Kabanata 4

1633 Words
Liam's P. O. V. Hiyang - hiya ako kay Hanabi dahil sa ginawa niya sa bahay namin ngayon. Naging malawak na ito. Naging maganda. Wala ng sira. Nagkaroon pa kami ng sari- sariling kuwarto dito. Pero sa iisang kuwarto lang kami ni Hanabi na tutulog. Hindi naman kami magkatabi dahil dalawa ang kama. Nagkaroon din kami ng kung ano- anong magagandang gamit sa bahay kagaya ng malaking T. V, sofa set, dining table at kung ano- ano pa. Hindi ko naman maawat si Hanabi dahil gusto niya talagang mapaganda ang bahay namin. "Grabe ka, Liam! Saan mo ba nakuha si Hanabi? Parang bigla na lang 'yang sumulpot sa lugar na ito, ha! At mukhang hindi talaga siya tagarito. Ang ganda ng bahay niyo at ang dami niyo ng pagkain nakakainggit naman! Sana all may Hanabi! Mukhang anak mayaman! Paano mo siya naiuwi sa bahay niyo?" sabi sa akin ni Jim. "Loko. Parang sinabi mo naman na basta ko lang siya inuwi at hinuthutan. Ayoko nga ng ginagawa niyang ito eh. Nakakahiya kasi. Pero ayaw naman niyang magpapigil. Kaya sinisipagan ko sa pangangalakal para makabawi sa kaniya kahit papaano," sabi ko naman. "Alam mo kung ako sa iyo, niligawan ko na 'yang si Hanabi. Hindi malabong magkagusto sa iyo ang babaeng 'yon dahil ang guwapo mo eh. Pambato mo pa ang pagiging long hair mo kapag sinuklay mo na ang buhok mo gamit ang daliri mo. Kulang na nga lang eh mangisay sila sa sobrang kilig," natatawang sabi ni Jim. Natawa naman ako. Sabagay, totoo naman ang sinabi ni Jim. Mahaba kasi ang buhok ko. Hanggang leeg ko ang haba nito. May pagkakulot ito ngunit malambot ito at kapag sinuklay ko gamit ang daliri ko, walang sumasabit. Palagi naman kasi akong naliligo. Dalawang beses pa nga sa isang araw. At hindi naman sa pagmamayabang ay maraming babae ang nagkakagusto sa akin. Kahit pa nga bakla ay hinahabol- habol ako. "Ayoko namang i- take advantage si Hanabi. Sa totoo nga lang ay sa iisang kuwarto lang kami natutulog pero magkaiba kami ng kama." Nanlaki ang mga mata niya. "Oh talaga? Eh 'di may pagkakataon ka na pa lang gapangin siya! Dapat ginapang mo na. Para naman matikman mo kung gaano kasarap ang isang mayamang babaeng katulad niya!" Binatukan ko siya. "Ikaw puro ka kalibugan. Lahat na lang ba dapat tikman? Hindi ba puwedeng behave lang?" Humagalpak siya ng tawa. "Ano ba naman 'yan, Liam? Hindi puwedeng behave lang palagi! Kailangan mo ring sumibak dahil pampalakas 'yon! Baka nga natuyo na 'yang katas mo dahil ang tagal mo na yatang hindi nilalabasan." Natatawa akong napailing. Babaero talaga 'tong si Jim. Halos lahat na yata ng babae dito sa Area M ay natikman na niya. Guwapo rin naman kasi siya. Mas guwapo nga lang ako. Pero wala kasi akong panahon sa mga ganoong bagay dahil naka- focus ako sa pamilya ko. "Balitaan mo na lang ako kapag kayo na, ha? Alam ko naman na magtatagumpay kang mapa- in love 'yang si Hanabi dahil nakita ko siya kung paano ka titigan eh." Kumunot ang noo ko. "Ha? Paano ba?" Ngumisi siya. "Alam mo 'yong mukha ng babaeng namamangha o parang naglalaway sa lalaking naka- topless? Eh papansin pa 'yang pandesal mo kaya talagang kulang na lang, maningning ang mata niya habang nakatingin sa iyo. Pero hindi naman siya nakatitig doon ng matagal. Paiwas- iwas siya." Natawa ako ng mahina. Sabagay, sino ba namang hindi mapapatingin sa katawan ko? Sabi nga nila, mayroon daw akong perfect body. Puwede ko nga raw itong magamit kung tutuusin. Magiging model ako ng mga underwear. Kaya lang wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Hindi naman sa nagyayabang ako pero malaki kasi ang kargada ko. Malamang sa malamang, pagpipyestahan nila ang picture ko. "Sige na, kailangan ko pang makadami ng kalakal ngayon. Kaunti pa lang ito," paalam ko kay Jim at saka pumadyak na. Huminto ako sa malaking bahay kung saan ito ang madalas na nagbibigay ng mga gamit na maayos pa naman. Minsan nga ay bago pa ito. At iyon ay nagagamit namin sa bahay. "Hi, Liam!" tawag sa akin ni Ryan. Este Rhian na pala siya ngayon. Si Rhian ay kababata ko. Sabay kaming lumaki, nagkaisip at natuli. Kaya lang nag- iba siya ng pagkatao dahil binabae pala siya. Madalas niya nga akong hinaharot at hindi ko alam kung seryoso siya sa pagyayaya sa akin na masubo raw ako. Tinatawanan ko lang siya kapag sinasabi niya iyon sa akin. "Oh bakit?" "Ikaw, ha! May babae ka na pa lang inuwi sa bahay ninyo. Sino 'yon? Girlfriend mo? Nabuntis mo na ba kaya inuwi mo na sa bahay ninyo? Ang bilis mo naman! Ni hindi mo man lang ako pinayagan na matikman kita eh!" biro niya sa akin. Natawa naman ako. "Loko! Kung ano- ano kasi ang nasasagap mong chismis! Hindi ko 'yon, nabuntis. Hindi ko rin siya girlfriend. Umalis siya sa kanila kaya diyan ko muna pinatuloy. Iyon ang totoo kaya huwag kang maniniwala sa mga chismis diyan sa kanto natin." Inirapan niya ako. "Oh talaga ba? Pero sa susunod pang mga araw, malalaman ko na lang na nabuntis mo na pala. Bakit ba kasi ayaw mo muna akong payagan kang tikman? Isusubo ko lang naman 'yang ano mo eh. Takam na takam na ako diyan eh," sabi niya sabay dila. "Ewan ko sa iyo! Sige na, marami pa akong gagawin!" Napahiyaw na lang ako nang kurutin niya ako sa puwet bago siya tuluyang umalis. Habang ako naman ay nagpatuloy na sa pagkalkal ng basura para makahanap ng puwede kong maging kalakal. PAGSAPIT NG ALA SAIS ng gabi, pauwi na ako sa amin. Kumita rin ako ng halos isang libo dahil marami akong naibenta sa junkshop. Habang mabilis akong pumapadyak patungo sa eskinita namin, humarang sa akin ang mga Marites sa lugar na ito. "Hoy, Liam! Ang ganda na ng bahay ninyo, ha! Ang dami niyo pang pagkain! Mukhang mayaman yata ang babaeng nabuntis mo! Saan mo 'yon natagpuan nang mahanapan ko rin ang anako. Baka sakaling ang babaeng mapapangasawa niya pala ang mag- aahon sa amin sa hirap!" malakas na sabi ni aling Buricath. "Naku naman aling Buricath, kung ano- ano na namang chismis ang pinapakalat niyo sa lugar natin. Tapos mali- mali naman. Hindi ko 'yon nabuntis. At saka, gabi na nagkukumpulan na naman kayo dito para magchismisan. Nakapagsaing na ba kayo?" Humaba ang nguso niya. "Mamaya na ako magsasaing! Mamaya pa naman uuwi si Tubolito eh. Pero ano nga ba kasi ang totoo? Saan mo ba kasi nakuha ang babaeng 'yon? Gusto ko ngang malaman para ihanap ko rin ang anak ko!" Napailing na lang ako. "Ibang klase rin ang mindset ninyo aling Buricath. Pagtrabahuhin niyo kasi ang anak ninyo. Bulbulin na eh nasa bahay lang puro laklak inaatupag at pagshashabu. Sinong babae ang magkakagusto diyan kung mukha na ngang hindi natulog ng isang buwan? Buglat na ang mata at lubog na ang pisngi!" Nagtawanan ang mga kasama niyang babae. "Grabe ka naman sa anak ko, Liam! Hindi porke guwapo ka eh lalaitin mo na ang anak ko! Eh ano bang magagawa ko kung naadik na siya? Basta! Magugulat ka na lang may babaeng mayaman na jowa ang anak ko!" Natawa na lang ako sa sinabi niya at saka pumadyak na ako ng sidecar ko para makauwi na. Malamang kalat na kalat na sa barangay naming ito ang tungkol kay Hanabi. Dahil nga sa squater area ito, dikit- dikit ang mga bahay at puro eskinita. Nagkalat pa ang napakaraming chismosa sa paligid na mula umaga hanggang gabi ay walang ibang ginawa kun'di ang magchismisan. Parang iyon na nga ang nagiging almusal at tanghalian. "Sa letrang B! Singko lima five!" sigaw ng babaeng bumubola. "Uy, Liam tara shot ka muna!" sabi ni Jim sa akin. Agad akong umiling. "Hindi na pre. Kailangan ko ng umuwi. Baka wala pang ulam sa bahay." "Lagi naman akong tabla sa iyo! Sige na nga umuwi ka na! Palibhasa eh may naghihintay na magandang dilag sa iyo doon kaya talagang excited ka ng umuwi! Sana all na lang talaga!" pang- aasar niya pa sa akin. Binilisan ko na ng sobra ang pagpadyak ko para makauwi na talaga ako. Pagkarating ko sa bahay, nanuot sa ilong ko ang masarap na lutuin. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. "Hi, Liam. Tamang- tama nakapagluto na ako ng ulam. Kumain na tayo... ipaghahanda na kita..." malambing niyang sabi sa akin. "Wow ang sarap naman niyan ate Hanabi! Parang dati lang ay napapanuod lang namin 'yan sa T. V! Pero ngayon makakain na namin!" natatakam na sabi ng kapatid kong Nixx. "Grabe kanina pa ako natatakam! Tuloy na nga ang laway ko eh!" sabi naman ng isa ko pang kapatid na si Marvin. Tumawa naman si Hanabi. At sa pagtawa niyang iyon, para akong natigilan. Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha. At hindi ko nga napansin na nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kaniya. "Uy si kuya Liam nakangiti habang nakatingin kay ate Hanabi! Halatang gandang- ganda kay ate!" sabi ni Nixx sabay tawa. "Ayieee! May crush siguro si kuya Liam kay ate Hanabi!" sabi pa ni Marvin. Nagtama naman ang mga mata naman ni Hanabu at kaagad akong nag- iwas dahil para akong natutulala sa gandang taglay niya. At pakiramdam ko nga ay namumula na ang mukha ko. "Mga pasaway kayo! Maghugas na kayo ng kamay niyo dahil kakain na!" bulyaw ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako. "Kumain ka ng marami, Liam, ha? Sinarapan ko talaga ang luto ko para sa iyo dahil alam kong pagod ka sa pangangalakal mo..." malambing niyang sabi sa akin. "O- Oo naman.... baka nga ikaw makain ko rin..." Kumunot ang noo niya. "Ha?" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko. "Ha? Ay wala 'yon! Huwag mo ng intindihin! Halika na nga at magkainan na tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD