Chapter 7

3687 Words
Chapter 7 "Good morning Mam, Sir." Napa ngiti na lang si Camilla ng makita ang babaeng nasa 28 years lamang sa harapan nila. Matangkad at simple lamang ang ganda ng babae na si Lilybeth. Naka suot ito ng simpleng damit na uniforme at mayron na maamong mukha. May sarili ng pamilya ito at may dalawang anak na lalaki. Naka tira si Lilybeth sa Davao. Dalawang araw na nito sa bahay ng mag-asawang Marco at Camilla para mag silbing bagong katulong. Galing si Lilybeth sa Mommy ni Marco, at ito ang pinadala sa kanilang katulong para naman may kasama si Camilla at maka-tulong na rin sa mga gawaing bahay. Sa una naging tutol si Camilla sa pag kakaron ng katulong dahil ayaw niya talagang kumuha. Dahil na rin sa kagustuhan ng asawa niya at Mommy ni Marco, napapayag na din siya na kumuha ng kasambahay. Naisip din ni Camilla na kailangan niya talaga ng katulong at kasama lalo't palagi naman wala ang asawa para mag trabaho. Madalas naiiwan mag-isa si Camilla at kahit papaano naging kampanti na rin ang loob ni Camilla dahil may kasama at kausap na rin siya habang wala si Marco. Nawala na din ang pangamba at takot sa dibdib niya dahil hindi na gaano ni Camilla nakikita ang madalas na babae na nag papakita sakaniya. Pero nandon pa din ang takot na lumukob sa dibdib ni Camilla kapag mag-isa lamang siya sa isang silid. Naalala niya ang nakakatakot na mukha ng nilalang na ayaw ng alalahanin pa ni Camilla. Gusto niya na kalimutan kong ano man na kilabot at misteryoso na dala ng babaeng naka puti na madalas na nag papakita sakaniya, pero nanaig pa din sa puso ang takot at kilabot na baka balikan na naman siya muli nito. Nilapag ni Lilybeth ang huling pagkain na hinanda nito para sa almusal. Naka lapag na rin sa lamesa ang masasarap na pagkain at kong ano-ano pa. "Good morning din sa'yo Lilibeth." Camilla, at perinti na ang mag-asawa na naka-upo sa silya na handa na kumain ng agahan. "Kamusta naman ang tulog mo dito? Maayos ba?" Marco, na hindi tumitingin sa katulong. Naka- tuon lamang ang atensyon niya sa nilalagay na pag kain sakaniyang plato. "Opo maayos naman po. Napaka bait nga po ni Mam Camilla eh." Naka ngiting kwento ni Lilybeth at hawak ang tray na pinag- lagyan ng kanilang almusal. "Siya nga pala Hon, ini-instruct ko na si Lilybeth ng mga dapat at hindi dapat gawin dito sa bahay natin. Infairness ang bilis ng pick-up niya sa mga bagay na pinag-uutos ko sakaniya." "That's good to hear. Kapag may kailangan ka Lilybeth at concern ka, huwag kang mahihiyang mag sabi sa amin ni Mam Camilla mo." Tugon ni Marco na sinang-ayunan naman ni Lilybeth. "Opo Sir, maraming salamat. Una na po ako sainyo." Nag vow na lamang si Lilybeth at nag lakad na ito paalis. Naiwan na lang ang mag asawa sa hapag-kainan na nag sasalo ng almusal. "I like her Hon. Napaka bait ni Lilybeth, akalain mo naging mag kasundo kaagad kaming dalawa." Tuloy na kwento ni Camilla at kina-ngiti naman ni Marco. "That's good to hear Hon, masaya ako na naging komportable na may kasama ka dito sa bahay." "How's your work pala, hon?" Camilla. "Maayos naman. Sa susunod na linggo may business trip ako, at ilang araw ako hindi makaka-uwi dito sa bahay." "Ah ganun ba? Sige Hon." "Ayos ka lang na iiwan kita dito mag-isa ng ilang araw dito sa bahay? Okay na ba ang tulog mo? Mukhang inaantok ka pa." Sunod-sunod na tanong ni Marco. Kahit ilang araw na ang naka lipas, nag aalala pa din si Marco sa asawa't lalo't alam niyang hindi pa din maayos ang kalagayan nito. "Magiging maayos naman ako Hon dahil kasama ko naman si Lilybeth habang wala kapa dito sa bahay.." pilit na pinapasigla ni Camilla ang kaniyang tinig. "Sa totoo lang hindi ko maiwasan na matakot lalo't kapag mag-isa lamang ako.. Hindi ko na nakikita ang babaeng parati kong nakikita, pero nararamdaman ko naka masid lang siya sa akin paligid." Hinawakan ni Marco ang kamay ng asawa, para pakalmahin lamang ito. "Nag leave muna ako ng 5 days sa trabaho para naman matutukan kita ng oras Hon. Para naman masamahan kita." "Hindi na kailangan Hon, paano ang trabaho mo?" Gulat na tinig ni Camilla. Hindi kasi ang tipong klase si Marco na basta- basta na lang mag liliban ng trabaho nito. "Kaya kong iwan ang trabaho ko Hon. Baka nakalimutan mo na ata na boss ang asawa mo." Bahagyang kumindat si Marco sa asawa na kinakilig naman ni Camilla. "Haha, baliw ka talaga Hon." Hinampas ng pabiro ni Camilla ang kamay ng asawa, na kahit sandali napa ngiti ang asawa na si Camilla. "Naisipan ko sa limang araw na leave ko sa kompaniya, gusto ko na ma-refresh ang isip mo." Tuloy na tinig ni Marco at tahimik lamang nakikinig ang asawa. "Ayaw ko kasi na nababahala ka sa takot sa tuwing naiisip mo ang babae na nakikita mo dito sa bahay natin... Ano kaya kong mag bakasyon tayong dalawa? Yong malayo dito sa bahay natin." Suhesyon ni Marco na kina ning-ning ng mata ni Camilla. Bigla na excite ito lalo't binanggit ng asawa ang salitang bakasyon. Sabik na din si Camilla na mag bakasyon silang dalawa na mag asawa sa malayong lugar na, na wala n siyang ibang iisipin. Na hindi na maiisip at maalala ni Camilla ang nakakatakot na nilalang na parati niyang nakikita sa bahay nilang dalawa ni Marco. "Talaga? Gusto ko iyan Hon. Saan ba tayo mag babakasyon?" Excited na sambit ni Camilla na hindi na maipinta ang lawak ng ngiti nito. "Sa Cavite... Doon sa bahay ng Mommy mo," unti-unting nawala ang matamis na ngiti ni Camilla at napalitan kaagad ng pait na hindi nito nagustuhan ang sinabi ng asawa, pero hindi na lang niya pinahalata ang bagay na iyon. "Ganun b-ba? Gusto ko iyon Hon." Pilit na pinapasigla ang tinig ni Camilla at sinimulang kumain. ***** Pasado alas- kwatro ng hapon ng maka rating si Marco at Camilla sa bahay ng mga magulang ng dalaga. Sinalubong naman kaagad sila ng dating ni Auntie Cecilia, na masayang ngiti. "Marco, C-Camilla, buti naka rating kayo kaagad dito," Auntie Cecelia at ginaya sila nito papasok sa bahay. Bitbit ni Marco ang mga gamit nilang mag-asawa samantala naman naka sunod lamang sa likuran si Camilla. Hindi maiwasan ni Camilla na pag masdan at suriin ang kanilang napaka laking bahay. Mayron lamang iyon na dalawang palapag at kompleto sa gamit, medyo old pintura na ang kanilang bahay at maka luma ang dating dahil na rin sa mahilig ang kaniyang Mama mag kolekta ng mga figurines at kahit na rin ang mga lumang gamit. Nakakatakot at napaka lawak ng nasabing dating bahay nila na kahit mag habulan at mag tagu-taguan, mahihirapan ka talagang mag hanap dahil napaka laki ng espasyo ng kanilang bahay. Siguro na rin, doon nakuha ni Camilla ang pag kahilig niya sa mga antique sa kaugalian ng kaniyang Mama na mahilig din sa mga lumang gamit at maka lumang style ng desinyo ng bahay. Pag pasok pa lang sa napaka laking bahay nila, sasalubong kaagad sa'yo ang napaka taas at lawak na bakod na gawa sa bakal. Kahit na rin siguro ang mag nanakaw at mag tatakang papasok sa kanilang tahanan, mahihirapan dahil na rin hindi biro ang taas at lawak no'n. Mayron din na napaka- lawak na hardin at sari-saring mga bulalak ang mga naka tanim doon sa malawak na espasyo ng kanilang lupain sa labas. Mag-isa na lamang din ni Auntie Cecelia na inaalagan ang kaniyang Mama. At mayron din na personal nurse na kinuha si Camilla para mabantayan ang kaniyang Mama sa pag papainom ng tamang gamot nito at pag aalalaga. Matandang dalaga si Auntie Cecelia niya at hindi na ito nag asawa na, kahit papaano nag papasalamat si Camilla dahil tinutulungan din nito ang kaniyang Mama at hindi pinapabayaan. "Dito ang magiging silid niyo muna. Pasensiya na dahil hindi ko naman alam na uuwi pala kayo ngayon, di sana naayos at nalinis ko ng konti ang silid niyo." Binuksan nito ang pintuan at tumambad ang dating silid ni Camilla. Natutuwa na lamang siya na kahit ilang taon na hindi umuuwi o bumibisita si Camilla sa kanilang tahanan. Napangalagaan ni Auntie Cecilia niya ang silid, na kahit na rin ang kalinisan nito na maintain na walang alikabok at kalat kang makikita. "Okay lang po iyon Auntie, maraming salamat." Camilla. "Mag ayus muna kayo ng mga gamit, at mag pahingga muna kayo saglit, alam kong napagod din kayo sa byahe," paalala nito. "Siya nga pala Auntie, asan po pala si Mom?" Si Marco na ang nag tanong, na kinatigilan naman ni Auntie Cecilia. "Si Mam Josephine ba?" napa- baling ang tingin nito sa naka tayong si Camilla sa likurang asawa. "Natutulog pa siya sa kaniyang silid. Mabuti pang puntahan niyo siya kapag nagising na ang iyong Mama.. Siya nga pala mag papanhik na ako sa kusina para naman maaga akong makapag handa ng hapunan para sa ating lahat." Nag paalam na ito at naiwan na lang ang mag-asawa sa silid. Nang maka alis na si Auntie Cecilia, tinuonan na lamang ng mag-asawa ang ilagay ang kanilang mga gamit at damit sa wardrobe dahil mahaba-haba ang pag babakasyon nilang dalawa sa dating bahay ni Camilla. Nang matapos ng mag-asikaso ni Marco lumapit ito sa abalang asawa na inaayos ang iba pa niyang mga gamit. "Hon, ayos lang ba dito muna tayo mag bakasyon?" Hinawakan ni Marco ang kamay ng asawa, na mapa-anggat ng tingin ito. "Oo Hon, gustong-gusto ko dito. Maraming salamat at makaka- sama ko si Mama kahit ilang araw lamang tayong mag babakasyon dito sa amin." Pinisil ni Marco ang baba ng asawa at hinagkan ito sa noo, na kinapikit ng mata ni Camilla. MARCO'S POV Mag isang nag lilibot si Marco sa napaka- lawak na bahagi sa likurang bahay. Samantala naman ang kaniyang asawa na si Camilla iniwan niya muna saglit. Ito ang kauna-unahang beses na naka rating si Marco sa bahay ng mga magulang ni Camilla, simula no'ng ikasal silang dalawa ng asawa, hindi sila nag karoon ng pag-kakataon na dumalaw man lang kahit isang beses dito. Ito rin ang naisipan ni Marco na mananatili sa bahay ng mga magulang ng kaniyang asawa. Gusto din ni Marco na maging stable ang isip ni Camilla at gusto niya itong iiwas sa bumabagabag sa kaniyang isipan lalo't sa mga nakikita nito. Nilibang ni Marco ang pag masid-masid sa paligid. Naagaw kaagad ng atensyon ni Marco ng makita ang asawang si Camilla at ang babae na ngayon niya pa lamang nakita. Bata pa ang itsura nito na halatang dalaga pa lamang ang babaeng kausap ng asawa. Naka- suot ito ng puting uniforme na hula pa lamang ni Marco iyon ang nurse na, nag aalaga sa Mama ng kaniyang asawa. Seryoso si Camilla at ang nurse na nag-uusap na mukhang mahalaga ang kanilang pinag-uusapan na ayaw mag-paistorbo. "Basta gawin mo ang pinag-uutos ko sa'yo. Bantayan mo si Mama ng maigi at siguraduhin mo lang na walang tao na lalapi---" rinig ni Marco ang tinig ni Camilla sa paraang mataas at seryoso na tinig na kasalunggat sa malambing at mahinhin na mag salita na asawa na naririnig niya. "Hon." Tinig ni Marco na kinabigla ng kaniyang asawa. "Marco?" Napa-kurap na tinig ni Camilla na hindi niya inaasahan na susulpot ng basta-basta si Marco sa likuran niya. "Mukhang ang seryoso ang pinag-uusapan niyong dalawa ah?" Lumapit si Marco sa asawa, at bakas na pag kabigla sa mukha ni Camilla. "Ah, binibilan ko lang si Jenny ng dapat niyang gawin sa pag- aalalaga kay M-Mama." Nag kadautal-utal na ang tinig nito. "Siya nga pala Hon. Siya nga pala si Jenny ang nurse na nag aalaga kay Mama... Jenny meet Marco ang asawa ko." Pag papakilala nito. "Hello po Sir, ginagalak ko po kayong makilala. Siya nga po pala, mauna na ako." Paalam nito. Nag lakad na ang nurse paalis at sinundan na lang ng tingin ng mag-asawa ito. Nang mawala na sa tingin nila si Jenny, humarap si Camilla sa asawa. "Tara Hon, puntahan na natin si Mama sa room niya. Sabi ng nurse, gising na daw siya ngayon." Isang tango na lang ang naging sagot ni Marco at sabay na silang dalawa nag lakad papunta sa silid ng Mama ni Camilla. Tahimik na pumasok sa silid si Marco at Camilla sa silid ng kwarto ng Mama niya. Naabutan pa nilang kinakausap at pinupunasan ni Auntie Cecelia ng basang malinis na towel ang katawan ng kaniyang Mama. Mabilis naman napansin ni Auntie Cecelia ang pag pasok ni Camilla at Marco sa silid, at kusa na itong tumayo at umalis sa kaniyang kina-uupuan kanina. Mala-emosyonal ang mukha ni Camilla habang palapit siya ng palapit sa gawi ng kaniyang Mama, na naka upo sa single couch na malapit sa napaka- laking binata sa isang tabi. Naiiyak na si Camilla na pinag mamasdan ang kaniyang Mama na tulala at ganung sitwasyon na tila ba hirap na hirap na ito sa kaniyang kalagayan. Hanggang balikat ang haba ng buhok ng kaniyang Mama at naka suot ito ng paborito nitong puting bestida. "M-ama," niyakap ng buong higpit ni Camilla ang kaniyang Mama na tulala at walang imik pa din. "M-Ma, nandito na ako. Pasensiya na kong ngayon lang ako naka dalaw sa'yo. Miss na miss na kita ng sobra." Naging emosyonal ang tinig ni Camilla na patuloy na hinahaplos ang mukha ng kaniyang Mama. Nasasaktan pa ng husto si Camilla dahil hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. Ang mga mata nito naka tutok lamang sa malayo. "Pasensiya na kong parati kaming wala ni Ate Camille para alagaan at bantayan k-ka.... Huwag kang mag alala Mama, habang nandito ako, kaming dalawa ni Marco.. Ako muna ang mag aalaga at mag babantay sa'yo. Mahal na mahal kita Mama." Hinaplos ni Camilla ang pisngi ng kaniyang Mama at hinalikan ito sa noo at niyakap ng sobrang higpit. Hinaplos ang dibdib ni Camilla ng madama ang mainit na katawan ng kaniyang Mama na dumapo sa kaniya. Walang hihigit pang sarap na, makakasama niya muli ito. Una ng kumalas ng pag-kakayakap nilang dalawa si Camilla, at napa- baling ang tingin nito muli sa kaniyang Mama, na halos buong katawan na nitong paralisado, na hindi na ito maka lakad mag-isa. Kahit na rin pag salita, hindi na rin nito magawa, tanging unggol at tinig na lamang ang naririnig nila. Hindi na nito kayang maka buo pang salita sa bibig. Samantala si Jenny at Auntie Cecelia na lamang ang nag tutulong para lamang maalagaan ito at mapaliguan. "Hello Mama, ako ito si Marco. Kamusta na po kayo? Kamusta po ang pakiramdam mo?" Wala pa ding imik si Tita Josephine at walang plano na sagutin at umingos lamang sa naging tanong ni Marco. "Pasensiya na po kong nag punta kami dito sainyo ng biglaan. Alam mo Mama, mahal na mahal ka ng aking asawa, na ikaw ang parati niyang iniisip at inaalala na kahit nandito po kayo sa Cavite." Patuloy na kina-kausap ni Marco ang Ginang kahit alam niya naman sa sarili na hindi naman siya sasagutin ito. Samantala naman si Auntie Cecelia, naka tayo lamang sa isang tabi at abala na mag-ayos ng pinag-higaan ng Mama ni Camilla. Nag tagal sila sa silid ng kaniyang Mama mahigit isang oras. Sinulit ni Camilla na maka- sama ang kaniyang Mama sa silid, at inaalagaan ito kasama ang asawa na si Marco. "Pasensiya na po Mam, pero oras na para mag pa-inom ng gamot ang iyon Mama." Suminggit sa gawi nila si Jenny na may hawak na basong tubig at sa kabilang kamay naman nito ang gamot na iinumin nito. "Sige Jenny." Tumayo na si Camilla at ang asawa nito at tumabi ng konti para bigyan ng daan si Jenny para painumin ng gamot ang kaniyang Mama. "Mama, babalik na lang po ako mamaya ha? Si Jenny na po ang bahala muna sa'yo," paalam ni Camilla dito. "Mam, oras na po para mag-inom ng gamot po." Rinig na kausap ni Jenny sa kaniyang Mama. Nag-pwesto na si Jenny sa harapan ng kaniyang Mama para mag simula na itong painumin ng gamot. Alam kasi ni Camilla na kapag nakaka-inom na ng gamot ang kaniyang Mama, kailangan na nitong mag pahingga. Nag lakad na si Marco at Camilla palabas ng silid ng kaniyang Mama, dahil si Jenny na ang bahala na mag asikaso dito. Hindi paman naka ilang hakbang ang mag-asawa pareho silang natigilan ng marinig na umunggol ang Mama ni Camilla na animo'y gusto mag salita pero walang lumalabas na tinig sa bibig nito kundi munting unggol lamang. "Mam inumin niyo na po ang gamot para gumaling na po kayo." Kina-kausap pa din ni Jenny ang Mama nito. Sa tuwing nilalapit ang gamot, umiiwas naman ang mukha ng matanda na animo'y ayaw nitong inumin ang gamot. "Mam please inumin niyo na po ang gamot na ito," pilit pa din ni Jenny at sa kaliwang bahagi hawak ang baso na may lamang tubig. Lalo lamang nag wawala ang Mama ni Camilla at lumalakas ang unggol na kumuwala sa bibig nito, na animo'y pilit na nag sasalita pero wala naman na lumalabas na tinig doon. Napaka- likot na rin ng mga mata ni Josephine, at ang mga mata nito puno na rin ng galit sa nurse na kaharap nito. Pinag mamasdan lamang ni Camilla ang kaniyang Mama at si Jenny na nag tatalo para lamang mapa-inom ng gamot ang kaniyang Mama. "Jenny, tulungan na kita. Ako na ang mag papainom sakaniya na gamot, at baka sumunod siya sa akin." Inagaw ni Camilla ang hawak na gamot ni Jenny para tulungan na ito. Lumapit si Camilla sa kaniyang Mama para kumbinsihin na ito uminom. "Mama, kailangan niyo na pong uminom ng gamot na ito, para naman po gumaling kana... Kapag lumakas kana, maari kanang maka labas, at makaka gala na tayo kong saan-saan. Hindi kana diba masaya iyon?" Pilit na pinapasigla ni Camilla ang tinig para mapainom lamang ito. Kumuha si Camilla ng piraso na gamot sa kamay at ang kaliwa niya naman na kamay hawak ang bote ng gamot. Nilapit ni Camilla sa Mama ang gamot para painumin na ito, pero nag mamatigas pa din ito. Umiiwas ang kaniyang Mama sa bawat pag lapit niya ng gamot sa bibig nito. "Mama naman, inumin niyo na po 'to please? Kahit ngayon lang hmm?" Naging matigas pa din ang kaniyang Mama at naging malakas ang sigaw at unggol na kumuwala sa bibig nito. "Ugh! Ahh!" Patuloy na unggol ng matanda na ayaw, nitong uminom. Parehong tinataboy sila ni Jenny, at ang ang mga mata nito puno ng galit na naka- titig sakanila. "Opo Mam, uminom na po kayo please." Jenny. "Ma please inumin niyo na ang gamot na ito para na rin lumakas na ang katawan m--" hindi na natapos ni Camilla ang sasabihin ng tinabig ng Mama niya ang gamot at kasabay na tumilapon iyon. Nag kalat ang mga gamot sa sahig, na kinalungkot ng mga mata ni Camilla. Doon na naging marahas at naging malala ang pagwala sa galit ng Mama ni Camilla na animo'y nawawalan na ito sa katinuan, kasabay ang malakas na unggol sa bibig nito. "Mam kumalma lamang po kayo." Inaalalayan ni Jenny ang katawan ng matanda para kumalma lamang ito sa kina-uupuan. Tila ba hindi na nakayanan ni Jenny ang lakas ng katawan ng Mama niya, at tumulong na lamang si Auntie Cecelia, para maging kalmado na ito. "M-Mama." Iyan na lang ang kumuwala sa bibig ni Camilla sa labis na pag kabigla. Ito ang kauna-unahang beses na makita niyang nag- wawala sa galit ang kaniyang Mama. Madalas na i-kwento ni Jenny at Auntie Cecilia niya na madalas daw na nag wawala sa galit ang Mama niya, na naging matigas ang ulo nito kung minsan na pahirapan talaga para dito na mapa-inom ito ng gamot. "Lumabas na kayo Mam, ako na ang bahala sa Mama mo." Saad ni Auntie Cecelia na, kinataranta ni Camilla ng marinig ang sunod-sunod na pag sigaw at pag wala ng kaniyang Mama sa silid nito. "Pero Auntie Cecelia." "Kami na po ang bahala dito." Matigas na tinig nito at naging marahas na ang bawat galaw at kilos ng kaniyang Mama na animo'y may kaaway ito. Maluha-luha na ang mga mata ni Camilla na ganun niya nasasaksihan ang kalagayan ng kaniyang Mama. Naawa siya ng lubusan at parang winasak ang puso niya ng makita na nahihirapan na ito sa sakit nito. "Hon," tawag ni Marco at hinawakan ang balikat ni Camilla. "M-Marco." Tila ba nag susumbong na tinig ni Camilla at pang- gigilid ng mga luha niya. Umalingawngaw ang malakas na unggol at pag sigaw ng kaniyang Mama na wala na ito sa sarili. Ginaya na ni Marco ang asawa na lumabas sa silid ng kaniyang Mama. Tulala at hindi mapakali si Camilla na marinig niya pa din sa silid ang matinis na pag sigaw ng kaniyang Mama. Tila ba may kong anong nag uudyok sa loob ni Camilla na puntahan muli ang kaniyang Mama sa silid, na animo'y humihinggi ito ng tulong. "Hon." Malambing na tinig ng kaniyang asawa na animo'y kanina pa pinag- mamasdan si Camilla. "Bakit ganun? B-Bakit ganun Hon?" Basag na tinig ni Camilla.. "Gabi-gabi ako nag dadasal na sana gumaling na si M-Mama pero bakit ganun?" Emosyonal na tinig nito. "Umaasa ako na gumaling na si Mama sa sakit niya, pero bakit walang nangyayari? Bakit hanggang ngayon hindi pa din siya gumagaling? Ginusto ko lang naman na maging maayos na ang kalagayan niya. Natatakot ako na lumala pa lalo ang sakit ni Mama... Natatakot ako Hon, na pati Mam mawala sa akin". Humarap si Camilla sa asawa at kasabay ng pag bagsak ng kaniyang mga luha. "Wala na si Daddy, at ayaw kong pati si Mom mawala din sa akin... Silang dalawa na lang ni Ate Camille ang meron ako at ayaw kong mawala sila sa akin." Niyakap ng mahigpit ni Marco ang asawa para maging okay din ang pakiramdam nito kahit papaano. At kasabay ang malakas na pag-iyak ni Camilla sa bisig ng asawa. Sana maging maayos na ang kalagayan ng kaniyang Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD