Chapter 4

2166 Words
Chapter 4 CAMILLA'S POV Pasado alas syete ng umaga at abala si Camilla sa pag wawalis sa kanilang bakuran. Mag-isa na lamang siya ng sandaling iyon dahil maagang umalis ang kaniyang asawa na si Marco dahil marami pa daw itong hahabulin na trabaho sa kompaniya. Hindi na namalayan ni Camilla ang nag daang minuto at segundo, at nalilibang na lamang siya sa pag wawalis. Hindi pa naman gaanong masakit ang sinag ng araw na pumapaso sa balat niya dahil napapalibutan naman ng nag tataasang mga kahoy ang kanilang garden. Mababa lamang ang kanilang bakod na gawa sa bakal. Napapalibutan rin ng magaganda at nag kukulay na mga bulaklak ang kanilang harden. "Hello," bati ng babae na naka- suot ng maikli na damit, na mag paagaw ng atensyon ni Camilla. Simple lamang ang itsura nito na halatang napa tigil ito sa pag jogging ng makita ako. "Hi," bati niya pabalik rito. Hindi naman kasi gaanong kilala ni Camilla ang mga tao sa subdivision dahil malimit lamang siya nag lalabas. Hindi niya naging kaugalian ang makipag kaibigan sa mga tao dahil mahiyain talaga siya. "Kayo yong bagong lipat diyan?" Lumapit pa ito palapit sa gate nila para gaanong mapag masdan ang kanilang bahay. "O-Oo kami nga." Nahihiyang sagot pabalik ni Camilla. "Pasensiya na, hindi gaano ako nakipag kilala sa'yo ng maayos. Ako nga pala si Maribel De Jesus, ang kapitbahay niyo. Diyan lamang ako naka tira sa tapat ng bahay niyo." Turo nito sa malaking bahay na katapat lamang ng bahay nila at sinilip naman ni Camilla. Doon nakita ni Camilla ang dalawang palapag ng bahay na mukhang mayaman ang dating at itsura no'n. "Pasensiya na kong biglaan kitang kina-usap. May asawa akong si Freddie kaso wala siya nasa trabaho. May dalawa rin kaming anak na pareho elementary pa lamang na si Charlote at Michael.. Masaya akong makilala ka, ano nga pala ang pangalan mo?" Mahinhin nitong pananalita. Base pa lang sa dating nito, alam na sa sarili ni Camilla na mabuti itong tao. "Ako nga pala si Camilla Mandaraog. Kami lamang ng asawa ko ang naka tira sa bahay pero mag-isa lamang ako ngayon dahil nasa trabaho siya ngayon." Nag shape lamang ng O ang bibig nito ng sabihin ko ang katagang iyon. "Ilang araw na kitang nakikita, kaso nahihiya lamang akong makipag-kilala sa'yo. Huwag kang mahiya dahil mababait naman ang mga kapitbahay natin sa subdivision. Kapag may kailangan ka, at kailangan mo ng kausap, huwag kang mahihiyang lapitan ako. Bukas ang aking tahanan Camilla." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. "Maraming salamat Maribel." "Anytime. Siya nga pala, kapag may time ka pumunta naman kayo ng asawa mo sa bahay namin sa susunod na araw. Birthday party kasi ng anak ko, at imbitado ko kayo. Pumunta kayo okay? Isama mo na rin ang kapatid mo." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. "Kapatid ko?" Kumunot ang noo ni Camilla sa katagang binanggit nito. "Oo, yung kapatid mo." Formal na tinig nito na labis ko naman kinabigla. "May nakita kasi akong babae na naka- dungaw sa bintana at pinag mamasdan kang nag wawalis kanina. Diba kapatid mo siya?" Labis ang sindak at gulat ang namuo sa dibdib ni Camilla ng marinig ang bagay na iyon. Sa pag kakatanda niya, siya lamang ang mag-isa ngayon sa kanilang bahay, pero anong babae ang sinasabi ni Maribel? Sino ang nakita niya? "Oh bakit ganiyan ang mukha mo Camilla? Okay ka lang ba?" Pag aalalang tinig ni Maribel ng mapansin nito ang pananahimik niya. "S-Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo Maribel? May nakita kang babae?" Pinag papawisan na si Camilla ng malamig na hindi niya mawari ang takot at kilabot. Tumango lamang si Maribel na animo'y wala lamang iyon sakaniya. "Oo, kanina ko pa nakita ang magang babae no'ng ako'y magising kanina. Akala ko nga ikaw iyon, pero nag kamali ako ng akala, dahil nakita kita sa ibaba na nag wawalis... Doon ko siya nakita oh." Turo ni Maribel ang bintana, kong saan ang silid naming dalawa ni Marco, at doon nag- sitayuan ang balahibo ni Camilla sa labis na kilabot na kaniyang nadarama at kasabay ang malakas na pintig ng kaniyang puso. Totoo ba ito? Nakita niya din? Nakita niya din ang babaeng madalas kong nakikita? Di- ibig sabihin hindi ko lamang iyon guni-guni ng aking nakikita? "T-Talaga? Anong itsura niya Maribel? Pwede mo bang sabihin sa akin kong anong suot niyang damit at k-kong ano ang itsura niya?" "Hindi ko gaanong napag masdan ang kaniyang itsura dahil malayo siya eh... Napaka ganda niya at naka suot lamang siyang puting bestida, mahaba at maitim ang kaniyang buhok na hanggang pwet ang haba." Pag describe nito na parehong-pareho kong ano ang itsura ng babaeng aking nakikita mismo sa bahay namin.. "Isama mo ang kapatid mo ha? Para naman makilala ko siya. Sige mauna na ako sa'yo Camilla." Paalam ni Maribel at naiwan lamang akong tulala. Wala sa sariling napa- bitaw si Camilla sa hawak nitong walis at hindi maiwasan na madarama ni Camilla ang takot sa kaniyang dibdib, habang naka masid sa bintana kong saan nakita na naka tayo ang babaeng nakita ni Maribel kanina. Wala na siyang makitang bakas ng anino ng babae sa bintana, at palaisipan pa din sakaniya ang babaeng naka puti. ***** Rinig ni Camella ang sunod-sunod na pag doorbell at pinag bukas niya ito ng gate. Nakita niya ang dalawang babae na sabik na siyang makita at makasama muli. "Pasok po kayo Mom," bati ni Camella sa Mommy ni Marco at niluwagan ang pag kakabukas ng gate. "Nandito po pala kayo Auntie Janeth." Nag mano siya dito ganun din sa Mommy ni Marco, bilang tanda ng pag galang. Ginaya niya na ito papasok sa kanilang bahay para makapag-usap ng masinsinan. "Hindi niyo naman po sinabi Mommy na darating kayo, para naman makapag handa ako ng makakain." Ginaya ni Camilla ito maupo sa couch ng marating nila ang sala. "Biglaan din naman ang pag bisita ko dito sainyo." Anito ni Mommy at ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng aming bahay ni Marco na pinag mamasdan iyon. "Hmm, maganda naman pala ang bahay niyo. Ang tibay niyong dalawa na mag pili ng style at gamit!" Naka- suot ng maganda at mamahalin na damit ang Mommy ni Marco at suot din nito ang mamahalin na kwentas at kong ano-ano pa sa katawan. Mabait naman ito at mahal na mahal si Camilla. "Maraming salamat po Mom." Hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla. Napa- baling ang tingin ni Camilla kay Auntie Janeth, na kapatid lamang ng Mommy ni Marco. Hindi lamang nag kakalayo ang kanilang edad pero hindi naman kasi ito iyong tipong babae na pala-salita dahil mas nanaisin na lamang nito ang maupo at manahimik na lamang. Pansin niya si Auntie Janeth, na kanina pa nag mamasid sa kanilang tahanan, na kahit hindi ito kumikibo. Napaka galaw ng kaniyang mga mata na hindi ito mapakali at takot na takot. "Siya nga pala, may dala akong mga pasalubong at mga gamit. Para sainyong dalawa iyan ni Marco." Naagaw muli ang atensyon ni Camilla ng mag salita ang Mommy ni Marco at nilahad nito ang mga paper bag at mga pasalubong na dala nito para sakanila. "Maraming salamat po talaga Mom. Napaka rami naman po neto, nag abala pa po kayo." Kinuha niya ang mga iyon at nilagay sa isang tabi. "Anything for you Camilla." Anito. "Hindi na naka- sama ang asawa ko dahil abala din sa work. Parehong-pareho silang dalawa ni Marco na napaka workaholic na pag dating sa trabaho.." Anito at perinting umupo sa couch. "Siya nga pala Hija. Ikaw lang mag-isa dito? Wala ka man lang na kasama? Like maid? Wala kayo?" Napansin siguro nito na mag-isa lamang siya sa bahay. "Wala po Mom." Namilog ang mga mata nito. "At bakit? Mas maganda na rin na may katulong ka dito sa bahay. Hindi kaba nalulungkot at natatakot kapag mag-isa ka lang dito?" Umiling siya bilang pag sagot dito. "Hindi naman po, at isa pa sanay na rin naman ako dito mag-isa." "Kahit na Hija, mas maganda na rin na may kasama ka dito sa bahay... May mga katulong pa naman ako sa bahay, pwede ko naman ipadala dito sainyo, para may katulong ka." "Hindi na po kailangan Mom, okay na po ako." "Okay ikaw ang bahala Hija… Siya nga pala, kamusta naman kayo ni Marco?" "Okay naman po Mom. Masaya lang ako dahil ngayon mag kasama na kaming dalawa." "Pinag- sasabihan ko din ang anak ko, na dapat mag karoon ng oras sa'yo man lang, para naman sa ganun mabigyan mo na kami ng Apo diba?" Kinilig siya sa sinabi nito. Sinusubukan nilang dalawa ni Marco, pero kong si Camilla lang talaga ang tatanungin, gustong-gusto niya na mag kaanak na silang dalawa ni Marco para naman makita at mahawakan na niya ang magiging anak nilang dalawa. Nag- kwentuhan pa sila ng Mommy ni Marco, kahit papaano naman nalibang si Camilla dahil sa pagiging madaldal nito. Nilibot niya ito sa kanilang bahay at labis itong namangha at nalibang kahit papaano. Marami pa silang pinag-usapan na kong ano-ano. "Tita Janeth?" Nilapag ni Camilla ang mga tasa ng kanilang pinag kapihan sa lababo ng makita si Auntie Janeth, na abala na naka harap sa refrigerator. "Nilalagay ko lang Camilla 'yong ibang mga pagkain sa re---" hindi na natuloy ang sasabihin nito ng bumaling ang tingin sa akin. Biglang namutla ang mukha nito sa labis na takot, at nabitawan ang hawak na paper-bag sa labis na sindak na gumuhit sa mga mata nito. Hindi ko alam kong anong nangyari sakaniya. Kong bakit ganun na lamang ang naging akto at reaksyon niya ng makita ako. Tila ba may nakita siyang nakakatakot na nilalang na siya lamang mismo ang nakakakita. "Tita Janeth? May problema ba?" Tawag niya dito pero ganun pa din ang kaniyang reaksyon, na tulala at namumula sa takot. "C-Camilla." Iyan na lamang ang kaniyang nasambit at kasabay ang pag turo ng kaniyang kamay sa likuran. Tumayo ang balahibo ko sa batok na animo'y may naka tayong nakakatakot na nilalang sa likuran ko lamang. Nag danak ang malagkit na pawis sa aking noo at leeg at dahan-dahan kong tinignan kong ano man ang tinuturo niya sa likuran ko. Pag lingon ko, wala naman akong nakitang nakakatakot na nilalang. Sandali. "Ano po iyon Auntie Janeth? Wala naman po akong nakita e---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng mamadaling lumabas si Auntie Janeth sa kusina na takot na takot. Naiwan na lamang ako sa kusina na tulala at naguguluhan sa nangyari. Isa pa din ang bumabagabag sa aking dibdib kong ano man ang nakakatakot na nilalang na kaniyang nakita. At bakit hindi ko iyon makita? Nag tagal pa lamang si Mommy at Auntie Janeth sa aming tahanan ng mahigit apat na oras, bago nila napag desisyonan na umuwi. Hindi ko na muling naka-usap si Auntie Janeth kong ano man ang nakita niya kanina. Sa tuwing nilalapitan ko siya at tinatanong, lalo lamang siya natatakot na hindi mapakali sa kaniyang kina-uupuan na animo'y naka masid lamang ang nakakatakot na nilalang. Namumula, at kakaiba din ang pag galaw ng mga mata ni Auntie Janeth, tulala din siya at hindi kumikibo. "Sige Hija, mauna na kami sa'yo. Mag ingat ka parati." Paalam ni Mommy ng hinatid ko na sila sa sasakyan. "Kayo din po Mom," nag beso na siya dito para tanda ng pag-paalam. Dapit alas- singko na ng hapon ng sandaling iyon at nag aagaw na rin ang dilim at liwanag sa kalangitan. Pumasok na si Mom sa loob ng sasakyan. "Camilla?" Naagaw ang aking atensyon ng marinig ang tinig. Nakita ko si Auntie Janeth na naka tayo malapit sa distansya ko, at ang kaniyang mga mata napaka likot pa din. Tila ba may gusto siyang sabihin sa akin, pero hindi niya alam kong papaano sisimulan. "Yes po Tita Janeth?" "Mag-iingat ka parati." Maikling letra na mag pakaba ng husto sa dibdib ni Camilla. Tila ba umiiwas si Auntie Janeth na mapa masid muli sa aming tahanan. "Napaka bigat ng pakiramdam ko sa bahay niyo." Anito na para bang may kinakatakutan ito. "Hindi ka nag-iisa ngayon sa bahay mo Camilla... Nakita ko s-siya kanina., May kasama ka ngayon.. H-Hindi siya matahimik ngayon." Anito at napaka- likot na ng mga mata nito. "A-Ano pong ibig niyong sabihin Tita Janeth?" Napaka- bigat na rin ng dibdib ni Camilla na hanggang ngayon hindi niya pa din alam kong ano ba talaga ang nangyayari. "Tara n Janeth, mala-late na tayo sa pupuntahan natin," sabat ni Mommy na maputol ang aming pag-uusap. Kinilabutan ako sa huling katangahan binigkas niya at napa titig ako sa bahay naming dalawa ni Marco. Sa huling pag kakataon hinawakan ni Auntie Janeth ang aking kamay at kay lungkot niya ako tinitigan, at sumakay na siya sa loob ng sasakyan. May kakaibang takot at kilabot akong nadarama, na animo'y may naka masid lamang sa aking ginagawa sa loob mismo ng aming tahanan, na ayaw ng pumasok ni Camilla sa loob sa labis na takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD