Chapter 1 - Goodluck.
“What the hell is taking Adrian so long?” Nakapamewang na tanong ko sa tatlong tao na nasa harapan ko. Thirty minutes na ang nasasayang sa oras ko. I was supposed to be in my office now.
“Ma'am Via, hindi ko pa rin po ma contact si Sir Adrian.” Nakangiwi na sagot sa akin ng assistant ko.
Natampal ko ang noo ko. “So? Anong gagawin natin? Tutunganga tayo? Mrs. Chua has already been asking for sample shoots. Anong sasabihin ko? Na hindi ma contact ng secretary ko si Adrian Lopez kaya mag hintay sya?”
Natameme ang tatlo sa harap ko. Alright, I am not usually hot headed. Pero pressure ang kalaban ko sa project na 'to.
Napabuga ako ng hangin. “Alright. Just keep on contacting Adrian and his manager.” Kalmado na sabi ko sa assistant ko. Tumango sya at umalis na. Bumaling ako sa dalawang nasa harap ko. “I'm sorry for the delay, kapag hindi pa dumating si Adrian in thirty minutes, pack up muna tayo.”
Tumango ang dalawa sa harap ko.
Pasalampak na naupo ako sa couch na nasa studio. Luminga ako sa paligid. Sampung tao kasama na ako ang nagsayang ng halos dalawang oras para lang sa shoot na 'to kung hindi na naman susulpot si Adrian Lopez. He wasn't even my first choice! Kinailangan lang na umuwi sa Spain ang original model na kinausap ko because his mom's sick.
Louis Salcedo's manager suggested Adrian Lopez. At napaka unprofessional naman pala! This happened twice! Kapag hindi pa sya nagpa kita ngayon, well, kahit sa akin na mabunton ang sisi ay papalitan ko na sya. Ayoko ma stress sa walang kwentang tao.
Nang hindi talaga dumating si Adrian ay dumiretso na ako sa office. Iniwan ko na muna ang assistant ko para mag asikaso. I told her to drop Adrian Lopez.
Nakaupo na ako when I saw a card in front of me.
Napangiti ako when I already saw what's inside. An invitation from Bee, with a one way ticket to Isabela.
Second birthday ng anak nya. Oh, I wouldn't miss it for the world. Lalo na ngayon at stress na stress ako sa summer special dahil sa specific model an gusto ni Mrs. Chua. Wala naman sila magagawa kung bigla ako umalis at mawala ng ilang araw.
I packed my bag and left after three days.
Napagalitan ako ng boss ko pero tinanggap ko iyon. It's my fault for thinking na magiging mabilis ang pag usad ng project na 'to because I thought there will be available models. Pero napaka specific ni Mrs. Chua and who am I to argue? I told her na next week, siguradong naka hanap na ako.
But I don't mean that. I don't really know kung makaka hanap ako ng model na gusto nya. Bee's husband can be a good candidate but hell, I doubt kung papayag si Ram lalo na si Bee. Three months bago manganak si Bee ay pinatigil na sya ni Ram mag trabaho. They are now both staying in Ram's house in their Hacienda. It's funny whenever I think about how the two of them met.
The moment na nakababa na ako ng eroplano ay agad ko na tinawagan si Bee. They are supposed to pick me up with his husband. Turned out, nagkaroon ng kaunting aberya sa bahay nila kaya isa sa mga trabahador na lang daw nila ang magsusundo sa akin.
They told me where to wait for a black pajero. I took some photos and uploaded it on my i********:. As an editor in chief, I lived up to the people who know me's expectation when it comes to my i********: profile. I have a few thousands of followers that I interact with on my free time.
I was done munching a cupcake when I spotted a black pajero coming my way. Inayos ko ang suot kong sunglasses at nag handa nang ngiti. Tinted ang salamin kaya hindi ko agad makita kung sino ang susundo sa akin.
Isang maliit na maleta at hand bag lang naman ang dala ko. The driver's door clicked and a man came out of it.
Unti unting nawala ang ngiti ko when I started seeing the whole appearance of the man.
He was towering me. Bukas ang unang dalawang butones ng suot nyang white and red checkered long sleeves polo na naka angat hanggang sa siko nya, revealing more of his tanned skin. Matangos na ilong, prominent jaw and small and chinky eyes with full eyebrows. Halatang may kahabaan ang buhok nya at nakatali iyon sa likod. Man bun.
Kapag gumagalaw sya ay umaangat ng bahagya ang polo nya, revealing his leather belt. Perfect fit ang kupas na maong na suot nya. May ilang punit iyon pero mas nakadagdag sa appeal ng buong outfit nya. He came near me and he smelled soap and sun.
“Miss Via?” Malagom ang boses nya. Kita ko pang gumalaw ang adam's apple nya. His voice was deep. Lalaking lalaki at bagay na bagay sa itsura nya.
“Y-yes.” I cleared my throat. Umiwas ako ng tingin at umatras ng isang hakbang.
“Ako po yung sundo nyo. Galing akong Hacienda Esquillo.” His voice was cold but there’s something endearing about it. Parang may nasaling syang parte sa katawan ko na nakiliti ako after hearing him speak.
“Ah. o-oo.” I smiled. It wasn't even the first time I saw a good looking specie like this pero kakaiba ang impact nya knowing na maaaring tauhan sya sa Hacienda but with his looks, he can be one of the models from agencies across the country.
Parang slow motion ang bawat pag galaw nya. Calculated and precise. Tuwing naka side view sya ay hindi ko mapigilan na
“Ito lang po ba ang dala nyo?” Naka tingin ako sa mga labi nya as he speak. It looked luscious. Na conscious tuloy ako kung dry ba tingnan ang mga labi ko sa kabila ng nude lipstick na suot ko.
Liningon ko sya. I am trying to regain my cool. I don't want to look stupid in front of this guy.
“Yes. Yan lang. Ilang araw lang naman ako.” I smiled coyly at him.
Tumango sya at ipinasok na ang luggage ko sa likod ng sasakyan. He opened the door in the middle at tiningnan ko lang sya. There’s something s****l in the way he moves. Hindi ko alam kung I am just exaggerating things. The way he move his hips makes my eyes automatically look at it.
“Sakay na po kayo para mabilis na tayong makabalik.” Now, he's smiling. Pero kaunti lang. Parang naka reserve yung mas malawak nyang ngiti. Tuwing nagsasalita sya ay tinitingnan nya ako. I don’t know if he’s just like that pero gusto kong isipin na gusto nya lang kasi talaga ako tingnan.
“Bakit dyan?” Kunot noo na tanong ko.
He blinked, tapos nagkamot ng ulo na parang confused. “Bakit po Maam?”
“I mean.. hindi ba pwede sa harap na lang din ako?”
A few seconds more at parang lumiwanag ang mukha nya. “Ayos lang naman po. Baka lang mas kumportable kayo dito.” Napapailing na sinara nya ang pinto at binuksan ang sa unahan.
I quickly got in, ganon din sya. Before I knew it, we're already on the way.
Para akong bata na pasulyap sulyap sa katabi ko. Walang car freshener ang sasakyan, kaya ang pinaghalong amoy ng araw at sabon na naamoy ko kanina ang pinaka pabango na naaamoy ko sa sasakyan, and I won't complain. Lalaking lalaki, bagay na bagay sa itsura nya.
“Matagal ba ang byahe?” Curious talaga ako.. at gusto ko rin sya makausap.
“Aabot po ng isang oras.” Binigyan nya na naman ako ng matipid na ngiti. Ngayon ko napansin kung gaano kakinis yung mukha at balat nya.
“Ah, so pwede naman siguro ako umidlip?”
Tumango sya bago sya tumingin ulit sa daan. Umiwas ako ng tingin dahil masyadong intense ang pagtingin nya. Or I am just being assuming.
Imayos ko ang sarili ko at ihinanda na ang pag idlip pero nakikiramdam ako. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal umidlip nang maramdaman ko na tumigil ang sasakyan. I opened my eyes in an instant at lumingon sa driver, na nakatingin na pala sa akin.
“Bakit tayo tumigil? Nandito na ba tayo?” Luminga ako. No, mukhang nasa palengke kami.
“Maam pasensya na po, may kailangan lang po akong bilhin sandali. Kakatawag lang ni Ma'am Bea, nagkulang daw po ng ilang ingredients.” Parang nahihiya na sabi nya.
“Ah. Okay lang. Sige.” I gave him a reassuring smile.
Mabilis syang lumabas sa sasakyan matapos iyon ma lock. Nakita ko syang pumasok sa palengke. Lumilinga linga ako sa paligid tapos nag check ng ilang emails and notifcations. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas, madami daming comments na rin ang nasagutan ko at tweets na nareplyan when I heard the door click on the back.
Ipinasok ng lalaki ang dalawang plastic na hawak nya at inilapag sa upuan sa likod bago mabilis na sumakay. Imbes na mangamoy palengke ay parang lalong tumindi pa ang pinaghalong amoy ng araw at sabon sa kanya. Weird, but I like it.
“Byahe na po tayo ulit.” Nakangiti na sabi nya bago sya kumambyo para maka alis na kami.
“Via na lang.” Mahinang sabi ko.
“Ano po?” Kunot ang noo na nilingon nya ako saglit bago muling ibinalik sa daan ang tingin.
“Via na lang itawag mo sa akin. Wag ka na rin mag 'po' sa akin. I feel like an old maid.”
Tumawa sya.
And I liked the way he laughed.
I notice everything about him and I feel like an idiot. Am I flirting? No? Yes? Ugh!
“Sige po- Ay, sige. Pero hindi pwedeng walang Ma'am ang tawag ko sayo. Bisita ka sa Hacienda kaya kailangan kita galangin.” He was smiling while being focused on the road.
“Sus, kalokohan. Via na lang. Hindi naman yata nagkakalayo ang age natin.”
Tumango lang sya.
“Ano'ng pangalan mo?”
“Argos.”
“Wow. Unique.”
“Argos kasi gustong gusto ng Nanay na nagpapahinga sa Kubli habang nakikinig ng agos ng tubig nung pinagbubuntis nya ako.” There's this twinkle in his eyes while saying that.
Tumango tango ako. Ngayon pa lang, I am already enjoying my ride. “Kubli?”
“Ah. Tagong parte ng Hacienda. Madalas doon sila Ma'am Bea. May maliit na gubat at water falls.”
“Wow. Talaga? Parang gusto ko rin pumunta.” Naiisip ko pa lang yung lugar ay naeexcite na ako.
“Sabihin nyo na lang po kay Ma'am Bea, sigurado sasamahan nya kayo.”
I cleared my throat. “May 'po' ka na naman.”
I saw him moved his shoulders then just apologetically smiled at me.
Ilang saglit pa at naka idlip ako. Nang maramdaman ko na tumigil ang sasakyan, I opened my eyes and I saw Bee running down the stairs from their main house. She was wearing a yellow summer dress, her hair in a bun and she's really glowing!
Bumaba ako nang binuksan ni Argos ang pinto.
“Hey!” We hugged instantly.
“I am so excited you're here!” Parang bata na sabi nya. She looked through me and saw Argos. “Ay, Argos, dyan mo na lang yang luggage. Ipapakuha ko na lang kay Ram mamaya. Pasensya ka na ha? Wala kami makuhang driver kanina.” Lumapit si Bee kay Argos.
Kita ko kung paano mamula ang lalaki at parang nahihiya na ngumiti ay Bee. “Ayos lang Ma'am, hindi pa naman kailangan ng tao sa bukid. Ako na ho magdadala sa taas, wala pa naman po ako gagawin.”
“Sigurado ka? Dami ko nang abala sayo.”
Umiling lang ang lalaki at kinuha ang mga luggage ko at mabilis na umakyat.
I was just looking at him the whole time. I felt disappointed knowing na baka may gusto si Argos kay Bee but can I blame him? Bee's a natural seductress. She's really pretty, smart and madali maka palagayan ng loob.
“Hey, so how's the ride?” Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ulit si Bee. Wala na sa paningin ko si Argos.
“Okay naman. He's nice.” Mahinang sabi ko.
Nagsimulang maglakad si Bee at marahan nya akong hinila. “Sino, si Argos?”
Tumango lang ako. Umaakyat na kami sa hagdan at kita ko na agad ang malaking pintuan papasok.
She giggled. “Gwapo pa, no? Selos na selos dyan si Ram dati, natatawa nga ako kapag naaalala ko.”
Tinitigan ko si Bee. I feel so stupid for trying to find a clue na may gusto rin sya kay Argos. But there's none. And I should stop.
“Pero mabait lang talaga sya. He's polite. Isa sa pinaka masipag sa mga trabahador. Anyway, Ram's at the back, nag-iihaw ng mga isda at barbecue.”
“And the baby?” I asked as we approach the door.
“Nasa taas, natutulog. Bumaba ako saglit para salubungin ka, eh.” Malawak ang ngiti ni Bee. She looks so happy and contented.
“Hiyang na hiyang pagka nanay sayo. You look so pretty!” Hindi ko mapigilan sabihin.
Malakas na tumawa si Bee. “Asus! Ikaw kasi, mag asawa ka na rin. Masarap sa pakiramdam, promise!”
I rolled my eyeballs at her. “Busy pa ako.”
Tumawa sya ulit. “Mukha ka ngang ngarag. Inagahan ko talaga yang ticket para kahit papano makatagal ka dito kahit ilang araw.”
“Glad you did that. Nakaka stress. I have been ditched by an unprofessional model twice and I fired him.” Bumalik ang init ng ulo ko upon remembering.
“Sus, gaano ba kahirap mag hanap ng kapalit?” Taas kilay at nakangisi na tanong nya sa akin.
“Not really, kung nagbigay ng specific na type si Mrs. Chua.” Nasapo ko ang noo nang mabanggit ko ang pangalan ng boss ko.
Bee seemed to be enjoying hearing my complaints. “And what are the specifics?”
“You remember when you called me two weeks ago and I asked for your husband?”
Nawala ang ngiti nya at napalitan ng pagtataka. “Aha. Why?”
“Well, I was gonna ask you if he would want to be, pero sinabi mo agad na busy sya sa Hacienda nya.”
“Why would you want my husband to be your model?” Natatawa na naman na tanong nya.
“Tanned, sexy and fresh face. That's what Mrs. Chua wants.”
“Oh. Ram wouldn't really like that.”
“Exactly what I think, kaya hindi ko na rin inopen sayo. But I saw someone who can be, though.” Sabi ko nang makita na pababa mula sa hagdan si Argos. Bukas na ngayon ang mga butones ng suot nyang polo at pinipisil pisil ng isang kamay nya ang braso nya.
Lumingon si Been upon realizing I was looking at her back.
Humarap sa akin si Bee at ngumisi. “Good luck then.”