Chapter 5

2529 Words
Chapter 5 MARCO'S POV Napa tigil si Marco ng pag tipa ng kong ano sa kaniyang computer ng mag ring ang phone. Sinagot nito ang tawag ng makita nitong ang kaniyang Mommy ang tumawag. "Yes Mom?" "Kamusta Hijo? Asan ka ngayon?" "Nandito pa ako sa work Mom, marami pa akong tatapusin na trabaho." Hinilot ni Marco ang kaniyang mata ng madama ang labis na pananakit ng mga mata sa buong araw pag babad sa harapan ng computer. "Napatawag po pala kayo Mom?" "Gusto ko lang sabihin sa'yo na dumalaw ako sa bahay niyo kanina ni Camilla. Bakit ganun naman anak? Mag-isa lamang ang asawa mo sa bahay, hindi mo dapat siya iniiwan mag-isa dahil mahirap pa naman ang panahon ngayon." Pag-aalang tinig nito. "Yea I know Mom, pinipilit ko din si Camilla na kumuha kami ng kasambahay pero ayaw niya din." Napa-sapong tinig ni Marco. "Bigyan mo na kasi kami ng Apo ng Dad mo para mapag- kalibangan naman ang asawa mo." Biro nito sa kabilang linya. "Opo Mom." Napa-ngiti ma lang si Marco sa sinabi ng kaniyang Mom. "Sige Hijo, at tinatawag na ako ng Dad mo. Aalagaan mo ng mabuti si Camilla ha?" Tugon nito at kasabay ng pag putol ng tawag sa kabilang linya. Nag pakawala na lamang ng malalim na buntong-hiningga si Marco kasabay na napa titig sa ibabaw ng desk niya. Doon naka patong ang sari-sari niyang mga gamit at paperwork na dapat niyang tapusin at gawin bago umuwi sa kanilang bahay. Nag paagaw din ng atensyon ni Marco ang naka tayong picture frame, na nag pakawala ng matamis na ngiti sa kaniyang labi. Hinawakan ni Marco ang picture frame at kuha lamang iyon ng bagong kasal lamang silang dalawa ni Camilla. Labis pang na-inlove at napa mahal si Marco ng mapag masdan ang matamis na ngiti na gumuhit sa labi ni Camilla sa litrato na hinding-hindi siya mag sasawang pag masdan iyon. "Mahal na mahal kita Camilla," iyan na lamang ang katagang lumabas sa bibig ni Marco. CAMILLA'S POV Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla ng nilapag ang huling ulam na niluto niya sa lamesa. Hindi rin maiwasan ang kilig na kaniyang nadarama dahil pawang paborito ni Marco ang niluto niyang pagkain. Tiyak na magugustunan ni Marco ang kaniyang hinanda. Inayos pa niya ang pag ka set-up sa lamesa na para bang candle light dinner ang theme no'n. Gusto ni Camilla na maging espisyal ang araw na ito sa kanilang dalawa ng kaniyang asawa kaya't todo handa talaga ang ginawa niya. Nag suot na rin si Camilla ng magandang damit at nag paganda na rin siya. Sinuot niya ang magandang ngiti para salubongin ang paparating na asawa na lulan na trabaho. Naragdagan pa ang excitement sa labi ni Camilla ng tumunog ang phone at ang asawa niya ang tumatawag. "Hello Hon? Kamusta? Pauwi kana ba dito?" Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla. Patingin-tingin na rin si Camilla sa relo na anumang minuto pauwi na si Marco. "Hon, napa tawag ako para sabihin na gagabihin ako ng uwi." Naging mabigat ang tinig sa kabilang linya, na mag pawala ng matamis na ngiti sa labi ni Camilla. "Marami pa kasi akong hahabulin na trabaho at kailangan kong matapos ito ngayon dahil bukas na ang presentation ko para mahalagang investment meeting namin ni Dad bukas." Anito. "G-Ganun ba?" Napa baling ang tingin ni Camilla sa niluto niyang masarap na hapunan para lamang sakanilang dalawa. Gusto niya sanang mag maktol pero wala naman siyang karapatan dahil mas mahalaga pa din ang trabaho ni Marco. "H-Hintayin na lang kita Hon matapos. Siguro naman maaga ka naman ngayon makaka-uwi hindi ba?" Hihintayin na lang ni Camilla na umuwi para sabay na silang dalaw na mag hapunan. "Pasensiya na talaga Hon, hindi ko alam kong anong oras ako matatapos sa aking gagawin pero siguro gagabihin ako neto.. Hindi kita masasamahan ngayon mag hapunan, mauna kana lang kumain Hon. Dito na lang ako sa Opisina kakain." "Sige Hon, naiintindihan ko naman." Mahinang tinig ni Camilla. "Hayaan mo, sisikapin kong maagang tapusin ang aking gagawin para naman maaga akong maka uwi at makasama kita. Miss na miss na kita Camilla." Napa-ngiti si Camilla sa tinig ni Marco pero nandon pa din ang pag kadismaya sa kaniyang dibdib, na hindi niya ito makakasama na mag hapunan. "Mag focus kana lang muna Hon sa trabaho mo. I love you." "I love you." Kasabay ang rinig ni Camilla ang pag putol ng tawag sa kabilang linya. Wala sa sariling napa- titig si Camilla sa hinandang hapunan para sa kanilang mag-asawa. Tiyak na siya mag-uubos mag-isa nang lahat ng iyon. Nang matapos kumain ni Camilla. Mag-isa iyang niligpit ang naka handang mga pagkain sa hapag-kainan. Iyong tirang ulam na niluto niya, tinabi niya na lamang sa ref para bukas may makain pa silang dalawa ni Marco. Puno ng tamlay ang bawat kilos at galaw ni Camilla at labis na pag kadismaya dahil hindi naka-uwi ng maaga ang kaniyang asawa. Gusto pa naman niyang maka sama ito, pero abala din naman ito sa kaniyang trabaho. Ginala ni Camilla ang tingin sa napaka laki nilang bahay ni Marco at naka ramdam siya ng matinding pag kalungkot dahil mag-isa lamang siya. Ang ibang parte ng kanilang bahay nilamon na ng dilim dahil walang gana na siyang buksan ang ilaw dahil nag titipid na rin siya sa kuryente. Bago ni Camilla napag pasyahan na umakyat, siniguro kaagad ni Camilla na i-double check na naka lock ang binata at pintuan, dahil doble ingat na rin siya dahil na rin nakakatakot sa panahon na ito, na nag kalap na rin ang mga mag nanakaw. Kailangan niya din maging mainggat dahil, mag-isa pa naman siya sa bahay at wala pa ang kaniyang asawa. Nang maka- akyat na siya sa itaas, doon naka ramdam si Camilla ng labis na pag-kainit at lagkit ng kaniyang katawan, sa ilang oras niyang pag luluto kanina. Kailangan niya siguro na maligo muna sandali bago pag pasyahan na matulog. Suot ni Camilla ang bathrobe na puti ng maka pasok siya sa banyo. Napangiti na lamang si Camilla dahil sa ganda ng design ng kanilang banyo na halatang mahal ang pag kakagawa no'n. Sa isang bahagi din nandon ang isang napaka laking bathtub. Dito naisipan ni Camilla na maligo sa banyo dito sa labas sa ikalawang palapag. Mayron naman na banyo ang kanilang silid pero wala naman bathtub sa loob. Gusto niya sanang mag relax ng kaniyang isipan at katawan kaya't gusto ni Camilla maligo. Hinawi ni Camilla ang tubig na mayron na shower gel at konting red petals sa tubig. Sa isang tabi naroon ang maliit na table na nakapatong ang red wine at red wine glass. Tamang-tama na iinom siya habang naliligo. "Ang ganda," hindi maiwasan ni Camilla na mabigkas ang katagang iyon. Hinubad niya ang bathrobe at hinayaang malaglag iyon sa sahig. Hubo't-hubad na si Camilla na pumunta sa bathtub para simulang maligo. Pinag- lalaruan niya ang tubig at hinahaplos sa kaniyang kamay. Tila ba batang masayang-masaya na nag lalaro sa bathtub at sinasamsam ang malamig na tubig na nanunuot sa kaniyang balat. Sinabayan pa ng soft music na nag mumula sa kaniyang phone na namnamin ang sandaling iyon ang sandaling mag-isa lamang naliligo. "Ah! Sobrang nakaka relax!" Naka ngiti sambit ni Camilla na malayang pinag lalaruan sa kamay ang red wine glass at pag katapos sinimsim niya ang laman no'n. Napa-pikit si Camilla ng nanuot sa lalamunan ang tapang ng alak. Nag tagal pa ng ilang minuto si Camilla hanggang naka kalahati na niya ang red wine glass. Wala pa din siyang balak na umahon at pasado alas nuwebe na nang gabi. Hindi na alintana kay Camilla ang lalim ng gabi dahil nag e-enjoy pa naman siya sa kaniyang ginagawa. "I need to relax my mind." Lumublob siya sa bathtub at muling umahon. Tila ba batang masayang nag tatampisaw sa tubig si Camilla. Nag floating sa tubig si Camilla at marahang pinikit ang mga mata. "5 more minutes na lang, at aahon na ako dito." Hagikhik niyang turan at sa hindi inaasahan na pag kakataon. May malamig at nakaka takot na nilalang na humawak sa mukha ni Camilla, na nanggaling sa ilalim ng tubig sa bathtub. Hinila siya ng misteryosong nilalang pababa sa ilalim na animo'y nilulunod siya nito. "Ackk! Ackk!" Matinis na sigaw ni Camilla. Patuloy siyang kumakapit sa kanto ng bathtub pero nakaka bitaw din naman kaagad siya dahil napaka dulas at hindi maka kuha ng malakas na suporta na maka haon doon. Patuloy lamang si Camilla na hinihila ng malamig na kamay papunta sa ilalim na animo'y gusto na siyang kitilin ang aking buhay. "Ackk! Ahh!" Matinis na sigaw at patuloy na nag pupumiglas para maka wala sa misteryosong mga kamay na gusto siyang patayin. Bumibigat na rin ang pag hingga ni Camilla dahil hindi na rin siya nakaka hingga ng maayos dahil nakaka inom na siya ng tubig na nag mumula sa bathtub at ilang segundo na naka lublob ang katawan niya sa tubig. "Ahhh Ackk!" Malakas ni Camilla na tili at kasabay ang pag pupumiglas na maka gawa ng malakas na inggay at tunog, na sanhi tumilapon ang ibang mga tubig sa sahig. Inipon ni Camilla ang huling lakas sa kaniyang puso at nagawa niyang maka-ahon at maka wala sa malamig na kamay. Nanginginig ang kaniyang katawan sa labis na takot na hindi maiwari ang sindak na lumukob sa kaniyang dibdib. May kakaibang misteryoso din ang sumuntok sa dibdib ni Camilla ng pag kakataon na iyon. Ano iyon? Ano ang malamig na kamay na iyon? Tumayo si Camilla para tumakbo, nag kalat na rin ang tubig sa tiles sa sahig dahil ilang beses niyang tinangkang manlaban para maka wala sa nakakatakot na kamay na gustong mawala na siya. "Ahh! T-Tulon---" kumalabog ang malakas na katawan ni Camilla ng madama niya ang nakakatakot at putlang mga kamay na naka hawak sa aking binti, na ayaw akong pakawalan. Kitang-kita ko ang matutulis niyang kuko at namutlang mga kamay na naka hawak sa aking paa para lamang pigilan akong maka-alis. "Ahhh!" Malakas na tili ni Camilla at ininda na din niya ang sakit ng pag kakatama sa tiles, dahil ang importante lamang sakaniya na matakasan ang nakaka takot na nilalang na gusto siyang patayin. "Ahh! Tulong! T-Tulong!" Ginalaw ni Camilla ang kaliwang binti niya para mag pumiglas para maka bitaw ang nakaka takot na nilalang na naka hawak sa kaniyang binti. At hindi naman nabigo si Camilla dahil nabitawan nito ang kaniyang binti, na sanhi maka wala siya doon. Tanging malakas na sigaw na lamang ni Camilla ang naririnig sa napaka lalim na gabi. Pagapang-gapang siya sa tiles hanggang mahawakan ni Camilla ang bathrobe. Doon na sinuot ni Camilla para takpan ang hubo't-hubad niyang katawan. Labis pa din ang takot at lakas ng pintig ng kaniyang puso sa karumadal-dumal na nangyari sakaniya. Ano iyon? Ano ang nakaka takot na kamay na aking nakita? Tila ba balisa na si Camilla kasabay ang pag agos ng luha sa mga mata nito sa labis na takot sa kaniyang dibdib. Hindi niya rin makayang mag-isip ng matino dahil narin sa labis na sindak. Patuloy lamang umaatras si Camilla habang naka-upo sa malamig na tiles, wala na siyang lakas na tumayo at tumakbo. Sindak at kilabot sa mukha ni Camilla ng makita niya ang matatalim na mga kuko at nakaka kilabot na mga kamay sa kanto ng bathtub. Tila ba naging slow-motion at rinig na rinig ni Camilla ang pag kabali at tunog ng buto sa bawat galaw at kilos umaahon sa tubig, na nag mumula sa bathtub ang nakaka takot na nilalang. Doon nag pakita ang nakakatakot na nilalang na babae na kaniyang parating nakikita na naka suot ng mahabang bestida na puti, at napaka habang buhok na natatakpan ang mukha nito. Gumalaw ang kaniyang leeg at rinig na rinig ko ang pag kabali ng buto na nanuot sa aking katawan sa labis na takot. "No, no, no." Patuloy na umaatras si Camilla at kasabay ang pag-iyak. "No diyan ka lang. Diyan ka lang!" Bumaling ang tingin ng babaeng naka puti at tinuro siya nito na labis pa nag sitayuan ang balahibo sa katawan ni Camilla. "No. No. Huwag. Huwag mo akong sasaktan ahhh!" Tumama ang kaniyang likod sa malamig na pader at doon niya lamang napag tanto na iyon na ang pintuan ng banyo para labasan ng silid na iyon. Kailangan niyang tumakbo. Kailangan niyang maka- alis sa lalong madaling panahon. Nadadapa pa si Camilla sa labis na pag kataranta na bumangon at pilit na pinipihit ang doorknob pabukas. "Please buksan niyo ang pinto. Ahhh!" Malakas niyang sigaw sa labis na takot na unti-unti ng umahon sa bathtub ang nakakatakot na babae, na animo'y papunta na siya sa direksyon ko. "Ahh! No! Ahh!" Matinis niya pa din na tili na kinakalampag niya ang doorknob para mabuksan lamang iyon. Ginamit ni Camilla ang buong lakas at pwersa para lamang mabuksan lamang iyon. Pag tatanda niya sinaraduhan niya lamang ito at hindi ni-lock bakit hindi niya na ito ngayon mabuksan? Tila ba may kong ano man na masamang espiritu ang nag pupumigil na mabuksan niya lamang ang nasabing pintuan na animo'y mismo sa labas naka lock iyon, hindi sa loob. Hindi na maka kita ng maayos si Camilla dahil na rin sa walang humpay nitong pag-iyak. Ang gusto niya lamang matakasan ang nakakatakot na nilalang na gusto siyang saktan. Bumaling ang tingin ni Camilla sa babae sa likuran, na ngayon inapak na nito ang mga paa palapit sa direksyon ko. Umaagos din ang tubig na nag mumula sa katawan ng nakakatakot na nilalang na tanda na galing siya sa ilalim ng tubig na nag mumula sa bathtub. "No, please diyan ka lang. H-Huwag kang lalapit!" Pagitan ng pag-iyak ni Camilla at patuloy na kinakalampag ang doorknob. "May tao ba diyan!? Tulungan niyo ako! Tulong!" Malakas na sigaw at mamatay na sa takot si Camilla na hanggang ngayon hindi pa din nabubuksan ang pintuan. Palapit na ng palapit ang babae. Ilang hakbang na lang maabutan niya na ako. Ilang hakbang na lang sasakmalin niya na ako. "No! No! Please ahh!" Tila ba may kong anong enerhiya na nabuksan ni Camilla ang pintuan at doon na siya nag karoon ng pag kakataon na tumakbo na siya palabas para takbuhan ang nakaka takot na nilalang. "Ahh!" Matinis na tili ni Camilla ng may maka banga siyang matigas na bagay at pinag hahampas niya ito para bitawan siya nito. "Lumayo ka! Umalis ka! H-Huwag mo akong saktan!" Walang gatol na pag-iyak ni Camilla sa labis na takot na nanginig na ang kaniyang katawan. "B-Bitawan mo ako. Huwag mo akong sasaktan. Please lang." Pag mamakaawang tinig ni Camilla at kasabay ang pag agos ng kaniyang mga luha. "Hey, Hon It's me." Napukaw ang atensyon ni Camilla ng marinig ang tinig ng kaniyang asawa. Tuminggala siya at nakita niya ang nag-aalang mukha ni Marco. "M-Marco." Garalgal na tinig ni Camilla. Hinawakan ni Marco ang pisngi ni Camilla at hinarap sakaniya.. "What happened? Anong nangyari bakit ka umiiyak at sumisigaw ka ha?" Niyakap ni Camilla ng sobrang higpit ang asawa at kasabay ang pag hagolhol niya sa bisig nito. Ayaw ko na. Takot na takot na ako Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD