Hindi ko alam kung ilang piraso ng buko ang dala namin. Pinulot nya isa isa ang mga buko na nalaglag. I tried to help him pero madiin ang pag tanggi nya. Butil butil tuloy ang pawis nya nang matapos nya nang ilagay sa likod ng owner ang mga buko. And Lord, I really love what I saw. Heat crept into me seeing him half naked, muscles flexing and his tanned skin almost glowing.
Inabot ko ang damit nya na pasimple kong inaamoy amoy kanina and it smelled exactly what I thought it would be. Hindi nya na yun sinuot at sinampay na lang sa balikat nya at nag drive na sya pabalik. Papadilim na ng kaunti.
“Pwede malaman kung ano'ng oras na?” Maya maya ay tanong nya.
I looked at my phone. “Quarter to six. Why?”
“Makakaabot pa naman siguro ako.” Kibit balikat na sabi nya.
“Ha? Saan?”
Nagkamot sya ng batok at parang nahihiya na tumingin sa akin. “May laban po kasi kami ng basketball.”
“Oh? Liga?” Na excite ako bigla.
“Hindi. Katuwaan lang. May pinagawa kasi na maliit na court si Sir Ram malapit sa mga bahay namin para libangan. Nagka ayaan kanina na maglaban kaming mga binata sa mga mas matatanda.”
Tumango tango ako. “Seems fun.” Sabi ko na lang.
“Uhm g-gusto mo ba manuod?”
Napakurap ako, contemplating kung nagkamali ako ng dinig.
“Ha? Ako?”
Ngumiti sya at tumango. “K-kung wala ka sana gagawin.”
“Sure! I'll tell Bee.” Wala na akong pakealam kung mukhang eager ako o ano. Bukod sa ito na ang pagkakataon na naisip kong i open iyon kay Argos ay gusto ko rin makapanuod ng basketball game nila. Mukhang masaya.
Tinulungan ko na si Argos magdala sa loob ng mga buko at sinalubong rin kami ng ibang katulong. I Immediately told Bee about the game.
“Sure! Magpahatid ka na lang pabalik para sa hapunan. Enjoy!” She winked at me and I just rolled my eyeballs at her.
Sumakay kami ulit sa owner. Yung daan papunta sa Kubli ang dinaanan namin pero may nilikuan si Argos. Ilang sandali pa at may kumpol ng mga bahay na akong nakita. May bamboo fence at bamboo gate papasok. Maingay ang paligid, may mga bata na naglalaro kahit padilim na. May mga ilaw sa labas ng bahay.
“H-hindi ba nakakahiya?” Tanong ko nang maka baba na kami. Bigla ay parang nawalan ako ng confidence.
“Hindi. Alam naman nila na may bisita sa mansion.” Suot nya na ang t-shirt nya at nakapamulsa sya ngayon sa harap ko.
“S-sure ka?”
Imbes na sumagot ay nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko at hilahin nya ako. Automatic na nagpadala ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang nagising lahat ng nerves ko nang mag dikit ang mga balat namin. He opened the bamboo gate and we went inside. Napatigil ang mga bata sa pag lalaro, pati na ang ilang mga babae na nagkukwentuhan.
Dumiretso kami sa kumpol ng mga babae.
“Magandang gabi ho. Si Via po pala, bisita sa mansion.” Tumayo sa gilid ko si Argos para ipakita ako sa kanila. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil hawak nya pa rin ako.
Binati ako ng mga kababaihan na halos pulos mga nanay.
“Isasama ko lang po sya sa laro.”
“Bilisan nyo na at kanina pa sila doon. Baka nagsisimula na!” Sabi ng isang babae.
He gently pulled my hand again. Nakatingin lang ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko habang papunta kami sa kung saan man kami pupunta. Parang wala lang sa kanya ang gesture na iyon pero it felt special for me.
Ilang bahay ang dinaanan namin na napapasunod ng tingin sa amin ang ilang tao na nakakakita sa amin. At the end, we saw a small court. May mga nasa gitna na pero hindi pa naman nagsisimula. May mga upuan sa paligid at may mga nakaupo.
“Argos! Ang tagal mo naman! Hinihintay ka namin.” May lalaking galing sa likod ko ang nagsalita. Nawala ang ngiti nya nang makita ako.
Marahan akong hinila ni Argos papunta sa likod nya at sya ang humarap sa lalaki. “Pasensya na, inutusan ako ni Ma'am Bea. Naglabas na ba ng pusta?”
Sumilip ako at kita ko na nakatingin pa rin sa akin yung lalaki. Pero humarap rin sya agad kay Argos para sagutin sya. “O-oo. Kanina pa. Hinahanap ka nila Tatang. Puntahan mo sila dun.” Tapos ay tumingin sya ulit sa akin.
“Sige.” Sabi lang ni Argos at nilingon ako. “Via, upo ka na lang muna dito.” Marahan nya akong hinila para maupo sa bakanteng concrete bench na nakapalibot a court.
“S-sige.”
“Babalik lang ako agad.” He smiled at me softly bago nya hinarap yung lalaki at inakbayan paalis kahit na sumusulyap pa rin sa akin.
Luminga linga ako. Ang lakas naman ng loob kong sumama dito. We aren't even close!
But I need to ask Argos about my offer! I sent his picture to my boss a while ago, the one I took while he was standing by the car bago kami pumunta sa Kubli and I am just waiting for the response. Once na makakuha ako ng go signal, come what may, kailangan kong bumalik sa Manila na kasama si Argos.
Pinagtitinginan ako ng mga bata at matanda na nandoon. Lahat sila ay nagtataka kung sino ako, malamang, although may ilan nang nakakita na kasama ko si Argos. Nakita ko si Argos na pumunta sa kumpol ng kalalakihan sa kabilang dulo ng court kasama yung lalaki kanina. Medyo maingay yung crowd nila.
“Hi.”
Nagulat ako nang may tumabi sa akin na lalaki. Maliwanag doon dahil sa madaming ilaw kaya kita ko na halos ka edad ko lang yung lalaki. He was wearing a yellow jersey uniform with number twelve. Kahit nakaupo ay masasabi ko na may kaliitan ang lalaki.
“H-hello.” Pinilit ko ngumiti.
“Kayo po ba yung bisita ni Sir Ram?” Magalang na tanong nya.
“Ah, o-oo.”
“Mabuti naman po at napadaan kayo dito.” He was all smiles at me.
“Ah, k-kasama ko si Argos.” Lilingunin ko na sana kung nasaan sya nang makita ko sya na palapit na sa amin. Malalaki ang mga hakbang nya at tumayo sya sa harap namin nung lalaki.
“Quentin, magsisimula na daw tayo. Pumunta ka na doon.” Seryoso at parang walang gana na sabi nya sa lalaki.
Tiumawa ang lalaki sa tabi ko. “Sabi ko nga. Sige, nice meeting you.” Tumango sya sa akin, tumayo at pumunta na sa crowd na pinanggalingan ni Argos.
Umupo sa tabi ko si Argos. “Pasensya ka na, iniwan kita saglit. Kailangan ko magbigay ng ambag.” Nahihiyang sabi nya. Hinawakan nya ulit ang kamay ko.
“O-okay lang.” Hindi magkandatuto na sabi ko.
May lalaking pumunta sa harap at pumito, magsisimula na ang game.
“Galingan mo ha?” Natatawa na sabi ko nang tumayo na sya dahil tinawag na sya.
Ngumisi sya. “Matagal na akong magaling pero gagalingan ko pa kasi nanunuod ka.” Dahil nakaupo ako at nakatayo sya sa harap ko. He pat my head bago sya nag thumbs up na pumunta sa gitna ng court.
Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko dahil sa sinabi nya. Yung mga nerves ko kanina na nabuhay nang hawakan nya ako ay nagwawala na.
Natapos ang laban na nanalo sila. Basang basa si Argos ng pawis at nahihiya pa syang lumapit sa akin.
“Okay lang naman, ano ka ba? Mukha ka pa rin mabango.”
Nagkamot lang sya ng batok.
“Magbibihis lang muna ako tapos ihahatid na kita. Dito muna tayo sa bahay.” Tinuro nya yung bahay na nasa kaliwa namin. Bukas ang pinto at malakas ang tunog ng TV. Pinauna nya ako pumasok. The space for the living room was small but clean and neat. Bamboo sofa ang upuan. May naabutan kaming babae na may hawak na cellphone at nakaupo sa single seater na malapit sa pintuan.
Mabilis na tumayo yung dalagita nang makita na pumasok kami.
“Kuya, dumating ka na pala. Tapos na yung game? Panalo na naman kayo?” Masigla na tanong nya.
“Oo. Panalo, syempre. Alam mo naman.” Natatawa na sagot naman ni Argos.
Nag landing sa akin ang tingin nung babae. “Kuya, sino sya?”
Nilingon ako ni Argos. “Bisita sa hacienda, si Via.”
“Ah.” Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
“Ah, Via, kapatid ko nga pala, si Amihan.”
“Hello!” Ngumiti ang dalagita at kumaway pa.
“H-hello.” Nahihiyang sabi ko.
“Upo ka muna, Via. Magbibihis lang ako tapos ihahatid na kita pabalik.”
Tumango ako at umupo sa sofa. Umupo sa upuan sa harap ko si Amihan na nakatingin lang sa akin. I smiled at her awkwardly nang wala na si Argos.
“Ilang taon ka na?” Biglang tanong nya.
“T-twenty seven.”
Tumango sya. Napalingon kami nang may pumasok na lalaki na may kargang bata. Inilapag nya ang bata sa harap namin. Curly hair, big doe eyes. Around five years old.
“Linisan mo na nga si Miko. Ang dumi dumi, nagwala na naman sa daanan nung pinapauwi ko na.” Parang pagod na pagod na sabi ng lalaki.
Malaki ang hawig nito kay Argos, may kaputian nga lang kumpara sa kanya. May dimple din ang lalaki sa kaliwang pisngi at clean cut ang buhok, unlike Argos.
Tumawa si Amihan at hinila ang bata. “Dito na kay Ate. Hugas ka muna tapos kain na tayo ha?” Malambing na sabi nito sa bata.
Tumango lang ang bata na halatang galing sa pag iyak. Madumi ang damit nito at magulo ang buhok.
“Sino..” Hindi naituloy ng lalaki ang tanong dahil napatingin na ito kay Amihan.
“Ah, bisita sa hacienda. Si Via. Kasama ni Kuya yan, nagbibihis lang sya tapos ihahatid na.”
“Ah..” Matiim ang tingin sa akin ng lalaki.
“Habagat, tulungan mo na si Tatay sa likod. Ihahatid ko lang si Via sa hacienda.” Mula kung saan ay lumabas si Argos. Naka suot na ito ng itim na sando at itim na shorts. Agad kong naamoy ang pabango na gamit nya. It doesn't smell cheap, though.
Tumayo ako at humarap sa kanila.
“Sige, kuya. Dumaan ka na rin kila Joanna, nagpapasama pala sya sayo sa Robinson kanina, pero sabi mo pupunta ka ng Cauayan kasama si Sir Ram. Pero nakita ka nya papunta sa mansion kaninang tanghali.”
I bit my lower lip when I heard a girl's name. I didn't like the sound of it.
“Sige na, ako na bahala.” Imbes ay sabi ni Argos at tinapik sa balikat ang kapatid.
Tahimik kaming naglakad pasakay sa owner. Bago pa umandar ang owner ay nakatanggap na ako ng message mula kay Mrs. Chua. And I was right. She wanted Argos too.
“Uhm m-may sasabihin sana ako sayo.”
“Ano yon?” Nagsimula nang umandar ang owner. Madilim na kaya bukas na ang ilaw.
“Kasi ano, bago ako gusto mo ba ng sideline?”
“Sideline?”
“I mean, ibang trabaho, dagdag sa trabaho mo dito sa hacienda. Dagdag kita din.”
I heard him chuckle. “Wala naman ako ibang alam na trabaho kung hindi ang trabaho dito sa hacienda. High School lang ang tinapos ko para matulungan si Tatay dito. Kuntento na rin naman pati kami, nakakapag aral sila Habagat at Amihan ng kolehiyo. Kapag mag aaral na si Miko, makakatulong na rin naman siguro sila.”
I cleared my throat. “Hindi mo ba minsan naisip na ano, lumuwas sa Maynila? Nakapunta ka na ba sa Maynila?”
“Minsan ako sinama ni Sir Ram pero hindi na naulit. Hindi ako sanay sa Maynila, maganda yung ibang lugar na nakita ko pero iba ang pamumuhay ng mga tao doon.”
I bit my lower lip. Paano na? Ni hindi ko pa nga nasasabi ang offer ko, mukhang aayaw na talaga sya.
“Bakit mo nga pala natanong?” Maya maya ay liningon nya ako.
Dumadampi sa balat ko ang lamig ng hangin sa gabi habang umaandar ang owner.
“I was about to offer you a job.”
“Anong job?”
Na confused ako. “Job? It means trabaho sa tagalog.”
Maya maya ay tumawa na naman sya. “High school lang ang tinapos ko pero nakaka intindi ako ng English, hindi nga lang ako nakakapag salita.”
Uminit ang mga pisngi ko sa hiya. “Oh, I'm sorry. I thought.. Shit.” Mahina akong napa mura.
“Ayos lang. So ano yung sinasabi mong trabaho?”
Napabuga ako ng hangin. Winawaglit ko ang pagkahiya dahil ito na ang oras para masabi ko kay Argos ang gusto kong sabihin.
“Model, Argos. Sa magazine na pinagtatrabahuhan ko at dating pinagtatrabahuhan ni Bee.”
Biglang bumagal ang pagtakbo ng sasakyan hanggang sa tumigil iyon. Kitang kita ko na ang bahay at liliko na lang at malapit na.
“Modelo? Nagbibiro ka ba?” May naglalaro na ngiti sa mga labi nya.
Napakurap ako. “I am not. I am offering you a modeling job.”
Napailing sya at muling pinaandar ang sasakyan. “Sigurado akong madaming iba dyan na mas gusto ang mag modelo para sa inyo.”
“Pero ikaw ang gusto ko.”
“Bakit ako? Hindi mo ba ako nakikita, eh kahapon pa tayo magkasama? Makapal ang kalyo ko sa kamay, hindi perpekto ang katawan ko, maitim ako at probinsyano. Ano bang tingin mo ang pwede mo maasahan sa akin?” He still find it funny, I can see.
Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at hinanap ang kuha ko sa kanya. “Look at this.” Ihinarap ko sa kanya ang cellphone ko, sya namang pagtigil ng sasakyan dahil nasa tapat na kami ng hagdan paakyat sa pintuan ng bahay. “Look at yourself.” Picture nya iyon habang nakatulala sa kung saan at nakasandal sa SUV bago kami pumunta sa Kubli.
Kunot ang noo na tiningnan nya ang cellphone ko at mabilis na tumingin naman sa akin. “K-kinukuhaan mo ako ng litrato?” Puno ng pagtataka ang boses at mukha nya.
Mabilis kong binawi ang cellphone ko. “No! Yes! I mean, that's beside the point. Ang point dito, pwede ka maging model. Yang katawan mo? Who says na hindi sya perfect? It's perfect for me. Your skin color is very sexy. Your jaw, your eyebrows, your lips. Ako na nagsasabi sayo, pwede ka maging model!” I am being desperate at sana ay maka kuha ako ng 'OO' mula sa kanya.
Kumurap kurap sya bago ngumisi. “Hindi ko akalain na ganyan pala ang tingin sa akin ng isang taga Maynila na kagaya mo, Via.”
I gasped. Then napa urong ako palayo sa kanya. Hindi ko napansin na masyado na akong malapit sa kanya while convincing him. The air between us is being thick.
“Argos, what I'm saying is, I really think na perfect ka para maging model ko sa naiwan kong trabaho.”
Unti unti na naging seryoso ang mukha nya. “Pasensya ka na, Via. Gusto man kita tulungan, wala akong balak na bumalik sa Maynila. Tsaka isa pa, ano ang iisipin sa akin ni Sir Ram? Ayoko iwan ang trabaho ko dito. Kaya sana makahanap ka na lang ng iba.”
Those were his final words. Hindi na ako nakapag salita pagkatapos noon. Bumaba ako at tumingin lang sa kanya. Nahihiya na nagpaalam sya sa akin at pina andar ang owner palayo.