Napahawak si Pina sa kanyang balakang habang naglalakad siya patungong pantry ng Vasileía. Kukuha lang siya ng mainit na tubig sa water dispenser at babalik din agad sa loob ng opisina, pero ang tagal niyang makarating sa paroroonan. Masakit kasi ang katawan niya, lalo na ang kanyang baywang at balakang. Tinotoo ni Hades ang sinabi nitong hindi siya titigilan hanggang hindi siya pinapanawan ng ulirat. Masarap naman ang ikapitong langit sa piling nito, pero pakiwari naman niya ay nangabali ang mga buto niya sa katawan. Ang laking tao kaya ni Hades. “Ms. Proserpina!” Napapitlag siya sa pagtawag ng kung sino sa kanyang pangalan. Paglingon niya ay eksaktong bumulaga sa kanya ang nakangising mukha ni Leo. “Leo!” singhap niya. Napalingap siya sa paligid upang tiyaking wala ni anino ni Ha