"
"Oo nga! Wala ka ng respeto sa amin eh!" sabi pa ni aling Kurikang.
Natawa ako ng mahina. "Talaga namang maganda ang mama ko. Ang nakakatuwa pa dahil hindi niyo siya katulad na chismosa. Nasa bahay lang siya at gumagawa ng paraan para magkapera. Para may panggastos kami. At paano ko kayo rerespetuhin kung ganiyan kayo? Nagpapakalat kayo ng maling balita? Na nagiging dahilan para magkaroon ng away ang mga taong chinichismis niyo!"
Nagkatinginan sila at natahimik. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Nang dahil sa kanilang mga dakilang chismosa dito sa brgy. namin, maraming mga tao ang nagkakaaway- away dahil sa maling chismis nila. At kapag nagkainitan na, maghuhugas kamay sila.para hindi sila madamay.
"Isa ngang toyo sa sachet aling Buricath. Pakibilisan na lang ang kilos," sabi ko sabay abot ng bayad.
"Oo na!" bulyaw niya sa akin.
Pagkakuha ko ng toyo ay agad na rin akong umalis. Ayoko ng mapakinggan pa ang mga chismisan nilang dalawa. Mamaya ay sigurado akong magkukumpulan na naman sila at magchichismisan. Mga wala ng ibang ginawa.
"Oh bakit nakakunot ang noo mo?" tanong sa akin ni Hanabi nang makabalik ako sa bahay. Nasa pinto kasi siya.
Bumuntong hininga ako. "Naiinis lang ako sa mga chismosa sa kanto. Pinagchichismisan kasi tayo."
"Ano naman ang sabi nila?"
Yumuko ako at saka pinaglaruan ang hawak kong sachet ng toyo. Ewan ko ba pero simula nang maglabas na ng pera si Hanabi para sa amin, hiyang- hiya na ako sa kaniya. Ni hindi ko na siya matitigan pa sa mata.
"Liam... ano ang usapan nila?" makarinyo ang kaniyang tinig nang sabihin niya iyon sa akin dahilan para siya ay tingnan ko.
"Wala naman. Hindi naman ito ganoon kahalaga..." tanging nasabi ko kasabay ng pag- iwas ng tingin ko sa kaniya.
Hinawakan niya ako sa braso dahilan para manalaytay sa katawan ko ang kung anong kuryente na mula sa kaniya. Napalunok ako ng laway nang tingnan ko siya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Kitang- kita ko ang ningning sa kaniyang maamong mga mata. Napakaganda talaga ng mata niya. Iyong titig niya ay nakadadala. Na kapag ngumiti siya, napapangiti na rin ako dahil naniningkit o nawawala ang kaniyang mga mata kapag nakangiti siya. Napakaganda niyang pagmasdan.
"Kahit na hindi importante, gusto ko lang malaman. Ano ba ang pinag- uusapan nila?"
Bumuntong hininga ako. "Tungkol sa atin. Iniisip nila na asawa na raw kita. At alam ko na ang ikinakalat nila, ginamit kita, ang pera mo. Pati si mama dinamay nila na kaya raw blooming ay dahil may pera. Mga utak talangka talaga."
Mahina siyang tumawa. "Hayaan mo na lang sila. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Baka naiinggit lang sa mama mo iyon. Palibhasa, wala silang masipag na anak na katulad mo. Nainggit lang ang mga 'yan. Ang gawin mo na lang, mas lalo mong asarin."
"Ha? Loko! Nahihiya na nga ako sa iyo. Sobrang hiyang- hiys na ako sa totoo lang. Wala na nga akong mukhang maihaharap sa iyo. Pasensya ka na, ha? Kung may pera lang sana akong marami, hindi ka na gagastos pa dito. Hindi ka na mapipilitan pang maglabas ng pera," malungkot kong sabi.
Bigla siyang natawa sabay pisil sa ilong ko. "Tumigil ka nga diyan. Pinilit mo ba ako? Hindi naman, 'di ba? Ako ang kusang nagbigay at tumulong dahil tinulungan niyo ako. Huwag kang mahiya, okay? Paulit- ulit kong sinasabi na huwag dahil wala namang dapat. Nasa iisang bahay tayo nakatira kaya dapat lahat tayo dito ay nagtutulungan. Hayaan mo akong magbigay nang magbigay dahil iyon ang paraan ng pagtulong ko. Halika na sa loob. Para maluto mo na 'yong adobo," aniya sabay hawak sa kamay ko papasok sa loob.
Hindi na ako nakagalaw pa. Para akong naestatwa dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Ang lambot ng palad niya. Para ngang ayaw ko ng magkahiwalay pa ang kamay naming dalawa.
"Oh si kuya namumula ang mukha!" sabi ni Nixx sabay turo sa akin.
"Paano ba naman hindi namumula ang mukha ni kuya Liam eh hawak ni ate Hanabi ang kamay niya! Kinilig si kuya!" pang - aasar pa ni Marvin.
Natawa naman si Hanabi at saka napatingin sa kamay ko na hawak niya. Biglang namula ang mukha niya kaya agad niyang binitawan ang kamay ko.
"Sorry... napatagal ang hawak ko sa kamay mo," aniya sabay kamot sa ulo.
"Naku, ate Hanabi ayos lang po 'yan kay kuya! Gustong- gusto niya nga po 'yan!" Malakas pang tumawa si Nixx matapos niyang sabihin iyon.
"Oo naman! Tingnan mo nga si kuya natatawa na pero pinipigilan niya lang!" panggagatong pa ni Marvin.
"Hoy tumigil na nga kayong dalawa! Mga pasaway talaga kayo!" natatawa kong sabi sa kanila.
Ayoko na ngang matawa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil natatawa talaga ako. Napatingin ako kay Hanabi na nakatingin din sa akin na may ngiti sa labi. Tuluyan na nga akong napangiti dahil nadala na ako sa ngiti niyang pati mata niya ay ngumingiti rin. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo akong nagkakaroon ng gusto sa kaniya.
"Kuya 'yong ulam po nating adobo ano na po? Kulang na lang mawasak na po ang labi mo sa sobrang ngiti habang nakatingin kay ate Hanabi!"
Dahil sa sinabing iyon ni Nixx ay biglang bumalik ang ulirat ko. Tinawanan lang ako ni Hanabi. Habang ang dalawa kong kapatid na pasaway ay nakangising nakatingin sa akin.
"Mga pasaway talaga kayong dalawa! Doon na nga kayo sa kuwarto niyo at mag- aral!" bulyaw ko sa kanila.
Tinawanan pa nila ako bago sila pumasok sa kuwarto. Habang kami naman ni Hanabi ay nagkatitigang dalawa. Naiisip ko tuloy kung may chance ba na magustuhan ako ni Hanabi.
"Ang cute mo kapag namumula ang mukha mo, Liam. Parang ang sarap mong i- kiss," nakangising sabi niya sa akin.
"Ha? Talaga? Sige nga kiss mo nga ako!"
Natawa siya ng malakas at hindi ko inasahang gagawin niya nga iyon dahil mabilis niya akong hinalikan sa labi. Natulala ako at nanigas mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung umabot ba ng dalawang segundo ang ginawa niyang paghalik sa akin pero damang- dama ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Para akong nananaginip dahil nabigla ako sa ginawa niya.
"Oh 'yan na, ha? Magluto ka na ng ulam natin, ha? Magtutupi lang ako ng mga damit natin sa kuwarto," sabi niya sabay alis sa harapan ko habang ako ay naninigas pa rin sa kinatatayuan ko.
Kasabay ng paninigas ng alaga ko.