Chapter 10

2950 Words
Chapter 10 MARCO'S POV "Naligtas na namin ang pasyente sa critical stage ng atake ng sakit niya.. Sa ngayon comatose siya.. Hindi pa rin namin matukoy kong kaylan siya magigising." "P-Po?" Napa-piyok na sambit ni Camilla ng marinig ang sinabi ng doctor. Bakas na rin ang pangilid ng luha ng kaniyang asawa, at naka-alalay lamang si Marco sa tabi nito. "Pero mag observe din kami para from to time para ma ma- monitor namin siya." Pinalambutan ng mga tuhod si Camilla sa napaka- gimbal na balita na kaniyang narinig. "Jusko, Mama." Napa-tutop sa mukha si Camilla kasabay ang pag bagsak ng mga luha. Niyakap ni Marco ng sobrang higpit ang asawa na ngayon umiiyak na ito sa kaniyang bisig. "Sa ngayon kukuha kami ng test at iba pang gagawin sa pasyente, para matukoy namin kong mayron pang ibang sakit ang Mama mo. Babalitan ko na lang kayo sa magigihg result. Well excuse me." Paalam ng doctor. "Maraming salamat Doc." Marco. Sinundan na lang ng tingin ni Marco ng tingin ang doctor mag lakad paalis. At munting hikbi na lang ang narinig niya sa munting asawa. "Anong gagawin natin M-Marco? Si Mama." Patuloy na iyak nito. Nadurog na rin ang puso ni Marco sa tuwing marinig ang pag-iyak ng asawa sa pag- aalala sa kalagayan ng kaniyang Mama. "Bakit nangyayari ang bagay na ito? Ayaw kong may mangyaring masama kay Mama d-dahil hindi ko kakayanin kapag nag kataon." "Lakasan mo lang ang loob mo Hon, walang mangyayaring masama kay Mama okay?" Pag papalakas-loob ni Marco dito "P-Pero si Mama." Patuloy pa din nang pag-iyak nito. ***** Kasalukuyan sila ngayon sa silid ni Mama Josephine. Naka- himlay ang walang malay nitong katawan sa hospital bed, at kinalungkot pa ni Marco dahil may naka kabit na kong ano-anong bagay sa katawan nito. Napaka-putla din ng mukha nito at hanggang ngayon wala pa ding malay. Kumalas ng pag-kakayakap si Camilla sakaniya at lumapit ito sa kaniyang Mama at patuloy itong kinaka-usap kahit alam naman sa sarili ni Camilla na wala pa din itong malay. "Marco," tinig ni Auntie Cecelia na bagong padating, na maagaw naman ng atensyon ni Marco. "Yes po Auntie Cecelia?" Lumapit ang nalulungkot na si Auntie. "Mas mabuti pang umuwi na lang muna kayo ni Camilla sa bahay, para makapag- pahingga na ang iyong asawa... Alas tres na nang hapon, pero hindi pa kayo kumakain ng tanghalian niyo." Bahid ng pag-alala sa tinig nito. Dahil na rin sa nangyaring pag-atake ni Mama Josephine nataranta na silang lahat na isugod muna ito sa Hospital. Hindi na namalayan ni Marco na pasado alas- tres na pala ng hapon, na kahit maka ramdam ng gutom wala siyang naramdaman. "Ayos lang po talaga kami Auntie. Babantayan po namin si Mama." Kong si Marco talaga ang tatanungin, gusto niyang manatili sa hospital para bantayan ito. "Huwag na Hijo, dahil kaya ko naman.. Ako na lang ang mag babantay sa kapatid ko. Papunta na rin si Jenny dito para dalhin ang mga gamit ni Josephine." Tukoy nito. "Sigurado po talaga kayo Auntie?" Tumango na lang ito bilang pag-sagot kay Marco. "Sige na Hijo, umuwi na kayo. Babalitaan ko na lang kayo kong nag kataon." Anito. "Basta kapag may kailangan po kayo, tawagan niyo na lang ako." Tugon ni Marco at ngumiti na lang ito sa akin ng kay tamis. Hindi nawala sa paningin ni Marco ang matalim na pag titig ni Auntie Cecelia sa gawi ni Camilla, na naka tayo lamang sa isang tabi. Bakit ganun? Bakit kay talim ang pinukulan niyang pag titig sa aking asawa? Hindi na lang pinansin iyon ni Marco at lumapit siya sa tulalang asawa na hinaplos si Mama na perinting naka himlay sa kama at wala pa ding malay. "Tara na Hon, umuwi na tayo." Pukaw niya ng atensyon kay Camilla. Namula na ang mga mata nito dala ng walang gatol na pag-iyak. "Gusto ko pang manatili dito Marco, gusto ko pang maka sama si M-Mama." Basag nitong tinig, na ayaw mag paiwan sa kaniyang Mama. "Pero Hon, kailangan mong mag pahingga at kumain kahit saglit." Pag-kukumbinsi ni Marco pero ayaw pa din nitong mag-paawat. "Ayaw ko Hon, dito lang a-ako sa tabi ni Mama. Baka pag alis natin, bigla siyang mag kamalay... Gusto ko na ako ang unang taong makita niya, bago siya magising." Garalgal na tinig nito at hinawakan ni Marco ang kamay ng asawa. Dinurog ang puso ni Marco ng makita ang kay lungkot na mga mata nito. "Sige na Hon, babalik na lang tayo mamaya dito." Nag pasalamat pa din si Marco dahil nakumbinsi nito ang asawa. "Sige Hon." Matamlay na tinig ni Camilla. "Auntie, aalis na po kami." Isang tango na lang ang sinagot ni Auntie Cecelia. Bago sila tuluyang lumabas, isang malungkot na sulyap ang pinakawalan ni Camilla sa kaniyang Mama, bago nila lisanin ang lugar na iyon. Hanggang sa byahe at kumain silang dalawa. Tulala pa din ang asawa nito na walang ganang kumain at kumilos. Labis na nalulungkot at nag-aalala si Marco dahil nakita ang pananamlay ni Camilla sa kalagayan ng kaniyang Mama. Saksi si Marco kong gaano kamahal ni Camilla ang Mama nito kaya't napaka- hirap na lamang para sakaniya na tanggapin na ganun na lang ang sinapit nito. "Okay ka lang Hon?" Pukaw muli ni Marco sa asawa, na ngayon nasa hapag-kainan sila. Hindi rin nakalahati ni Camilla na kainin ang pagkain na hinanda ni Marco. "Oo okay lang a-ako. Mag papahingga muna ako sa silid natin Hon." "Sige, susunod na lang ako sa'yo Hon. Mag liligpit muna ako dito." Marco. Humalik si Camilla sa asawa at nag buong tamlay na ito papunta sa silid nilang dalawa. Naiwan na lang si Marco sa ibaba para linisin ang kanilang pinag-kainan. Nang matapos mag linis ni Marco, napag pasyahan niyang maupo sa couch, at perinting pinikit ang mga mata para ipag pahingga muna ang sarili. Doon bumalik ang ala-ala sa isipan ni Marco ang katagang binitawan na salita ni Mama Josephine ng sandaling pumasok si Marco sa loob ng silid nito. FLASHBACK. C-Ca" anito. "Ano po Mama?" "C-Ca" nilapit ni Marco ang sarili pero sunod na lang ang malakas na unggol sa bibig nito. "Mille" "C-Ca- m-mille." Klarong-klaro sa isipan ni Marco na tinatawag nito ang pangalan ni Camille? Pero bakit? Bakit tinatawag niya ito kong alam nito na nasa Canada ito? Hindi kaya? Pinilig na lang ni Marco ang isipan para iwaksi ang iniisip. Siguro tinatawag nito si Camille dahil miss na miss na nito ang kaniyang anak. Tama. Baka lamang gustong-gusto na ni Mama Josephine na maka- sama ang anak nitong si Camille. Isa pa ding nag paagaw atensyon ni Marco na may tinuro si Mama Josephine sa parteng drawer malapit kong saan ito naka-upo at kasabay ng pag dilat ng mga mata ni Marco. Ano iyon? Mabilis na tumayo sa kina-uupuan si Marco para puntahan ang silid ni Mama Josephine. Parang may nag-uudyok sakaniya na tignan kong ano man ang tinuturo nito sakaniya. Mabilis at buong pag-iingat ang mga hakbang ni Marco papanhik sa pangalawang palapag na hindi makaka- gawa ng inggay na marinig ng kaniyang asawa. Tila ba para nang mag mag- nanakaw ang hakbang at kilos ni Marco ng sandaling iyon hanggang tuluyan na talaga siya maka- pasok sa loob ng silid ni Mama Josephine. Mabuti na lang talaga na walang ibang taong naroon dahil kasalukuyan nasa pag babantay sa Hospital si Jenny kaya't silang dalawa lamang ni Camilla ang naroon sa bahay. Unang nilapitan ni Marco ang maliit na drawer na tinuro ni Mama Josephine, at binuksan niya ang lamang no'n pero puro lamang libro at ibang gamit ang nandon. Ano kaya ang gusto niyang ipahiwatig sa akin? Ano kayang bagay ang gusto niyang sabihin? Binuksan ni Marco ang ikalawang drawer pero wala naman siyang nakitang kahina-hinala doon. Hinalughog at tinignan niya ang bawat laman ng drawer pero wala naman nakitang kakaiba si Marco dahil puro lamang gamit iyon ni Mama Josephine. Sinarhan ni Marco ang huling drawer at umayos ng pag kakatayo. Isang malalim na buntong-hiningga na lamang ang pumukawala sakaniya. Ano ba itong ginagawa ko? Tiyak na napa-paranoid na ako kong ano na lang ang naiisip ko. Aalis na sana si Marco sa silid, pero may nag- paagaw atensyon sakaniya ang naka siwang sa ilalim lamang ng drawer. May nag- uudyok muli sakaniya na tignan iyon sa huling pagkakataon. Pinasok ni Marco ang kamay sa loob pero wala naman siyang mahawakan doon na kakaiba. Pinasok pa lalo ni Marco ang kamay sa ilalim ng drawer para pag- butihan ang pag hahanap. Bigla na lang natigilan si Marco ng mahawakan siyang matigas at wala siyang idea kong ano iyon. Ano ito? Nilabas niya ang kamay sa ilalim, at ganun na lamang ang pag kunot ng noo ni Marco ng makita ang isang pares ng gamot. Ano ito? Para saan ito? Ito ba ang tinuturo sa akin ni Mama Josephine? Ilang segundo na pinag masdan ni Marco kong anong klaseng gamot iyon pero wala pa din siyang idea kong anong klase iyon. Unang tinignan ni Marco ang lalagyan ng gamot ni Mama Josephine sa isang tabi. Pinag- kumpara niya ang gamot na kaniyang nakuha at ibang gamot na naroon pero bakit mag-kaiba sila? Anong klaseng gamot ito? Nag- mamadaling lumabas ng silid si Madco at kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. Hindi na nagawang mag paalam ni Marco sa kaniyang asawa lalo't sa kasalukuyang na ayaw na niyang istorbohin ang mahimbing nitong pag papahingga. Mga ilang minuto lamang ng byahe, narating na ni Marco ang bayan at nag tanong-tanong siya sa posibleng pangalan ng gamot pero wala ni isang naka sagot sa kaniyang katanungan. "Miss alam mo ba kong anong klaseng gamot ito?" Pinakita ni Marco ang gamot ng maka dako siya sa isang pharmacy. Baka matulungan din siya matukoy ng mga ito kong anong klaseng gamot ang hawak niya. Kinuha ng babae ang gamot at ilang minutong sinuri ang gamot na hawak nito. "Pasensiya na po Sir, pero hindi kita masasagot sa bagay na iyan, hindi ko din alam kong anong klaseng gamot po ito." Anito. "Kong gusto niyo talagang maka siguro kong anong klaseng gamot ito, mas mabuti pang pumunta kayo sa hospital para masuri po nila." Suhesyon nito muli. "Ganun ba? Maraming salamat." Kinuha muli ni Marco ang gamot. Shit. Anong gagawin ko? Naging seryoso ang pagiging pag tingin ni Marco ng may maalala siyang isang bagay. "Hello Kevin."kasalukuyan nang naroon si Marco sa loob ng sasakyan at tinawagan ang matalik niyang kaibigan sa kabilang linya. "Hi Marco, my dear friend." Masayang bungad nito. "Pwede ba akong maka- hinggi ng pabor sa'yo?" Anito. "Ano iyon?" "Pwede mo bang alamin kong anong klaseng gamot na ito? Sinend ko na sa'yo ang picture, pwede mo bang tignan at alamin kong ano iyan?" Naging malalim ang kaniyang pag-hingga. "Sandali lang." anito na mukhang tinitigan na nito kong anong klaseng gamot na pinadala niya sa litrato. "Hm, hindi ko alam kong anong klaseng gamot iyan lalo't wala naman naka lagay na label at wala din na bottle. Mas mabuti pang pumunta ka dito sa Opisina ko para ma-check at ma-test ko, kong anong klaseng gamot iyan." Seryosong tinig nito. Lingid kasi sa kaalaman na isang doctor ang kaniyang kaibigan. Nag ma may-ari din ng Hospital ang mga magulang nito. "Maraming salamat talaga." Tukoy niya. "Papunta na ako diyan." Pinatay na ni Marco ang kanilang tawag, at binuhay muli ang makina nang sasakyan para puntahan ang kaibigan. Pasado alas- syete na nang gabi naka rating si Marco sa bahay. Labis na rin ang pagod at pananakit ng kaniyang katawan ng maka rating na siya sa bahay. Nadatnan ni Marco ang asawa na naka- harap sa salamin at sinusuklay nito ang mahabang buhok. She was humming a songs, na hindi nito napansin ang paparating na si Marco. "Hon?" Tawag ni Marco. "Hon, nandiyan kana pala." Napa- tigil si Camilla sa pag- susuklay at nilapag ang hawak na brush sa isang tabi. "Saan ka ba galing at kanina pa kita hinahanap?" Anito at tumayo na si Camilla para lamang lumapit sa asawa. Napa- dako ang tingin ni Marco sa asawa na naka suot ng bestidang puti at mayron na make-up sa mukha ni Camilla. Sobrang ganda ng asawa niya. Labis ang pag tataka ni Marco dahil hindi naman pala-suot si Camilla ng make-up pero sa pag kakataon na ito sobrang ganda nito at kahit na rin ang kaniyang kasuotan . "Oh bakit ka ganiyan maka- titig sa akin? Eto ba? Maganda ba ang suot ko Hon?" Umikot pa si Camilla sa harapan ng asawa para ipakita dito kong gaano kaganda ang suot nitong damit. "Diba ang ganda ko na?" Lumawak ang ngiti sa labi nito. "Oo ang ganda mo na Hon." Puri ni Marco sa asawa dahil maganda naman talaga si Camilla. Kahit wala itong suot na make-up, napaka natural at ganda pa rin nito. "Hon ano kaya kong uuwi na tayo sa atin?" Suhesyon ni Camilla na kinabigla naman ni Marco. "Ha? Agad-agad? Bakit?" "Diba balik mo na sa trabaho mo? Tapos na iyong limang araw mong leave sa trabaho, kaya't uuwi na tayo." "Eh paano naman ang Mama mo? Kailangan na ba talaga natin umuwi Hon?" Napakamot na turan ni Marco. "Oo Hon." Tumango si Camilla. "Naka-usap ko kanina si Auntie Cecelia at sinabi niya sa akin na sila na daw mag babantay kay Mama, kasama si Jenny.. Huwag kang mag-aalala dahil dadalaw-dalaw naman tayo kay Mama, kapag bakante tayo." "Sure ka ba talaga Hon? Okay lang sa akin na manatili pa tayo ng ilang araw dito sainyo, para naman maalagaan at mabantayan mo ang Mama mo." "Ayos lang talaga Hon." Anito ni Camilla at ngumiti ito. "Bukas nang umaga, uuwi na tayo sa atin hmm?" Tinapik ni Camilla ang balikat ni Marco. "Sige, hon." Hindi na naka- palag pa si Marco. "I love you so much hon." Hinalikan ni Camilla ang asawa sa labi at sabay ngumiti. "Tara kain na tayo ng dinner, nag patulong ako kanina kay Auntie Cecelia na mag luto ng pagkain nang umuwi siya saglit dito. Halika na Hon." Nauna ng mag lakad si Camilla palabas ng kanilang silid. Bakas ng panibago ang gumuhit sa isipan ni Marco na sinusundan ng tingin si Camilla na sumasayaw habang kumakanta sa labis na saya. STILL MARCO'S POV Pasado alas- nuwebe ng umaga sila naka-rating sakanila at sinalubong naman kaagad sila ng katulong na si Lilybeth. Tinulungan muna ni Marco mag asikaso ng kanilang gamit ang asawa sa kanilang silid. Bukas pa naman ang pasok ni Marco sa trabaho. Dapat sanang ngayon na ang balik niya sa kompaniya pero mas pinili niyang mag extend ng leave kahit isang araw para naman makapag- pahingga na rin. "Tara hon, mag kain na tayo ng tanghalian." Excited na hila-hila ni Camilla ang asawa pababa ng hagyanan para ayain ito na sabay na silang sumalo ng pagkain. "Bakit hon?" "Espisyal ang araw na ito hon. Bilis." Turan ni Camilla ng maka- rating na sila sa hapag-kainan. Napa mangha na lang si Marco ng makita na naka set-up na ang lamesa at naka handa na rin ang iba't-ibang masasarap na pagkain. "Do you like it?" Kulang na lang mapunit na ang lawak ng ngiti sa labi ni Camilla na pinapakita kay Marco ang hinanda nito. "Yes hon, gawa mo ba ito?" Takang tukoy ni Marco. "Hmm, konti lang naman." Anito. "Alam mo naman na hindi ako marunong mag luto hindi ba? Nag patulong na lang ako kay Lilybeth na handain ang lahat ng ito. Gusto ko din maka- bawi ako sa'yo Hon." "Ang sweet naman ng asawa ko." Bahagyang pinisil ni Marco ang baba ng asawa na kinakilig naman nito. "Alam mo, ang best nito mag handa din tayo ng wine habang kumakain tayo." Suhesyon ni Camilla. "Sige gusto ko iyon." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Camilla at mabilis na itong umalis para kumuha ng wine. Hindi mapigilan ni Marco na kiligin dahil nag- abala pa talaga ang asawa niya para surpresahin siya nito ng bongga at masarap na tanghalian para lamang sakanilang dalawa. Natigilan si Marco ng mag-ring ang phone at walang ano-ano sinagot ang tawag. "Hello Kevin, napa tawag ka ata." Hindi pa rin naalis ang tingin ni Marco sa lamesa. "Natapos ko nang suriin ang gamot na pinadala mo sa akin kahapon." Seryosong tinig ng kaibigan. "Talaga ba? Alam mo ba kong anong klaseng gamot iyon?" Naging mabigat ang pag- hingga ng kaibigan sa kabilang linya. "Ginagamit mo ba iyon Marco? Saan mo ba iyon nakuha? Alam mo bang pinag- bawal na ang gamot na iyon?" "Anong ibig mong sabihin?" Parang sinuntok ang dibdib ni Marco sa naging tinig ng kaibigan. "Ang gamot na iyon ay delikado." Parang natigilan ang katawan ni Marco sa kaniyang narinig. "Pinag-aralan kong mabuti ang gamot at labis akong nagulat nang malaman kong ano iyon.. Unti-unting pinapatay ang pasyente kong sino man ang umiinom ng gamot na iyon.. Pwede rin maka- ranas ang pasyente ng stroke, nahihirapan mag salita at gumalaw. Pwede rin maka ranas ng seizure sa katawan ng pasyente, at worst na scenario, pwedeng ikamatay ng pasyente, kapag hindi na naagapan!" Nagimbal si Marco sa katagang binitawan ng kaibigan. Ano? Totoo ba ito? Nabalot ng takot at nerbyos ang dibdib ni Marco ng marinig ang katagang iyon? Bakit parang tugmang-tugma ang sinabi ni Kevin sa nangyari kay Mama Josephine? "Hon, tara na kain na tayo. Dala ko na ang wine!" Naka ngiting tugon ni Camilla na mapa- baling si Marco sa gawi ng asawa na may hawak nang champagne glass at wine. Hindi na mawala ang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Camilla. Fuck. Anong ibig sabihin nito? Hindi na lang namalayan ni Marco n naka-kuyom ang mga kamao habang naka titig sa gawi ni Camilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD