“Pakidala nga itong data sheet sa opisina ng Operations Director.” Iniabot ng HR personnel kay Proserpina ang papel na maingat na nakaipit sa itim na clipboard. Tumango naman siya at kaagad na lumabas ng opisina. Tatlong araw na buhat nang huli nilang pagkikita ni Hades. Mula n’un ay wala pa siyang may natatanggap na mensahe o tawag mula rito. Sa pagdaan ng mga araw ay palaki nang palaki ang nadarama niyang kahungkagan. Gustung-gusto na niya itong makita ulit. Nagpatuloy siya sa matamlay na paglalakad hanggang sa marating niya ang lobby ng kompanya. Napabuntong-hininga siya upang kahit papaano’y pagluwagin ang nagsisikip niyang dibdib. Nakatingin siya sa unahan, subalit lumilipad ang isipan niya. Biglang nagdagsaan ang mga tao sa lobby. Maging ang dalawang babae sa likod ng reception des