Chapter 8

2246 Words
Chapter 8 MARCO'S POV Nadatnan ni Marco ang abalang si Auntie Cecelia sa pag hahanda ng tanghalian sa kusina. Malimit lamang niyang maka-usap ito dahil abala din ito sa ibang bagay at pag lilinis na rin. Ang asawa niya naman na si Camilla abala din sa pag-aalaga kay Mama. Siya din ang nag papakain at nag papa-inom ng gamot, at katulong naman nito si Jenny sa pag-aalaga. "Auntie, tulungan ko na po kayo sa pag luluto." Pag pre-presinta niya dito dahil bakante naman si Marco ng sandaling iyon. "Huwag na Hijo, kaya ko na ito." Pag tatanggi nito at tinuon muli ng atensyon ang niluluto nito. "Bumalik kana sa loob at baka hinahanap kana ng iyong asawa." "Nasa loob si Camilla kasama niya ngayon si Mama... Tulungan ko na kayo dahil mukhang napaka- rami ang hahandain niyong ulam." Pag pipilit ni Marco dito dahil hindi lamang isang ulam ang niluluto nito kundi apat na putahe.. Ganun talaga parati si Auntie Cecilia, na pasado alas- nuwebe ng umaga nag sisimula na itong mag luto para sa tanghalian. Naka-ugalian na nito ang mag luto ng maraming pagkain kahit konti lang naman sila kakain. "Madalas kasi ako ang nag luluto sa bahay namin dahil hindi naman hilig ng aking asawa ang pag luluto." Tuloy na kwento ni Marco dito. Pero hindi naman siya nag rereklamo na parati niya na lamang pinag lutuan ang asawa dahil gusto niya talaga sa lahat ang pag lutuan ng masasarap na pagkain si Camilla. "O-Oo, sinabi mo pa Hijo." Tugon nito. "Kumusta naman ang pamamalagi niyo dito sa bahay? Hindi ka naman ba nahihirapan sa pag tulog dito? Siguro naninibago ka sa unang araw mo dito sa Mansyon dahil ibang-iba dito sa bahay niyo." "Maayos naman po Auntie." Tumango si Marco. "Siya nga pala Auntie, may contact number or mail ka po kay Camille?" Pag bubukas niya ng usapan na kinatigil nito sa pag- hahalo nang niluluto. "C-Camille?" Gulat na tinig nito na animo'y naka kita ng multo ang kaniyang itsura. Hindi mawari ni Marco kong bakit ganun ang kaniyang expression nang binanggit ang pangalan ni Camille. "Yong binigay kasi sa akin ni Camilla na numero ng kapatid niya, hindi rin nag re-reply sa akin." Ilang araw na pinadalahan ni Marco si Camille gamit sa Mail or social media pero hanggang ngayon wala pa din siyang matanggap na message mula dito. "Ganun b-ba? Si Camille ba?" Anito na para bang hindi ito mapakali at binitawan ang hawak na sandok ni Auntie Cecilia. "Opo Auntie 'yong kakambal ni Camilla, iyong nasa Canada diba po?" Humarap si Auntie Cecilia kay Marco. "K-Kasi ano Marco, tungkol kasi kay Camille, a---" hindi na natapos ang sasabihin nito ng may suminggit. "Auntie Cecelia, Marco!" Tinig ng bagong dating na kina- taranta naman ng Auntie Cecelia nito na naka- kita ng multo ng makita si Camilla. Tinuon na lang nito ng atensyon ang pag luluto at patay malisya na wala bang nangyari. Abot ngiti sa labi ni Camilla na lumapit sa asawa. "Hon," hinalikan ni Marco ang noo ng asawa. "Kamusta naman ang pag-uusap niyo ni Mama?" "Maayos naman. Ganun pa din siya, hindi pa din maka-usap." Malungkot na tinig nito. "Kasalukuyan siya na inaayusan ni Jenny, kaya't iniwan ko na muna silang dalawa sa silid," Napa-tango na lang si Marco sa sinabi nito. "Good to hear then. Okay kana ba dito sa bahay ng Mommy mo?" "Oo naman Hon. Gustong-gusto ko na dito para araw-araw kong naalagaan si Mama." Malawak na ngiti ang gumuhit sa labi nito. Kahit papaano nabunutan ng tinik sa dibdib si Marco dahil paunti-unti nang bumabalik sa dati ang sigla ng kaniyang asawa. Hindi na rin siguro nag papakita sakaniya ang babaeng madalas niyang makita sa kanilang bahay. "Siya nga pala Hon, nakita mo ba 'yong earrings ko? Yong madalas kong suotin... Alam kong nadala ko iyon papunta natin dito kila Mama, kaso hindi ko na nakita pa." Napa-ngusong sambit ni Camilla. "Sige, ako na lang muna ang hahanap, mukhang nakita ko iyon sa isang bag." "Tulungan na kitang mag-hanap." Pag presinta nito. "Hindi na Hon, ako na lang hahanap. Dito kana lang muna. Babalik din ako kaagad." Humalik si Marco sa asawa at nag paalam na itong umalis. "Sige Hon. Hintayin na lang kita dito." Isang tango lamang ang sinagot ni Marco at lumabas na siya sa kusina. Bago lisanin ni Marco ang silid na iyon nakita niyang nag lakad si Camilla palapit sa gawi ni Auntie Cecelia. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Puno ng tamlay at naka-yuko lamang si Auntie Cecilia na animo'y pinapagalitan ng kaniyang asawa. Nag-uusap sila sa paraan na mahina at pagalit na tinig dahil ang kanilang mukha napaka seryoso. Bakit ganun? Bakit parang pinapagalitan ni Camilla si Auntie Cecilia? Hindi na lang pinansin ni Marco iyon at dire-diretso na siyang nag lakad papanhik sa itaas. Nang maka- rating na siya sa pangalawang palapag. Napa titig si Marco sa naka saradong pintuan ng Mama ni Camilla. May kong anong nag- uudyok kay Marco na pumasok sa silid ni Mommy Josephine. Tangka sanang hahawakan ni Marco ang seradura ng pintuan, pero sakto naman na bumukas ang pintuan at lumuwa ang bulto ng nurse na si Jenny, na animo'y gulat na gulat nang makita si Marco. "S-Sir?" Gulat na tinig nito na hindi makapaniwala na naka tayo siya sa harapan ng pintuan. "G-Good morning po Sir." Anito na may hawak itong lalagyan na mukhang ginagamit nito sa pag aasikaso ng pasyente at ilang mga gamot na iniinom din ni Mama. "Good morning din. Papasok lang sana ako sa silid para tignan si Mama." Tangka sanang papasok si Marco sa silid, pero bigla naman humarang si Jenny, na animo'y ayaw siyang papasukin. "Huwag na po Sir, kasalukuyan na pong natutulog si Mam Josephine." Anito na mag kasalubong ang kilay ni Marco sa sinabi nito. "Naka tulog siya matapos kong painumin ng gamot. Dalawin niyo na lang siya mamaya kapag nagising na siya." "Ganun ba? Salamat." Nag lakad na si Marco papanhik sa kanilang silid para hanapin ang pina-pahanap ng kaniyang asawa. Unang hinahanap ni Marco ang hikaw ni Camilla sa maleta nila at drawer pero wala din doon. Sunod na hinanap nito sa bag at doon na nga nakita ni Marco ang kaniyang hinahanap. "Nakita din kita." Anito at nilagay sa bulsa ang hikaw na hinahanap ni Camilla. Natigilan si Marco ng tumunog bahagya ang phone niya. Chi-neck niya ang phone at labis ang pag tataka na mayron siyang message galing sa Mail. Binuksan ni Marco ang mensahe ang ganun na lang ang saya na gumuhit sa labi nito ng makita na galing ang mensahe sa kakambal ng kaniyang asawa. Camille: Hello Marco, pasensiya na kong hindi ako gaanong naka reply sa mga message mo sa akin, dahil abala din ako sa aking trabaho. Nabasa ko ang pinadala mong mensahe, at mga pictures. Kinagagalak kong maka-trabaho ka. Nag ka-usap na kami ng iyong Daddy at kasalukuyan na kaming under negotiation. Sinilid ni Marco ang phone sa bulsa at nag lakad na pababa ng hagyan para puntahan ang asawa. Napa- tigil muli si Marco ng makita na naka-awang ang pinto sa silid ng kwarto ng Mama ni Camilla. Bakit naka bukas ito? Ilang araw na namamalagi sila Marco sa bahay ng mga magulang ng kaniyang asawa, pero ito ang kauna-unahang beses na nakitang naka bukas iyon. Parati kasing naka sarado ang pintuan na animo'y ayaw mag papasok ng ibang tao. "Hello?" Ginala ni Marco ang tingin sa loob pero wala ang nurse na si Jenny. Asan kaya ito? Patuloy na nag lalakad si Marco papasok ng silid. Nag paagaw atensyon ang bulto ni Josephine na naka- upo sa sa wheelchair na malapit sa bintana. Labis ang pag tataka ni Marco na gising ito na kasalungat sa sinabi ni Jenny na natutulog na daw ito. Lumapit si Marco sa tapat ng Mama ni Camilla at hinawakan ang kamay nito. "Hello Mama, si Marco ulit po ito." Anito at naka- titig lamang sa malayo si Josephine. Parang kinakausap ni Marco ang isang pader na alam niya naman sa kaniyang sarili na hindi naman ito sasagot sa kaniyang sinasabi. "Maraming salamat Mama. Nai-kwento ng aking asawa kong gaano ka kabait at kabuting Ina sakaniya at nag papasalamat ako doon. Mahal na mahal ko po Mama si Camilla at makaka-asa po kayong mamahalin at aalagaan ko siya ng buo, gaya ng pag aalaga at pag-iingat niyo po sakaniya." Matamis na ngiti ni Marco at wala pa ding imik ang Ginang. "Siya nga pala Mama,may regalo po ako sainyo." Nilabas ni Marco ang isang maliit na paper- bag na hinanda niyang regalo sa Ina ni Camilla. Naka limutan niyang ibigay ito no'ng unang dating pa lang nila kaya't ngayon niya ito maibibigay. "Ito po Mama sana po magustuhan niyo po ito." Nilagay ni Marco ang paper bag sa isang tabi. Labis ang lungkot na gumuhit sa mukha ni Marco na wala pa ding imik ito, na napaka layo ng kaniyang iniisip. "Sige na po Mama, aalis na po ako para makapag-pahingga na po kayo." Tuloy ni Marco at tumayo na siya para iwan ito. Hindi paman nakaka-alis si Marco natigilan siya ng maramdaman ang mainit na kamay na humawak sa kaniyang pulsuhan. Kahit hindi niya tignan, alam niya sa kaniyang sarili kong kaninong kamay ito. Bumaling si Marco kay Mama Josephine na ngayon naka hawak ito sa kamay ni Marco, samantala naman ang tingin nito sa bintana pa rin. Bakas ang guhit na pag kabigla sa mga mata ni Marco dahil ito ang kauna-unahang beses na makikita niyang nag kaganun ito. Unti-unting bumaling ang tingin ni Mama Josephine kay Marco at sa pag kakataon na ito doon nakita ni Marco ang seryoso at kakaibang mata na ngayon niya pa lang nakita. Mga matang bahid ng takot at pangingi-usap. "Mama bakit po?" Marco at inaalis niya ang kamay nitong naka hawak sakaniya. Sa tuwing inaalis niya, lalong humihigpit ang pag kakahawak nito na animo'y nag papahiwatig na ayaw nito na bumitaw sakaniya. "B-Bakit Mama? May problema ba? Ano pong gusto niyo?" Naging malikot ang mga mata ng matanda at kasabay ang pumukawala unggol sa bibig nito na animo'y may sinusumbong pero wala naman na nabuong tinig at salita sa bibig nito. "Bakit Mama? Ano po iyon?" Biglang tumigas ang katawan ng Mama ni Camilla na parang gustong gumalaw pero hindi naman maka kilos ito. Lalong naging malakas ang unggol at paninigas ng katawan nito. Ang mga mata naman ng Ginang naging malilikot at naging matalim. Ibang-iba ang paraan ng masamag titig na animo'y galit na galit. Hindi mawari sa pakiramdam ni Marco ang labis na takot dahil nanlilisik na ang mga mata nito sa galit at humihigpit na rin ang pag hawak nito sa pulsuhan ni Marco. Hinihila si Marco ng malakas na animo'y nag papahiwatig na lumapit pa siya lalo sa matanda. "Ano po iyon Mama?" Bakas na takot na gumuhit sa tinig ni Marco at nilapit niya pa ang sarili sa Ginang. Pilit nitong binubuka ang bibig ng matanda pero wala naman nabubuong salita. "M-Ma, ano po iyon? Ano po ang gusto niyong sabihin?" Tarantang tinig ni Marco na lalong lumalakas ang unggol na pumukawala sa tinig ng Ginang. Lumingon si Marco sa kaliwa't-kanan pero wala pa naman si Jenny. Nilapit pa ni Marco ang sarili para pakinggan ang sinasabi nito pero puro unggol lamang ang binabanggit nito. Nakaka buo ito ng paunti-unti at putol-putol na salita pero hindi naman klaro sa pandinig ni Marco kong ano ba ang ibig ipahiwatig at sasabihin nito. "C-Ca" anito. "Ano po Mama?" "C-Ca" nilapit ni Marco ang sarili pero sunod na lang ang malakas na unggol sa bibig nito. "Mille" "C-Ca- m-mille." Kong ano ang ibig-sabihin ng katagang iyon. May binulong pa ito pero hindi na klaro sa pandinig ni Marco "Ano Mama? Hindi ko po kayo maintindihan." Pang-uulit pa ni Marco pero lalo lamang naging malakas ang unggol sa bibig nito na animo'y nahihirapan ng mag salita pero pinipilit niya na lamang ng kaniyang sarili para bumigkas ng letra. "Ah hmm ahh." Tanging unggol lamang ng matanda at may tinuturo ito ng isang bagay sa tabing drawer kong saan malapit ang matanda. Kumunot pa lalo ang noo ni Marco na hindi makuha ang ibig nitong sabihin. Hindi rin maintindihan niya kong ano ba ang sinasabi nito. "Ano po Mama?" Kumuwala muli ang malakas na unggol sa tinig ng matanda at kasabay ng pag seizure nito, na hindi nito na kontrol ang kaniyang emosyon. "Mama! Mama!" Matigas at tarantang tinig ni Marco ng tuluyan ng mag tigas ang katawan nito na animo'y nahihirapan na. "Nurse! Nurse!" Sigaw ni Marco at umalalay na siya dito para hindi na ito tuluyan na bumagsak sa kina-uupuan. "Mama! Mama!" Patuloy na sigaw ni Marco at inaalayaan ang matanda na ngayon nag wala na ito, na animo'y nawawala na sa sarili. "Jusko Mam." Tinig ni Nurse Jenny at tarantang lumapit sa matanda kasabay nang nag- aalalang si Camilla na pumasok sa silid. Nanghina si Marco na pinag-mamasdan si Camilla at Jenny na inaalayan si Mama Josephine na ngayon nanigas na ang katawan at kasabay na hindi na nila alam ang kanilang gagawin. Tanging naririnig na lang ni Marco ang malakas na sigaw ni Camilla na takot na takot na ang kaniyang Mama sinusumpong na naman ng kaniyang sakit. Napa suklay na lang si Marco sa labis na takot na baka may mangyaring masama dito. At tulala sa nangyaring kagimbal-gimbal. Anong ibig sabihin ng binanggit na salita sa akin ni Mama Josephine? Ano ang lahat ng iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD