Chapter 11

3246 Words
Chapter 11 Flashback Malalim na ang gabi, dahil pasado alas-syete na nang gabi. Para sa mag-kaibigan na si Marco at Camilla hindi alintana ang lalim ng gabi para sa kanilang dalawa. "Dito na lang ako Marco, maraming salamat pala sa gabi ha?" Nakita ni Marco ang matamis at magandang ngiti ni Camilla. Kasalukuyan pa lamang sila nag-aaral na dalawa ni Camilla sa iisang Unibersidad, dahil na rin sa ini-ibig ni Marco si Camilla, paunti-unti niyang kinilala ang dalaga, hanggang sa naging malapit na sila sa isa't-isa.. Natatakot si Marco na mag tapat ng tunay nitong nararamdaman sa dalaga dahil natatakot siyang ma-busted lamang nito. Mahigit tatlong buwan na silang mag-kakilala at ito ang unang araw na niyaya niya si Camilla na manuod ng sine. Ginabi na sila naka-uwi lulan ng kanilang buong mag-hapon na pamamasyal. "Sure ka ba talaga na dito na lang kita hahatidin?" Preskong tinig ni Marco. Napansin ni Marco na hindi na mapakali si Camilla na pasilip-silip ito sa paligid, na animo'y may tinataguan. Lingid kasi sa kaalaman na, nasa tapat na silang dalawa ng bahay ni Camilla at napapalibutan ng mataas na bakod na bakal ang bahay nito. "O-Oo, Marco kailangan ko nang pumasok baka nandiyan na si Daddy." Bakas na rin ang takot sa mukha ng dalaga na mahuli sila ng Daddy nito. Alam din ni Marco ang pagiging strikto ng mga magulang nito kahit na rin ang Daddy nito, na bawal silang mag karoon ng nobyo o makipag-kaibigan sila sa mga lalaki. Kaya't naiintindihan naman ni Marco kong bakit ganun na lang ang panic na nararamdaman ni Camilla ng sandaling iyon sa kaniyang Daddy. "Sige, sandali Camilla may dumi ka likod." Inalis ni Marco ang kumapit na dumi sa likod ng dalaga, at labis na lang ang pag- tataka ni Marco ng hindi niya ito mahawakan. Humarap si Camilla at ngumiti na lang ng kay tamis. "Ito ba? Mole ko iyan na tinuturo mo Marco." Saad ni Camilla, dahil hindi lamang isang simpleng balat iyon na karaniwang nakikita natin na kulay itim. Kay Camilla kasi para siyang flat na mole na kulay pula, na una mong pag mamasdan, para iyon na dumi. Nilagay ni Camilla ang manipis na jacket sa likod nito, para hindi makita ang mole sa likuran ng dalaga. "Ganun ba? Pasensiya kana Camilla. Akala ko kasi dumi iyan na kumapit sa balat mo." Nahihiyang tinig ni Marco na kumamot ang binata sa harapan ng dalaga. "Okay lang iyon, naiintindihan ko naman. Alam mo ba, ikaw pa lang ang nakaka-kita ng mole na iyan sa likuran ko, besides kay Mommy." Anito. "Kahit ang kakambal ko na si Ate Camille, hindi din alam ang tungkol sa bagay na iyan." Natatawang tinig ni Camilla. "Siya pala Marco, papanhik na ako sa loob ha? Umalis kana, at baka kapag nakita ka pa ni Daddy, baka mapagalitan ka rin niya." Tinulak na ni Camilla si Marco para umalis na ito. "Hindi mo naman na kailangan na tulakin ako Camilla dahil aalis naman ako eh." Napa-nguso na sambit ni Marco. Hinawakan ni Marco sa huling pag kakataon ang kamay ni Camilla at may nilagay siya doon na isang bagay. "Siya nga pala. It's for you Camilla. Buksan mo iyan kapag naka pasok kana sa loob ng bahay niyo ah? Sige alis na ako. Ingat ka." Kumindat pa si Marco, at mag sasalita pa sana si Camilla pero nag mamadali na itong nag lakad paalis. Binuksan ni Camilla ang palad at ganun na lang ang kilig na nadarama ng dalaga ng makita ang bracelet na binigay sakaniya ni Marco. "Maraming salamat Marco, i-ingatan ko ito, nang buong- buhay ko." Tugon ni Camilla bago ito pumanhik papasok ng kanilang bahay. End of Flashback. MARCO'S POV Walang-imik na pinag mamasdan ni Marco ang asawa na masayang kumakain ng kanilang tanghalian. Hindi na maalis ang masaya at maaliwalas nitong mukha. Ibang-iba ang itsura nito kumpara kahapon nang malaman nitong sinugod sa Hospital ang kaniyang Mama. Pero ngayon, tila ba wala itong iniisip na problema. Bumabagabag ang dibdib si Marco sa kaniyang mga nalaman mula sa kaibigan na si Kevin. Tungkol sa gamot na nakuha ni Marco sa silid ng kwarto ni Mama Josephine. Anong ibig sabihin ng lahat ng iyon? Dapat na ba akong mabahala sa aking nalaman? Dapat ko na bang sabihin kay Camilla ang aking nalalaman? Pinilig ni Marco ang kaniyang ulo para iwaksi ang kaniyang iniisip. Hindi. Hindi ko pwedeng sabihin ito muna kay Camilla. Dahil tiyak na mag-aalala pa ito lalo kapag nalaman nito ang tungkol sa gamot. Kailangan kong kumilos. Dapat may gawin akong hakbang. Ako na lang ang aalamin ng bagay na ito, nang hindi nalalaman ng aking asawa. Kailangan kong maka-usap si Jenny, at tanungin sa bagay na ito. "Hon, okay ka lang ba?" Naagaw muli ang atensyon ni Marco ng mag-salita si Camilla.Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito na animo'y napansin din nito ang pananahimik ni Marco. "Wala, ayos lang ako." Pilit na pinapasigla ni Marco ang tinig para ipakita na maayos lamang siya, pero kabaliktaran naman ang nararamdaman niya. Hindi mapa-kali si Marco sa kina-uupuan na animo'y para na siyang bulate na nilagyan ng asin. "Medyo napagod lang ako sa byahe natin kanina hon," Pag dadahilan na lang ni Marco dahil ayaw na niyang humaba pa ang tanong sakaniya ni Camilla. "Sige Hon." Tugon na lang ng asawa at tinuon nito ang atensyon sa kinakain. Tinuon na lang ni Marco ang atensyon sa pag-kain, na hindi niya mapigilan na pag- masdan at obserbahan ang asawa ng palihim. Tila ba may napapansin si Marco kay Camilla, pero hindi niya alam kong ano ba talaga iyon. Matapos kumain. Nanatili pa silang dalawa ni Camilla sa dining area. Samantala naman si Lilybeth, nililigpit nito ang kanilang pinag-kainan. "Ano ba iyan, sumabit na naman?" Iritadong tinig ni Camilla nang maagaw-pansin ng asawa na si Marco. Pilit na inaalis sa pag kakabuhol ang kwentas na suot ni Camilla na sumabit sa suot nitong dress. "Pano na kasi ito. Hays." Napa buntong-hiningga na lang si Camilla at hindi naka-tiis na tignan ni Marco na nahihirapan na ang asawa na pag- alis ng pag kabuhol sa damit nito. "Tulungan na kita Hon." pag presinta ni Marco at pumwesto siya sa likuran ni Camilla para alisin ang naka- sabit na kwentas sa suot nitong damit. "Naninibago ata ako sa'yo panay suot mo ng mga dress na hindi kana man nag susuot ng ganito." Pag bibiro pa ni Marco sa asawa dahil nag taka talaga siya dahil bigla itong nag suot ng dress, na hindi naman talaga kaugalian ng asawa niya na mag suot ng ganun. Naka- tuon na lamang ang atensyon ni Marco sa pag aalis ng pag kabuhol ng kwentas nito, na medyo mahirap din pala na alisin. "Oo, dati ayaw ko talagang sumuot nito. Pero sayang naman ng mga binili mong mg dress sa akin, kong hindi ko naman susuotin hindi ba?" Naka- ngusong tinig ni Camilla. "Mabuti pa Hon, ibababa ko lang saglit ang zipper sa likurang dress mo, para madali kong maalis ang pag kabuhol ng kwentas. Ayos lang ba sa'yo iyon?" isang tango na lang ang sinagot ni Camilla. "Yes Hon, at baka kasi masira pa ang kwentas na binigay sa akin ni Daddy." Tugon ni Camilla. Hindi naman nag dalawang-isip si Marco na ibaba ang zipper ng suot ng damit ng asawa. Hindi naman nahirapan si Marco dahil kusa nang natanggal sa pag- kabuhol at pag kasabit ang kwentas ng asawa ng maibaba niya ang zipper sa damit nito. "Ayan naalis ko na Hon." "Maraming salamat Hon. Itaas mo na ang pag kaka-zipper." Unti-unting tinaas ni Marco ang zipper at ganun na lang ang pag tataka na gumuhit sa kaniyang mukha ng wala siyang makita. Asan na? Asan na iyong pulang marka sa likod ni Camilla? Bago paman maka react si Marco at humarap na si Camilla sakaniya na puno ng tamis na ngiti sa kaniyang labi. "Thank you so much Hon." Mabilis na humalik sa labi si Camilla sa asawa, at nag lakad na ito paalis. Nanatili pa din naka tayo si Marco, habang sinusundan papalayo ng tingin ang asawa. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Hindi pa din nag sink-in sa kaniyang utak kong ano ba talaga ang nangyayari? ***** Napag pasyahan na lang ni Marco na pumanhik sa loob ng silid para mag pahingga. Iniwan na niya si Camilla at Lilybeth na abala sa kanilang ginagawa sa ibaba. Perinti lamang naka-higa si Marco sa kama at napaka-lalim ng kaniyang isip. Lalo tuloy siyang naguluhan sa kaniyang nasaksihan kanina. Paano? Bakit? Bakit nangyari iyon? Ano ba talaga ang nangyayari? "C-Ca" tinig muli ni Mama Josephine na paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ni Marco. "M-Mile. C-Ca-Mile." Ayan na naman muli ang maka hulugang tinig ni Mama Josephine ng binulong niya sa akin ang katagang iyon? Anong ibig niyang ipahiwatig? Ano ba talaga ang gusto nitong sabihin sa akin? Bakit nito patuloy na tinatawag si Camille? Bakit wala akong nakitang pulang marka sa likod ng aking asawa? Ano rin ang kinalaman sa gamot na aking nakita? Napa-hilamos ng mukha si Marco sa labis naguguluhan sa mga nangyari. Hindi niya din alam kong ano na ba ang tama o mali? Napa- tigil sa pag muni-muni ng mahagip ng tingin ni Marco ang bag ni Camilla sa isang tabi. Tila ba may nag-uudyok sakaniya na lapitan at tignan iyon. Gumalaw bahagya ang adams- apple ni Marco ng mapa titig pa rin sa bag ng asawa. Napag pasyahan na bumangon sa kina-hihigaan si Marco para lapitan iyon. At isa-isa niyang hinalungkat ang laman no'n at wala naman siyang nakitang kakaiba dahil karaniwang lamang nasa loob ng bag ni Camilla ang pang araw-araw nitong ginagamit, tulad ng lipstick, mirror, keys, suklay, relo at kong ano pang mga kinakailangan ng mga babae. Sa pag hawi ni Marco may isang bahagi ng bag, ay may nag- paagaw sakaniya ng atensyon ng may mahawakan siyang bottle, na hindi malaman ni Marco kong ano ba talaga iyon. Nilabas ni Marco sa bag ang kaniyang nakita, at ilang segundo na pinag masdan ni Marco ang packaging ng bottle pero walang gaanong details kong ano ba talaga ang gamot na iyon. Ano ito? Sa pag kakatanda niya, wala naman si Camilla na ganito na ginagamit ng kaniyang asawa. Bakit meron siya nito? Binuksan ni Marco ang bottle sa labis na kuryusidad at hindi naman naka silyado ito, ibig sabihin matagal na nga iyon naka- bukas. Wala sa sariling nilabas ni Marco ang gamot, at nilagay sa palad niya. Doon siya nagimbal sa kaniyang nasaksihan dahil kaparehong-kapareho ng gamot sa bote ang gamot na kaniyang nakita sa loob ng silid ni Mama Josephine. Napaka lakas ng kabog ng dibdib ni Marco na naguguluhan na siya sa mga nangyari. Paano? Bakit may ganitong gamot si Camilla? "Marco?" Natigilan si Marco ng marinig ang boses ni Camilla. Bumaling ang tingin ni Marco sa kaniyang asawa na naka tayo malapit sa pintuan, at bakas ang gulat at pag kabigla sa mukha nito ng mapa- dako ang tingin ni Camilla sa hawak na gamot ni Marco. "Ano ito Camilla?" Takang tinig ni Marco at pinakita sa asawa ang gamot na kaniyang nakuha. Gusto kong mag karoon ng linaw ang aking nasaksihan. Gusto kong maka kuha ng kasagutan sa aking asawa dahil kahit na rin ako naguguluhan sa mga nangyayari. Mbilis at tarantang lumapit si Camilla sa asawa. "Para saan itong gamot ha?" Pang-uulit na tinig ni Marco na naging mataas na ito. "Bakit hawak mo iyan H-Hon?" Tarantang tinig ni Camilla at mabilis na inagaw kay Marco ang gamot na hawak ko. "Ito ba? Gamot ito ni Mama sa sakit niya. Pinapa- kuha kasi sa akin ni Jenny ang gamot na ito na naiwan sa silid ni Mama. Hindi ko namalayan na nadala ko na pala dito ang gamot, pabalik natin dito sa bahay... Hindi ko na naiwan kay Jenny bago tayo umalis." Kabado nitong tinig at mabilis na tinago ang gamot pabalik muli sa bag nito. Napa- dako ang tingin muli ni Camilla sa kamay ni Marco na may ilang pang pirasong gamot doon. "Akin na iyan Marco." Tangka na aagawin ni Camilla ang gamot pero mabilis naman iniwas iyon ni Marco. "Para saan itong gamot?" Matalim na tinig ni Marco. "Syempre sa gamot sa sakit ni Mama, para gumaling na siya. Ano bang klaseng tanong iyan Marco? Nakita mo naman na iyan na gamot ang pinapainom ko kay Mama hindi ba?" Napa-iling na lang si Marco sa naging sagot nito. Kahit anong sabihin ni Camilla, parang napaka hirap nang paniwalaan ni Marco ng lahat ng iyon. Hindi lang sa hindi siya naniniwala sa asawa, pero bakit ang puso nia dumidikta na pawang kasinunggalingan lamang ang sinasabi nito? "Talaga ba? Sigurado ka ba talaga na gamot niya ito sa sakit niya?" Pag-sisigurado na tinig ni Marco na kina-tigil naman ng kaniyang asawa. "Oo naman. Gamot niya iyan sa sakit niya. Akin na iyan M-Marco." Tangkang aagawin nitong muli pero mabilis naman na iniwas ni Marco ang gamot. "Bakit gusto mo nang makuha ang gamot na ito sa aking kamay Camilla? May tinatago ka ba sa akin?" Diretsang tinig ni Marco, na kina-iwas naman ng mga mata ni Camilla. "A-Ako? May tinatago sa'yo? Wala Marco, gusto ko lang kunin iyan dahil bawat gamot, mahalaga para kay Mama.. Bawat pirasong gamot, mahalaga sakaniya para gumaling siya sa sakit niya." Ilang segundo na pinag-aaralan ni Marco ang itsura ni Camilla na wala man lang nakitang takot na gumuhit sa mga mata nito. "Alam kong, alam mo Camilla kong para saan itong gamot. Diba tama ako?" "Ano bang ibig mong sabihin?" Napa kurap nitong sambit. "Hindi ko alam kong ano ang sinasabi m-mo Marco." Naging matalim ang tinig nito na animo'y hindi nagustuhan ni Camilla ang kaniyang sinabi. Pero hindi eh. Iba pa rin ang aking pakiramdam. "Really now Camilla. Aminin mo nga sa akin, ano ba talagang gamot ito ha!?" "Sinabi ko naman sa'yo diba na gamot ito sa sakit ni Mama." Pag mamatigas nito. "Ibigay mo na nga sa akin iyan Marco!" Naging matalim at marahas ang tinig ni Camilla at tangka sanang lalapit muli kay Marco, ng matigilan muli ito. "That's bullshit!" Matinis na mura ni Marco na binato nito ang gamot sa sahig. Kumalat ang ilang pirasong gamot sa sahig, na kinabigla naman ng mukha ni Camilla. "Ano ba Marco, ano bang problema mo?" Na-iiyak na tinig ni Camilla at yumuko na siya para pulitin ang mga gamot na nagsikalat sa sahig. "Bakit mo ba ito ginagawa? Bakit ba napaka- hirap sa'yong paniwalaan ang sinabi ko? Gamot nga ito ni Mama sa sakit niya. Ano m-masaya kana?" Unti-unti nang bumagsak ang tinig nito at ang kaniyang mga mata, nag simula na rin uminit. "f**k Camilla..Ang gamot na iyan pumapatay sa tao.. Lahat ng symptoms na nakikita natin sa Mama mo, ganun na ganun din kapag pina-inom mo ng gamot na iyan ang pasyente.." malakas na tinig ni Marco na awtomatiko naman na, napatigil sa pag pupulot ng gamot si Camilla sa sahig. "Pina-test ko kay Kevin ang gamot na iyan at lumabas sa test niya na delikado nga ang gamot na iyan. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan Camilla? Diba ito din ang gamot na pinapa-inom mo sa Mama mo?" "Ano? Hindi ko alam ang bagay na iyan Marco." Nanginig na tinig ni Camilla at unti-unti itong tumayo at hinarap si Marco. "Sa tingin mo ba papatayin ko si M-Mama? Ganun na lang ba ako kasama, na pati sarili kong magulang, kaya kong patayin? Ganun ba Marco?" Mapaklang tinig ni Camilla at tuminggala ito para pigilan na tumulo ang luha sa mga mata nito. "f**k, I don't know!" Napa-sabunot na lang si Marco sa kaniyang ulo sa labis na galit, at naguguluhan. "Pinag- bibintangan mo ako sa bagay na hindi ko naman ginawa." Naiiyak nitong tinig. "Sabihin na natin na, totoo ang sinasabi mo, na delikado nga ang gamot na ito para kay Mama, pero hindi ko kayang gawin sakaniya. Hindi ko kaya siyang patayin." Napa-tutop ito sa kaniyang bibig para pigilan na kumuwala ang hikbi sa labi nito. "Maniwala ka sa akin hindi ko alam kong bakit ganun. Hindi ko alam na ganun na pala kadelikado ang gamot na napapainom ko sakaniya.. Wala akong a-alam tungkol dito Marco, si Jenny ang nag bibigay ng gamot na iyan kay M-Mama, at wala akong kinakalaman sa bagay na iyan... Maniwala ka sa akin. Mahal na mahal ko si Mama, at hindi ko kayang sikmurahin na patayin siya." Napa-tutop si Camilla sa mukha habang patuloy na humihikbi sa harapan ni Marco. "Napaka sakit lang dahil pinag-bibintangan mo ako sa bagay na hindi ko naman ginawa." Patuloy na hikbi nito. Nanatili pa din naka-tayo si Marco sa harapan ng asawa. "Let's ask Jenny then. Puntahan natin siya ngayon, para malaman natin kong sakaniya ba talaga galing ang gamot na iyan." Matigas na turan ni Marco na kinatigil ni Camilla sa pag-iyak. "Puntahan natin siya ngayon, at sisiguraduhin kong makukulong siya sa ginagawa niya kay Mama." Malagong na tinig ni Marco at lumapit sa kaniyang asawa. "I'm so sorry kong nasigawan at napag-taasan kita ng boses kanina Hon, nadala lang talaga ako ng aking nararamdaman. Alam ko naman na hindi mo magagawa iyon sa iyong Mama." Lumapit si Marco kay Camilla at bahagyang pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi nito. Kahit anong gawin at isipin ni Marco, hindi niya pa din magawang tiisin ang asawa niya. Siguro nga na wala naman kinalaman si Camilla sa nangyari sa kaniyang Mama. Ang dapat managot nito, walang-iba kundi si Jenny. "I'm so sorry." Malambing na tinig ni Marco. Para na rin nadurog ang puso niya sa sakit na nasasaktan ang asawa niya nang dahil sa akin. "Huwag kanang umiyak. I believe in you, puntahan na natin ang Mama mo. Naka-usap ko na kanina si Auntie Cecelia kanina, at may sinabi siya sa akin, na may dapat daw tayong malaman." "Sige Hon. Maraming salamat sa concern mo. Kong hindi kapa nag pa-test kay Kevin, hindi pa natin malalaman na ganun na pala ang ginagawa ni J-Jenny kay Mama." Napa-tutop muli si Camilla sa bibig para pigilan muli na humagolhol. "Everything's gonna be alright. Ako na ang mag paparusa kong sino ang karapat-dapat na managot sa nangyari kay Mama." Tumango na lang si Camilla na matamlay. "Mag-bihis kana, pupuntahan na natin si Mama ngayon. Dalhin mo din ang gamot, para makasagawa ulit ng panibagong test kay Kevin." "Sige Hon. Hindi na ako mag papalit ng damit, kailangan na natin puntahan ngayon si Mama." Anito. "Kukunin ko lang ang bag ko at iba ko pang kailangan at aalis na tayo." Isang tango na lang ang sinagot ni Marco at tumalikod na siya sa asawa. "Bilisan mo lang Hon." Sagot ni Marco at tumungo siya sa wardrobe para pumili ng kaniyang damit na susuotin. "Malapit na akong matapos Hon." Imbis na kunin ni Camilla ang gamit niya. Nag lakad siya sa isang bahagi at kinuha ang mabigat at matigas na bagay na figurine at walang ano-ano hinampas sa likod ng ulo ni Marco ng dalawang beses. Umalingawngaw ang nakaka hindik na tunog at pag kabagsak ng katawan ni Marco sa sahig. "Akin ka lang Marco! Dapat hindi kana naki-alam pa!" Matigas at tila ba nabababliw na tinig ni Camilla na animo'y nasisiyahan na walang malay na si Marco. Bahagyang pinunasan ang pisngi na tumalsik na dugo sa mukha ni Camilla. "Walang aalis! Akin ka lang!" Mala-demonyo itong ngumiti at biglang nawala ang maamong mukha ni Camilla at napalitan ng nakaka-kilabot na itsura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD