Warning: This chapter contains graphic s*x scenes and adult language intended for mature readers only. Not suitable for young readers or sensitive minds. Natagpuan ni Proserpina ang sariling nasa loob ng parehong silid na pinagkulungan sa kanya noon ni Hades, sa Mansiyon de Crassus. Ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi na siya bilanggo sa apat na sulok ng silid na iyon. Doon siya dinala ni Hades, dahil pareho silang basang-basa ng ulan. Nakatayo siya sa gitna ng malapad na silid, ilang dipa mula sa malaking kama. Si Hades naman ay hubad mula baywang pataas, at nakasandal ang likod sa nakapinid na pinto, nakatitig sa kanya. Malapot ang tingin nitong nakasunod sa bawat galaw niya. Nakatalikod siya kay Hades, pero bahagyang nakapihit pakaliwa ang mukha niya. Gusto niyang mahagip ng gilid