Chapter 6

1682 Words
Chapter 6 CAMILLA'S POV "Hon, ito uminom ka muna ng tubig." Binigay ni Marco ang basong tubig kay Camilla para kumalma lamang ito. Nanginig ang kamay ni Camilla na sinimsim ang tubig, na hindi pa din mawala sa mukha ni Camilla ang labis na trauma at kagimbal-gimbal na pangyayari na nasaksihan niya mismo sa loob ng banyo. Klarong-klaro sa kaniyang isipan ang nakaka takot nitong itsura. Ang nakaka takot na nilalang na ayaw ng alalahanin pa ni Camilla. Ang bawat tunog ng pag kabali ng buto sa katawan nito, na nag panindig ng kaniyang balahibo. Umupo si Marco sa tabi ng asawa, naroon sila ngayon sa kama. Suot-suot pa din ni Camilla ang bathrobe at nanginig sa ginaw ang katawan nito na dulot ng lamig. "Hon ano ba talaga ang nangyari sa'yo? May problema ba?" Malambing na tinig ni Marco at hinawakan ang kamay ng asawa. Sakto napa-baling ng tingin si Camilla sa nag- aalalang mukha ni Marco. "H-Hon, ayaw ko na dito. Ayaw ko na dito sa bahay natin. N-Nakita ko siya muli. Nakita ko na naman ang babaeng madalas kong makita dito sa bahay natin." Emosyonal na tinig nito. "Anong ibig mong sabihin Hon? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan na sambit ni Marco. "H-Hon, may multo dito sa bahay natin. May multo. A-Akala ko guni-guni ko lamang ang nakita ko no'ng unang gabi natin dito sa bahay, na babaeng naka p-puti, pero nag kamali ako. T-Totoo siya Hon, at nag pakita siya muli sa akin kanina." simulang mag panic si Camilla at mabigat ang kaniyang pag- hingga sa labis na nerbyos at takot. "Ginugulo niya ako Hon. Ayaw ko na dito, please umalis na t-tayo." Kasabay ang pag patak ng luha sa mga mata ni Camilla, na maalala pa muli ang nakaka takot na nilalang.. "Hon, walang multo okay? Hindi totoo ang bagay na iyon." Pag kukumbinsi ni Marco sa asawa. "T-Totoo siya Hon, maniwala ka sa akin. Nag pakita siya sa akin kanina. Nag paparamdam siya sa akin kapag wala ka, pero hindi na lang ako nag sasabi sa'yo dahil ayaw kong mag alala ka." hinawakan ni Marco ang mag kabilang balikat ng asawa. "Hey take a deep breath okay? Wala nang mangugulo sa'yo dahil walang multo. Hindi totoo sila." Pag papasunod nito, na sinundan naman ni Camilla ang kalmadong pag- hingga, na kahit papaano napakalma naman siya nito. "So hindi ka naniniwala sa akin?" Pakla na tinig ni Camilla. "Hindi sa ganun Hon." Natarantang tinig nito, na hindi alam kong ano ang ipapaliwanag sa asawa. "Oo syempre naniwala ako sa'yo kasi asawa kita." Pinisil ni Marco ang kamay ng asawa. "Siguro na stress ka lang siguro sa mag hapon na gawain sa bahay at mag-isa ka lamang dito... Nakita ko kanina na naubos mo na ang wine sa banyo habang naliligo ka... Baka dala lamang ng kalasingan mo, kaya't kong ano na ang nakikita at naiisip mo." Napa-piyok na lamang si Camilla. Hindi niya ako pinapaniwalaan? Akala niya ba gawa-gawa lamang ng mga imahinasyon ang nakita ko kanina? "Hindi ako lasing M-Marco, hindi! Bakit ba hindi mo kayang maniwala sa akin ha? Bakit? Totoo ang nakita ko. Alam ko sa sarili ko ang mga nakita ko H-Hon." Patuloy na nag silag-lagan ang mga luha sa kaawa-awang si Camilla. "Hush, It's not what I meant. I believe in you, okay?" "Hindi ako L-Lasing maniwala ka sa akin Hon, totoo ang nakita ko. M-May babae talaga akong nakita.. Hinawakan niya ako sa paa. Look at this!" Bigla natigilan si Marco ng makita ang maitim na marka sa paanan ng kaniyang asawa. Kahit hindi malinaw, nandon pa din ang hugis at marka ng kamay sa balat nito. Gumalaw ang adams- apple ni Marco at hindi din siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan, hindi niya alam kong anong gimbal ang sumuntok sa kaniyang dibdib. Ayaw niyang maniwala sa kaniyang asawa dahil hindi siya naniniwala sa multo, pero ano itong hugis kamay na marka sa paanan ni Camilla? Ano ang mahiwagang misteryoso ang nasaksihan ng kaniyang asawa? "Hindi ko ito ginawa sa sarili ko Marco. Hindi ko nanaisin na saktan at lagyan ng marka ang balat ko. Sa tingin mo ba gawa-gawa ko lamang iyon sa aking isipan. Ganun ba iyon?" Napa-sapo ng mukha si Camilla at tumayo sa kina-uupuan. "Matagal ko ng sinasabi sa'yo na matagal ko ng napapansin na may kakaiba sa bahay natin.. Nakikita ko ang babaeng naka puti, at ginugulo niya ako!" Napa takip sa mukha si Camilla at kasabay ang malakas na hagolhol. Labis na nalungkot at naawa si Marco ng makitang nahihirapan ang kaniyang asawa. "Look I'm sorry." Niyakap ni Marco ang katawan ng asawa at hinaplos iyon. "Pasensiya na mahal, hindi kita pinaniwalaan kaagad." Hinagod ni Marco ang likuran ng asawa at kasabay ang pag kasabag ng puso nito dahil ng marinig ang bawat hikbi nito. MARCO'S POV "Ginawan kita ng masarap na almusal Hon," nilapag ni Marco ang hinanda niyang masarap na almusal para sa asawa. Umanggat ng tingin si Camilla at napansin kaagad ni Marco na panay hikab ito na halatang inaantok pa. Bahid din ng pangingitim ang ilalim ng mga mata nito na halatang kulang sa tulog. Buong tamlay ang katawan nito na ibang-iba na si Camilla na, nawala na ang masigla at masayahin na asawa niya. "Maraming salamat Hon," tipid itong ngumiti at tinignan ang pagkain na naka hain doon. Noon sabik na sabik si Camilla na saksihan ang masarap na niluto ni Marco pero kabaliktran na ngayon ang nararamdaman nito, na wala itong gana at buhay na kumilos. "Kamusta ang tulog mo? Naka tulog ka ba ng maayos?" Umiling na lang ito bilang sagot. "Hindi." Anito. "Hindi ako naka tulog kagabi sa labis na takot.." panimula muli nito. "Natatakot ako Hon, na baka makita ko siya muli. Paano kong saktan niya ako? Paano kong guluhin at balikan niya na naman ako? Ayaw ko nang mapag-isa Hon, natatakot na ako." Kita ni Marco ang panginginig ng asawa sa labis na takot. Kahit na rin kanina, ayaw mag pa-iwan ni Camilla sakaniya. Takot na rin ito na maiwan sa isang lugar kaya't parating naka dikit ang kaniyang asawa kong saan man pumunta si Marco. Siguro labis itong nag ka-trauma kong ano man ang nakita nito kagabi. Hanggang ngayon hindi pa din masagot ni Marco kong ano man ang misteryosong lumukob sa kanilang munting tahanan. Hindi din alam ni Marco kong sino ba talaga ang nag papakita sa kaniyang asawa, at parati nitong ginugulo si Camilla? Kong si Marco lamang ang tatanungin, simula no'ng mag lipat silang dalawa ni Camilla sakanila. Wala siyang maramdaman na kakaiba o may babaeng nag papakita sakaniya. Parang normal lamang ang mga araw ang nangyayari sakaniya, pero bakit si Camilla lamang ang pinapakitaan ng misteryosong babae? Ano ang gusto at pakay nito ka Camilla? Bakit ginugulo nito ang aking asawa? Napa baling ang tingin ni Marco sa asawa na buong tamlay na kumakain ng kanilang agahan. "Tinawagan ko kanina si Mom, at sinabi ko na rin ang nangyari sa'yo. Sa babaeng nag papakita sa'yo at labis siyang nag-aalala Hon." Pag bubukas ni Marco ng usapan nilang dalawa. Tahimik lamang nakikinig si Camilla habang kumakain. "Nag offer si Mom na ipadala dito, iyong kasambahay nila sa atin, para naman may makasama ka, habang wala ako.. Pasensiya na Hon, kong hindi ko na kaagad nasabi ang bagay na ito." Tipid na lamang ngumiti si Camilla at sabay sabing. "Naiintindihan ko naman Hon. Thank you." "Siya nga pala Hon, kamusta pala si Camille?" Sinandal ni Marco ang siko habang diretsong naka titig kay Camilla "S-Si Ate Camille?" Kabado nitong sagot na hindi nito inaasahan na babanggitin ko ang pangalan ng kakambal niya. "Bakit mo natanong?" Tumikhim si Marco bago nag salita. "Naka-usap ko si Dad, at nakita nito ang mga projects na ginawa ng kapatid mo at interested si Dad sa mga gawa ni Camille na design... Gusto sanang kunin ni Dad si Camille na mamahala sa papatayuin na business, kapag free siya sa trabaho niya. Diba architecture ang kapatid mo sa Canada?" "Oo, architecture nga si Ate Camille." Anito at umiwas kaagad ng tingin si Camilla, na hindi mawari ni Marco kong bakit ganun ang naging reaskyon nito. Inisip niya na lamang baka dulot lamang ng pagod ng asawa niya "That's good then, pwede ko bang mahinggi ang contact number niya?" "Ako na lang Hon ang mag sasabi sakaniya tiyak na matutuwa iyon. This past few days kasi naging abala na din si Ate Camille sa work niya." Nilapag ni Camilla ang kubyertos. "Ako na Hon, ang mag contact sakaniya para ma- discuss ko din ang ibang details sa offer ni Dad at iba pang pag-uusapan about sa project. Kilala mo naman si Dad na ayaw no'n na nabibitin siya hindi ba?" Pag kukumbinsi ni Marco. "O-Oo, sige Hon. Mamaya after mong umalis, ibibigay ko sa'yo ang number at contact details ni Ate Camille." Ngumiti na lang si Marco sa asawa at pinisil ang kamay nito. Nang matapos ng kumain ni Camilla at Marco, nag paalam na siya sa asawa. Bago umalis, nakasanayan na niyang humalik kay Camilla at sumakay na sa sasakyan para pumunta sa trabaho. Bago paman maka rating si Marco sa kompaniya narecieve na kaagad ang text message mula sa kaniyang asawa. Iyon lamang ang hinihinggi niyang contact details mula kay Camille. Dali-daling minessage ni Marco ang social media ni Camille, gaya ng binigay ni Camilla. Unang nag pakilala si Marco, na asawa siya ng kakambal nito na si Camilla na kahit alam naman sa sarili ni Marco na kilala naman siya nito. Mga ilang minuto na naka titig si Marco pero walang sumagot sa social media ni Camille. Tinignan din ni Marco ang message chat at wala man lang naka lagay kong ilang minutes active ang dalaga o ano. Isa pa ding palaisipan sakaniya ang bagay na iyon. Sinubukan ulit ni Marco na i-message ito sa Mail, ni Camille pero wala pa din. Wala pa din siyang nakuhang sagot mula kay Camille. Inisip na lang ni Marco na abala pa ito sa trabaho at iba pang ginagawa. Umaasa siyang sasagutin din nito ang mensahe na pinadala niya para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD