My first night at Isabela was relaxing. I told Bee na nabanggit sa akin ni Argos yung Kubli at isasama nya daw ako doon bukas na bukas din. Hindi ako mahilig sa mga bata but I really love carrying Briel, sobrang behave at tawa ng tawa.
“He really likes you!” Bulalas ni Bee nang maabutan nya na tawa ng tawa ang bata habang karga ko. She was carrying a bottle of milk. Kasalukuyan kaming nasa balcony habang hinihintay na maihanda ang hapunan.
She had to teach me how to hold their baby boy. May mga pamangkin ako sa dalawang kapatid ko na mas matatanda sa akin but I never met them when they were still babies. Pulos sa ibang bansa kasi sila pinanganak ng mga kapatid ko, so carrying Briel is really life changing.
“Sana nga.” Natatawa na sabi ko. I pinched his nose softly and he giggled again.
“Here, painumin mo ng gatas.” Inabot nya sa akin ang bote.
“What? No! I could not barely carry Briel, papainom pa ako ng gatas? Maawa ka sa unico hijo mo, Bee!” I feel horrified.
Ang lakas ng tawa ni Bee. “Akin na nga! Grabe ka makapag react!” Naiiling na kinuha nya sa akin ang bata at pinadede. Tinitingnan ko lang silang dalawa hanggang sa maubos na ni Briel ang gatas at tinawag na rin kami ni Ram para mag hapunan.
Inihaw na bangus at barbecue ang ulam kaninang tanghalian, may mga natira pa naman pero ang sinigang na baka ang main ulam that night. Luto daw yun ni Ram and I am very impressed. Pinakarga muna sa yaya si Briel habang naghahapunan kami.
“Honey, I'm gonna bring Via in Kubli tomorrow.” We're in the middle of our dinner when Bee told Ram that.
Napatigil sa pag subo si Ram. “Kayo lang?”
“I'll bring Briel with us.”
Tinitingnan ko lang sila habang nag uusap. They talk so casual pero kita at ramdam ko yung pag tingin nila sa isa't isa. They look so good together. Akalain mo nga naman na yung pagpilit ko na si Bee na lang ang ipadala ko dito sa Isabela got her her husband.
“But I can't drive you. Bukas ang punta ko sa Cauayan.” Kunot noo na sabi ni Ram.
“Ako na lang?” Mahinang sabat ko. Although hindi ako palaging nagda drive since mas pinili ko na lang na mag commute rather gamitin ang sasakyan ni Daddy, I am pretty sure I still know how to.
Sabay sila na napatingin sa akin.
“No. I'm not going to let you drive. Bisita ka namin.” Naiiling na nakangiti na sabi ni Ram. “I'll just tell Argos to accompany you both. Si Joaquin na lang isasama ko bukas.”
Kusa akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Ram. Si Argos! Hindi ko na kailangan hanapin sya mismo para tanungin kung gusto nya ba na mag model para sa magazine. Sya na mismo ang pinapalapit ng tadhana. Este ni Ram.
Narinig ko na tumawa si Bee. Sabay kami ni Ram na napatingin sa kanya.
“What's funny?” Salubong ang kilay na tanong ni Ram.
“Nothing. May gusto lang kasi itanong si Via kay Argos and tomorrow might be the right time.” Nakangisi na sabi ni Bee.
Napa awang ang labi ko.
“Kay Argos? What is it?” Nagpalipat lipat ng tingin ang asawa ni Bee sa amin.
Tumawa ulit si Bee. “Nevermind, Honey. Kain na lang tayo.”
Nagkwentuhan pa kami ni Bee after nyang patulugin si Briel. Sa kwarto pa rin daw nilang mag asawa natutulog ang bata. Pasado alas onse na kami pumunta sa mga kwarto namin at natulog. Hindi ako namahay, mabilis akong nakatulog and I woke up still feeling relaxed.
I can hear the birds and it felt nice seeing trees and plants the moment na buksan ko ang kurtina ng kwarto ko. We have the whole day to go places since bukas pa yung birthday ni Briel. This isn't my first time here dahil dumalo ako ng kasal nila almost three years ago. Sadly, sa binyag ni Briel at sa first brirthday ay sila Beks at Will naman ang naka attend. This time, solo ko naman dahil hindi pa sila ulit pwedeng mag leave.
Kakalabas ko pa lang ng banyo matapos ko maghilamos nang katukin na ako ng katulong para sa agahan. I prepped my face and hair then went down. Napangiti ako nang makita na pinapakain ni Bee si Briel while in a high chair.
“Briel Spencer! Say ah! Bilis! Nandito na ang airplane! Yehey!” Parang bata na sabi ni Bee. She was using the old airplane spoon technique at malugod naman iyon na kinain ng bata.
I sat on the chair in front of them at tiningnan ko lang sila.
“Hey, you're awake. How's your sleep?” Magiliw na bati ni Bee.
“Never been better! Ang sarap dito!”
“Well, pwede ka naman mag extend.”
“I can do that kung makahanap na ako ng model sana.”
“Sabi mo si Argos?”
“I haven't even told him yet! Besides, hindi ko alam kung papayag sya so I am really still not sure.” Kibit balikat na sabi ko.
Ayaw na kumain ni Briel kaya kinarga na iyon ng yaya nito at hinainan na kami ng mga katulong ng pagkain sa hapag.
“Use your charm.” Panunudyo pa ni Bee.
Inirapan ko lang sya.
“Sa Kubli ka na lang pala maligo. After natin kumain, pupunta na tayo doon.”
“Ganito kaaga?”
“Why not? Isa pa, magpa araw ka naman. Ang putla mo!”
Napanguso ako. “Sino hindi mamumutla, eh kulob na nga sa office, may nagtayo pa ng apartment sa tapat ng bahay kaya hindi na kami halos mainitan.”
“Exactly! In an hour pala, pupunta na yon si Argos.”
Sumikdo ang dibdib ko upon hearing his name. Napa straight ako ng upo dahil sa pagka gulat. Why would I feel that way just hearing his name?
“I can lend you a bikini. I have a lot.” Sabi ni Bee nang tapos na kami kumain.
“What? No. Shorts and sando will do.” Agad na tanggi ko. Bigla ako nahiya knowing na makikita ako ni Argos and I don't want him to think na baka nagpapapansin ako sa kanya.
Eh bakit nya naman iisipin yon? Ugh!
Nagpalit ako into shorts and sando. Nagkasalubong kami ni Bee. Maliligo din daw sya and nasa sasakyan na si Briel kasama ang yaya nya. Nagpa dala din daw sya ng ilang snacks at drinks. Sabay kaming lumabas at sinalubong kami ni Argos na naka tulala sa kawalan habang naka sandal sa sasakyan at nilalaro ang susi.
He was wearing a white shirt and his signature maong na kupas na bagay na bagay sa kanya. I got my phone and took a snap of him thrice. Natatawa na siniko ako ni Bee pero patay malisya lang ako nang makita nya na kami na pababa.
“Sa harap ka na, dito na ako sa likod kasama si Briel.” Hindi pa ako nakakapagsalita nang itulak ako ni Bee palapit kay Argos na hawak ang pintuan.
“Okay! Kailangan manulak?” Kunwari ay inis na sabi ko.
Tinawanan lang ako ni Bee at mabilis na sumakay.
Nginitian ako ni Argos bago nya isara ang pinto at umikot para sumakay sa driver's seat. We're riding a gray SUV. Yung Pajero siguro ang gamit ni Ram. Hindi ko na sya nakita kanina so malamang na umalis na sya.
Briel's being a darling. Lahat kami ay tumatawa lang dahil pinapagaya sya ni Bee ng words and phrases such as Briel pogi na nagiging “Bey gi!”
Focus lang si Argos sa pagda drive at para namang sira si Bee na nginunguso si Argos at ngingisi sa akin. Iniirapan ko lang sya. Nang makababa na kami ay ipinarada ni Argos ang sasakyan sa tabi ng isa sa iilang bahay na nandoon. Sya rin ang nagbitbit ng isang basket ng pagkain at mga inumin. I can see the veins in his arms while holding the basket. Parang wala lang iyon sa kanya pero namimilipit na ako sa kasexy-han noon.
We met a few older women na sabi ni Bee ay asawa ng mga trabahador doon na tumutulong tulong din sa taniman. Like what Argos said yesterday ay may dinaanan kami na maliit na gubat. Ilang hakbang pa at rinig ko na ang pagbagsak ng tubig mula sa falls.
“Oh wow! This is beautiful!” Agad na bulalas ko. Tinakbo ko na palabas sa mga puno when I saw the glimpse of the falls.
“Exactly what I said when I saw this the first time.” Sabi ni Bee sa likod ko.
Dumiretso kami sa isang kubo at inilapag ang gamit doon.
“Maligo ka na rin, Argos. Kaysa tumunganga ka dyan.” Maya maya ay sabi ni Bee.
Nahihiyang ngumiti si Argos at umupo sa pawid na upuan sa gilid ng kubo. “Maghihintay na lang po ako.”
Hinila ko na si Bee at naligo na kami. I love the water! It's cold and clear! Hindi ganoon kalaki ang paliguan pero masarap at presko. Naghahabulan kami ni Bee na parang bata at minsan napapalingon ako kay Argos.
Fine. Madalas ang paglingon ko.
“Ayain ko ulit maligo?”
Nilingon ko si Bee. Nahuli nya ako na nakatingin.
“Will you stop that?” Taas kilay na sabi ko.
“Stop what?” Nakangisi na sabi nya.
“Yang pang aasar mo. I just want him to be the model, alright? Nothing more.” Tinalikuran ko na sya dahil baka hindi ko na mapanindigan ang pag poker face ko.
Tumawa si Bee. “Wala naman kaya ako sinasabi.” Pakanta na sabi nya.
Umahon na si Bee at nagpatuloy lang ako sa paliligo. Napalingon ako sa pampang when I heard a splash after a while. It wasn't Bee dahil nakita ko sya na naka upo sa nipa hut at nilalaro si Briel. Napalunok ako when I saw a white shirt and maong pants hanging in a vine nearby.
“Oh no.” Usal ko.
Bumulaga sa harap ko ang basang mukha ni Argos. “Hello!” Nakangiti na sabi nya.
Napa atras ako. “Uy!” Gulat na sabi ko. Hindi sinasadya na napayuko ako. What is he wearing then?!
Tumawa si Argos. “Wag kang mag alala, hindi ako naka hubad. May suot akong shorts sa ilalim ng pantalon ko.”
“Ay h-hindi naman y-yon..” Gusto kong tumanggi pero huli na ang lahat.
He grinned and swam away.
I bit my lower lip. Damn it!
Dahil sa hiya ay lumangoy na lang ako papunta sa mismong hinuhulugan ng falls ng tubig. Hindi ko alam kung ilang beses ako na nag mura dahil sa inis ko sa sarili ko. Pasimple ko syang tinitingnan habang palangoy langoy. His broad shoulders are flexing in his every move and I am trying not to look at him pero para syang magnet. I felt the heat slowly creeping inside me and I don't know if I like it or not.
Masyadong malakas ang atraksyon na nararamdaman ko para sa kanya and I need him to be my model!
Ilang sandali lang at umahon na rin sya. Parang nag slow motion ang paligid nang umahon sya at nag inat ng braso. I can fully see his abs, broad shoulders and biceps in one view! At hindi ko alam kung bakit sa dami naman na ng nakita kong model ay si Argos ang view na gustong gusto ko. Tumalon talon sya ng ilang ulit habang nakatalikod sa akin tapos isinuot ang t shirt nya at binitbit ang pants nya.
“Via! Kain muna tayo!” Tawag ni Bee.
“Wait!” I screamed.
Pumasok sa loob ng kubo si Argos. Paglabas nito ay naka suot na ito ng pants. He looks fresh. Isinampay nya ang suot nyang basang shorts. Medyo nabasa ang pants nya marahil dahil sa basang brief nya.
Sandwich, fruits and chips plus bottled juice ang nasa basket na dala namin. Parang hindi mapakali si Argos dahil palakad lakad ito.
Three hours din kami halos nag stay doon bago kami umuwi. Leather ang cover ng seat ng sasakyan kaya pala iyon ang ginamit namin dahil malamang na basa kaming uuwi pagkatapos naming maligo sa falls. Tulog si Briel nang pauwi na kami.
“Sa bahay ka na mag tanghalian, Argos. Tapos kung wala ka ibang gagawin, isama mo si Via at kumuha kayo ng buko para sa buko salad bukas.”
Out of nowhere ay sinabi iyon ni Bee. Hindi ko nagawang mag react.
“Ay, nasabi na po sa akin ni Sir Ram. Si Joaquin po sana ang kukuha kung hindi sya ang sinama ni Sir.”
Nahihiya man ay sumabay pa rin sa amin kumain si Argos, pero umuwi muna sya at nagpalit ng damit. He came back na tamang tama at naka ligo at naka bihis na rin kami ni Bee. Tahimik lang kaming lahat habang kumakain.
Dahil mamaya pa pwede kumuha ng buko dahil mainit pa ay umuwi muna si Argos. Babalik na lang daw ito mamayang alas singko. Inilibot ako ni Bee sa buong kabahayan at sa paligid. Isang gabi lang kasi ako dito the last time that I came. I had to go back the next day of their wedding.
Umidlip ako at nag alarm ng alas singko. Bumaba ako at tamang tama ay kadarating lang daw ni Argos. I am loving the province life. Fresh air, ang sarap sa mata na puro green ang nasa paligid. This time ay owner type jeep ang dala nya.
“Ilan ba ang sasakyan dito? Lahat dina drive mo?” Curious na tanong ko, hoping na hindi na maungkat yung nangyari kanina sa Kubli.
“Si Tatay kasi dati isa sa mga truck drivers dito. Tapos nung natuto ako, ako na pumalit sa kanya para sa bukid na lang sya. Madami sasakyan si Sir Ram. Yung Pajero madalas nya gamitin. Yung kanina naman, two months ago pa lang yun na bibili. Itong owner, service dito sa hacienda pati yung isang Honda. May mga motorbikes din. Tapos may anim na truck para sa mga gulay.” Seryoso na sabi nya habang nagda drive.
Tumango tango ako. “I see.”
“Ikaw, marunong ka ba mag drive?”
“Ako? O-oo. Although bihira ako mag drive.”
“May sasakyan ka?” Seryoso pa rin sya at focus sa daan. Medyo malubak dahil lupa ang dinadaanan namin at hindi sementado ang daan. Malawak na palayan at taniman ang nasa paligid.
“Uhm oo. Yung isa, regalo pa sa akin nila Mommy at Daddy when I graduated tapos pinapahiram ko sa pinsan ko. Then I bought another one pero naisip ko kasi, mag isa lang naman ako. Malaki ang nako consume na space ng sasakyan ko kaya dagdag traffic.”
Bigla syang lumingon sa akin at ngumiti.
Napa straight ako ng upo. “B-bakit?”
He shrugged his shoulders and chuckled. “Kung sana lahat ng tao sa Maynila ay kagaya mo mag isip.”
Napakurap lang ako sa sinabi nya. He parked the owner and got out immediately. Kinuha nya ang isang itak na nasa lalagyan mula sa likod at sinabit sa bewang nya, tapos hinubad nya ang suot na t-shirt.
“Pwedeng paki hawak?” Inabot nya sa akin ang gray na t-shirt nya at atubili na kinuha ko iyon. “Madudumihan kasi at sagabal lang sa pag akyat.”
Nasisilayan ko na naman ang magandang katawan ni Argos.
“Salamat. Dyan ka lang, ha? Baka malaglagan ka ng buko kapag lumapit ka.”
Tumango lang ako.
Tumalikod na si Argos at naglakad. Bumalik ako sa katinuan at kinuha ang cellphone ko and took some more shots of his sexy back. He looked hot while walking too. I feel obsessed with this guy. He's drop dead gorgeous but he seemed to be not aware of it.
Sana lang ay kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob tanungin sya tungkol sa offer na mag model sa summer special ay pumayag sya.