“Hindi ka ba sasama sa aming kumain sa pantry? Kung gusto mo, sumabay ka na sa amin.” Napalingon si Proserpina sa Supervisor niya. Inaaya siya nitong kumain kasama nito at ng dalawa pang HR officers. Nasa pintuan na ang mga ito at siya naman ay nasa loob ng opisina sa pinakadulo at nakatapat sa multi-function printer, para mag-reproduce ng sampung kopya ng memorandum na hawak niya. Tipid siyang ngumiti at magalang na tumanggi. “Ahm, mamaya na lang ako. Tatapusin ko lang ’to. Hindi pa naman din ako ganoon kagutom talaga. Marami akong kinain kaninang 10-minute break ko,” pagdadahilan niya. Ang totoo ay gusto niyang silipin ang palapag kung saan naroroon ang opisina ni Hades. Nagbabakasakali siyang makita ito. Baka hindi pa kasi ito kumakain. Gusto niya lang ipaalala ditong huwag itong magp