Chapter 12

4224 Words
Chapter 12 MARCO'S POV Isang unggol ang pumukawala sa boses ni Marco at minulat nito ang kaniyang mga mata. Hindi pa gaanong malinaw ang kaniyang nakikita na blurred ang kaniyang paningin, dahil nag-aadjust pa din sa liwanag ng ilaw. Ramdam din ni Marco ang pananakit ng likod na parte ng kaniyang ulo, na para bang hinampas iyon ng mabigat na bagay na hindi niya mawari. Ang huli na lang natatandaan ni Marco ay paalis na silang dalawa ni Camilla sa bahay para puntahan si Mama Josephine. At pag katapos nang sandaling iyon, wala nang matandaan pa si Marco dahil doon na siya nawalan ng malay. Sandali. Asan si Camilla? Tangka na gagalaw sana si Marco pero bigla naman siyang natigilan. Doon lamang napag-tanto na naka gapos ang kaniyang katawan sa isang silya, para masiguro na hindi lamang siya makakatakas. Fuck. Ano ang lahat ng ito? Bakit ako naka gapos? Ano bang nangyayari? Shit. s**t. Ginala ni Marco ang kaniyang tingin at naroon pa siya sa loob ng silid nilang dalawa ni Camilla. Pilit na umiingos at nag pupumiglas si Marco para makawala sa pag-kakatali, pero kahit anong gawin niyang lakas at pwersa hindi siya maka-alis. "Just f**k!" Lumabas na ang ugat sa leeg ni Marco dahil lamang sa pag pipilit niyang maka-alis, na lalo lamang humihigpit ang pag kakatali ng lubid sa kaniyang katawan. "Camilla? Camilla?" Dumaongdong ang malakas na tawag ni Marco sa kaniyang asawa. Kailangan niyang maka- hinggi ng tulong kay Camilla. "f**k! Camilla!" Malakas na sigaw ni Marco pero isa lamang na napaka- tahimik na silid ang sumagot sakaniya. Biglang nakaramdam ng kaba at takot si Marco na hindi mahanap ang asawa. Hindi kaya niluoban kami? Baka may ginawang masama sa aking asawa? Fuck! Natigilan si Marco ng marinig ang pag bukas-sara nang pintuan na tanda na may pumasok. Hindi matignan ni Marco kong sino iyon dahil naka talikod siya sa parteng pintuan kaya't napaka hirap para sakaniya na tignan kong sino iyon. Tumigil ang mabigat na yabag nang mga paa sa harapan ni Marco at labis ang gulat ng kaniyang nadarama ng nakita si Camilla sa harapan niya. Anong nangyari? Bakit wala lamang galos at sugat si Camilla sa katawan? Bakit ako lamang ang naka-gapos dito sa upuan? Bumigat na ang dibdib ni Marco na pinag-mamasdan si Camilla na aliw na aliw na pinag-mamasdan si Marco. Doon na rin tumarak sa isipan ang kaniyang hinala sa asawa. Hindi kaya? She did this to me on purpose? Just f**k! "Hinahanap mo ba ako Hon?" Anito ni Camilla. Nawala ang pangamba at takot na naramdaman ni Marco at napalitan ng galit ng makita na maayos naman ang kalagayan ng kaniyang asawa. "What the f**k is this Camilla huh? Pakawalan mo ako!" Tiim-bagang tinig ni Marco at pilit na nag-pupumiglas na makawala sa pag kakatali. "Oh no, hinding-hindi ko gagawin ang bagay na iyon!" Anito na parang wala lamang sakaniya ang lahat. "Just f**k!" Matinis na mura muli ni Marco sa labis na galit. Ano bang klaseng laro ito ha?! "Nag handa ako ng masarap na pagkain para sa'yo Hon. Kumain kana." Doon lamang napag-tanto ni Marco na may hawak si Camilla na plato na lamang pag-kain. Hindi rin alam ni Marco kong anong oras na ba, dahil wala siyang nakitang liwanag mula sa labas. Naka-sara din ng napaka kapal na kurtina ang kanilang bintana at nag sisilbi lamang liwanag sa naturang silid, ay ang ilaw. Nilagyan ni Camilla ng pagkain ang kutsara at tangkang isusubo kay Marco. "Open your mouth now Hon." Parang bata na sinasayaw ni Camilla a ng kutsara palapit sa bibig ni Marco. Tiim-bagang tinignan ni Marco si Camilla at bago paman maisubo sa bibig ni Marco ang pag-kain, inis na tinabig ni Marco ang kutsara, na sanhi tumilapon ang kutsara at laman no'n sa sahig. "Ayaw kong kumain! Pakawalan mo na ako dito! Putangina!" Matinis na tinig ni Marco at unti-unting nag bago ang itsura ni Camilla. Nawala ang matamis na ngiti at napalitan kaagad iyon na nang-lilisik na mga mata. Inis nitong hinablot ang buhok ni Marco na mapa-unggol ito sa sakit. "Putangina! Sabi nang kumain ka eh! Bakit ba ang tigas-tigas nang ulo mo?!" Umalingawngaw ang malakas at matinis na boses nito Camilla, na animo'y sinapian na ito, sa nanliliyab nitong mga mata sa galit. Sinuklian din ng matapang at galit na titig ni Marco ang babaeng kaharap niya, at hindi siya nag pasindak sa mga mata nitong umaapoy sa galit. "f**k you!" Sinapo ni Camilla ang kaniyang mukha kasabay ang malalim na buntong-hiningga. Biglang nag shift ang kaniyang mood at nawala ang panlilisik na mga mata nito, at napalitan ang kaniyang itsura ng isang mabait na Camilla na nakakasama ni Marco araw-araw. "Kumain kana Hon, sige ka. Magugustom ka, kapag hindi mo man lang tinikman ang luto na hinanda ko para sa'yo." Malambing na tinig ni Camilla na paulit-ulit na kinukumbinsi na kumain na siya. Pero nag mamatigas pa din si Marco na sundin ang kagustuhan ni Camilla. Naka-gapos ang kamay ni Marco sa likod ng silya, at tinatangka niyang maka-alis pero hindi niya magawa dahil napaka-higpit ng pag kakatali nito kay Marco. "Dapat maging mabait ka lang sa akin Hon, para hindi na ako magalit sa'yo. Mahal na mahal kita Marco." Pinalandas ni Camilla ang kamay sa pisngi ni Marco at umiwas naman si Marco na tila ba diring-diri dito. "Ts. Mahal?" Pang-uuyam na tinig ni Marco dito. "Hindi kita mahal Camille, tigilan mo na ang pag-papanggap mong ito!" Napalitan ng pait ang ngiti sa labi ng babae na nasa harapan niya.. "Asan si Camilla, hayop ka? Anong ginawa mo sa totoo kong girlfriend ha?!" Dumaongdong ang malakas na sigaw ni Marco dito. Nabalot na ng galit ang kaniyang puso sa pag-lilinlang nito sa akin. Matagal ko na siyang pinag mamasdan! Matagal ko na siyang Inobserbahan ng palihim! Nang sandaling makita ko na walang bahid ng marka ang kaniyang likod, doon ko lamang napag-tanto na totoo ang aking hinala na hindi siya ang totoo kong iniibig! Linlangin niya na ang lahat! Pero hinding-hindi niya ako malilinlang! Hindi na ngayon! Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi ng babaeng kaharap ni Marco. Ibang-iba na ang itsura nito at hindi na nito kilala ang babae sa harapan niya. Tinukod ni Camille ang kamay nito sa upuan ni Marco at nilapit ang katawan nito sa binata. "So asan nga ba talaga ang totoong Camilla Marco?" Lalo pang lumawak ang ngiti sa labi ni Camilla, na umigting pa lalo ang panga ni Marco sa labis na pang-gigil na saktan ito sa kaniyang mga kamay. "Sabihin na natin, naroon si Camila, na tawagin natin na paraiso?" May mistulang ginuhit si Camille sa hangin gamit ang kaniyang daliri, na mag-wala pa lalo sa galit si Marco. "Napaka-hayop mo talaga! Hayop! Ilabas mo si Camilla, napaka walang-hiya mo!" Buong lakas ang ginamit ni Marco para makawala sa pag kakatali sa upuan, pero hindi siya maka-alis. "Putangina!" "Hahahaha!" Nakaka- takot ang paraan ng pag tawa ni Camille, na nawawalan na ito sa katinuan. Lumayo si Camille sa gawi ni Marco. "Ang galing mo naman. Nahulaan mo kaagad kong sino ako Marco, so tell me pano mo ako nabisto? Diba napa-hangga kita sa aking pag-papanggap na bilang si Camilla? Kuhang-kuha ko ang kaniyang boses at kahit na rin ang kilos at galaw, kuhang-kuha ko rin." Natatawa nitong tinig at kasabay ang malakas na sigaw at mura ni Marco kay Camille.. "Ang bilis mo naman pabilugin Marco. Pinaniwala kita sa aking mga kasinunggaling na nasa ibang bansa na nag tra-trabaho ang kakambal ko... Pero ang totoo, wala naman talagang Camille. Palabas ko lang naman ang lahat ng iyon." Lingid sa kaalaman ng lahat. Gawa-gawa lamang ni Camille ang kausap niya sa telepono ang kaniyang kakambal, pero ang totoo talaga, kasama sa kaniyang pag- papanggap. Lahat ng ito pinag-planuhan ni Camille nang husto ang kaniyang tamang gawin at hakbang sa kaniyang mga plano, at nag tagumpay naman siya dahil napa-niwala niya ang lahat sa kaniyang mga kasinunggaling. Binubuhay pa rin ni Camille ang pag-papanggap sa kakambal niya. Pinapaniwala si Marco na totoo lahat ng kaniyang sinasabi at pinapakita dito. Gumawa rin si Camille ng social media accounts sa pangalan ni Camille at siya mismo ang sumasagot sa text message at mail na pinapadala sakaniya ni Marco. Akala ni Marco nasa Canada ang totoong Camille, pero palabas lamang iyon lahat. "Napaka-hayop mo talaga Hayop!" Patuloy na pag-mumura ni Marco dito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Marco, wala na akong pakialam sa'yo!" Matigas na asik ni Camille. "Kong hindi kana lang sana naki-alam, sa mga plano ko kay Mama, hindi mangyayari ang bagay na ito.. Hindi tayo aabot sa ganito Marco.. Hindi sana masaya ang pag- sasama nating dalawa, hindi ba Hon? Hahaha!" Humalukip muli ito ng tawa na tila ba baliw na. "Camilla. Camilla!" Patuloy na pag- tawag ni Marco sa pangalan ng tunay niyang ini-ibig. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Camille. Buhay pa si Camilla. Buhay pa ang mahal ko. "Camilla. Camilla. Camilla!" Pag- gagaya sakaniya ni Camille, sa paraan na pag-iinis sa binata. "Kahit tawagin mo siya ng paulit-ulit Marco, wala kanang magagawa pa! Wala na si Camilla, ako na ang nandito Marco.. Ako na ang pinakasalan mo hindi ba? Pwede ko naman, na ipag-papatuloy ang aking pag-papanggap bilang ang aking kakambal.. Kaya kong maging si Camilla, alang-ala sa'yo Marco." Nakaka-lokong ngiti nito at kasabay ang pag-init ng sulok ng mga mata ni Marco sa labis na sakit at galit. Hindi. Hindi maari. "Hindi! Hindi totoo ito! Putangina!" Dumaongdong ang nakaka kilabot na sigaw ni Marco at kasabay ang pag-bagsak ng luha sa mga mata nito. FLASHBACK "Oh mukhang maganda ata ang araw mo Kambal." Puna ni Camille ng makitang napaka-tamis ng ngiti sa labi ni Camilla. Naroon sila ngayon sa kanilang silid. "Baka pwede mo naman na i-kwento sa akin kong sino ang dahilan ng ngiti sa iyong labi?" Pag-uusisa pa lalo ni Camille sa kakambal. Isang Identical Twins si Camilla at Camille. Parehong-pareho sila ng katawan, at hugis ng kanilang mukha. Sa una mo pa lamang titignan, hindi mo talaga lubusan mahuhulaan kong sino ba talaga ang totoong Camille at Camilla sa tuwing sila ay mag-kasama. Mayron na maikling buhok si Camilla hanggang balikat ang haba ng kaniyang maitim at magandang buhok. Masiyahin at mabait si Camilla, na parati na lang itong naka-ngiti. Napaka-busilak ng kaniyang puso kaya't mabilis din mag- karoon ng maraming kaibigan si Camilla. Pero kabaliktaran ang kaugalian at itsura ni Camille. Si Camille naman mayron na mahabang buhok na hanggang pwet ang haba at naka-suot din ng napaka-kapal na nerd glasses dahil na rin malabo na ang kaniyang paningin. Pero sa lahat, hindi masayahin si Camille dahil gusto nito parati ay ang mag mok-mok sa isang gilid at ayaw nito sa lahat ang mag karoon ng maraming kaibigan dahil mailap din naman siya makipag-usap sa ibang tao. Dahil na rin sa pagiging introvert ni Camille kutyain din siya ng ibang tao dahil na rin sa malaki ang pinag-kaiba nilang dalawa ng kaniyang kakambal. Mahal na mahal sila pareho ng kaniyang mga magulang, pero mas higit na mahal ng Papa nila, ay ang kakambal niyang si Camilla dahil na rin sa napakatalino ng kaniyang kakambal. Mahilig si Camilla, sumali kong saan-saan man na patimpalak at pag susulit na parati itong nanalo. Dahil na rin sa napaka talino, siya na lang parati ang napapansin at napupuna ng kaniyang mga magulang sa likas na mabait, at matalino pa ito. Samantala naman si Camille, hindi siya nabiyayaan ng kasing-talino ng kaniyang kakambal pero sinisikap niya pa din na balang-araw na mapansin ng kaniyang mga magulang, specially ng kaniyang Papa. Malapit na malapit si Camille at Camilla sa isa't-isa, na hindi na sila napag-hihiwalay na dalawa dahil na din sa kanilang closeness. "K-Kasi kambal." Pag-bibitin pa na tinig ni Camilla, na kinikilig na ito. "Ano ba kasi? I-kwento mo na." Excited na turan ni Camille at umupo sa kama para hinihintay na pakinggan ang sasabihin ng kakambal. "Alam mo ba yong madalas kong kwi-nekwento sa'yo na naka-bunggo kong lalaki sa school natin 3 months ago.. We're getting to know each other na, at niyaya niya akong lumabas mamaya." Kinikilig na turan ni Camilla. "Kayaa I'm so happy for you Kambal." Anito. "Baka pwede mo naman sabihin sa akin kong ano ang pangalan niya? Matagal mo nang kinu-kwento ang crush mo pero hindi mo pa din sinasabi ang pangalan o kaya, hindi mo naman pinapakilala sa akin kong sino ba talaga siya." Naka-ngusong pag tatampo ni Camille. "I-kwento ko na lang sa'yo kambal, kapag kami na. Hihi." Tumungo na si Camilla sa mirror at nag suklay. "Hmp ang daya mo naman." "Huwag kanang mag tampo dahil malapit ko na siyang ipakilala sa'yo... Gusto ko kasing ipakilala siya sa'yo kapag may label na talaga ang kami. Parang ganun hihi." Tinuon na lang ni Camilla ang atensyon sa pag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin. "Ikaw kambal? Wala ka bang crush o kaya naman napupusuan ngayon?" "Wala, pero meron na." Humarap si Camilla sa kakambal na ngayon kay tamis ng ngiti ang sumilay sa labi nito. "Talaga? Sino naman? Kilala ko ba siya? Sa campus ba natin siya nag-aaral?" Sunod-sunod na tanong ni Camilla. "Hmm secret." Pang-bibitin ni Camille, na mapa-simangot na lamang si Camilla. "Ito naman pabitin masyado. I-kwento mo na kasi sa akin." "Naka-bunggo ko lang siya no'ng isang araw. Alam mo kambal ang pakiramdam na tumibok ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa tuwing nasisilayan ko ang napaka-ganda niyang ngiti. Hihi." "So sino nga?" Camilla. "Hindi ko alam kambal kong sino siya. Hindi ko rin alam ang pangalan niya. Pero iyon ang aalamin ko ngayon." Hindi na maipinta ang matamis na ngiti sa labi ni Camille. "Talaga? I'm so happy for you kambal. Kapag naging kayo na nang crush mo at kami na rin ng crush ko. Pwede naman mag double date tayong apat hindi ba? Hehe." Kinikilig sila pareho sa labis na tuwa Biglang natigilan si Camilla at Camille ng padabog na bumukas ang pintuan at lumuwa ang nakaka- takot na bulto ng kanilang Papa. "Anong inggay iyan?!" Ginala ng kanilang Papa ang tingin sa dalawang kambal na pati pag-hingga nila, pinipigilan rin. Kahit maka- gawa sila ng pag kakamali iniiwasan nila dahil takot na mapagalitan silang dalawa. Labis ang takot ni Camilla at Camille sa kanilang Papa dahil sa pagiging strict nito sa mga bagay-bagay. "Ikaw Camille at Camilla. Dapat lang naka- tuon ang inyong atensyon at focus sa pag-aaral lalo't malapit na ang pag susulit niyo sa school... Ayaw kong napupunta sa karingkingan ang inaatupag niyong dalawa!" Malagong na tinig nito, na mag- pakaba ng husto sa mag-kambal. "Ayaw na ayaw kong malaman na nakikipag- boyfriend kayo o sumasama kayo sa mga lalaki. At kapag nalaman ko lang matatamaan kayo sa akin!" Pag babanta nito. "Yes papa!" "Yes Papa." "Ngayon palapit ng palapit ang exam gusto kong bahay-skwelahan lang kayo at ayaw kong gagala kayo sa oras nang pag-rereview. Nag kakaintindihan ba tayo?!" Umalingawngaw ang nakakatakot nitong boses sa kabuuang silid. "Yes po Papa." Sabay nilang tinig. "Mag- aral na kayo diyan. Walang aalis!" Pabagsak nito muling sinarhan ang pintuan na maka-gawa iyon ng nakaka- hindik na tunog na mag pakaba sa kanila ng husto. Tila ba nabunutan ng tinik sa dibdib ang mag-kambal ng tuluyan ng naka-alis ang kanilang Papa. "Kambal anong gagawin ko? Mamaya pa naman ang alis namin ng crush ko." Tarantang tinig ni Camilla, na anumang oras iiyak na ito. "Napag-usapan pa naman kaming dalawa na mamaya na ang alis namin kambal." Pag- susumbong na tinig ni Camilla. Tumayo si Camille at hinawakan ang balikat ng kakambal. "Akong bahala. I'll cover you up kambal." Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla. "Maraming salamat talaga Camille." Niyakap ni Camilla ang kakambal ng buong higpit. Gaya nga ng pinangako ni Camille kay Camilla, pinag- takpan niya ang kakambal para hindi ito mahuli o malaman ng kanilang Papa, na umalis si Camilla kasama ang crush nito. Mag-takip silim na at naka bantay na si Camilla sa bintana para salubongin pauwi ang kaniyang kakambal. Ilang oras nag hintay si Camille at naka-dungaw sa bintana para hintayin na dumating si Camilla. Maaga na rin pumanhik sa silid ang kanilang Papa, na pinag pasalamat naman ni Camille dahi hindi na ito nag tanong pa, tungkol sa kaniyang kakambal. Malayo pa lang tanaw na ni Camille ang paparating na dalawang bulto ng tao. Alam na kaagad sa isipan ni Camille na iyon na ang kaniyang kakambal at lalaking crush nito. "Camilla." Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Camille, sa paraan na ito hindi na mahuhuli ng kaniyang Papa ang kakambal na umalis ito na walang paalam. Kasama nito ang isang lalaki na matangkad at may inabot ito kay Camilla na isang regalo. Kulang na lang mapunit na ang lawak ng ngiti sa labi ni Camilla, na tinatanaw palayo ang nag lakad paalis na lalaki na kasama ng kaniyang kakambal. Ang crush ni Camilla na sinasabi nito. Ay iyon din ang crush ni Camille. Nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Camille, na namuong inggit dahil 'yong iisang tao lamang ang crush nilang dalawa ni Camilla. Paano nangyari ang bagay na ito? Bakit hindi niya man lang kaagad napansin, na parehong lalaki lamang ang kanilang iniibig? Kinuyom ni Camille ang kaniyang kamao at namuong galit at selos sa dibdib ni Camille dahil hinayaan niya pa, na mag-kasama ang dalawa. Dapat ako ang kasama niya ngayon, hindi dapat si Camilla. Wala sa sariling nag lakad si Camille papunta sa silid ng kaniyang Papa. "Anong ginagawa mo dito Camille? Oras na nang pag-tulog!" Malagong na tinig ng kaniyang Papa. Sa oras na ito, wala nang naramdaman pa si Camille ng takot, kundi galit na lamang ang lumukob sa kaniyang dibdib, mula sa kakambal. "Papa, umalis po si Camilla, kasama ang boyfriend niya!" Diretsang tinig ni Camille na umiba ang timpla ng kaniyang Papa. "Anong sabi mo?!" Tiim-bagang tinig ng kaniyang Papa, na napa-tayo na ito sa kaniyang kina-uupuan sa labis na gulat at galit. "Kong hindi kayo naniniwala sa akin. Ikaw mismo ang tumingin kong nag- sasabi na ako ng totoo!" Walang-emosyon na tinig ni Camille. Tiim-bagang lumabas ang kaniyang Papa na galit na galit para puntahan ang kaniyang kakambal sa labas. Sumilay na lamang ang nakaka-lokong ngiti sa labi ni Camille dahil ang mabibigat na yabag ng kaniyang Papa, na tanda na makakatikim ng parusa ang kaniyang kakambal sa mga kamay nito. Masayang-masaya na pinapakinggan lamang ni Camille sa isang tabi na pumulahaw na pag-iyak ang kaniyang kakambal, na sa kasalukuyang ito, sinasaktan na ito ng kaniyang Papa. "P-Papa, please huwag po." Patuloy na pag-iyak ni Camilla at kasabay ang pag-palahaw na pag-iyak nito ng binigyan ng malakas na sampal ng kaniyang Papa. "Diba sinabi ko na sa'yo na ayaw kong makikipag-kita ka sa lalaki? Ano itong nabalitaan kong may kasama ka ha?!" Nababalutan na ng maitim na aura ang itsura ng kanilang Papa. "Papa p-please." Naka-luhod lamang si Camilla sa harapan ng kanilang Papa at patuloy na umiiyak. "Mula ngayon ayaw ko nang makita na makikikipag-kita ka pa sa lalaking iyon. Layuan mo na siya! Mas mabuti pang doon kana lang kay Auntie mo Lucy sa Canada. Doon kana titira at doon kana mag-tatapos nang pag-aaral mo!" Final na tinig nito, na namutla ang mukha ni Camilla sa labis na sindak na kaniyang narinig. "Pa, h-huwag po. Huwag mong gawin sa akin iyan." Inis na padabog ang lakad ng mga paa ng Papa ni Camilla, paalis sa naturang lugar. Patuloy na umiiyak si Camilla, at bakas din ang sugat na natamo sa pag-mamalupit ng kaniyang Papa. "Camilla." Tawag ni Camille at sa pag-kakataon lumapit siya sa gawi ng kakambal na ngayon nanginig na sa takot "Camille. A-Ayaw kong mawalay sa'yo Ate. Ayaw kong pumunta sa Canada." Patuloy na hikbi nito. "Kausapin m-mo si Papa na dito na lang ako. Ayaw kong umalis dito at i-iwan ka." Anito at niyakap ni Camille ang kakambal na patuloy na humihikbi. "Huwag kang mag-alala Camilla, hinding-hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Kakausapin ko si Papa. Tahan na kambal." Sumilay ang nakaka- lokong ngiti sa labi ni Camille. Nararapat lang ito sa'yo Camilla! Inagaw mo sa akin ang lalaking mahal ko! Hinding-hindi ako makakapayag na, agawin mo siya sa akin! ***** Pinadala si Camilla ng kaniyang mga magulang sa Canada para doon ipag- patuloy ang pag-aaral. Labis na nadurog at nawasak ang puso ni Camilla dahil mawawalay na siya sa kaniyang kapatid, pero kasalunggat naman sa nararamdaman ni Camille dahil gustong-gusto niya talaga na umalis ang kapatid para wala na itong kaagaw pa sa lalaking pinaka-mamahal niya. Sa pag lipas nang mga taon naging maganda ang takbo ng buhay ni Camilla sa Canada kasama ang kanilang Auntie na nag paaral kay sakaniya.. Samantala naman si Camille ginawa niya ang lahat ng paraan para maging proud ang kaniyang Papa sa lahat ng kaniyang ginagawa. Sumikap siya sa pag-aaral at pinakita talaga ni Camille na mas higit na matalino at magaling pa siya sa kaniyang kakambal. "Ano ito Camille?" Sigaw ng kaniyang Papa na kasalukuyan na sila ng graduating ng college. "Another failing grades? Ang baba-baba ng score na nakuha mo sa exam at kahit na rin sa mga grades mo! Ito ba ang pinag-mamalaki mo sa akin! Ang napaka-babang grades na ito!" Sigaw ng kaniyang Papa at binato nito sa lamesa ang report card ni Camille. Gumilid na ang luha sa mga mata ni Camille na pinupulot ang report card niya. Parang binibiyak ang puso niya dahil ginawa niya naman ang lahat pero bakit hindi pa din siya sapat? "Hayaan mo D-Dad at babawi na lang po ako sa'yo. Pag- bubutihan ko ang pag-aaral ko para maging proud din kayo sa akin, pangako iyan." "Pangako? Huwag kanang mag pangako pa sa akin Camille. Ilang beses na kita binigyan ng chance pero anong nangyari? You keep disappointing me! Puro na lang pasang-awa ang grades mo!" Anito. "Mabuti pa ang kakambal mong si Camilla. Kahit malayo siya sa atin, hindi niya ako binibigyan ng sakit ng ulo. Simula no'ng umalis siya parati siyang top at may awards sa klase. Eh ikaw? Puro na lang sakit sa ulo ang binibigay mo sa akin Camille!" Galit nitong tinig. Tumayo si Camile at hinarap ang kaniyang Papa, na nag babaga na ang mga mata nito sa galit. "Ganun? G-Ganun na lang ba parati na Dad?" Basag na tinig ni Camille. "Si Camilla na lang mabait. Si Camilla na lang matalino at magaling. P-Paano naman ako Dad? Paano naman ko?" Uminit ang sulok ng mga mata ni Camille, na konti na lang iiyak na siya sa harapan ng Papa. "Ginawa ko naman ang lahat ng best ko para mapansin mo rin a-ako, pero bakit ba pawang kilos at galaw ko, lahat napapansin mo? Lahat mali sa paningin m-mo?" "Watch your manners Camille! Because of that you're grounded!" Tiim-bagang nitong tinig. Tinalikuran na nito si Camille at inis na nag martsa palabas ng Opisina nito. Pabagsak na sinarhan ang pinto na nawasak pa lalo ang puso niya sa sakit. Umagos ang luha sa mga mata ni Camille at pinunasan niya ang bakas na luha sa kaniyang mga mata at naging iba ang kaniyang mga mata na punong-puno ng galit at pait, na naka- tingin sa pinto na nilabasan ng kaniyang Papa. "Gusto niyong mabuting anak Dad?" mapait na tinig ni Camille. "Pwes, ipapakita ko sa'yo, kong gaano kabait si Camille." Wala sa sarili na kinuha ni Camille ang matulis at mabigat na trophy ng kaniyang Papa sa isang tabi. Parang nababaliw na siyang pinag-lalaruan iyon sa kaniyang mga kamay. At sinundan ni Camille ang kaniyang Papa, hanggang mag lakad na ito palapit sa hagyanan. Hindi napansin ng kaniyang Papa ang paparating na si Camille sa kaniyang likuran. Mabilis ang naging pag-kilos ni Camile at tatlong beses na hinampas ni Camille ang likurang ulo ng kaniyang Papa, na tumalsik ang malapot na dugo sa kaniyang mukha. Mabigat na bumagsak at puma gulong-gulo ang malamig na katawan ng kaniyang Papa sa hagyan at nabagok ang ulo nito. Tila ba nasisiyahan si Camille na pinag-mamasdan ang kaniyang Papa na nangisay na, hanggang sa tuluyang malagutan ng hiningga. Nararapat lang ito sa'yo tanda! Haharangin at aalisin sa landas ang mga taong, sisira sa mga plano ko! "Ahhh!" Naagaw ang atensyon ni Camille ng marinig ang nakaka hindik na sigaw nito, ng makita na walang-buhay na asawa sa sahig.. "J-Jusko Frederick." Tarantang tinig ng kaniyang Mama at nilapitan ang kaniyang Papa na wala ng bakas pang- buhay.. "Gumising ka Frederick. Frederick." Tinapik nito ang balikat ng kaniyang Papa. Bakas ang gimbal at pag-iyak ng kaniyang Mama ng mapansin na wala ng buhay ang kinamamahal niyang asawa. Umanggat ang tingin ng kaniyang Mama at tila ba naka-kita ito ng multo ng makita si Camille na naka-tayo sa dulo ng hagyan at pinag mamasdan sila mula sa itaas. "Anong ginawa mo C-Camille. Anong ginawa mo?" Sigaw nito sa pagitan ng pag-iyak. "Frederick. Frederick." Patuloy nitong tinatawag ang pangalan ng asawa at kasabay ang malakas na pumalahaw ng pag-iyak ang kaniyang Mama. "Ahh. Ang dumi ko na!" Iritadong pinunasan ni Camille ang bakas na dugo na kumalat sa kaniyang pisngi at binitawan nito ang hawak na trophy na may bakas na din ng dugo. Sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang labi na pinag-mamasdan ang kaniyang Mama na patuloy na umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD