Chapter 3

1157 Words
Chapter 3 Ilang minuto na pinag mamasdan ni Marco ang kaniyang asawa na tulala at pinag lalaruan ang kubyertos sa pagkain sa plato nito. Napaka lalim at ilang beses na nahuli ni Marco ang asawa niyang humihikab na animo'y inaantok pa ito. "Hon, ayos ka lang ba? Mukhang napaka lalim ata ng iniisip mo," hindi mapigilan na maitanong ni Marco na kausapin ang asawa nito dahil nag- aalala na siya sa kinikilos nito. "H-Ha? Ayos lang naman ako Hon," tipid na ngumiti ito. "Ayos ka lang? Kanina mo pa pinag lalaruan ang pagkain. Hindi ba masarap ang niluto ko?" bumaling ang tingin ni Marco sa plato ni Camilla na kinabigla ng asawa, na hindi na namalayan na pinag lalaruan nito na ito gamit ng kubyertos. Tumikhim si Camilla at umayos ng pag kaka-upo. "Pasensiya na Hon, inaantok lang kasi ako," pinapakita na maayos lamang ito, pero kabaliktran ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Limang araw na ang naka lipas simula no'ng mag lipat sila sa kanilang bahay, pero pansin ni Marco ang pananahimik ni Camilla, na animo'y may bumabagabag sa isipan nito. Parati nitong tinatanong ang asawa kong ano ang problema pero parati nitong sinasabi na maayos lamang ito, pero kabaliktran naman ang kinikilos nito. "May problema ba Hon?" "Wala naman." Tipid na turan nito. "Naisipan ko lang. Ano kaya kong humanap tayo ng katulong Hon?" suhesyon nito. "Naisip ko rin na kailangan mo rin ng kasama at katulong kapag wala ako sa bahay.. Mabuti na rin iyon hindi ba? Para hindi ka masyado mapagod sa pag lilinis sa napaka laki natin na bahay." Napa-ngiti na lang si Camilla sa naging suhesyon ng asawa nito. "Huwag na Hon, gastos lamang iyon. Kapag may katulong na, lalo na akong mababagot niyan dahil wala na akong masyadong gagawin.. Alam mo naman na gusto kong nililibang ang aking sarili sa pag lilinis ng bahay diba?" Hindi na sumagot si Marco, dahil kilala niya naman ang asawa na ang hilig talaga nito ay ang pag lilinis. Bago kasi nila mag pakasal na dalawa, hiniling ni Marco na huwag ng mag trabaho at iwan ni Camilla ang naiwan nitong trabaho nito sa Canada. Gusto kasi ni Marco na kasama niya lamang ang kaniyang asawa, sa bahay para matutukan ng atensyon ang magiging anak nilang dalawa. "Are you sure about this?" Isang tango lamang ang sinang-ayunan ni Camilla. "Oh sige, hindi kita pipilitin. Bukas pa naman ang offer ko pag dating sa pag hanap natin ng kasambahay, kapag kailangan na natin talaga." "Maraming salamat Hon." "Siya nga pala Hon, kamusta na si Camille?" Napa tigil si Camilla sa pag subo ng mabangit ang pangalan ng kaniyang kakambal. "Simula kasi no'ng kinasal tayo, hindi man lang siya umuwi para man lang masaksihan ang kasal nating dalawa." Lingid kasi sa kaalaman na mayron na kakambal si Camilla, ang pangalan nito ay Camille. Matanda lamang si Camille kay Camilla ng ilang segundo lamang no'ng sila pinanganak. Identical twins silang dalawa ng kakambal niyang si Camille na mag kamukhang-kamukha talaga silang dalawa, na napaka hirap na matukoy kong sino talaga sa kanilang dalawa ang totoong Camille at Camilla kapag silang dalawa nag sama talaga sila. Gaya din ng mag kakambal, mayron din silang similarities na dalawa ng kaniyang kakambal. Mahinhin si Camilla na mag salita at kumilos samantala naman ang kaniyang kakambal, ay palaban at walang iniurungan. Iyon din ang kinaka-hangaan ni Camilla sa lahat ang pagiging matapang ng kaniyang kakambal, na wala no'n siya. "Si Camille ba?" Pinatong ni Camilla ang siko sa lamesa. "Naka-usap ko siya kanina at sinabi niyang mabuti naman ang kalagayan niya sa Canada. Humihinggi siya ng sorry dahil hindi siya naka-attend sa kasal nating dalawa dahil abala din siya sa trabaho, alam mo naman na napaka workaholic ng kapatid ko hindi ba?" Formal na tinig ni Camilla. Malapit silang dalawa ng kaniyang kakambal na hindi talaga sila nag kakahiwalay. Nakaka lungkot lamang dahil hindi ito naka attend ng kasal nilang dalawa ni Marco, at gustong-gusto din itong dumalo sa kanilang kasal pero hindi ito naka dating dahil na rin may importante itong trabaho. Hindi sila nawalan ng komunikasyon sa isa't-isa na hanggang ngayon napa-ngiti na lamang si Camilla dahil kahit may-asawa na siya, panay pa din ang pangungulit ng kaniyang kakambal sa tuwing nag-uusap silang dalawa sa telepono. Miss na miss niya na ang kakulitan at pala-kwentong kakambal niyang si Camille. "Siya nga pala Hon, kamusta naman ang trabaho mo? Hindi ka ba nahihirapan?" Pag-iiba ni Camilla sa usapan nilang dalawa. "Hindi naman Hon, maayos naman ang trabaho ko." Ngumiti na lang siya sa sinabi ni Marco. "Ngayon hindi naman gaanong nakakapagod, baka sa susunod na buwan magiging abala na ako dahil may aasikasuhin din kami ni Dad." Isang tango na lang ang sinagot ni Camilla. Pinag-patuloy nila nag pag-uusap sa hapag-kainan. Nang matapos na sila kumain, hinatid niya ang kaniyang asawa sa may labasan ng kanilang bahay at humalik si Camilla para tanda ng pag mamahal niya kay Marco. "Aalis na ako Hon, ingat ka parati dito." Niyakap siya ni Marco ng mahigpit at sinuklian niya naman ng asawa. "Mahal na mahal kita Camilla." "Mahal na mahal din kita Marco." Pinisil ni Marco ang kaliwang kamay at sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Marco ng mapa titig ito sa pulsuhan ng asawa. "Suot-suot mo pa din pala Hon, ang bracelets na regalo na binigay ko sa'yo noon." Tukoy ni Marco sa bracelet na binigay niya kay Camilla no'ng bago tumungo ng Canada ang dalaga. "Oo naman Marco, iniingat-ingatan ko kaya itong bracelet dahil galing ito sa'yo." Hindi na masukat ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla at binigyan siya ng asawa ng mainit na halik na kinapula naman nito. "Aalis na ako Hon." Isang tango lamang ang sinukli ni Camilla at kumaway na siya ng simulang paandarin ng asawa ang sasakyan nito palabas sa kanilang munting tahanan. Sinarado ni Camilla ang gate at nilabas niya muli ang phone at chinat ang kaniyang munting kakambal. "Kamusta bal?" Iyon kasi ang tawagan nilang dalawa ni Camille. "Maayos naman ako dito, lumipat na kami ni Marco sa aming bagong tahanan, diba ang saya no'n? Sana nandito ka lamang, para naman maka sama na kita. Mahal na mahal kita Camille. Ingat ka parati diyan sa Canada." Pinadala niya ang mensahe at ilang segundo wala siyang na receive na anumang text or reply mula dito. Nag asseum na lamang siya na malalim ang pag kakatulog ng kaniyang kapatid ng sandaling iyon. Hindi mapigilan ni Camilla na mapa-ngiti habang pinag mamasdan ang palitan nila ng voice message at chat ng kapatid sa isa't-isa ng ini-scroll niya ang conversation nila sa isa't-isa ni Camille simula no'ng naka- raang buwan at mula kahapon. Gusto niya na talaga itong maka sama, pero matagal pa siguro makaka-uwi ang kaniyang kakambal. "I miss you Camille," iyon na lang ang nasambit ni Camilla at nag lakad na siya papasok ng bahay na may ngiti na gumuhit sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD