Chapter 9

1725 Words
Chapter 9 CAMILLA'S POV "Pasensiya kana po Mam, umalis lang po ako saglit para kumuha ng tubig ni Mam at pag balik ko p---" "Pasensiya? Hindi mo ba alam kong anong nangyari sa pag alis mo kanina? Muntik ng mapahamak si Mama, buti na lang nandon si Marco para alalayan siya kanina." Patuloy na pag sermon ni Camilla sa nurse na naka- yuko na sa harapan nito at hindi na matignan siya ng diretso. Napa hilot na lang sa noo si Camilla sa labis na takot at pangamba na nadatnan niya kanina ang Mama niya na mag seizure dahil sa sakit nito. Natakot na siya na baka sa sunod na pag atake nito, baka mas malala pa ang mangyari dito. Sinilip ni Camilla ang kaniyang Mama sa loob ng silid na naka higa na ito sa kama at kasalukuyan na inaalagaan ni Auntie Cecelia at Marco sa loob. "Kong aalis at may pupuntahan ka, pag sabihan mo kami para naman matignan namin siya, habang wala ka... At ayaw ko ng maulit ang bagay na ito, nag kakaintindihan ba tayo?" "Yes Mam po." Takot na tinig nito. Nag pakawala ma lamang ng malalim na buntong-hiningga si Camilla para pakalamahin ang sarili, dahil sa pangyayari na nadatnan niya kanina. Paano na lang kong wala doon ang asawa niya sa silid? At baka mas naging malala pa ang nangyari dito. "Ito ipa-inom mo ito kay Mama." Binigay ni Camilla ang gamot dito. "Ikaw na ang bahala kay Mama at sisiguraduhin mo lamang na huwag kanang papalpak-palpak sa trabaho mo. Kapag naulit pa ang bagay na ito, alam mo naman siguro ang mangyayari sa'yo hindi ba?" Bakas ang takot ang gumihit sa mata ni Jenny at mabilis pa sa alas-kwatro na tumango ito. "Pasensiya na talaga Mam. Hindi na talaga po mauulit... Aayusin ko na lang po ang trabaho ko." Nag vow ito sa harapan ni Camilla. "Sige makaka-alis kana." "Sige po Mam." Nag mamadali itong umalis na animo'y takot na takot sakaniya. Nag pakawala na lamang ng malalim na buntong-hiningga si Camilla na sinundan ng tingin si Jenny palayo. Bukas na ang uwi nila ni Marco dahil patapos na ang limang araw nilang bakasyon dito sa bahay ng kaniyang Mama. Paano niya pa maiwan-iwan ito, kong parati na lang sinusumpong ng pag atake ito ng kaniyang sakit? Napa-itlag si Camilla ng marinig ang sunod-sunod na pag vibrate ng phone niya. Wala sa sariling napa-ngiti ito ng mabasa ang pangalan na nag appear sa screen name. "Hello kambal." Walang buhay na tinig ni Camilla. [Kamusta? Bakit ganiyan ang tinig mo?] Camille. "Wala naman. Nag seizure ulit si Mama kanina, pero maayos na din siya ngayon. Huwag kanang mag-alala kambal, binabantayan siya ngayon ni Auntie Cecelia at ni Marco." Narinig ni Camilla ang malalim na pag buntong-hiningga ng kakambal, na halatang nag aalala din ito sa kalagayan ng kanilang Mama. "Napa tawag ka ata kambal?" [Ewan ko kambal, bigla na lang ako nagising nang hindi ko mawari kong bakit kaya't tinatawagan kita kaagad para kamustahin kong maayos lang kayo diyan.. Nalulungkot ako, na wala man lang ako diyan para alagaan si Mama.] Malambing na tinig ni Camille. Ramdam ni Camilla ang pag-aalala ng kambal na napa- tawag ito na kahit pasado alas onse na nang gabi sa Canada. "Umuwi kana kasi kambal para naman maka-sama kana namin dito." Kong si Camilla talaga ang tatanungin gusto na niyang umuwi na dito ang kapatid niya para naman dito na lang ipag patuloy ang pag trabaho dito, pero hindi din maiwan-iwan ng kaniyang kapatid ang trabaho nito sa Canada. "Miss na miss kana ni Mama na parati ka niyang hinahanap sa akin. Alam mo ba kambal? May konting improvement na si Mama, paunti-unti na siyang nakaka bigkas pero hirap pa din siya... Pero mas maayos na iyon hindi ba, dahil kahit papaano nagiging okay na din siya." [Hayaan mo at uuwi din ako diyan kambal.. Kaka-usapin ko ulit ko at baka naman payagan niya na ako mag 1 month leave.] "Sige na kambal mag pahingga kana diyan. Tawagan na lang kita bukas." [Sige kambal. Goodnight, ingat kayo diyan. Paki-sabi din kay Mama na mahal na mahal ko siya. Bye.] Rinig na lang ni Camilla ang pag- putol ng tawag sa kabilang linya at kasabay ang malalim na buntong-hiningga. "Hon?" Tinig ni Marco at mabilis na sinilid ni Camilla ang phone sa bulsa. "Oh hon, ikaw pala." "Sino ang kausap mo?" Kunot-noong tinig ni Marco. "Si Ate Camille lang na-ngangamusta lamang. Na-ikwento ko din ang nangyari kanina kay Mama."anito. "Siya nga pala si Mama? Pupuntahan ko siya," tangka sanang papasok ng silid si Camilla pero mabilis naman na pinigilan ni Marco. "Nag papahingga na siya ngayon Hon. Mabuti na lang at naagapan siya kaya't hindi na gaano siya nag seizure." Napa-hawak na lang sa noo si Camilla sa labis na pag-aalala. "Everything's gonna be alright.. Mamaya puntahan natin ang Mama mo para makita mo siya." "Maraming salamat talaga Hon." Hinawakan ni Camilla ang kamay ng asawa. "Hindi ko alam kong bakit parati na lang sinusumpong si Mama ng sakit niya.. Nag- aalala na talaga ako Marco sa kalagayan niya. Paano kong maging malala pa ang mangyari sa kaniya? Hindi ko na makakaya ang b-bagay na iyon." Unti-unting nabasag na ang tinig ni Camilla. "Ano kaya kong ibalik na lang natin ang Mama mo sa Hospital Hon?" Suhesyon ni Marco na kinatigil naman ng asawa niya. Pinag- mamasdan lamang ni Camilla si Marco, na animo'y hinihintay ang susunod pa nitong sasabihin. "Para doon siya matutukan nang pag aalaga at paggamot. Minu-minuto ma mo-monitor din siya ng nurses at mga doctor, baka sa paraan na iyon maging mabilis ang improvement ng kalagayan ni Mama." Anito. "May- ari ng Hospital ang pinsan ko, at magaling sila sa larangan ng pag-gagamot. Naisip kong doon na lang natin siya idala, para naman hindi na siya gaanong ma-stress dito sa bahay.. Nakaka- buti din sa isang pasyente ang magandang environment, at baka mas doon maging okay ang kalagayan ng Mama mo...Ako na bahala sa gastusin ng Mama mo sa Hospital para naman hindi kana masyado mag-alala sakaniya ng lubusan." Kulang na lang matunaw na sa galak ang puso ni Camilla sa katagang binitawan ng asawa niy. "P-Pero Hon. Nahihiya na ako sa'yo," hinawakan ni Marco ang kamay ng asawa. "Bakit ka naman mahihiya sa akin?" Hindi gaano naka sagot si Camilla. Nahihiya na din siya kay Marco na sasagutin pa nito ang gastusin ng pag papagamot ng kaniyang Mama. "Syempre ikaw na ang mag sasagot ng gastusin ni Mama. Hayaan mo at mag bibigay din kami ni Ate Camille ng pera para naman maka- tulong sa pag papagamot niya." "Huwag mo nang isipin ang bagay na iyon Hon..." Marco. "Yong pera ninyo ni Camille, itabi niyo na lang muna at ilaan sa ibang bagay.. Ako na ang bahala sa lahat.. Gusto kong maka tulong, kaya't hayaan mo na ako. Hmm?" Ngumiti ng matamis si Camilla at niyakap ng sobrang higpit ang asawa sa labis na pasasalamat dito. Labis siyang swerte sa lalaking napa-ngasawa ni Camilla dahil napaka bait at mabuting puso ni Marco. "Maraming salamat talaga Hon. I love you!" Lalo pang humigpit ang pag kakayakap ni Camilla at sinuklian naman siya ng asawa. "Anything for you Hon. I love you too." CAMILLA'S POV "Good morning Mam Camilla." Naabutan ni Camilla si Auntie Cecilia na abalang nag lilinis at nag hahanda na rin ng kanilang agahan. "Good morning Auntie cecelia. Ano po ang ginagawa mo?" Masayang bungad ni Camilla. "Nag luto ako ng agahan para sa ating lahat." Anito at naka- tuon lamang ang atensyon nito sa niluluto. Sinadya talaga ni Camilla nang magising ng mas maaga para maagang puntahan ang kaniyang Mama sa silid. Naisip niya kasi na pag handaan at dalahan ito ng masarap na almusal, kaya't kina-gabihan sinabihan niya na rin si Auntie Cecelia para sa magiging plano niya kaya't maaga rin ito nag handa ng almusal ng kaniyang Mama. Pasado alas-sais pa lang ng umaga at kasalukuyan pang tulog si Marco sa kanilang silid. Si Jenny naman, inutusan niya na muna itong handain ang ipang- papaligo ng kaniyang Mama pag katapos mag almusal. "Ito na po Mam Camilla ang inutos mo sa akin, na ipag handa kong almusal sa Mama mo." Napa-ngiti na lang si Camilla ng masilayan sa tray ang naka handang pag kain na masustansiya at mainam na pagkain sa gaya ng sitwasyon ng kaniyang Mama. Naka- lagay na rin doon ang basong tubig at hinandang gamot na iinumin ng kaniyang Mama, pag katapos mag-almusal. "Maraming salamat talaga Auntie." Bitbit na ni Camilla ang tray ng pagkain at excited na pumanhik sa itaas para salubingin ng matamis na ngiti ang kaniyang Mama. Hindi mapigilan ni Camilla na mapa-ngiti at sobrang taba ng kaniyang puso dahil pawang paborito talaga ng kaniyang Mama ang pinahanda niya kay Auntie Cecelia. Tanaw na ni Camilla ang pintuan ng silid ng kaniyang Mama at lalong humihigpit ang pag kakahawak niya sa tray. Nag pakawala na lamang ng malalim na buntong-hiningga si Camilla bago hinawakan ang seradura ng pintuan at tinulak iyon pabukas. "Good morning Mama. Nag handa ako ng masarap na almusal para sa'yo," salubong na tinig ni Camilla para surpresahin ang kaniyang munting Mama. "Tara Mama para, makapag almusal kan---" hindi na natapos ni Camilla ang susunod na sasabihin ng mabalot ng kilabot ang kaniyang dibdib ng makita ang kaniyang Mama na ngayon naka bulagta ang katawan nito sa malamig na tiles at nangi-ngisay na animo'y kinakapos ng pag-hingga. "M-Mama. Mama!" Malakas na sigaw ni Camilla sa labis na gimbal ng puso na nabitawan ang hawak na tray. Umalingawngaw ang malakas at nakakahinddik na pagkabasag nito sa sahig. Hindi maka- galaw si Camilla sa labis na sindak at takot ng makita na putlang-putlang at nangitim na ang mukha nito. "N-No. No, please Mama." Naiyak na tinig ni Camilla at taranta na hinakbang ang mga paa para lapitan ang kaniyang Mama na animo'y parang hayop na nag-aagaw buhay na nahihirapan sa pag-hingga. "Mama. Mama please stop." Tarantang inalalayan ang matigas na katawan ng Mama at kasabay ang pag init ng sulok ng mga mata ni Camilla. Para na itong manok na nangi-ngisay na, nag lalaban ng buhay nito. "Nurse! Auntie!" Malakas na sigaw niya muli at kasabay ang pag bagsak na nang luha na kanina niya pa pinipigilan.. Please Mama. Don't do this. Iligtas niyo ang Mama ko. Please.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD