Umawang ang mga labi ni Proserpina dahil sa inalok sa kanya ni Hades. Napatitig siya sa mga mata nito. His eyes that were like black ravens across the night time sky held an emotion of deep sincerity in them. And that emotion burned bright and vivid in his obsidian eyes. Titig na titig ito sa kanya at alam niyang wala itong planong pakawalan siya hanggang hindi siya sumasagot. Pinisil nito ang kamay niya, habang magkahugpong pa rin ang kanilang mga tingin. Gusto siya nitong lunurin sa paraan ng pagkakatuon ng mga titig nito sa kanya. “Live with me… please?” Ang himig ng boses nito ay tila sinusuyo siya, animo nakikiusap na sumang-ayon siya. Paano ba niya ito tatanggihan kung ganoon karubdob ang paraan nito ng pag-aalok sa kanya na tumira na siya kasama nito sa ilalim ng iisang bubong? Ku